Hindi nga sya umupo saking tabi. Una, dahil nasa magkabilang gilid ko sina Billy at Joyce. Nakatabi ko lang si kuya kanina dahil tumayo si Billy upang paupuin sya. Pangalawa, kahit naman hindi na sabihin pa ni kuya sa kanya na wag umupo sa tabi ko. Hindi talaga sya uupo. Assuming lang talaga ang kapatid ko. Lahat ginagawan nya ng issue. Pangatlo, sa nakikita ko kay Jaden, ang bawal ay bawal talaga. Pinilit nya lang akong tanungin kanina dahil awkward naman kung di nya kami papansinin sa loob ng sasakyan. Sobrang tahimik pa, kaya siguro nya ginawa yun. At para mabasag na rin ang nagyeyelong katahimikan samin.
"Huuu!. Ang gwapo mo Eugenio!!.." may sumigaw ng ganun. Hula ko, galing iyon sa mga dalagang nakaupo ilang hakbang mula sa bleachers.
Nakita kong tumulis lang ang nguso ng bakla. Bwiset!. Yun pala gusto nya. Yung isigaw mo na gwapo sya. Suskupo Bamby!.. Bat di mo kasi alam?.. Sumilay ang ngisi saking labi. Ampusa!. Saan banda ang gwapo sa kanya?.. Bwiset!. Bulag ata yung sumigaw.. Pilit kumawala ang hagalpak sakin ngunit mariin ko rin itong pinigilan. Seriously?. Nagiging bitter na ako sa ginagawa nya sakin.
Nagsibalikan sila sa bleachers. Tapos na ang first 12 minutes. At lamang ang kalaban ng limang puntos.
"Kaya ba nating manalo ngayon?.." tanong sa kanila ng coach nila na tinawag nilang Kaloy. Nakaupo ito sa harapan nila. May sinusulat sa white board na di ko maintindihan. Damn!.
"Yes coach!.." halos sabay nilang sagot.
"Akala ko ba practice game lang to?.. Totoo pala.." bulong ko sa likod ng kumpulan nila.
Nilingon ako ni Poro saka umupo sa hawak kong upuan. "Practice lang to pero mukhang yung kapatid mo ang seryoso.. hahahaha.." humalakhak pa ito. Maingay pa rin magpayo ang coach nila. Habang yung iba, hindi nakikinig. Hay boys!..
"Daig nya pa nasa tournament.. hahaha.." sumabat din si Bryle. Mukhang hindi nga seryoso dahil hindi naman sila sinusuway ng coach nila.
"Gusto nga kasi nyang maging mvp para maging sila na ni---.." biglang tumahimik si Paul nang tumingin si Kuya sa kanila. Ng matalim. Pikon!.
Nakakamatay ang iniwan nyang tingin kay Paul na tinawanan ng iba. "Hahaha.. galit na pre. Bugbog ka mamaya.." takot sakanya ni Aron.
"Ligawan ko kaya kapatid nya, baka sya pa magpabugbog.. hahahaha.." humagalpak ito ng tawa. Hindi ko rin kayang sumabay sa kanila dahil nabaling bigla sakin ang usapan. Hell shit!.. Double awkward.
"Wag nga kayong magbiro ng ganyan. Naririnig kayo ng tao oh.." bigla ay nakarinig ako ng musika sa pagsuway nya sa kanila. Damn Jaden!.. Yung boses mo parang musika, sinasayaw ako sa ulap. Hinehele sa alapaap. Hell shit Bamby!. Magtigil ka nga!..
Bumalik na muli sila sa gitna. Hindi nagtagal, yung limang puntos na kalamangan ng kalaban. Natabunan ng sampung lamang nila Kuya. Nagdiwang ang mga ito sa pagkapanalo.
"Congrats!.." bati ko sa kanila. Nakipag high five lang sila sakin matapos guluhin ang buhok ko. Nakakainis. Yung buhok ko po!.. Gusto kong isigaw pero di ko na nagawa nang magkatabi kami ni Jaden.
"Congrats.." nahihiya kong bati sa kanya. Magulo ang buong team. Pati ng mga tao. Malakas ang boses ng tawanan nila. Ngunit kahit ganun. Hinintay ko pa rin ang sagot nya pero, Damn it!. Nginitian nya lang ako kasabay ng kanyang tango. Wala syang sinabi na kahit na ano. Kahit thank you man lang. Wala.. Damn!. Feeling ko napahiya ako dun.. Pero inisip ko nalang na ginawa nya yun dahil pinahiya rin sya ni Kuya kanina. Sarap kutusan ang baklang yun na malaki na ang ngiti ngayon!... Hmp!..