Chereads / The Cursed Goddess / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Isang malakas na alarm na nagmumula sa cellphone ang gumigising sa isang dalagang babae na hirap na hirap bumangon mula sa kaniyang higaan. Ito na ang pang pito beses na nag-aalarm ang kaniyang cellphone subalit nanatili parin nakapikit ang kaniyang mga mata at nakahiga parin ito sa kaniyang kama.

Limang minuto pa ang lumipas nang bigla-bigla na lang siya napaupo at dali-daling bumangon sa kaniyang higaan para maghanda sa kaniyang pagligo.

"Shit, late na naman ako!!!!." ang winika niya na may halong pagsisi sa pagkakahimbing ng tulog.

Umiigib siya ng tubig sa kanilang lababo papunta sa kanilang banyo.Nang mapuno ito binuhat niya ang isang timba ng tubig papunta sa kanilang banyo.

"Tita Elena! Umaga na! Late ka na!" mula sa kaniyang pamangkin na si Ellai na sampung taong gulang na sumigaw mula sa unang floor nang kanilang bahay at nakabihis na sa kaniyang uniform pang eskwelahan at nakatayo sa pintuan palabas at paalis na ng kanilang bahay kasama ang kaniyang lolo na si Jeboy. "Late na naman yang tita mo, ang lakas humilik" wika na kaniyang lolo at sabay silang nagtawanan.

Mula sa second floor si Elena ay nakaupo parin sa inidoro nang kanilang banyo na nakapikit ang mga mata. Siniset at kiniclear niya ang kaniyang mind para sa kaniyang pagpasok sa kaniyang office. Ito ay ginagawa niya habang siya ay dumudumi na lagi niyang daily routine bago maligo. Pagkatapos niyang dumumi ay naghugas at nagbuhos sa kaniyang dumi. Kinuha niya ang tuwalya at timba at muling umigib.

Isang oras nang nakalipas lumabas na si Elena sa kaniyang banyo at tumingin sa orasan sa kaniyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang bag at sinabing "Putik, haizt... late na ako!!!. 5:30AM na shucks" boses na nagmamadali magbihis.

Nang si Elena ay nakabihis na ng kaniyang pang opisinang damit, nagmamadali na ito maglagay ng cream para sa kaniyang Curly na buhok at nagspray nang pang anti-frizz para ito ay hindi magbuhaghag na short hair na kulot, soobrang itim at makapal na buhok.

Kinuha niya ang kaniyang bag at bumaba na siya sa kanilang hagdanan ng maabutan niya ang kaniyang ama na si Jeboy na papasok na rin sa kanila bahay matapos ihatid ang kaniyang apo sa eskwelahan.

"Oi Bhe, may araw na huh..late ka na naman" Bhe ang tawag nang kaniyang ama dahil si Elena ang bunso at nag-iisang babaeng anak niya. Si Jeboy ay isang biyudo na at ang kaniyang asawa ay yumao na sa sakit na mild stroke. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong anak, dalawang barakong lalaki na sina Chard at si Rey at isang malaking bulas na babae na si Elena. Ang kaniyang dalawang anak na lalaki ay may kaniya-kaniyang ng pamilya. Si Rey ang pangalawang anak at ang ama ni Ellai na nag tatrabaho sa ibang bansa bilang isang Baker. Ito ay hiwalay na sa kaniyang asawa at nagsisikap na buhayin ang kaniyang anak mag isa, kaya ang kaniyang ama na si Jeboy ang nag-aalaga muna kay Ellai at nakatira kasama ang kaniyang tita Elena.

Gayon din si Chard na panganay na anak at mayroon naring anak at asawa. Si Chard naman ay nagtatrabaho bilang isang Company Driver. Si Elena ang bunso at hindi pa nag aasawa.

"Pa!, alis na ako!" wika ni Elena nang magpang abot sila ng kaniyang ama sa pintuan ng kanilang bahay.

"Sige,' wika ng kaniyang ama.

Si Elena ay nagmamadaling maglakad palabas na kanilang lugar at sa kanto may sumisigaw nang "Ma'am, Taxi!!!??" sigaw ng lalaki na nakataaas ang kamay na hintuturo na senyales kung siya ba ay sasakay taxi. Si Elena ay sumenyas din pataaas na hintuturo bilang simbolo na itoy sasakay sa taxi. Siya ay laging sumasakay nang taxi lalo na kapag ito ay malalate na.

Nang malapit na si Elena sa taxi, siya ay may inabot na sampung piso sa lalaki tumawag ng taxi para sa kaniyang tip. Sumakay na si Elena nang taxi at nagtanong ang driver kung saan ito papunta ,"Good Morning Maam! Saan tayo Ma'am?" tanong ng driver ng taxi

"Sa may RCBC po manong, sa may Ayala Makati po" tugon ni Elena na may halong dismaya dahil alam niya na siya ay malalate na kahit magtaxi pa ito.....

Habang nasa loob nang taxi si Elena, siya ay nag aayos ng kaniyang kilay at naglagay ng Moisturizer sa mukha. Siya ay hindi nagmamakeup dahil siya ay madaling pagpawisan at hindi magaling mag make up. Mas gusto niya ang natural na ayos lamang. Nang matapos si Elena sa kaniyang pagaayos ng kilay, binuksan ng driver ang radyo ng taxi at inilipat ito sa balita.

"Mainit na balita mula sa Mindanao mga kabayan. May mga nawawala pasahero na mga pinoy at foreigner. Ito ay namataan nakasakay sa isang yate nang sila ay tambangan na mga hinihinalang terorista. Kinuha lahat nang pasahero sa yate kasama na nga ang pinakamayaman na negostante sa bansa nang Australia." Hanggang ngayon ay nakikipag-ugnayan parin ang mga pamilya ng mga biktima sa kinauukulan." balita ng reporter sa radyo..

"Tsk, hay terorista na naman magpaparansom money na naman sila" kumento ng manong driver sa narinig na balita.

Matapos iyon ay napa-bugtong hininga nalang si Elena sa kaniyang nabalitaan kasabay nang malalim na iniisip.

Nang makarating sila sa tapat RCBC sa Makati. Nagmamadali ng malakad si Elena papuntang sa elevator. Ngunit ng pumasok sa pintuan nang kanilang office siya ay late na ng 15 minutes.

Hindi maipinta ang mukha ni Elena pagpasok ng opisina na may halong pagkadismaya.

"Late ka na naman Elena", wika nang kaniyang katrabaho kasabay ng isang tawa

"Oo nga eh, tinanghali nang gising" tugon ni Elena sa kaniyang katrabaho

"Bakit ka na naman tinanghali Elena? tanong mula sa isa pa nyang katrabaho..

Isang bugtong hininga na lang nasagot ni Elena sa kaniyang katrabaho habang ito ay nagsesetup ng laptop at headset na para magsimula nang magreceive ng call at mag assist mula sa ibang bansa.

Lumipas ang ilang oras nang bigla marinig ni Elena ang boses na kaniyang Manager at tinatawag sya pumunta sa puwesto nito. "Elena, halika dito ano na naman ginawa mo dito sa ticket na toh!?".Nang marining niya ang kaniyang boss siya ay nglock ng laptop niya at tumayo patungo sa cubicale nang kaniyang Manager. Ang lahat nang mata nang kaniyang katrabaho ay nakatingin sa kaniya habang naglalakad. Na waring sinasabi..."yari ka na naman"

Narinig ni Elena ang kaniyang katrabaho nag uusap at sinabi "Mukang may nagawa na naman siyang mali"

Habang naglalakad siya papuntang sa room ng kaniyang boss, nakaramdam siya nang lungkot dahil alam niyang pagagalitan na naman ito nang kaniyang boss.

Kumatok siya sa pintuan nang kaniyang boss at tinignan niya ang mukha nito. Kinabahan siya dahil halos malalim na tingin at kunot na noo ang nagaabang sa kaniya.

Pumasok siya sa room at biglang nagsalita na ang kaniyang boss na di man lang inantay na siya ay makaupo sa upuan na nasa harapan ng desk.

"Ano na naman ang ginawa mo dito sa ticket ng isang user!?. "Nagpapachange siya ng Name na product pero ang nireply mo sa kaniya ay kung ano ang nakikita mo or existing sa end system naten. Binasa mo ba ng maayos itong request ng client natin huh!? Pang ilang beses nang nagyayari sayo ang escalation na mali ang nirereply mo at ginagawa mo sa mga client natin.Hindi mo ba alam na isa ito sa pinakamalaki natin clients!?" wika nang kaniyang boss na mataas na ang boses.

Hindi niya na alam kung paano sasagutin at idedepensa ang kaniyang sarili sa mali kaniyang nagawa sa parehong dahilan.

Wala nang ibang pumasok sa isip niya kung hindi "Sorry Sir.." wika ni Elena.

Mabilis nag response ang kaniyang manager

at sinabing "Sorry na naman, hindi naman mababayaran ng sorry mo ang dollyares na mamawala sa kumpanya natin pag nagbackout sila sa service naten. Ano bang problema at paulit ulit mong mali..kesa hindi mo nabasa at naintindihan?" may dapat bang pagusapan tungkol dito huh Elena" maangas na pagkakasabi nang kaniyang manager.

