Chereads / TULA NG MAKATA / Chapter 21 - #21. DAKILANG DIYOS SA LAHAT

Chapter 21 - #21. DAKILANG DIYOS SA LAHAT

Ngayong umiitim ang ibabaw na kalangitan,

Ngiti nang araw ay nasa kalagitnaan;

Tunog ng kidlat na parang humahagolgol,

Kasama ang mga asong kumakahol-kahol

Kinabukasan ay naging matamlay,

Mga kahoy na sumasablay kasama pa ang bahay,

Maraming buhay na ang nawala,

Mga sigaw na "Tulong! Tulong!" ang kumawala

Kailangan pa ba itong sapitin?

Upang mga tao'y magigising?

Sumiklab ang kasalanan at kasamaan,

Ito ngayo'y umaapaw sa buong Kalikasan

Minsan tayo ay naging "Malaya"

Gagawa pa ng hindi kaaya-aya;

Tila yata hindi na nakabaon?

Mga utos ng Mahal na Panginoon.

"Tayo rin ang nagdulot ng sariling kasawian"

Ika nga ni Jose Rizal,

Ngunit papaano ba iwasan ang dilim?

Kung ang mga tao'y hindi na naging masunurin.

Lahat ng tao'y nagkakasala,

Ang iba nga'y nababahala;

Ngunit bakit sa kabila ng pagpapabaya?

Ang Diyos parin ay nagbibigay biyaya.