Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ava Vira

🇵🇭Carmz_Stin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.3k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Pagsilang

Sa isang liblib na nayon ng De La Grande sabay na nanganak ang magkapatid na sina Jaria at Aloha. At sa isang maliit na kubo sa dako roon na kung saan sila nakatira ay ipinanganak ang dalawang malulusog na mga batang babae. Madilim ang gabing yaon malakas ang ihip ng hangin at buhos ng ulan, gayun paman ay nairaos ng magkapatid ang pag-silang sa mga sanggol.

Walang tumulong sa dalawa, sa kanilang panganganak kundi gamit lamang ang kanilang kapangyarihan bilang mga prinsesang diwata. Si Prinsesa Jaria ang panganay sa magkapatid at siyang nakatakdang magiging Reyna ng kahariang Haranya,, ang isang mundo... na hindi nakikita ng isang pangkaraniwang tao.

Subalit sya ay lumabag sa mga kautusan ng amang hari na si Haring Omaru. Hindi napigilan ni Prinsesa Jaria ang umibig sa isang taga lupa na syang pinakamahigpit na utos ng amang hari. Nakita nya noon ang isang binata na nagpatibok ng kanyang puso, ng-iikot ito sa loob ng gubat kasama ang kanyang aso at agad siyang nabighani rito, at mula noon ay pinangarap na nyang makalabas sa kanilang mundo at hanapin ang lalaking yaon. At dahil sa kapusukan ng Prinsesa Jaria ay naisakatuparan nga nya ang kanyang balak na makalabas tungo sa mundo ng mga karaniwang tao at iyun ay sa tulong ng kanyang nakababatang kapatid sa si Prinsesa Aloha gamit ang kapangyarihan nitong gayahin ang kahit na sinong nilalang sa loob ng palasyo at sa buong kaharian, dahil doon ay madali silang nakalabas ng kahariang Haranya.

At nagkatuluyan nga sina Prinsesa Jaria at ang lalaking kanyang iniibig na taga lupa na si Luisito, ngunit nang malaman ito ng Hari ay agad syang itinaboy palabas ng kanilang kaharian at sinumpang mawawala ang lahat ng kanyang kapangyarihan sa oras na sya ay magsilang ng anak ng isang taga lupa ngunit dahil sa matinding pag-iibigan ng dalawa ay hindi ito naging hadlang ky Prinsesa Jaria at tinanggap ng maluwag sa kanyang puso ang lahat ng parusa ng amang Hari. Subalit hindi nagtagal ang panahon ng pagsasama nina Prinsesa Jaria at Luisito at ito ay namatay agad dahil sa isang malubhang sakit. Walang nagawa ang Prinsesa noon dahil sa limitado lamang ang kanyang kapangyarihan sa mundo ng mga tao kasama iyun sa sumpang ibinigay ng amang Hari at tuluyan pa nga itong mawawala sa oras na sya ay magkaroon ng anak sa isang tao. Kung sa loob lang sana sila ng kahariang Haranya ay maipapagamot sana niya ito sa kanyang tiya Raya ngunit wala na syang nagawa. At simula noon ay namuhay ng mag-isa si Prinsesa Jaria ngunit ang hindi nya alam na siya pala ay buntis na noon sa kanilang unang anak ni Luisito.

Samantala si Aloha naman ay umiibig din pala noon sa isang lalaki na siya sanang nakatakda para sa nakakatanda nitong kapatid na si Prinsesa Jaria, si Prinsipe Asur na gusto sana ng kanilang ama na maging sunod na Hari ng Haranya. Ngunit dahil sa inggit ng nakababatang kapatid ay gumawa ito nang paraan upang maisakatuparan ang kanyang maitim na balak, pina-ibig nya ang Prinsipe sa kanya at tinulugan ang kapatid sa buko nito upang sya na ang magiging sunod na Reyna ng kahariang Haranya kung mawawala na nga ito ng tuluyan sa kanyang landas.

Sa Palasyo..

Lumipas ang mga araw at ng-desisyon si Prinsesa Aloha na pumunta sa kanyang nakatandang kapatid sa lupa na 'nooy nagdadalang-tao na rin. Pag-dating sa kinaruruunan ng kapatid ay bigla itong humagulgul sa iyak at sinabing siya raw ay itinaboy din ng amang Hari nang malaman na sya raw ang tumulong dito, subalit hindi iyun ang ganap sa kaharian kundi ang lahat ay nagdiriwang at nagagalak sa nalalapit nitong pagsilang. Ngunit ang hindi alam ng mga taga kaharian ay isa iyung impostor na Prinsesa Aloha.

Dahil sa gawang estorya ng kapatid ay naawa si Prinsesa Jaria at sinabihan nya itong pumarito na lamang sa lupa kasama nya upang mamuhay ng masaya at malaya. Buhat noon ay magkasama nang naninirahan ang magkapatid sa isang maliit na kubo sa dako roon. Ngunit ang hindi alam ni Prinsesa Jaria ay may masamang balak pala ang nakababatang kapatid.

Dumating na nga ang araw nang kapanganakan at nailuwal nilang maayos ang dalawang babaing sanggol, ngunit dahil sa binitawang sumpa ni Haring Omaru ay agad namang binawain ng buhay ang Prinsesa Jaria at pagkakataon na iyun ni Prinsesa Aloha na gawin ang kanyang masamang balak, na sa oras na mailuwal ni Prinsesa Jaria ang dinadalang anak ay agad niya itong papatayin sa pamamagitan ng isang lason na sya lamang ang makakapatay sa isang diwata at ang lasong iyun ay gawa ng isang mabagsik na mangkukulam na si Orihalda.

Agad na isinakatuparan ni Prinsesa Aloha ang mga plano at inutusan nga ang punong kawal na patayin ang sanggol sa pamamagitan ng pagpapainum dito ng lason, ipinaubaya na nya rito ang pagpatay dahil alam naman ng lahat ang kaparusahan na kung sino man ang hindi susunod sa utos ng Prinsesang Diwata ay kamatayan ang sasapitin. At iyun nga ay nagmadaling umalis ang Prinsesa Aloha pabalik ng kaharian dahil sa mga oras 'ding iyun ay nanganak na rin ang gawa nyang impostor at baka may makahalata sa kanyang ginawa. Ngunit ang hindi alam ni Prinsesa Aloha ay ibinigay ng punong kawal sa kanyang ina ang bata upang mailayo sa kamatayan at ibang patay na batang sanggol na babae ang ipinakita dito upang pruweba na patay na nga ang anak ni Prinsesa Jaria.

Sa loob naman ng kahariang Haranya ay makikita ang magarbong palamuti sa loob ng palasyo mga nagkikinang mga ginto at mga diamante gayun din ang mga magaganda at mababangung bulaklak, masaya ang lahat sa pagdiriwang sa bagong silang na anak ng Prinsesa Aloha kasabay nito ang pag-hirang nang bagong Hari at Reyna sina Haring Asur at Reyna Aloha,,ang lahat ay ngtipon-tipon at nagbigay ng regalo ang mga kalapit na kaharian at sa gayun ay masilayan na rin ang munting Prinsesa ang lahat ay nabighani sa kagandahan nitong akin at sya na nga ang pinaka-magandang nilalang sa kaharian at maging sa ibabaw ng mundo ng mga tao ..'Di kalaunan ay bininyagan na nga ang Prinsesa at pinangalanang Prinsesa Vira ng Kahariang Haranya.

makalipas ang labing pitong taon...