Ang tumatakbo sa isip ni Elena ay ang dahilan na ayaw niyang magbasa at sa boss nya subalit pinili na lang niyang tumahimik.

"Bagsak ka na naman sa evaluation mo, isasama ko ito sa escalation mo for this month!.." dugtong ng kaniyang Manager.

"Sige na bumalik ka na sa pwesto mo at inayos ko na tong issue ni user" wika nito.

Si Elena at nagtatrabaho bilang isang IT Service Desk agent sa isang napakalaking BPO industry sa Pilipinas.

Bawat buwan mayroon silang Evaluation Performance kung saan mamarkahan sila kung ano ang ginawa mo solutions sa bawat tawag at emails na marereceived mo mula sa clients nang kumpanya. Sa tuwing One-on-One Meeting, si Elena ang may pinakamababang marka mula sa kanilang grupo na galing sa kanyang Supervisor.

Kaya ganito na lamang nagiging reaksyon ni Elena sa tuwing siya ay magkakaroon ng mababang marka mula sa mga mali nitong solutions na nagawa mula sa mga concerns nang kanilang mga clients

Dumaan pa ang ilang oras habang si Elena ay nagbabasa nang email bigla na lang may nag-popped up sa kanyang monitor. May nagchat sa kaniya sa Skype mula sa kaniyang katrabaho si Enrique. "Kamusta? OK lang iyon wag kang masyado paapekto, anong nangyari at pinatawag ka?" Napangisi si Elena at nagreply sa chat nito "Ayun pinatawag na naman ako sa confession room ni Big Brother, hahahahahahha" reply nito kay Enrique na agad naman ding tumugon "hahahahah napapadalas ang confession mo ah baka maging banal kana nyan"

"Oo, nga eh puro sermon lagi, haizt" napabugtong hininga na lamang si Elena sa kaniyang kinauupuan para irelease ang bigat nadaramang paka dismaya at tinanggap na lamang na wala na siyang magagawa sa nangyari.

Si Elena ay tumayo sa kaniyang upuan para maglunch dala ang kaniyang wallet at cellphone, siya ay pumunta sa ramen restaurant sa food court ng RCBC. Binuksan niya ang kaniyang cellphone at nagsimula idial ng number nang kanyang boyfriend na si Zeus para ito tawagan. Nang sagutin ang kaniyang tawag ni Zeus "Moshi Moshi, kamusta mahal ko" bungad ng kaniyang boyfriend.

"Eto, may escalation na naman ako" malungkot na balita ni Elena.... "Inay ko, Inay kawawa naman yang baby na yan inapi na naman, Inay ko" at sila ay nagsimulang magtawanan. Gumagaan pakiramdam ni Elena kapag kausap niya ang kaniyang boyfriend habang kumakain ito. Nang maubos na ang kinakain ni Elena na ramen, "Beb, pasok na po ako balik na po ako sa work" na napakamaliwalas na muka na may ngiti,

Bungad ng kaniyang boyfriend bago matapos ang kanilang paguusap.

"Oi beb, kaya mo yan... tandaan mo na kailangan mong ipakita at patunayan na nadedeveloped ka at natututo sa bawat mali na nagagawa mo. Saka di sukatan ang numero para sabihin na hindi ka magaling. Para saken napakagaling mo mahal ko" sabay nagtawanan silang pareho

Agad naman tumugon si Elena sa sinabi ng kaniyang boyfriend "Salamat beb, love you at dahil may tawa ang pagkakasabi mo, wala kang pasalubong na Takoyaki"

"Naku naman, Naku naman ikaw na nga tong pinapagaang ang loob wala pa akong pasalubong, wag kana mag abala ikaw naman oh gusto ko masaya ka at ligtas ka at ung scallop flavor lang huh ahahahhaha" muli silang nagtawanan at si Elena ay nagpaalam na sa kaniyang boyfriend sa kabilang line.

"Love you beb" paalam ni Elena kay Zeus na sumagot din nag "I love you so much beb, AJA! bye!" sabi ni Zeus, sabay binaba na ni Elena ang tawag.

Habang naglalakad si Elena ito ay nakangisi at sobrang gaan nag kaniyang pakiramdam kapag inaalala ang kanilang naging usapan nang kaniyang boyfriend

Ready nang magtrabaho ulit si Elena sa natitirang oras bago matapos ang araw na iyon.

Ang elevator ay huminto na sa kanilang floor, narinig niya ang kaniyang pangalan na tinatawag ng isang lalaki at kinalabit siya nito sa balikat "Oi, Elena anong nanyari kanina?" tanong Cyrus na kaniyang katrabaho na naguusisa. Tumatakbo sa isip ni Elena ng mga sandali na iyon ay kung sasabihin niya ba ito kay Cyrus. Simula palang nang magkakilala sila bilang magkatrabaho si Cyrus ang tipo nang tao nakapag nagsabi ka sa kaniya ay asahan mong alam na lahat ng buong team. Pero kahit ano naman sabihin ni Elena dito ay mananatili parin siyang mababa sa paningin ni Cyrus. Kaya minabuti na lang niyang sabihin ang totoo kay Cyrus tungkol sa nangyari kanina at kung bakit siya pinatawag nang kanilang boss.

"Ah ganon ba, Tsk yaan mo na yun lahat naman nagkakamali wag mo nalang ulitin saka kailangan talaga basahin mo ng mabuti. Kasi dito sa atin kahit wrong grammar lang minus na agad sa score mo eh. Kaya ok lang yan Elena. Sige break na ako bibili lang ako ng pagkain" sabay pinindot ni Cyrus ang elevator para bumaba na ito at bumili nang kaniyang pagkain.

"Sige, eat well" tugon ni Elena kay Cyrus.

Saktong 3:00 nang hapon ay natapos narin itroubleshoot ni Elena ang problema nang kausap niya. Dali-Daling niya inayos ang headset, mouse at pinatay niya ang laptop.

"Uwi ka na Elena?" wika ni Enrique

"Ah, Opo uuwi na ako baka matraffic ako pauwi eh, Bavush guys" sagot ni Elena na nagmamadali nang umuwi. Nang mailagay niya na ang laptop, headset at mouse sa locker. Masaya na siyang uuwi dahil natapos narin ang maghapon niya sa trabaho. Ito ang pinakamasayang oras na kahit kakapasok pa lamang niya nang opisina ay gustong-gusto niyang nang umuwi agad.

Habang siya ay naglalakad papuntang Landmark may naaninag siya na wari ay may nagbabantay at sumusunod sa kaniya.

Pinagsawalang bahala niya na lamang ito at binilisan maglakad.

Nang siya ay makarating sa Landmark binilisan niya pa ang lakad papunta ng McDonald's sa may Glorietta para bumili nang Hot Fudge, ito ay pamawing pagod ni Elena sa maghapon na trabaho. Hindi rin niya maitatangi ang kahiligan nito sa matatamis na pagkain. Habang siya ay kumakain ng Hotfudge bumabagal ang kaniyang lakad pero mabilis parin ang kaniyang pagkain. Nang maubos ito ay bumili naman siya Beef Cheesy Pinatubo Jamaican at dumeretso na sa Park Square kung saan siya ay sumasakay ng UV Express pauwi sa kanila. Pag dating niya sa pilahan saka naman niya kinain ang binili niyang Jamaican. Bago pa man siya makapasok sa sasakyan ay naubos niya na ang Jamaican.

Habang siya ay nasa loob nang UV at ang sasakyan ay umaandar na, hindi niya namalayan na siya ay nakatulog.

Nang bandang C5 na ang UV, nagising nalamang si Elena sa kaniyang hilik at napansin na tahimik na nakatingin sa kaniya ang lahat pasahero na nasa loob nang sasakyan. Subalit si Elena ay hindi parin huminto sa kaniyang pagtulog.

Nagising na lamang si Elena nang may bumaba na pasahero sa may Housing. Maganda ang pakiramdam ni Elena nang siya ay makaidlip at may pilyang ngiti at sinasabi sa kaniyang isip ay "Napasarap yata ang tulog ko, hehehhe"

Nang makarating na ang UV sa kanilang lugar bumaba na si Elena at naglakad na patungo sa kanilang bahay.

Pag karating ni Elena sa kanilang bahay, "Pa, anong ulam natin!?" bungad ni Elena sa kaniyang ama.

"Hmmmp, mamalengke pa, ang aga mo yatang umuwi ah?, sagot ng kaniyang ama.

Ngumiti lang si Elena sa kaniyang ama at umakyat na ito sa kaniyang kuwarto sa second floor. Si Elena ay nagbihis na ng kaniyang pambahay na cycling short at speggetti na damit na paborito nitong suot pag nasa bahay nila. Pagkatapos niya tanggalin ang kaniyang bra at itabi sa pintuan ang kaniyang sapatos, siya ay humiga sa kama at kinuha ang kulambo para gawing kumot at nagsimula nang matulog ulit.

