Chereads / My Suicidal Girl / Chapter 2 - I

Chapter 2 - I

Author's POV

Palakad-lakad si Mila sa harapan ng ICU. Her mom just transferred to the ICU last morning because her illness got worse. Hindi siya mapakali dahil sobrang nag-aalala na siya para sa kaniyang ina. Pilit niyang tinatawagan ang kaniyang ama upang iupdate ito sa kalagayan ng kaniyang ina, ngunit hindi naman ito sumasagot. Lalo tuloy siyang kinabahan dahil dito. Hindi pa siya nakakatulog at nakakakain simula ng ilipat ang kaniyang ina sa ICU. Sobrang pagod na siya pero wala siyang magagawa kundi maghintay sa kaniyang ama na hindi alam kung nasaan ba.

Bumaba muna siya sa ground floor dahil bibili siya ng pagkain upang magkalaman naman ang kaniyang tiyan. Nagpahinga muna siya bago umakyat ulit sa ICU dahil pagod na pagod na talaga siya. Ang kaniyang ina ay mayroong Leukemia. Hindi naman mahirap ang gamutan sa kanila sapagkat may kaya naman sila. Hindi nga lang alam ni Mila kung paano siya makakatawag sa mga katulong nila sa bahay dahil naka leave ang mga ito. Mag papasko na kasi. Kaya wala siyang ibang choice kundi mag-isa siyang magbabantay sa hospital.

Nakatulog si Mila sa may waiting area at nagulat siya sa ingay ng mga nurses at doctor sa palogid niya

"Go to the ICU! Mrs. Pedohan is in critical situation!" mga sinasabi ng mga nurses na nagpatigil sa mundo ni Mila

Dali-daling umakyat si Mila sa ICU upang tignan ang kaniyang ina. Nagdadasal siya na sana mali ang kaniyang narinig. Na sana panaginip pa din ito. Ngunit pag dating niya sa tapat ng ICU ay nadatnan niyang tinatakpan ang kaniyang ina ng puting tela.

"Time of death, 12:37 am" saad ng isang doktor na umagapay sa ina ni Mila

Napaupo si Mila sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Kung sana hindi siya kumain kanina, edi sana nakasama niya ang kaniyang ina. Kung sana hindi siya nakatulog kanina, edi sana hindi siya nagsisisi ngayon.

"No this is not real. I can't accept this. Why? Why is this happening to me? Do I deserve this kind of pain? Fuck this world" Saad niya habang umiiyak. Naaawa ang mga nurses at doctor sa dalaga.

Galit na galit siya sa kaniyang ama dahil hindi man lamang ito nagpunta sa hospital habang ang kaniyang ina ay nakaadmit sa doon. Tinawagan niya ang kaniyang ama at buti nalang ay sumagot na ito.

"Hey baby, sorry I can't answer your call earlier because I'm at the meeting. What did you call me for?" tanong ng kaniyang ama habang siya ay tahimik lamang siya sa kabilang linya "Hey, are you there? What happened? Why are you crying?" nag-aalala ang kaniyang ama sa kaniya dahil hindi niya pa ito narinig umiyak.

"This is all your fault. Kung sana nagpunta ka dito at hindi mo inuna iyang putang inang trabahong iyan, edi sana buhay pa si mommy! Bakit daddy? Mas mahalaga ba yung trabaho mo kaysa saamin? Sagutin mo daddy!" galit na galit na sabi ni Mila sa kaniyang ama

"What? Your mother died? I'm on my way, baby. Don't be mad at me. I didn't mean it" umiiyak na sabi ng kaniyang ama sa kaniya

"You didn't mean it?! I called you like a hundred times, yet you didn't answer even one single call. Is that how important your work to you, daddy? To the point that you forgot about your own family?!" nanginginig pa ang boses ni Mila habang sinasabi niya iyon sa kaniyang ama. Pinatay niya na ang tawag dahil nahihirapan na siyang huminga dahil sa mga nangyari.

Dumating na ang kaniyang ama sa hospital at hindi niya ito kinakausap. Diretso lamang ang tingin niya sa tapat ng kaniyang ina na nakatakip na ng puting tela. Ayaw niyang iangat ang tela dahil lalo lamang siyang nasasaktan. Hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan na patay na ang kaniyang ina. Habang ang kaniyang ama ay umiiyak sa gilid at dahil doon ay nainis si Mila

"What now daddy? Umiiyak ka? Bakit? Dahil mas inuna mo ang trabaho mo? Nagsisisi ka ba dahil hindi mo nakasama si mommy sa natitira niyang oras?" May diin na sabi ni Mila. Nagulat siya dahil sinampal siya ng kaniyang ama. Pati ang kaniyang ama ay nagulat sa ginawa nito

"Mila I'm sorry. I didn't mean to. Are you hurt?" Nag-aalalang sabi ng kaniyang ama sa kaniya

"Hah. Daddy, walang-wala to sa sakit na inabandona mo kami ni mommy dahil sa meeting mo"

"Let me explain, please" nag mamakaawang sabi ng kaniyang ama

"You don't need to explain anything to me" matapos sabihin ni Mila iyon, umalis na siya sa kwarto ng ICU dahil hindi niya makayanan yung sakit. Sakit dahil nawala na ang kaniyang ina. Sakit dahil mas inuna ng kaniyang ama ang pera kesa sa kanila