Zandra Garcia
Ngayon ay naglalakad ako sa corridor ng Richards Academy at hinahanap si Nigel Ken Madrid. Never, as in NEVER pumasok sa isip ko na patulan siya! But because of what he did to my sister, I had to.
Alam ko naman na hindi ko buhay ang sinira niya but my sister's, pero kadugo ko yun! I don't want any of my blood relatives to be hurt.
Kaya dahil d'on, napahdesisyonan ko na magrevenge kay Nigel Ken Madrid, ang kabarkada ko na kinikilalang playboy at casanova. Madami na siyang sinaktan at pina-iyak na babae, at isa na doon ang kapatid ko. Pero kahit ganun yun, never akong nainis o nagalit sa kanya dahil nga, KAIBIGAN ko siya! But it's different now, I hate him. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid ko. Dahil tuwing naaalala ko yung pag-iyak ng kapatid ko, nagagalit ako, naiinis ako.
FLASHBACK
"Oh babae, ba't ka nanaman umiiyak?" tanong ko sa kapatid ko na kanina pa umiiyak sa kwarto niya. Rinig na rinig ko kase mula sa kwarto ko. Hindi naman kase soundproof ang mga kwarto ng bahay namin.
"Kapatid ba talaga kita? Kesa i-comfort mo ako sa caring way ganyan ka magsalita." inis na sabi niya sa akin habang pinupunas ang luha niya. Bakit ba parang ako pa ang ate dito? Okay, magkasing age lang kami, pero mas matanda siya sa akin ng ilang buwan.
"Atleast I asked, right? Kaya ngayon, sabihin mo sa'kin kung bakit ka umiiyak. Alam mo bang nakakairita yung hagulgol mo na rinig sa kwarto ko? Kaya tumahan ka na please." paki-usap ko sa kanya.
You may think that I was mean to my sister, but it's who I really am. I'm not fond of showing my affection to my family and my friends. I don't know why pero yun talaga ang personality ko at yun na din ang nakasanayan ko.
"Eh kase... hindi ko na kaya, my sister!" pagkatapos niya sabihin yun ay tumakbo siya ng parang bata papunta sa akin at yinakap ako.
"Mukha kang ewan ngayon."
"Iyong bestfriend mo kasi! Nakakainis siya! Ang ano kasi tapos ano tapos nakakaano talaga!" sabi niya at umiyak pa lalo. Bestfriend? At nakakairita itong babaitang ito! Puro ano eh.
"Magsalita ka nga ng maayos babae ka!" sabi ko sa kanya at kumalas naman siya sa pagkayakap sa akin. Woo! Buti naman! Hindi kasi talaga ako sanay na may kayakap at hindi din ako sanay na may yinayakap!
"S-si Nigel... Niloko niya ako... Nakita ko siyang may kahalikang iba..." at umiyak pa siya ng mas malala kesa kanina.May mas ilalala pa ba ang iyak nito?
"Ate, alam mo namang playboy ang lalaking iyon! Bakit pumatol ka pa?" naiinis na sabi ko sa kanya. Mas matanda pa siya sa akin pero bakit parang may mas utak pa ako? No offense.
"Ehhh kasi nakaka-inlove siya!!! Tapos ang gwapo-gwapo niya pa kapag ngumingiti!!" nakangusong sabi ng ate ko. The freak? Si Nigel? Gwapo? At adik ba itong kapatid ko? Bakit kasi puro lalaki ang inaatupag niya?
"Aanhin mo ang gwapo kung sinasaktan ka lang? Tsk. Kaya sinabi ko sayong huwag ka pumatol dun sa lalaking yun eh." Binantaan ko na siya noon na huwag papatol kay Nigel eh. Kasi sa oras na mangyari yon, masisira ang friendship namin ni Nigel. At ayun nga, nangyari na ang kinatatakutan ko.
END OF FLASHBACK
"Zally!" tawag sa akin ng isang lalaki. Boses pa lang niya ay naiirita na ako, paano pa kaya kapag nakita ko ang mukha niya? Baka masapak ko pa.
"What?" sabi ko sa kanya habang ipinapakita na hindi ako interesado kung sa ano man ang sasabihin niya.
"Bad mood?" nakangiting sabi niya. How can he smile to me knowing what he did to my sister?! Ghad, this shameless person!
"Huwag mo kausapin Nigel dahil sinisira mo lang ang araw ko." mataray na sabi ko sa kanya at naglakad paalis. At dahil nga makulit siya, sinundan niya ako at sinabayan ng lakad.
"Nakakabwisit ka alam mo yun?" sabi ko.
"Alam ko. Kaya nga mas b-bwisitin kita eh, HAHAHAHA"
"Wow! Grabe ka 'no? Pagkatapos mo paiyakin ang kapatid ko, nagawa mo pa akong kausapin? Asan ang hiya mo?" inis na sabi ko sa kanya. I saw how his expression changed. Bigla siyang sumeryoso.
"Why are you telling me that like it's my fault? Hindi ko naman kasalanan! Bago naging kami ng kapatid mo, sinabi ko sa kanya na hindi ako seryoso sa kanya pero pumayag naman siya. Maswerte na nga siya kase 1 week ko siya nakarelasyon!" sabi niya sa akin na mas ikinagalit ko naman. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya.
"Ang mga babae, hindi yan barbie na pwedeng mong paglaruan at ginagamit kapag bored tapos iiwan na lang kapag hindi na kailangan! Girls are meant to be loved and I think that you need to learn how to do it." sabi ko at iniwan ko na siyang nakatayo doon.
Sinubukan ko talagang pigilan ang galit ko pero hindi ko kaya. Galit ako sa kanya, galit ako sa mga taong mahilig lokohin at paasahin ang iba.
Pumasok na ako sa classroom ko, at doon ay nadatnan ko si Cloe na natutulog. Hays, itong babae na ito talaga!
Umupo ako sa tabi niya at natulog rin gaya niya. Bahala na kung mahuli kami ng professor namin na sana absent. Nagpuyat pa ako kahapon para lang i-memorize ang mga pangalan ng mental illness para sa exam mamaya.
•••
Nigel Madrid
Hindi ko ineexpect na gaganunin ako ni Zally. Ang buong akala ko ay babaliwalain niya lang yun at kakalimutan kase yun ang pagkakailala ko sa kanya. Pero nagkamali ako. Kahit matagal na kami magkaibigan ay hindi ko pa pala siya ganun kakilala.
Naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa yun-- dahil ang pinakamamahal niyang kapatid ang sinaktan ko.
But it's not fully my fault. It was her sister who came to me and begged to date her. Tumanggi naman ako ng madaming beses dahil medyo takot ako kay Zally at hindi ko alam kung bakit! Eh alam ko naman na wala siyang gagawin sa'kin--- na akala lang pala.
Bahala na! Magsosorry na lang ako kay Zally dahil sa ginawa ko sa kapatid niya para magbati na kami! Ayaw ko kaseng nag-aaway kami eh, tsk. Di ako sanay. Siya kase ang pinakaclose ko sa kanilang apat na babae na magkakaibigan.
Should I buy flowers? Chocolates? Bahala na!