Si Elena ay naalimpungatan nang marinig niya ang boses nang kaniyang pamangkin na si Ellai na niyuyugyog siya nito."Tita, gising na, kakain na!" wika ni Ellai.

"Tsk, Oo na baba na ako" sagot ni Elena na medyo sumakit ang ulo sa paraan nang pagising nang kaniyang pamangkin

"Bumangon ka na Tita, gutom na ako" sabi ni Ellai habang ito ay pababa na nang hagdanan

Si Elena ay tumayo na sa kaniyang higaan at nagsuot ulit ng kaniyang bra. Bumama na siya para kumain na sila.

Nang ito ay makarating na sa kanilang hapag kainan, nagsimula na si Elena kumain.

"Hmmm baka mabulunan ka" sabi nang kaniyang ama.

Si Elena ay hindi parin tumutigil sa pagkain nang mabilis halos maubos nito ang lutong kanin na sampung gatang na bigas sa rice cooker nila kasabay ang pagkain nang litson manok.

"Ang takaw mo Tita!" awat ni Ellai sa kaniyang Tita.

Nang mabusog na si Elena nagmamadali na itong umalis sa lamesa at inutusan ang pamangkin nito na maghugas na noo'y kumakain pa.

Nakangiting umakyat si Elena sa second floor dahil naisahan na naman niya at naunahan ang kaniyang pamangkin. Ang kaugaliang nilang pamilya na kung sino ang huling kumain ay siya ang maghuhugas nang pinagkainan nang lahat.

Mula sa kwarto ni Elena siya ay nanonood at seryoso ang muka niya na tila ay malalim ang iniisip sa balita sa TV tungkol sa mga terorista na binalita kanina umaga habang siya ay nasa taxi.

Hindi namalayan ni Elena na dalawang beses na pala tumatawag sa kaniya si Zeus. Tinawagan ni Elena si Zeus sa messenger sa Facebook para sila ay magvideo call.

Tumagal nang halos isang oras ang kanilang paguusap. Matapos nila magusap ni Zeus siya ay nagprepare na nang damit naisusuot pang tulog na inilagay niya sa ibabaw ng kaniyang kama at para maghalfbath bago matulog.

Lumipas ang kalahating oras ay lumabas na si Elena sa kanilang banyo na nakatapis nang tuwalya at nagpunas. Pagkatapos nito ay nagbihis na siya nang damit na pangtulog at ito ay uri parin cycling short at speggetti na damit.

Maginhawa ang pakiramdam ni Elena at siya na ay humiga at kumuha ng bagong kulambo para gawin kumot.

Tumawag muli si Elena kay Zeus para mag goodnight. Umayos na siya nang posisyon niya pangtulog kung saan nakatagilid at nakaharap sa dingding. Nang unti-unti ng papikit ang kaniyang mga mata ay bigla na lamang may tumunog sa kaniyang cellphone at may message mula sa kaniyang outlook application. Meron email ang kaniyang boss at sinasabi na darating ang pinaka head ng IT Director nang kanilang kompanya mula sa US kaya sinasabihan niya ang lahat na mag executive office attire ang buong IT Department para sa pag dating nang kanilang Director bukas. Tumayo si Elena para ihanda at magplantsa ng susuotin niya bukas.

Matapos nito chineck niya ang alarm clock niya at tinodo ang volume ng kaniyang cellphone. Pinatay na ni Elena ang TV at hinayaan lang niya nakabukas ang ilaw dahil siya ay hindi makatulog kapag nakapatay ang ilaw. Tumagilid na siya ng higa niya at dahan-dahang pinikit ang mata.

Kinabukasan maaga nakapasok si Elena nang opisina. Lahat ay pustorang-pustora sa kanilang pang executive attire at handa na sa pagdating ng kanilang IT Director mula sa US.

Nakapang amerikana ang kaniyang boss na mistulang maamong tupa.

Lahat ang nakipag shakehand sa kanilang Director nang ito ay dumating at nagsimulang magmeeting tungkol sa mga plano sa IT Department at masayang binalita ng kanilang Director na pinakatop customer service satisfaction ang grupo ng Pilipinas sa buong branch mula sa ibat ibang mundo. Lahat ay nagpalakpakan at si Elena ay nakatingin lang sa muka ng kaniyang Boss na parang walang nangyari sa escalation niya kahapon.

Lumipas pa ang ilang araw na nasa Pilipinas parin ang kanilang Director.

Si Elena ay maglalunch at nasa isip niya eh kung kailan ba aalis ang IT Director niya dahil init na init na ito sa ilang araw na siya ay nakaformal na attire kung saan siya ay laging nakastocking na black. Pagkagaling niya sa lunch ay dumeretso si Elena sa Restroom para magtoothbrush at pag bukas nito ng gripo bigla na lamang umagos ang dugo sa kaniyang ilong at mabilis na kinabahan sa walang tigil na agos nang dugo. Dali-dali niyang binuhusan ang dugo sa lababo habang nakatingala at pinasok ang toothbrush sa kanyang pouch. Iniiwasan niya na may makakita sa kanya. Pag labas niya sa pintuan ng female restroom agad bumungad sa paningin niya si Enrique na papunta rin sa restroom na pang lalaki ng mga oras na iyon. Nagkatitigan pa silang dalawa habang hawak ni Elena ang kaniyang ilong na hindi namamalayan na umaagos na sa kanyang kamay ang dugo at natutuluan na ang kaniyang puting damit. "Elena!, ok ka lang ba!?, anong nangyayari sayo bakit dumudugo yang ilong mo?" tanong ni Enrique habang papalapit kay Elena na para alalayan nito.

Hindi maihakbang ni Elena ang kaniyang paa nang makita siya ni Enrique na nagkakaganoon.

Nang mapatingin siya sa Exit Door na sa harapan lang niya ay dali-dali niyang binuksan ang Exit Door at nilock para hindi ito masundan ni Enrique.

Sumandal si Elena sa dingding at dahan dahang pinikit ang mga mata at nag inhale-exhale para pakalmahin ang kaniyang sarili.

"Inhale, Exhale" sabi ni Elena sa kaniyang isip na ilang beses niya na itong ginagawa para pakalmahin ang kaniyang sarili.

Subalit ang dugo sa ilong niya ay hindi parin tumutigil. Kumakatok si Enrique sa pintuan at nakikiusap na pagbuksan siya nito. Para matulungan niya si Elena.

Biglang binitawan ni Elena ang kaniyang ilong at hinayaan dumaloy ang dugo nito at dahan dahan pinikit ang mga mata kasabay nang pagbaba ng kanyang kamay. Nang bigla napatingin ito paitaas at dinilat ang mga mata. Nang mga sandali na iyon ang kaliwang mata niya ay nagkulay berde at ang kanan ay nanatiling natural na kulay itim at bilugan niyang mata. Si Elena ay mahigpit na napapakapit ang kanan kamay sa door knob nang kanila exit door habang tila may nakikita sa kaniyang kaliwang mata. Matapos ang tatlong minuto siya ay napayuko at napaluhod ang isang tuhod habang nanatili parin nakakapit ng mahigpit sa door knob.

Tatlong minuto pa at unti unti nang nanunuyo ang dugo mula sa kanyang ilong at ito ang indikasyon na wala nang tumutulong sa kanyang ilong.

Umakyat siya ng hagdan at lumabas sa exit door kung saan ay isa parin parte ng kanilang kumpanya. May tatlong palapag sila na pagmamay-ari ng kanilang kumpanya sa RCBC. Dumeretso si Elena sa CR ng mga babae at daling-dali hinugasan ang kanyang ilong pati na ang kanyang mukha. Mabuti na lamang at may extra palaging dala na damit si Elena na nakalagay sa kanyang locker. Kinuha niya ang kanyang itim na panyo at tinakpan niya ang damit na may dugo na nag mistulang bata na papakain. Matapos magpunas nang kanyang muka gumamit na siya ng elevator at sa pagkakataon na iyon siya lamang ang sakay nito. Paghinto ng elevator siya ay nagmadali na pumunta sa kanyang locker at kinuha niya ang kaniya extra na damit at dumeretso na siya sa CR ng mga babae. Pagkarating niya sa pintuan nadoon parin si Enrique sa pintuan at patuloy parin kumakatok ito.

"Psst, Enrique, OK na ako kaya wag ka nang kumatok" winika ni Elena habang nakangiti

"Elena, anong nangyari sayo? sobrang daming dugo dumaloy sa ilong mo nag-alala ako sayo.... sigurado ka ba na ok ka na? kung gusto mo samahan kita sa clinic para sa paunang lunas? wika ni Enrique na nag-aalala.

"Ok na ako Enrique, kaya wag kang magalala kaya ko toh. Pasensya ka na ahahhahaha ganito talaga ako pag sobrang init" sabi ni Elena.

"Sure ka?. Sigurado ka na ayos ka lang huh? tanong ni Enrique.

