Chereads / Playing With Forever / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

CHAPTER TWO

"STONE!" malakas na bigkas niya. Nasa rooftop siya nang mga sandaling iyon at hinahanap ang lalaking nagmamay-ari ng pangalang iyon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya sa corridor, from Jeff's harassment, Stone coming into her rescue, to combing his hair, ay naging maayos na ang mga sumunod na pangyayari. Naging kaibigan niya ang huli, at hindi na uli siya binuliglig pa ni Jeff. Everything was going smoothly, except for one thing. Nagiging pasaway ang puso niya kapag kaharap niya ang binata. Habang tumatagal ay lalo pang lumalalim ang nararamdaman niya rito. No matter how much she denied it, the feeling kept clinging into her.

"Hoy," wika ng isang baritonong boses mula sa likuran niya.

Lumingon siya at nakitang nakasalampak na naman sa semento ang lalaking hinahanap niya. Magulo pa rin ang may pagkakulot nitong buhok na bahagyang tumatabing sa mukha nito. May hawak na naman itong libro sa kamay. Hula niya ay isa na naman iyong recipe book. Nalaman niya kasing isa pala itong culinary arts student. At hindi lang iyon, scholar pa ito ng foundation na itinatag ng mga magulang niya. Mapaglaro talaga ang tadhana.

"There you are," aniya at naglakad patungo rito.

"Kung makasigaw ka naman, para kang nire-rape ng sampung langgam."

Umingos siya. "Ang sabi mo kaya, kapag may kailangan ako, tawagin ko lang ang pangalan mo."

Simula ng iligtas siya nito sa mga kamay ni Jeff ay naging kaibigan na niya ito. Naging malimit ang pagkikita nilang dalawa sa rooftop na napag-alaman niyang tambayan nito kapag wala itong klase. Doon lang daw ito nakakahanap ng katahimikan. Iyong walang iistorbo at sasagabal sa pag-iisip nito. Everyday, she got to know him little by little. At kahit na may ugali itong i-exclude ang sarili sa karamihan, alam niya na hindi ito masamang tao kagaya ng iniisip ng iba.

"Hindi ko naman sinabing ipagsigawan mo sa buong mundo," napapailing na sambit nito. "May kailangan ka?"

"Yup! Birthday kasi ni Mommy next week. Gusto ko sana siyang ipagluto ng cake. Hindi ko naman alam kung paano," nakangusong wika niya. Unfortunately, tulog siya nang araw na mamudmod ang Itaas ng talent pagdating sa pagluluto. Aside from hard-boiled egg, ay wala na siyang ibang alam pa na putahe. Kung putahe nga ba na maituturing ang nilagang itlog. Hindi rin siya nabigyan ng pagkakataon na pag-aralan iyon dahil lumaki siyang may nagluluto para sa kanya. Ayaw din ng mommy niya na lumalapit siya sa kusina kung hindi lang naman siya kakain. Her parents always wanted the best for her. Kahit na minsan ay hindi na napapansin ng mga ito na hindi na niya pala kailangan ang mga ibinibigay ng mga ito sa kanya.

"Bumili ka," bale-walang sagot nito. Ni hindi man lang ito nag-angat ng tingin mula sa librong binabasa nito.

Inirapan niya ito. Kung hindi lang siya sanay sa kamanhiran nito ay baka nabatukan na niya ito. Minsan talaga, napaka-nonsense ng mga banat nito. Iyong tipong ikakapikon ng isang tao. He always seemed not to care with his environment.

Hinila niya ang manggas ng uniform nito. "I want to bake it myself. Help me!"

Isinara nito ang librong binabasa at tiningnan siya. "Ako na lang ang magbe-bake. Ano bang flavor ang gusto ng mommy mo?"

"Ayoko. Gusto ko ngang matuto, eh," she insisted.

Stone let out a sigh. "Nakapagluto ka na ba minsan sa buhay mo?"

Umiling siya. "Hindi pa."

"Yum, mahirap lang ako. Kapag nagkataong nasunog mo ang boarding house namin, wala akong ipambabayad do'n."

Napasimangot siya. "Sige, ikaw na lang, Strawberry cake ang gusto ni Mommy," may himig tampo na sabi niya.

Kung makapagsalita naman ito, parang kaya nga niyang makasunog ng isang boarding house. Gusto lang naman sana niyang subukan kung kaya niya rin ang ginagawa nito. Pakiramdam niya kasi kapag itinapon siya sa isang lugar kung saan wala siyang aasahan kundi ang sarili niya, ay hindi niya kakayaning mabuhay. Since she was a kid, everything was served on a silver platter. Gusto naman sana niyang maranasan na maging normal minsan sa buhay niya. Pero mukhang hindi siya mapagbibigyan sa bagay na iyon.

