Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 48 - The Truth

Chapter 48 - The Truth

[Memory]

Mga pulang rosas.

Umuulan ng mga rosas...

Mag-isa akong nakatayo ngayon sa gitna ng malawak na hardin ng mga pulang rosas habang sinasalo ko ang bawat pulang petals na nahuhulog sa kamay ko.

Nagtaas ako ng mukha at nakita kong sa harapan ko ay may isang napakalaking puno ng pulang rosas. At doon nanggagaling ang mga pulang petals na umuulan sa akin ngayon.

"My lady" ang biglang sulpot ng boses na iyon.

Agad naman akong napalingon sa pinagmulan ng boses.

At ang nakita ko ay ang gwapong lalaking yun na napakagwapo sa suot nyang puting tuxedo. The white tuxedo he's wearing gave more intense reflection into his beautiful deep blue eyes.

Light...

"Magsisimula na po ang ceremony..." he whispered.

He said that.

Pero nakikita ko ang kakaibang lungkot na nakaguhit sa mga mata nya habang nakatitig sa akin ngayon.

Ceremony?

Napatingin ako sa sarili ko at doon ko lang napansin na nakasuot pala ako ng puting dress.

"You know that no one is allowed to get near to that tree, my lady" ang sabi pa nya at nakita ko ang isang simpleng ngiti na gumuhit sa labi nya. "Now, we have to go. The visitors are all waiting for the bride"

Bride?

Kung ganun...ngayon na gaganapin ang kasal ko?

Nagtaas ako uli ng tingin at napatitig sa malaking puno na yun ng red rose. At hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit...pakiramdam ko ay may kakaiba sa puno na ito. The red roses of that tree has more darker color than the rest of the red roses in here.

Doon ko lang din napansin ang mga makakapal na thorns na pumalibot dito na para bang pinoprotektahan ito.

Tama.

Restricted area ang lugar na 'to.

At simula noon ay pinagbawalan na akong lumapit sa puno ng red rose na ito. But I felt like there is something which pushing me to visit this tree every now and then.

"My lady..." he called me again.

Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong nakalahad na ang kamay nya sa akin.

"Let's go..." he whispered.

Napangiti naman ako at kinuha ko ang kamay nya.

He smiled too and he's so beautiful with the rays of the sunlight.

Hinawakan nya ng mabuti ang kamay ko at hinila ako paalis sa lugar na iyon.

I took a last glimpse at the big tree of red rose and went on our way.

[end]

***************

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

At ang agad na sumalubong sa paningin ko ay ang sikat ng araw na pumapasok mula sa kinahihigaan ko.

Agad kong natakpan ang mga mata ko nang dahil sa sobrang silaw nito at medyo inaantok pa na napatingin sa paligid.

I felt so dizzy while scanning the whole room.

Bakit parang...pamilyar sa akin ang kwartong ito?

Wait...am I under the power of esylium again for me to see this room?

Napatingin ako sa mga braso ko para kompirmahin ang iniisip ko.

Pero hindi.

Ito parin ang braso ko...nasa tamang edad ako sa present time...

Kung ganun...

Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napaupo sa kamang iyon.

Saka ako mabilis at natatarantang nagpalinga-linga sa kabuuan ng pamilyar na kwartong yun.

Kung hindi ako nagkakamali...ay ito ang...

Ito ang kwarto ko na nakikita ko lang noon sa esylium.

Kung ganun...

Nasa loob ako ng kwarto ko nung bata pa ako. At nasa loob ako ngayon ng mansion ng Cytherea.

"You're awake" ang biglang sulpot ng pamilyar na boses na iyon.

Mabilis akong napataas ng tingin at nakita ko si Maalouf na nakatayo sa may pinto.

And when I saw him ay pakiramdam ko ay napahinga ako ng maluwag.

"Maalouf---"

Pero natigilan ako at bigla akong nanlamig nang makita ko na ng tuluyan ang armor na suot nya ngayon.

Black armor.

Blue rose.

Yes.

He's wearing the same armor as the Aarvaks.

Kung ganun...

Nanlalaki ang mga mata kong hindi makapaniwalang napatitig sa gwapo nyang mukha.

Wag nyang sabihin na...

"How are you feeling?" he asked.

Pero hindi parin ako makapaniwalang napatitig sa gwapo nyang mukha.

"W-why...w-why are you..." halos hindi ako makapagsalita ng dahil sa sobrang pagkabigla.

Bakit sya nakasuot ng armor na katulad ng sa Aarvaks?

Is he...

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa bagay na na-realize ko.

Is he an Aarvak too?

Is he one of Lucian's men too?

Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha at hindi makapaniwalang napatitig sa gwapo nyang mukha.

Unti-unti ko naring nararamdaman ang pinaghalong pagkasuklam at sakit sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya ngayon.

I trusted him.

But how could he...?

Mukhang nabasa naman nya ang emosyon na nasa mukha ko kaya napahinga sya ng malalim at tinitigan ako.

"I think you haven't remembered anything yet for you to look at me like that" he said.

Natigilan ako sa sinabi nya.

Anong...?

Anong ibig sabihin nun?

"Annah, please try to remember..."

Pero nauuna sa akin ngayon ang confusion at galit.

All this time, he told me to trust him and so I did. Pero ito lang pala ang malalaman ko?

And now he's wearing that same armor as those people who have been trying to kill me?

I gritted my teeth so hard saka ako lumingon sa kanya.

"Remember what?" ang nanggagalaiti kong sambit.

But I felt like something is missing.

Like something is not right...

And just like a bomb, all those memories from yesterday came flashing back into my mind.

Si Light.

All this time ay si Light ang kasama ko at hindi si Alex.

But wait...

Bigla akong napataas ng tingin at natatarantang sumigaw.

"Nasaan si Light?! Nasaan sina Raven?!" ang galit na galit na sigaw ko. "Nasaan ang mga kasamahan ko?!"

But instead of answering my question ay iba ang isinagot nya.

"Annah, just try to remember anything..." ang sabi pa nya.

Pero napatitig lang ako sa kanya.

"A-ano bang pinagsasabi mo ha?!" ang natataranta ko paring sigaw. "Nasaan sila?! Maalouf! ANSWER ME!"

God, parang nababaliw na ako sa mga nangyayari.

Maalouf betraying us is so hard to take.

But losing Light and the rest of Arcadian Knights is unbearable.

Tama. Kailangang malaman 'to ni Raven.

Kailangang malaman 'to ni Light.

"Annah just calm down and try to remember what the esylium made you remember just now..." ang sabi pa nya and I can see desperation into his eyes.

I was stunned.

Esylium?

For a moment ay natigilan ako and with confusion, ay napatitig sa kanya.

Anong...

Anong Esylium?

Eh diba...nakuha ko na ang esylium sa Thrym Brothers?

Kaya...

Paanong...?

But he just looked at me and I can still see desperation into his eyes.

"Yes Annah..." he said trying to calm me down. "We put the sixth esylium into you so please...try to remember what the sixth esylium made you remember just now..."

Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nanigas mula sa kinauupuan ko.

Sixth...esylium?

Oo. Ang nakuha ko mula sa Thrym Brothers ay ang fifth esylium.

Kung ganun...

Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napayuko mula sa kinauupuan kong kama.

I thought it was all just a dream...

I thought it was just a painful nightmare...

Noong una ay naisip ko na baka ang esylium ang nagpapakita sa akin ng mga nakikita ko sa panaginip ko kanina. Pero pinaniwala ko lang ang sarili ko na panaginip lang ang lahat ng yun ng dahil sa hindi ko matanggap ang mga nalaman ko mula doon...

I chose to reject it.

I chose not to believe in it.

Ng dahil sa sobrang sakit ng mga nakita at mga nalaman ko ay pinaniwala ko ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng yun...

Pero...

The doors of the room suddenly opened and that familiar scent filled the room.

And I don't need to look at him just to know who he is.

Because just the scent of his blood makes my blood churned up into a strange and a sweet way .

Oo.

Hindi ako makapaniwala...na totoo nga ang lahat ng nakita ko sa esylium...

[Memory]

The beaufiful petals of blue roses was scattered all along the isle.

Yes. He knows that I love blue roses the most kaya ito ang pinili nyang ilagay sa puting carpet na nilalakaran namin ngayon.

Light is just holding my hand so firmly while we were silently walking on it.

Pero hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko...

Dahil sa bawat hakbang na ginagawa namin sa isle na yun palapit sa dulo ay mas lalong humahapdi ang dibdib ko.

Nasilip ko sa dulo ng mga mata ko si Alex na nakatayo sa gilid pero yumuko lang sya. Nakasuot din sya ng puting tuxedo and I can see disapproval unto his emerald eyes but he just remained silent.

My heart is burning with so much pain.

And it is becoming more unbearable at every step that we take.

But I didn't shed a tear.

Light and I both knew that this day would come. And we promised that we'll never shed a tear and so I'm keeping that promise.

Naging tahimik lang si Light.

Pero ramdam kong mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nya ng kamay ko habang papalapit kami sa dulo.

Nang makarating kami doon ay hinarap nya ako at tinitigan nya ako gamit ang asul na mga matang iyon.