"Sure na sure ako kaya mag CR ka na ahhahah baka maihi ka pa diyan? pilyang sabi ni Elena.

Napakamot nalang si Enrique sa kanyang ulo at siya ay dumeretso na sa CR nang mga lalaki na tulad nakahinga na siya nang maluwag.

Pumasok na si Elena sa CR ng mga babae at nagpalit na siya nang kaniyang damit.

Noong siya ay palabas na sa CR, muli silang nagkasabay ni Enrique at sabay nang bumalik sa kanilang upuan.Sila ay nagsimulang na muling magtrabaho.

Dalawang oras bago matapos ang kaniyang trabaho para sa araw na iyon. Siya ay nakareceive ng chat mula kay Enrique at sabi ay "Tahimik mo ah?!, sure ka ba na ok ka lang? Muka ang lalim ng iniisip mo huh.?

Napangisi si Elena at agad naman nagreply kay Enrique at sinabing " Sa kakatanong mo mukhang kailangan ko nang pumunta nang hospital ahahahahaa... oks na oks lang po ako doctor Enrique" sabay siya ay napangiti nang magreply sa kaniya si Enrique nang "hahahahahha"

Nang matapos ang kaniyang oras ng trabaho. Niligpit na niya ang kaniyang mga gamit at ipinasok sa kaniyang locker.

Nang siya ay nasa tapat na ng elevator nasaktuhan niya na walang kasabay ulit.

Tinignan niya ang pindutan at pinindot ang pinakamataas na floor ng building. Hinanap niya ang pintuan papuntang roof top. Subalit ng buksan niya ito may isang boses ang umalingawngaw sa tahimik na hall.

"Yes ma'am ano po ginagawa mo dito? bawal po ang employee dito." mula sa guard na nakaputi ng long sleeve na may hawak na radio communication.

Napatingin si Elena sa kisame kung mayroon itong CCTV camera. Mayroon dalawang camera na nakatutok sa exit door papunta na roof top at isa camera na nakatutok kung saan siya dumaan pagkababa sa elevator kanina.

"Ah sir, sorry akala ko puwede dito manigarilyo bago lang po kasi ako dito sorry po baba na po ako" palusot ni Elena

"Mam, sa baba lang po dun sa may ground floor sa gilid ang smoking area." sabi nang guard sa kaniya habang hinahatid si Elena ng guwardiya sa elevator.

"Sige po sir sorry po" wika ni Elena at sinarado na agad agad ang elevator.

Pakababa ni Elena sa Ground floor nilibot niya ang buong ground floor at inikot ang buong kanto nang RCBC building na wari may binabantayan.

Matapos niya ito gawin nagdesisyon na siya na umuwi at maglakad papuntang sakayan.

Nakarating na si Elena sa kanilang bahay ay di parin maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa kaniya kanina habang dumudugo ang kaniyang ilong.

"Tita ok ka lang?" tanong nang kaniya pamanagkin na si Ellai.

"Ok lang parang di masarap ang luto ni papa ngyon na ulam" pangaasar ni Elena kahit na masarap ang ulam "Parang may kakaiba" dagdag pa nito

"Hmp, baka di ka lang magtoothbrush" ganti ng kaniyang ama na sabay sabay kumakain ng kanilang hapunan

"Oo nga Tita, masarap kaya ang luto ni papa!" wika ni Ellai habang nagkukuyakoy habang ngumunguya ito. "Paborito mo yan di ba tita, yang tinola"

"Kahit ano naman paborito nag Tita mo eh" singit nang kaniyang ama at sila ay tumawa.

Naghuhugas si Elena nang gulatin siya nang kaniyang pamangkin "Pu.....tik" wika ni Elena na may gigil

"Hahahahahah kanina ka pa kasi parang tahimik eh ahahhahahahha" pilyang tawa at wika ng kaniyang pamangkin natutuwa laging gulatin ang kaniyang Tita. Sabay alis ni Ellai at pumasok na sa kanilang kwarto nang kaniyang lolo

Matapos maghugas ni Elena, siya ay dumeretso na sa kaniyang kuwarto at magsimula na magprepare sa kaniyang paghalf bath. Half bath ang pagliligo na kung saan hindi binabasa ang ulo ngunit nag sasabon ng katawan.

Pag kapalabas niya sa kaniyang banyo ay madilim na paligid ang bumungad sa kaniya na waring naninilim ang kaniyang paningin. Muli siyang lumingon sa kaniyang banyo na kung saan alam niya na may liwanag pa ito mula sa ilaw. Subalit sa dahan dahan niya paglingon palikod. May bumulong sa kaniya at sinabi

"May panganib na paparating" na unti-unti humihina at nawawala mula sa boses nang isang babae.

Pagtingin niya ulit nang deretso biglang lumiwanag ang kaniyang paningin at buong kuwarto.

Nakahiga na sa kaniyang kama si Elena at ito ay nagpaikot-ikot na sa higaan ngunit siya ay di parin dinadalaw ng antok.

Siya ay bumaba mula sa kaniyang kuwarto papuntang kusina at kumuha ng baso para siya ay uminom ng fresh milk para makatulog na. Nang siya ay umakyat at nagtungo na sa kaniyang kuwarto habang siya ay nakahiga na sa kama siya ay napaisip sa mga kakaibang nangyayari sa mga nakaraang araw mula sa pagdugo ng kaniyang ilong hanngang sa may babaeng bumulong sa kaniya. Di niya na malayan na dahan-dahang ang kaniyang mata ay napapikit na at tuluyan nang nakatulog.

Pagkadilat nang kaniyang mata at nagising sa kaniyang alarm clock, siya ay nagsimula na maghanda sa kaniyang pagpasok.

Biyernes na ang pinakapaboritong araw nang pagtatapos na mahabang linggo ng pagtatrabaho.

Si Elena ay nakangiti at masayang awra ang bumungad sa kaniyang mga katrabaho.

Inihanda niya na ang kaniyang mga gamit para magsimula nang tumanggap ng tawag mula sa mga katrabaho sa ibang bansa.

Apat na oras na nang nakakalipas, habang si Elena ay busy sa pagreresolba sa problema ng kaniyang katrabaho mula sa Sydney tungkol sa email na hindi makareceive ng email ay bigla na lamang may umalingawngaw na isang putok na baril na nanggagaling sa lobby.

Lahat ay nagkagulo at nagsisigawan.

Samantalang si Elena ay nagsimula nang kabahan at napatingin mula sa bungad ng lobby habang may kausap pa sa kabilang line.

"I'm sorry can I speak to you later, will save your number here and I am going to give you a call back regarding on this matter. Thank you and Have a great day!" Sabay baba ng headset ni Elena sa kaniyang table.

Biglang may mga kalalakihan ang pumasok sa kanilang office na nagmula sa lobby. May mga hawak na mga ibat ibang klase nang baril na nagmistulang pinagplanuhan ng maigi ang kanilang mga dala. May mga kahon-kahong dala ang mga ito.

"Lahat kayo magsipagdapa at itapon lahat ng cellphone at mga bag paharap kung hindi papatayin namin kayo!" lahat ay nagsigawan ant damang dama ang takot na bawat isa at daling daling tinapon ang mga cellphone at bag sa kanilang harapan. Habang ang isa sa mga bandido ay kinukuha lahat nang kanilang gamit. Matapos kunin ang lahat ng gamit ng mga empleyado pinatayo sila at hinati sa dalawang grupo isa sa kanang pwesto ng kanilang office at isa naman sa kaliwa.

"Lumuhod kayo at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong batok!" sigaw ng isang rebelde habang naglalakad na may hawak na mataas na uri ng baril at may kulay pulang tela sa kaniyang kanan na braso.

Lahat nang empleyado ay nakaluhod at nakalagay ang kamay sa kanilang mga batok.

Lumipas pa ang ilang minuto nababalot nang katahimikan at takot ang buong opisina na at mula sa kinaroroonan ni Elena may naririnig kakaibang yabag ng mga paa na tila pamilyar sa kaniya ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan ito nangyari.

Mula sa malayo pinagmamasdan ni Elena lahat nang rebelde na inaalis ang mga lamesa at upuan sa at natatanaw niya rin ang mga katrabaho sa kaliwang grupo. Si Elena ay hirap na hirap sa pagkakaluhod at namamanhid na ang mga tuhod.

Bigla napansin niya ang isang rebelde na may binubulong sa lalaki na may tela sa kanan braso.

Papalapit sa kanilang puwesto ang lalaki na may tela na pula at nakatutok ang baril nito sa kanila.

"Halika dito! Tumayo ka!" sigaw nang lalaki at napatingin si Elena kung sino ang sinasabihan nitong lalaki na tumayo. Paglingon ni Elena, hila-hila na nang lalaki si Enrique papunta sa gitna at ang mukha nito ay takot na takot at pinagpapawisan.

"Ikaw ang unang biktima!" sigaw ng lalaking rebelde. " Anong pangalan mo ginoo?, sagot!"

Si Enrique ay takot na takot at iniisip nang mga sandali na iyon ay kung ito na ba ang huling araw niya.