Napalingon siya sa direksiyon nito nang bigla na lamang nitong guluhin ang buhok niya.

Stone was gazing down at her with warm eyes. "Fine. I'll teach you," saad nito.

Bumakas ang gulat sa mukha niya. "Talaga? Hindi ka natatakot na masunog ang boarding house niyo?" nag-aalalang tanong niya. Baka nga palayasin ito ng landlady nito kapag nagkataong may ginawa siyang hindi tama.

"Let's just make sure that that won't happen," kibit-balikat na tugon nito.

"Yieee! Thanks, Stone!" masayang turan niya at niyakap ito ng mahigpit. He might think that it was just nothing, but to her, it was the best thing that someone did to her. Ang akala ng marami, dahil nasa kanya na ang halos lahat ng materyal na bagay ay wala na siyang hinahanap pa. Ang hindi alam ng mga ito, maraming mga bagay na hindi nabibili ng pera ang wala siya. Most of the time, she just wanted to be herself, but she couldn't. Kahit kasi saan siya pumunta ay nakasunod ang anino ng mga magulang niya.

Her parents owned one of the biggest publishing companies in the country. And that made her in a position which she needed to show people how behaved she was. Limitado at bantay-sarado palagi ang mga kilos niya. Hindi siya puwedeng gumawa ng isang bagay na mali sa paningin ng sosyedad, dahil baka ikasira iyon ng reputasyon ng mga magulang niya. Seriously, it was exhausting her already. But what choice does she have? The only solution that she could think of was to finish her studies and have her own life. If that's even possible.

"You're choking me already, Yum," pagkuwa'y sabi ng binatang yakap niya habang tinatapik ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg nito.

But having Stone in her life made everything easier. He brought everything in its right perspectives.

She pinched his cheeks. "Ang cute mo talaga, Bato!"

KASALUKUYANG nasa boarding house sila ni Stone at naghahanda ng mga kakailanganing ingredients sa lulutuin nilang cake. Ang akala niya ay may sariling kusina ang tinutuluyan nito, kaya nagulat siya nang sabihin nitong makikigamit lang sila sa landlady nito. The place wasn't big, but she could see that it was enough for him. Hindi niya maisip ang sariling nakatira sa ganoon kaliit na kuwarto.  And probably sharing one shower with bunch of people.

Jeez, her parents would surely freak out once they found out where she was right now.

"Ready?" untag ng binata sa kanya.

Sunud-sunod siyang tumango. "Yes!" malawak ang ngiting sabi niya rito.

Kagabi pa lang ay handang-handa na siya. She even bought a new apron. Halos hindi siya makatulog kagabi sa kakaisip nang mangyayari sa araw na iyon. She was darn excited with her first attempt of cooking. Sana lang ay hindi iyon maging disaster. And hopefully, she wouldn't be burning down the house, like what Stone said.

Nakahanda na ang lahat ng mga gagamitin nila. Stone moved around the small kitchen with ease. Kinuha nito ang mixing bowl at isang box ng strawberry cake mix.

Iniabot nito iyon sa kanya. "Pour the contents on the bowl," utos nito.

Kinuha niya sa mga kamay nito ang cake mix at mixing bowl. Sinunod niya ang sinabi nito. Then he handed her three eggs and told her to crack it and put in the bowl as well. Cups of water and cooking oil, and then she was on the mixing procedure. Kung anu-ano pa ang iniutos nito sa kanya, na malugod naman niyang sinusunod. Hinahayaan siya nitong gawin ang lahat, but at the same time ay tinuturuan siya nito ng tamang paraan, lalung-lalo na sa pagmi-mix ng mga ingredients. He was lecturing her like a real professor does to his student.

Hindi niya napigilang matawa nang i-picture out niya ito bilang isang guro. Ito lang siguro ang professor na punkista pero ubod ng guwapo.

"What are you laughing at?" kunot-noong tanong nito.

"You," she grinned at him.

Naningkit ang mga mata nito. "And what is it with me that made you laugh, Miss Barcelona?"

She giggled. Now, he really looked like a ruggedly handsome professor.

"Naisip ko lang kung bagay kang maging teacher. Bagay naman pala," kagat-labing sabi niya.

"Ah, gano'n? Hindi pa buo ang cake mo, baka gusto mong magback-out ako?" banta nito sa kanya pero nakangiti naman.

Ngumisi siya. "Ikaw naman, masyado kang tampururot. Parang binibiro ka lang, eh," aniya sabay pahid ng icing na kumalat sa kamay niya sa mukha nito.

"What the fu—" hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. "You really are in big trouble, lady," umiiling na sambit nito saka pinahiran ang pisngi nitong nilagyan niya ng icing.