Samantalang naging tahimik lang ang lahat ng mga bisitang nanduon na saksi sa sobrang sakit na nararamdaman naming pareho ngayon.

Napatitig lang ako sa gwapo nyang mukha at habang nakatingin ako ngayon sa asul na mga matang iyon ay pakiramdam ko ay nagsisimula ng mag-init ang sulok ng mga mata ko.

Samantalang ngumiti lang sya sa akin pero nakikita ko parin ang sakit na nakaguhit sa mga mata nya.

Yes. I love Light.

I love him more than anything in this world...

"L-light..." I whispered.

But we both knew...

He smiled at me.

"Be brave..." he whispered. "I'll always be with you"

...that we're never meant for each other.

Saka nya itinaas ang kamay ko at ibinigay yun sa lalaking naghihintay sa amin sa dulo ng isle na yun.

Yes.

I love him but from the very start, we both knew...that I'am destined to be a bloodmate to someone else.

At kung sino man yun...

[end]

Yes.

I remember it now.

And by just remembering it ay pakiramdam ko ay may pumupunit ng dibdib ko sa sobrang sakit.

Sa sobrang sakit ay akala ko ay isang masamang panaginip lang ang lahat...

Pero...

Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha at napatingin sa bagong dating.

Pero alam kong kahit anong deny ko...

Kahit anong pilit kong sabihin na panaginip lang ang lahat...

Ay alam kong...

[Memory]

I looked up and looked at the face of the man I'am going to marry.

And when I saw him, right now, ay hindi ko alam kung ano ang mas masakit.

That the man I love the most is the one who send me to him?

"I'll protect you with all my life, my lady" he said saka nya hinalikan ang kamay ko.

Or is it that the man I'am going to marry...

Samantalang napatitig lang ako sa itim na metal mask na nakatakip lang sa mukha nya all this time.

...is the same man who I thought that killed my parents and the man who's been trying to kill me all this time?

But I remember it all now.

I remember that there is no way that this man will ever try to hurt me.

Of course, he loves me.

He loves me so much.

And both of my parents knew that no one in this world can protect me as much as he can do kaya sa kanya ako ipinakasal.

Light also knew that. And he trusts this man so much kaya hindi na sya nagdalawang isip pa na ibigay ang kamay ko even though it pains him so much.

Even though it pains us so much.

Gusto ko mang magalit sa kanya nang dahil sa hindi nya ako ipinaglaban ay alam kong mas inuuna nya lang ang kapakanan ko kaya pumayag syang ibigay ang kamay ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Lucian..." I whispered the name of the man I was going to marry.

And by just mentioning his name brought a familiar feeling into my blood.

"In my culture, my bloodmate is the only person in this world who is allowed to see my face..." he said in that familiar voice.

And all this time I've been wondering kung kaninong boses ang kahawig nya...

"You can remove it now, my lady..."

All this time I've been wondering...

But I remember it now...

I slowly reached for his face na natatakpan ng itim na hood na suot nya so I'am the only person in that whole room who can see his face.

All this time...

I touched his black metal mask and slowly remove it...

[end]

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at nanlalamig na humarap sa lalaking yun.

Afterall, I'am the only person in this whole wide world who is allowed to remove that mask off his face.

Naglakad ako at sa bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa kanya ay mas lalong humahapdi ang dibdib ko.

How can I not remember him?

How can I not trust him?

Hanggang sa nakatayo na ako sa harapan nya pero hindi sya nagsalita.

Nanatili lang syang nakatitig sa akin sa ilalim ng itim na mask na iyon.

Naramdaman ko nalang ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko habang nakatitig sa kanya.

Bakit ba ako naniwala na sya nga ang pumatay sa mga magulang ko?

Bakit ba ako naniwala na sya nga ang lalaking nasa likod ng pagsira ng buhay ko?

Unti-unti ay naramdaman ko nalang ang pagbuhos ng mga luha sa magkabilang pisngi ko habang nakatitig parin sa kanya.

Then I raised my hand and just like before, I touched his mask and slowly remove it.

Bakit ako naniwala na kaya nya akong saktan?

When all this time...

And just like before, I felt that familiar rushing of my blood as his mask was finally removed.

I looked at his face and that beautiful angelic face of him met my eyes.

He smiled at me.

Yes. I've missed him so much even though I haven't recognized him in the human world...and even though I haven't seen him since I entered the vampire's world.

"Babe..." he whispered.

Natutop ko nalang ang bibig ko at napahagulgol ng iyak mula sa kinatatayuan ko nang matitigan ko na ng mabuti ang mala-anghel na gwapo nyang mukha.

"D-dylan..."

to be continued...