"Sagot!" sigaw ng lalaking rebelde

"En..Enrique po!" nanginginig na sagot ni Enrique sa lalaki habang natutok sa sintido niya ang baril na hawak ng rebelde.

Tumingin si Enrique kay Elena na waring mga mata humihingi ng tulong at naghahalong takot at kaba.

"Hi, Enrique. Ito ang pinaka masuwerte mong araw dahil bukod sa magiging artista ka, Ikaw ang unang isasalang at ikaw unang papatayin kapag hindi sumunod ang Presidente mo sa mga ipapakausap namin. Tutulungan pa kitang makarating sa langit ngayon araw din. Naiintindihan mo?! kaya sumunod ka lang sa sasabihin ko!" wika ng lalaki habang nilalakihan nito ang mata na nakahawak at nakalapit ang mukha nito sa mukha ni Enrique. Sabay tulak nito kay Enrique. Si Enrique ay napaupo at pinilit parin lumuhod kahit nanginginig na ito sa takot.

"Sayadi, hinahanda na ang mga bomba hintayin muna naten na matapos ang mga ipapalagay na mga bomba saka tayo magbrobroadcast sa media. At sabi ni boss tatawag siya pagpapatayin na naten ang unang empleyado dito." wika nang isa rebelde sa lalaki my pulang tela sa kanan braso.

Rinig na rinig ito ni Elena mula sa kaniyang kinaroroonan niya at pawis na pawis sa kaba.

Nanatiling nakatingin si Elena kay Enrique na kahit man lang sa sandaling iyon maipadama niya ang kahalagahan nito bilang kaibigan.

Bumalik ang mga araw na nagkakilala sila ni Enrique sa trabaho at dahan dahan bumaling ang tingin ni Elena pababa sa sahig habang nakaluhod. Naalala nito ang kabutihan ni Enrique pinakita sa kanya kahit ano pang pilit niyang pag layo sa binata. Sa mga panahon na depressed siya at stress sa trabaho. Ang nag-iisang tao nagpahalaga, ang taong handang makinig sa kanya kahit sa kanyang katahimikan, ang taong nagiging dahilan bakit siya masaya. Lahat ng sandaling iyon tinatanaw ni Elena habang rinig na rinig niya ang yabag na papalapit kay Enrique at  dahan dahan niyang tinaas ang kanyang ulo at tumayo mula sa pagkakaluhod papunta kay Enrique.

"Sandali!" wika ni Elena hakbang bigla pigil sa kamay ng bandido nakaambang na sunsuntukin si Enrique. Nanagtataka paano siya nakarating bigla sa kinaroroonan ni Enrique.

"Pakiusap, ako na lang huwag ang kapatid ko" dahilan ni Elena habang nakatingin kay Enrique at alam ng mga katrabaho nila na hindi sila magkapatid at ito ay nagpapanggap lamang.

"Ako na lang pakiusap, Huwag ang bunso kong kapatid. Siya ang pinakamamahal nang aming nanay na may sakit" Mahal ko ang nanay ko at ayaw kong umiyak siya dahil sa pagkawala nang aming bunso."

Biglang malakas na sampal ang bumungad kay Elena sabay dalawang tadyak sa sikmura nito mula sa bandido.

Halos magsuka ng dugo si Elena na pulang pula ang muka na waring walan ng hininga.

"Sino ka sa tingin mo para magdesisyon kung sino ang papatayin namin?! Huh!! Habang nakasabunot sa buhok ni Elena at pinipilit na iharap ang mukha nito.

"Huh?" habang nanlalaki ang mata ng bandido nakatingin sa mukha ni Elena na halos magkalapit na mga bibig. Isang malakas na suntok sa sikmura ni Elena ang pinakawalan ng bandido. Halos mamalipit sa sakit si Elena at tuluyan ng sumuka ng dugo.

Hiniwakan ng Bandido si Enrique sa braso para tumayo.

Hinawakan ni Elena ang sapatos ng bandido at pinulupot mga braso nito para di makalakad.

"Pakiusap, ako nalang huwag ang bunso kong kapatid." Pakiusap ni Elena habang may dugo sa ngipin. 

"Mas pa-pakinggan kayo ng Pangulo kapag babae ang bihag niyo" sabay ubo ng dugo.

Huminto sa paglakad ang bandido at napaisip ito. Tinignan niya si Elena at tinadyakan nito si Enrique papalayo rito. Hinila sa buhok si Elena at isa pang malakas na tadyak sa sikmura ang pinakawalan ng bandido kay Elena na para ikahina at mawalan ng malay si Elena.

"Buhusan ng tubig yan!" Wika ng bandido sa kaniyang kasama na isa rin bandido.

Binuhusan ng malamig na tubig si Elena. Nagising si Elena na waring naalipungatan. Pagmulat nang kaniyang mga mata nakita niya ang kaniyang damit na puro dugo at siya ay nakaupo sa upuan sa gitna habang nakagapos ang mga kamay kung saan ay kitang kita siya nang kaniyang katrabaho nakaluhod sa magkabilaang gilid at mga mistulang pagod na pagod sa matagal na pagkakaluhod  at mga mukha na natatakot.

"Oh, ano galingan mo sa pag arte mamaya, sa harapan ng camera" sabay hawak nang bandido sa mukha ni Elena para ipakita ang kinaroroonan ng camera sa kaniyang harapan. 

"Gaya ng pagarte mo kanina habang binubugbog kita at para makita rin nang pinakamamahal mo ina ang pagkamatay mo" binitiwan ang mukha ni Elena kasabay na malalakas  na tawanan ng mga bandido

Lumipas pa ang tatlumpung minuto nananitili parin ang tensyon sa loob nang kanila opisina.

Si Elena ay umupo ng maayos at pustorang masaya at nakangiti na tila ay walang panganib na nakaambang sa kanila lahat.

Tumatakbo ang isang bandido palapit kay Sayadi ang bandido bumugbog kay Elena. Habang nagbubulungan tumingin na si Sayadi kay Elena at nakangisi.

Si Sayadi ay may hawak na G3C6 na baril na papalapit kay Elena.Isang malakas na suntok ang pinakawalan muli ni Sayadi sa mukha ni Elena

Halos matumba si Elena kasama ng upuan sa sobrang lakas ng suntok subalit agad din inayos ang sarili at ito ay nagawa pang ngumisi habang nadugo ang labi.

Nagsenyas na ang mga kasama ng bandido na nakatelecast na sila sa buong pilipinas sa loob ng limang minuto

"Magmakaawa ka sa Pangulo mo" bulong nito kay Elena

"5,4.."nasisimula na magcount down ang kasamahan nito na may hawak sa camera

"3,2,1"

"Mabuhay Pilipinas!, tama ka live ito at lahat kayo makinig dahil sa ano mang oras masasaksihan niyo ang isang malaking pagsabog na aming gagawin. Kapag ang pinakamamahal niyong pangulo ay hindi sumunod sa aming ipaguutos, ay mali pala ang aming kahilingan"  Si Siyadi patuloy na nalalalakad pabalik sa kanan at kaliwa at tanging kalahati lang ng katawan nito ang nakikita sa camera subalit si Elena ay buong buong nakukuha ang mukha duguan at nakaupo sa harapan ng camera.

"Sa inyo pangulo ang hinihiling namin sa inyo ay kapayapaan at kailagan namin nang 5 helicopter na may 1 Bilyon na pera sa loob nito, Naiintindihan mo?! pera lang at isang piloto sa bawat helicopter kung hindi pasasabugin namin itong buong building. Kailangan namin sa loob ng isang oras.At pagnatapos ang tatlumpong minuto kailangan maglive kayo mahal naming Pangulo para ipaalam kung handa na ba ung aming kahilingan kapag hindi pa kayo handa sa loob ng 30 minutes, nakikita niyo ba itong babae sa harapan ko papatayin ko at masusundan pa sila hanggat hindi niyo naihahanda ang kahilingan namin" 

"Magsalita ka na Binibining"

Isang ngiti ang tinugon ni Elena na ikinagalit naman ni Siyadi, sinuntok ulit ni Sayadi si Elena sa harapan ng camera

Magsalita ka! Sigaw ni Siyadi

"10-69"

"10-20 RCBC"

"11-98 Ayala Triangle"

"10-17"

"10-45a"

"10-12"

"I repeat, 10-12" sinabi ni Elena sa harapan nang camera.Isang sipa ang pinakawalan ni Siyadi sa mukha ni Elena sabay sabunot nito

"Ano ang pinagsasabi mo?" tanong ni Siyadi

Isang tadyak sa sikmura muli ang inabot ni Elena kay Siyadi

"Inuubos mo talaga pasensya ko" , "Papatayin kita sa pinaka brutal na paraan"

Halos mangilabot sa takot ang buong Pilipinas at ang eksena na iyon ay umabot na sa ibat ibang bansa. Ito ay nangangahulugan banta sa seguridad ng mga ordinaryong tao.