She gave him a peace sign and took a step backwards. Nakita niyang kumudlit ito ng icing sa mixing bowl at humakbang patungo sa kanya. She took couple of steps away from him. Alam niyang gaganti ito sa kanya. It was obvious of how he gazed at her. His eyes were dancing with mischief. He looked so dangerous.

Napatili siya nang akmang idadampi nito ang kamay sa kanyang mukha. Mabilis siyang tumakbo palayo rito hanggang sa para na silang baliw na naghahabulan sa loob ng maliit na kusina. Sumasabay ang tili niya sa mga tawa nito. They were like kids playing around and not minding the world revolving on them. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa isang parte ng buhay niya kung saan nakaligtaan niyang gawin ang lahat ng bagay na iyon. She failed to have having fun. She failed to discover that there were still plenty of things out there.  She never felt alive like she was feeling right now.

Muli na naman siyang napatili nang tuluyan siyang ma-corner ni Stone at punuin nito ang mukha niya ng icing. Panay ang iwas niya sa kamay nito. They were both laughing like total fools. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling nakabalot na pala ang mga braso nito sa baywang niya habang ang dalawang mga kamay naman niya ay nasa tapat ng dibdib nito, trying to push him away.

She felt his heartbeats under her palms. It was as if, she could almost touch his heart with her bare hands.

Inalis nito ang isang kamay nitong nakapalibot sa katawan niya. He gently caressed her face. Hindi man lang nito alintana ang nagkalat na icing sa kanyang mukha. Bigla ang pagragasa ng iba't ibang damdamin sa puso niya. Darn! She was really in love with him.

"It's funny how big of an impact you have on me. It's like when I see you, you don't even have to speak. All you can do is smile, and it would make my day, and then that's how I remember my reasons for loving you," walang kaabog-abog na saad ni Stone. "And yes, I've been in love with you since the first time I saw you, Yum," dugtong pa nito.

Umawang ang mga labi niya. Was she hallucinating? Masyado ba siyang napagod sa kakatakbo kanina kaya kung anu-ano na ang mga naririnig niya? It couldn't be possible that he was in love with her also, could it be? Napaka-suwerte naman niya para mahalin rin siya ng taong mahal niya. Iyon pa man din ang kinakatakutan niya. She was scared that she might fall for him and not be able to love in return. But did she really hear it right?

"Hey," he cupped her face. "Say something," udyok nito.

"Y-you're kidding, r-right?" nauutal na turan niya.

He gently smiled at her. "Much to your dismay, I'm not," anito habang humahagod pa rin ang palad nito sa kanyang pisngi.

"H-how?"

"How did I fall in love with you? Actually, I don't know. I tried figuring it out, but I failed, kaya hinayaan ko na lang. Basta ang alam ko, mahal na kita nang makita kitang nadapa sa stadium," nagpipigil ang ngiting saad nito.

Her brows furrowed. Stadium? That incident happened two years ago. First year pa lamang siya noon at kasalukuyang pinapatakbo sila ng one-hundred meter dash ng P.E teacher nila. At dahil dakilang lampa talaga siya ay hindi niya nagawang tapusin ang stunt na iyon. Nasa kalahati pa lang siya ng pagtatakbo nang madapa siya. Hiyang-hiya siya nang mga panahong iyon. She couldn't even face her classmates who were obviously laughing at her. But then one good soul helped her to stand up on her own two feet.

Nanlaki ang mga mata niya. "It was you!" malakas na sabi niya. Ito ang lalaking tumulong sa kanya na makatayo habang abala ang lahat sa pagpipigil ng tawa ng mga ito. It was him who brought her back on the crowd, and nobody even dared to laugh. And he just actually told her that he was in love with her ever since that day.

Oh my God. He loves me for two long years already.

Sa naisip ay bigla na lamang niya itong tinalon at niyakap. Hindi niya alam kung ano ang magandang nagawa niya sa mundong ibabaw para ibigay ito sa kanya. Ni hindi nga niya alam kung deserving ba siya sa pagmamahal nito, pero hindi siya nagrereklamo. In fact, she was so thankful for having him in her life.

Inilayo siya nito sandali rito. Nagtatanong ang mga matang tinitigan siya nito.

Oh! Yeah, right. He needed an answer. At bilang sagot, ay malapad siyang ngumiti rito bago ito binigyan ng malakas na halik sa mga labi. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

She grinned. "I love you too."

The shock on his face was priceless. Bumuka ang mga labi nito pero wala namang namutawing salita sa mga iyon. She caught him off guard and that made her giggle. Ang cute pala nitong tingnan kapag speechless.

"Hey. Say something," panggagaya niya rito.

"Dammit," he muttered under his breath.

She giggled. Jeez, she really got him speechless!