October 17, 2007....isang kaibigan ang dumaing sa akin...
"Ron, sa tingin ko talaga may posibilidad na maipasok na ako dun..."
napatingin ako sa kanya at bahagyang nanlaki ang aking mga mata.
"bakit naman?" kunot noo kong tanong.
"hindi ko na kasi minsan makontrol ang sarili ko,..pakiramdam ko talaga may pag-asa akong mapunta dun."
muli ay napatingin ako sa kanya. saglit akong nag-isip.("at least di ako nag-iisa".) naibulong ko sa aking sarili.
tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"ako din".
sa pagkakataong yun ay sabay kaming nagkatawanan at napailing sa aming mga sarili.
Ang kaibigan ko, halos magkapareho kami sa maraming bagay, ika nga ng iba eh pareho na daw yata ang takbo ng utak namin at ang likaw ng bituka namin. (yun nga lang mas malakas syang kumain kesa sa akin). Kung baga sa lebel ng pagkakaibigan, sa lahat ng malapit sa akin ay siya na ang nasa pedestal. May mga pagkakataong sa tingin at kilos pa lang ay alam na namin ang ibig sabihin, mga oras na magkasabay sinasabi ang mga magkakaparehong bagay at salita, at yung mga pagkakataong napapagalitan na kami dahil sa wala na daw kaming ginawa kundi ang mag-usap ng mag-usap na para bang ang tagal tagal naming hindi nagkita, samantalanag magkasama kami sa trabaho buong maghapon, at sa bahay naman buong magdamag.
We share same stories, we read same books, pareho ang klase ng taong inaayawan namin, at halos pareho kami ng mga iniisip. The tough version of me, someone who mirrors my personality given our own differences. Someone who knew himself better, idol ko nga siya eh, dahil alam ko na mas matatag siya kesa sa akin.
Kapag may problema, (as in hindi simpleng problema) palagi na'y tinitingnan niya kung saan ito nag-uugat, kung ano ang mga kailangang aminin sa sarili, kung ano ang mga katotohanang dapat tanggapin para makabuo ng isang kongkretong solusyon. Kadalasa'y napag-kakamalang "mababaw", "mayabang" dahil sa wala siyang iniindang pagpapanggap para lang i-please ang iba, pero siya ay isang patas na tao, conscious siya sa maaaring makasama sa kalooban ng iba. Walang kulo sa loob, but then iba pa rin ang dating niya sa iba. Kapag may ilang taong nagpapakita ng hindi magandang asal at pakikitungo sa kanya, iniisip nyang ito ay may dahilan, na kung siya ay lulugar sa sitwasyon ng taong iyon ay malamang ganito rin ang gagawin nya. Isang taong literal na bukas ang pag-iisip, isang taong naibabalanse ang mga bagay-bagay ng ayon sa nais nitong ipahiwatig, isang taong likas na matalino, maunawain at totoong tao.
Yes, isa itong "too good to be true" na pag-uugali. Na kung lahat ng tao ay may ganitong pananaw ay mabubuhay tayo ng walang pagpapanggap at puro katotohanan lamang. Pero ito ay imposible. Dahil maraming tao ang mahina, marami ang mas gustong paniwalaan ang sa tingin nila ay maganda, maraming taong nakikita lang ang glittering images sa salamin ng buhay nila. Yung tipong kung nakapostura ay ganun din ang repleksyon sa salamin, kung ikaw ay guro, artista, musikero, pintor, manunulat, doktor, pulis, inhenyero, arkitekto, pulitiko, at iba pang klase ng tao, na nabubuhay sa anino ng kanilang katayuan sa lipunan.
Ang salamin mismo ang sarili natin, pero tumitingin lang tayo dito para makita kung ano ang gusto nating makita, (hindi yung katotohanan natin) kung tama ba ang pagkakaayos ng mga detalyeng sumisimbolo sa ating sarili para sa ibang tao. Hindi natin ito tinitingnan ng mas malalim, sa kabila ng katotohanang halos tuklawin na lang tayo nito.
Ganun talaga,...ang mundo,..ang lahat ay nabubuhay sa anino ng imaheng nais nilang makita ng ibang tao sa kanila, lahat ay nabubuhay sa paraang gusto nila (eh buhay nila yun eh)... sabi nga eh isang beses lang naman tayo mabubuhay, at ito ay hiram pa, at ang ibat-ibang relihiyon kasama na ang mga walang pinapanigan at hindi sigurado sa sarili nila ay may kanya-kanyang paniniwala kung saan nagmula ang buhay na ito, at kung saan ito patutungo.
Likas na kakaunti lamang ang mga taong may biyaya na katulad ng sa taong malapit sa akin. At mas lalong kakaunti ang mga taong likas na nakakaunawa sa mga taong katulad nila. Sobrang kunti na nga lang nila, ang iba pa ay nakakulong sa isang institusyon na nagtatawanan, nag-iiyakan, naghihiyawan, may iba na gumugulong sa sahig, tumatalon sa kama at ang iba ay tuluyan ng nahulog ang loob sa dingding ng silid na iyon dahil hindi na nya ito hinihiwalayan, at hindi sila matanggap kahit ng kanilang sariling kadugo.
Ganun ang katotohanan sa kanila, at kung ikaw mismo ay taglay ang ganung "biyaya" ay makakaisip ka na baka nga ikaw ang abnormal, dahil ang mundo...ang tao...hindi nila matanggap ang katotohanan na mas malakas ka, mas totoo ka, mas matalino ka dahil alam mo ang mga higit na mahahalagang bagay sa buhay at kung papano mo ma-i-enhance at maibabalanse ang ganitong taglay mmong kapangyarihan ay nasasaiyo na, kung ayaw mong mapasok "doon" sa lugar na yon.
Pwede mo ng isipin na "life in this world is the hell itself" at masuwerte ang mga taong namatay ng nakangiti...although, kunti na lang sila ngayon...may mga tao nga bang nabuhay ng masaya sa mundong ito.
Kaya sa aking kaibigan, hindi ka nag-iisa, pero hindi din tayo magiging candidate para sa mga nasisiraan ng bait...
masyadong masikip na ang lugar na 'yon para sa atin...
kuya Ron