Lahat ng tagapagbalita ng Pilipinas ay nagsipag-madaling pumunta sa mga opisina ng mga pulisya para humagilap ng mga inpormasyon tungkol sa pagkakalinan ni Elena at kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. Karamihan naman ay nagtungo sa palasyo para alamin ang tugon ng Pangulong Donato sa insidente na may kinalaman sa terorismo 

Ang mga Pulisya naman at sundalo ay nagtungo na sa RCBC kung saan ang departamento ng seguridad na ito ay nakakaalam ng kahulugan nang mga codes na binitawan ni Elena at karamihan sa mga sandatahang ng lakas ay nagtungo sa Ayala Triangle para ipatupad na ang pagbabawal sa pagtungo sa lugar na iyon lahat ng ordinaryong mamayan at pinaalis sa lugar ng Ayala Triangle lahat ng mga opisina at establisiemento sapilitang pinasarado ng mga oras na iyon at pinaalis na lahat ng mangagagwa sa lugar na iyon at agad agad na sinirado at sinita ang mga tao.

Ang pinakamataas na opisyales nang kapulisan ay nagsalita na sa media at humarap sa mga tagapag ulat mula sa ibat ibang istasyon 

"Sir Penelope, sino po itong mga tao sa likod nang live telecast kanina?" tanong mula sa isang reporter

"Sir, Ano po ang kahulugan ng mga binaggit nang dugaan babae?"

"Sir, may pagkakakilanlan na po ba iyong biktima na Babae?"

"Sir, ano na po ang inyong hakbang sa banta nitong mga terrorista?"

"Sir, sir…" Lahat ng ito ay sabay sabay na tinatanong ng mga reporter kay Chief Superintendent Penelope.

"Sa ngayon, wala pa tayong detalye sa pagkakakilanlan ng biktima at nitong mga tao sa likod ng insidenteng ito." tugon ni Chief Superintendent Penelope.

"Malaking tulong ang binanggit nang biktima na mga codes na isa sa mga tinitignan naten ay may background itong biktima sa military so sa ngyon humahagilap pa tayo ng inpormasyon sa pagkakakilanlan nga mga ito" dagdag pa ni Cheif Penelope  "Hindi namin maaring ilahad ang ibigsabihin ng mga binitawan codes ng biktima hanggat hindi pa ito tapos.

"Kami ngayon ay handa na para sa insidente at tinitignan naten noh kung paano itong mga bandido ito ay nakarating sa loob ng NCR"

"Ang mga kapulisan at mga sundalo naten ay naka stand by na at nakabantay" wika ni Chief Penelope at ito ay biglang alis.

Lahat ng reporter ay nakabantay at naghihintay sa Pangulong Donato sa loob nang kaniyang opisina.

Samantala si Elena ay nanatiling nakatingin sa kaniyang hita mula sa kaniyang kinauupuan at halos magsama ang pawis at dugo nito  sa muka na tila may tinatanaw.

Si Enrique ay nasa kanan at halos malapit sa kinaroroonan ni Elena.

"Elena", mahinang boses na tila bumubulong si Enrique

"Psst, Elena" tinatawag niya si Elena para tignan siya at kung nahinga pa ba si Elena

"Elena"

Dahan dahan itinuon ni Elena ang tingin niya sa taong tumatawag sa kaniya sa kaniyang kanan.

Matagal bago niya maaninag ang muka ni Enrique. Nang makita nga niya na ito ay si Enrique, si Elena ay ngumiti lamang kay Enrique at tilang nanlalabo ang mga mata. Binaling niya ang kaniyang tingin sa kaniyang hita at tuluyang si Elena ay nawalan na ng malay.

Rinig na rinig ni Elena ang bawat patak ng ulan sa labas ng opisina, at malakas din niya naririnig ang tinig ng kaniyang mga katrabaho ang iba ay sobra tindi ng takot at iba ay nagdarasal habang dahan dahan niyang minumulat ang kaniyang. Tila lasing ang itsura ni Elena sa sobrang sakit at tindi ng kaniyang natamo pambubugbog mula sa bandidong si Sayadi na sakto naman papalapit sa kaniya at rinig na rinig ang bawat yabag nito.

Isang sabunot muli ang ginawa ni Sayadi kay Elena na halos mabali ang leeg nito.

"Limang minuto na lang natitira para mabuhay ka, kamusta ang pagtulog mo? Huwag kang magalala malapit ka na ulit matulog" babala ni Siyadi.

Habang inaayos at inihahanda muli ng mga kasamahang bandido ni Sayadi ang pagtetelecast muli nito sa media para mapanood muli sila Live sa mga television. Isang grupo ng mga bandido pa ang dumating mula sa kinaroroonan ni Elena. 

"Nandito na boss ang IT Manager nila kano!"

Sinikmuraan ni Sayadi ang Manager ni Elena na noo'y dumadalaw lang sa Pilipinas mula sa US. Halos mapaluhod ang Manager sa lakas ng suntok na pinakawalan ni Sayadi sa kaniyang sikmura.

"How are you, Sir? Habang hinihimas ni Sayadi ang mukha ng foreigner na Manager nila Elena. "Did my guys tell you that you need to contact your CEO to send a ransom money to us huh? You have 3 days to live if your CEO won't cooperate, you die! Understand!?"

"Just watch this lady dying, because soon we will do it the same to you" How's my English Sir" Tanong ni Sayadi

"Answer me!" sigaw ni Sayadi sa foreigner

"Good, ve..Very well done…" wika ng foreigner habang iniinda pa ang sakit na pagkakasuntok sa sikmura na may halong takot.

"Ready na!" sigaw nang kasamahan ni Sayadi na may hawak na camera, senyales na magsisimula na ulit sila magbroadcast.

Si Elena ay halos walang takot at confident ang kaniyang mukha na nakangisi pa.

"5,4,3,2,Go!" sigaw nang lalaki na may hawak ng camera.

Si Sayadi ay muling nagpalakad lakad sa likod ni Elena habang nakukunan lng ang kalahating katawan nito samantalang si Elena ay kuhang kuha ang buong mukha habng nakagapos sa upuan.

"Kamusta, na kayo Presidente Donato? Naihanda niyo na ba lahat nang inuutos namin?" pasimula ni Sayadi.

"Tatlumpong minuto na ang nakakalipas ng huli tayo magusap"

"Kapag hindi ka parin magtelecast mula sa iyong kinaroroonan, nakikita mo ba itong foreigner?" sabay tulak ni Sayadi sa Foreigner papuntang kay Elena para makuhanan sa camera

"Isasabay namin sa pagpatay at lahat ng tao sa buong building na ito"

"At hintayin mo ang susunod nang aming hakbang kapag binigo mo kami ngayon" banta ni Sayadi sa Pangulo.

Bigla sumingit si Elena at malakas na sinabing "10-12!" sabay ngisi nito.

Napatingin si Sayadi at mukha nito ay dismiyado at asar na asar na.

Biglang nagblackout ang camera at ang mga LED TV sa buong paligid ng opisina pati na ang maliit na TV na dala ng mga bandido. Kahit anong Pilit nang mga bandido na iturn-ON ang maliit na TV nila at icheck ang saksakan nito

"Anong nagyari!" sigaw ni Sayadi sa mga kasamahan

"Mga Tanga!, bilisan niyo" sabi ni Sayadi sa mga kasamahan

Habang binaling ni Sayadi ang tingin kay Elena muli. Si Elena ay masayang naka ngisi at tila ang mukha ay puno ng confidence na may mangyayari maganda.

"Hahahahahahhahaha, Hahahahhaahhahaa, Hahahahhahahahaha" malakas na tawa ni Elena na halos rinig sa buong floor

"Mga tao talaga nagiging malakas ang loob pag may hawak na baril"

"Mga kawawang nilalang hindi man lang nauunawaan ang tunay na pagiging isang malakas"

"Hahahahahhaha hahahahahha hahahhahahaha" wika ni Elena na may paghahamon.

Naglakad papunta si Sayadi kay Elena na naka kunot ang noo at halatang naiinsulto sa pinagsasabi ni Elena.

"Anong sabi mo!?" tanong ni Sayadi kay Elena habang nakabadyang  sumuntok ang kaliwang kamao ulit sa mukha ni Elena. Subalit bago pa dumampi ang kamao ni Sayadi sa mukha ni Elena ay napigilan na nang kamay ni Elena ang kamao ni Sayadi.

"Paano ka…" nanlaki ang mga mata ni Sayadi nagtataka kung paano nakawala sa pagkakagapos si Elena at samantalang sinigurado nito matitibay ang wire na ginamit at pinulupot sa mga kamay ni Elena.

Gulat na gulat at takang taka parin si Sayadi sa pagkawala ng mga kamay ni Elena sa pagkakagapos at nanlaki mga mata ni Sayadi na halos nawala ang mga dugo, pasa at sugat sa mukha ni Elena.

Maliwalas at kitang kita ang kagandahan ng mukha ni Elena ng mga oras na yun, pumuti at halos walang makikitang open pores at tigyawat sa mukha ni Elena. Mistulang kutis bata ang kaniyang mga mukha.

Dahan dahan tumayo si Elena

"Ahhhh" wika ni Sayadi na hirap hirap mula sa pagkakahawak sa kaniyang kamao ni Elena. Pilit na nagpupumiglas ito para mabitawan ni Elena ang kaniyang kamao ngunit kahit anong pilit nito magpumiglas patuloy parin si Elena sa pagdurog sa kaniyang kamao.

Halos natigilan lahat ng marinig nila ang tilang nabaling sanga.

"Ahhhhhhh!" sabay malakas na sigaw ni Sayadi. Naghalong galit at sagit ang naramdaman ni Sayadi na halos di na maramdaman at maigalaw ang kaniyang kaliwang kamao. Paulit ulit itong sumisigaw sa sakit.

Nang makita ng mga bandido ang ginawa ni Elena kay Sayadi lahat ng baril na hawak ng mga ito ay tinutok kay Elena at nakaambang na pagbaril ng mga ito.

Patuloy parin ang pagsigaw ni Sayadi

"Walang hiya ka!"  Sigaw ni Sayadi na halos ramdam ang sakit sa kaniyang pagsigaw.

Ngumisi si Elena at kitang kita nasiyahan at walang halong pagsisi sa ginawang pagdurog nito sa halos buong kamay na ni Sayadi. Si Elena nakatayo at nakatindig na walang takot humarap sa mga kasamahan Sayadi kahit nakatutok sa kaniya ang mga baril nito.

"Patayin niyo na ang babae na iyan!" Sigaw ni Sayadi habang namimilipit parin sa sakit sa pagkadurog nang kaniyang kaliwang kamay.

Walang awang pinaputukan lahat ng bandido si Elena. Lahat ng bala ay tumama sa ulo, mata, puso tiyan hita at buong katawan ni Elena ay tinatad na ng bala.

Nagsigawan na ang lahat nang katrabaho ni Elena sa nasaksihan at sa takot na isa sa kanila ang isusunod din na papatayin.

Halos ubusin ang laman na bala ng mga baril ng mga bandido kay Elena.

Makikita sa mga mukha ng mga bandido ang kasiyahan sa pagpapakawala ng mga bala kay Elena at walang awa naramdaman at kitang kita sa kanilang mga tawa.

"Hahahhahhaha hahahaha hahahahahha" tawanan ng mga bandido

Samantala lahat ng mga pulis at sundalo sa labas ng gusali ng  RCBC ay naalarma sa mga narinig na putok ng mga baril na nagmumula sa taas.

"Sir Penelope, ano na po gagawin natin?" tanong ni Colonel Cruz na isang sundalo kay Chief Penelope 

Si Chief Penelope ay hindi umimik agad.

Kitang kita ni Colonel Cruz na malalim ang iniisip ni Chief Penelope.

Sa mga sandali na iyon hindi makapagdesisyon si Chief Penelope kung susugurin na ba nila ang gusali. Sa halip di mawala sa isip ni Chief Penelope ang mga codes na binanggit ni Elena. At sa paraan na ito alam niya na may karanasan sa pagiging pulis si Elena sa  pagamit ng mga codes.

"In 5 minutes, in my command", wika ni Chief Penelope kay Colonel Cruz at sa isa pang pulis.

Iniisip parin niya ang kapakanan nang nakakarami sa loob ng gusali kaya't minabuti na lang niya at pinagpasiyahan na sugurin na ang gusali.

Samantala nababalot parin ng tensyon ang buong floor na kinaroonan ni Elena.

Habang nagtatawanan ang mga bandido pinagmasdan ni Siyadi ang katawan ni Elena na halos punong puno ng dugo ang buong katawan at makikita ang mga butas sa mga natamo nito tama sa mga bala subalit nakakapagtaka na sa kabila ng tama ng baril ay nanatili parin ito nakatayo at nakapikit ang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ni Sayadi sa kaniya nakikita at di makapaniwala na buhay pa ang dalaga halos mapaupo at mapaatras si Sayadi at di alintana ang sakit mula sa durog na kamay. Rinig na rinig ni Sayadi ang mahinang tawa ni Elena na katayo lang mula sa kaniyang harapan.

"Buhay pa siya!" sigaw ni Sayadi.

Nagsipaglingunan at tumigil sa tawanan ang mga bandido.

Tinitignan ni si Elena kung talaga bang buhay ito? Sa daming bala pinakawalan nila hindi sila maniniwala na buhay pa ito ang iba bandido ang natawa at iba ay naglagay muli ng bala sa kanila mga baril at dahan dahan lumapit kay Elena.

"Hmmm ahhhahaha" mahinang tawa ni Elena.

Habang papalapit ang mga bandido kay Elena tinitignan nito ang kaliwang bahagi ng kamay natila naging negra. Itim na itim ang kaliwang kamay ni Elena samantala ang kanan ay kayumanggi. Natinginan ang mga bandido at nagtataka na hindi nila napansin iyon kanina ang pagkakaalam nila ay itong si Elena ay kayumanggi. 

Habang malapit na ang mga bandido kay Elena, napansin nila na may tila may nakaukit na ginto mula sa maitim nitong kaliwang kamay, itong ay nagmistulang tattoo na nakasulat sa wika ng Griyego. Habang ang mga bandido ay nagtataka at nakatingin sa kaliwang kamay ni Elena.

"Ahhhhhhhhhh!" isang malakas na sigaw mula sa babaeng kaopisina ni Elena.

Nagulat ang mga bandido  at tinignan ang babae at sineyasan ng baril na tila papatayin siya kung hindi tumigil sa pagsigaw.

Nang tumigil ang babae sa sigaw, tumingin muli ang mga bandido kay Elena  at sa pagkakataon na iyon muntikan nila mabitawan ang bitbit nilang mga baril nang makita na nakadilat na ang mga mata ni Elena at ang kaliwang mata nito ay naging kulay pula at nakatingin sa kanila na tila naninindak.

"Gulat kayo noh?" wika ni Elena at daling dali pinaputukan muli ng mga bandido si Elena at sa pagkakataon na iyon ay sigurado na mamamatay si Elena.

Samantala muling naalarma ang mga pulis at sumdalo kasama na ang mga reporters sa naririnig na putukan muli na nagmumula sa gusali ng rcbc.

"Chief Penelope, bakit hindi parin ninyo pinapasugod ang mga tao niyo po?" tanong ng isang taga-ulat  na pinilit itinatapat na mikropono para hingi ang pahayag nito.

"Ang mga codes na binitawan ng Biktima ay maaring tuluyang makapagpahamak sa libong libong tao na nasa loob ng gusali kapag maling hakbang ang aming ginawa" wika ni Chief Penelope

"Kaya talagang hinihingi naten ang tamang oras para sa aksyon para walang mapahamak" patuloy na pahayag ni Chief Penelope.

"Chief Penelope, maari ba namin malaman kung ano ibig sabihin ng mga codes?" tanong ng isang pang taga- ulat.

"10-69 - is kidnapping so natukoy agad hangarin ng bandido. Tinitignan ntatin dito ang kahilingan na humingi ng ransom money "

"10-45a - is all employees or people are in good condition"

"10-12 - Stand by" so ito lamang ang puwede namin sabihin sa mga oras na ito para sa kaligtasan ng lahat. Tinitignan din natin ang posibilidad na kapag gumawa na tayo ng hakbang ay maari ikapahamak ng lahat ng tao sa loob ng gusali. Pero hindi rin natin maiaalis ang pagkakakilanlan nung biktima kung ito ba ay may kakayahan na iligtas lahat ng tao sa gusali. Hanggang sa mga oras na ito ay hinihintay natin ang payo mula sa ating pinkamamahal na pangulo noh at naghihintay tayo ng tamang oras sa kung ano man ipaguutos sa atin ng pangulo. Ito ay hindi ordinaryo pangyayari sa ating bansa noh, hanggang ngayon iniimbistighan din natin kung paano ito mga bandido ay nakapasok sa Metro Manila" buong salaysay ni Chief Penelope.

Samantala sa loob nang palasyo lahat ay nagsipagayos na ng upo at handa na sa pagdating ni Pangulong Donato at pumasok na nga ang pangulo sa room conference kung saan naghihinatay sa kaniya lahat ng taga ulat mula sa ibat ibang channel networks.

"Maganda Umaga Pilipinas!, sa mga oras na ito ay nakakaranas tayo nang banta sa ating seguridad at ngayon ay hinihingi namin na ang lahat namamasukan sa opisina sa loob ng Makati ay magsipaguwi na para sa inyong kaligtasan at hindi na madamay pa sa nangyayari ito sa gusali ng RCBC.Ito ay mandatory! Close now your establishment. Lahat ng miyembro ng MMDA at kapulisan at sundalo natin ay nakausap na natin para sa ligtas na routa palabas ng Makati at para hindi na sila dumaan sa danger zone area. Ngayon hindi naten kilala pa itong babae so ayaw natin i-asa ang buhay ng maraming tao sa kaniya. Nakita ninyo naman na nakagapos at puro pasa at dugo ang kaniyang mukha paano niya maililigtas sa kamatayan ang lahat ng tao sa gusali na iyon? Ang kanilang hinihiling na 1 Bilyon sa loob ng bawat 5 helicopters gagawin natin noh pero sa isang kondisyon na palabasin lahat ng tao sa gusali. Inaantay lang natin na tawagan tayo muli nitong mga bandido. Sa ngayon, ang bawat aksyon na aming gagawin ay off air para sa kaligtasan ng lahat. Kaya hinihiling namin ang bawat isa na magdasal at iwasan puntanhan ang buong lugar sa loob ng Makati, may mga nakabantay na buong lugar ng Makati kaya inaatasan namin na lahat ay manatiling kalmado. Sa mga may sasakyan piliin ninyo na lamang po maglakad at iwan ang inyong mga kotse para hindi makaragdag sa trapiko palabas ng Makati. Mayroon tayong mga sundalo sa bawat lugar nakakalat sila sa loob ng Makati kaya ligtas ang mga maglalakad palabas ng Makati. Sa ating mga sundalo at kapulisan manatili kayo mapagmatyag sa paligid at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamayan. Mabuhay ang bawat Pilipino! Pagpalain nawa ng panginoon ang bawat isa sa atin." Pahayag ni Pangulong Donato sabay alis sa microphone at lumabas na din ng conference room at hindi na nito paunlakan ang bawat reporters sa loob ng conference room

Lahat nang empleyado mula sa ibat ibang gusali ng lungsod ng Makati ay dali-daling nagsipag ayos ng gamit at handa nang umalis sa lugar na iyon. At gaya ng ordinaryong araw napuno ng sasakyan ang kalsada lalo na nang  isinarado na ang buong ayala papasok at ang iba nagmamadali na sa paglalakad mula sa kanilang opisina palabas na nang Makati. Subalit ang gusali ng RCBC ay hindi makikitaan na mga empleyado na lumalabas mula sa entrance at sa mga exit na daanan nito.

Samantala sa loob ng gusali ng RCBC may isang lalaking naka-guwantes na itim at dahandahan binababa ang paa mula sa pagkakapatong nito sa isang bangkay na ginilitan sa leeg at pinatay nitong lalaki ang telebisyon na halatang napanood niya ang panayam ng pangulo hanggang sa pagalis nito sa conference room sa media.  Pagkapatay ng telebisyon ito at tumindig at makikita mo matipunong pangangatawan, may suot na fitted na damit at bumakat ang mga abs nito, may suot din itong maskarang itim at may 6' footer ang na tangkad nitong lalaki. Hinarap niya ang mga kasamahan. Na noo'y kakatapos lang din patayin lahat ng security guard at empleyado sa mismong CCTV monitoring room  na ang lokasyon ay pinaka rooftop ng RCBC. Makikita sa sahig ang mga duguan na lalaki at babae sa kwarto na iyon at ang mga mukha ay halatang pinahirapan at naghahanap ng katarungan sa ginawa ng mga bandidong ito.

"Nasaan si Sayadi?" tanong nitong lalaking nakamaskara ng itim sa kaniyang kasamahan.

"Nasa 33th floor boss, kung saan nilatag ung media broadcast natin" tugong ng isang kasamahan niya

Walang nang kinibo ang lalaking nakamaskara at tinungo na lamang ang elevator papuntang 33th Floor"

Samantala ang nagaganap sa 33th floor, matapos ubusin muli ang mga bala kay Elena nagmadali maglagay muli ng bala ang mga bandido sa kani-kanilang baril.

Subalit bago pa man nila mailagay may tila isang liwanag nanagmistulang pabilog sa harapan ni Elena at ito ay mabilis na na lumaki at nagmistulang isang harang.

Hinarangan ni Elena ang mga katrabaho niya ng isang tila tubig na nanagkukulay crystal ang liwanag na dahan dahan ang pag alon at ang lahat ay nagtaka paano sila nakapunta doon samantalang sila ay nakaluhod sa gitna. 

Kahit si Enrique at ang foreigner nila Boss ay nasa loob na nagharang na nagkatinginan pa at ang mukha ay may kasamang pagtataka paano sila napunta doon at ang mga sugat sa mukha nito ay tuluyan naghilom at hindi na makikita ang mga pasa. Hindi narin maramdaman ni Enrique and sakit sa katawan na inabot niya sa pag tadiyak sa kanya ni Sayadi.

Samantala habang lahat ay namamangha sa harang na kanilang nakikita. Sinubukan hawakan ng isang lalaking empleyado ang salamin na umaalon nang ito bigla napahinto at makarinig ng isang boses. 

"Sa aking mga katrabaho manatili kayo sa loob ng harang na aking ginawa para hindi kayo mapahamak. Ang harang na ito ang magliligtas sa inyo sa ano man kapahamakan.

"At pakiusap, lahat ng cellphone ninyo at cctv sa ating floor ay binlack-out ko na, kung ano man ang inyong masasaksihan huwag kayong matakot dahil ang harang na ito ay isang matibay na harang na kahit sinuman elemento ay hindi makakapasok. Huwag ninyo lamang hawakan ang harang na ito ay ikalason ninyo at maaring dahan dahan ninyo ikamatay."

"Huwag ninyo akong katakutan, si Elena ito mga katrabaho"

At lahat ay tumingin kay Elena na hindi man lang ibunuka ang mga bibig, subalit nagawa nitong makipagusap sa lahat ng kaniyang katrabaho sa isip. Lahat ay halos nangilabot sa kanilang nakita na ang kayumanggi balat ni Elena ay tuluyan nang naging itim at halos may mga kulay ginto tattoo sa nakasulat sa griyego at eto ay kumikinang na mistulang may led.

Si Elena at ang mga bandido ay nanatili sa gitna. Dahan- dahan umatras ang mga bandido at gayon din si Siyadi na hanggang ngayon ay iniinda parin ang sakit ngunit sa mga sandaling iyon nakita niya na ang kaniyang kaliwang kamay ay halos nagingitim at napansin niya na may mga gumagalaw at lalo pang sumasakit na tila kinagat siya. Nang kaniyang tignan nang malapitan ang kaliwang kamay nakita niya na para itong bulate ang haba at gumalaw subalit kasing taba ito ng uok na may mga ngipin.

"Aaaaahhhhh!" sigaw ni Sayadi. Gulat na gulat siya dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganoon uri ng uod. Hindi maipaliwanag ang sakit na iyon na doble doble ang hapdi at tila nasusunog na balat kahit mga uod lamang kumakain nito. Tinangka niyang alisin ang isang uod na nanginginig sa pandidiri at takot si Sayadi. Nang maabot niya ng isang uod at inangat niya ito para tignan nang mabuti subalit bago pa niya ito matitigan ay mabilis na kingat at pumasok sa kanan na kamay at ito ay biglang dumami sa isang segundo at nagsisimula na kainin ang kanan kamay niya. 

Halos wala na siyang magawa kung hindi tumayo at ipagpag ang mga kamay para magsipaglaglagan at nagtungo sa ibat ibang direksyon para iwasan ang mga nahuhulog na uod subalit kahit saan magpunta ito ang mga uod ay sinusundan siya kahit tumungo si Siyadi sa mga kasama niya sa mga likod nito ay tila  mga ahas ang mga uod sa bilis gumapang. Hindi man lang nag-abala ang mga uod na pumunta sa ibang katawan sadiyang si Sayadi lang sinusundan. Nang makarating sa sulok kung saan nasa likod na niya ang harang na ginawa ni Elena, isang lalaki sumigaw. Nabaling ang tingin ni Sayadi sa kasamahan niya na sumigaw na katabi niya rin. Ang lalaki na iyon ay tinangkang hawakan ang harang na ginawa ni Elena. Tinignan ni Sayadi ang harang, sila ay mistulang nasa loob ng rektanggulo sa hugis.  Binaling ni Sayadi ang kaniyang tingin sa kasamahan na humawak nang harang ngunit napakunot ang kaniyang noo nang makita niya ang mga kamay nang kaniyang kasamahan ay naging itim at tila may nahuhulog na abo tinitigan na unti-unting nauubos ang katawan ang mata nang kaniyang kasamahan na ito ay pulang pula at hindi makikita ang bilog na itim. Ang bibig ay bumubuka lamang ngunit walang boses na naririnig. Tuluyang naging abo ang kaniyang kasamahan. Nanginginig sa takot at galit si Sayadi dahil ang lalaki na iyon ay kaniyang bunsong kapatid.

"Putang…" winika ni Sayadi subalit bago pa niya mabigkas ang buong salita umabot na ang mga uod sa kaniyang siko at tumindi pa ang sakit. Subalit na mga oras na iyon nangibabaw ang galit ni Sayadi at dahan tinignan ang kaliwang kamay na buto na lamang at nagpatuloy dumami ang mga uod papuntang braso.. Bago pa man maging buto ang kanang kamay kinuha ni Sayadi ang kaniyang  itak sa likod at tinangkang putulin ang braso bago pa man tuluyan kainin. Halo-halo na ang nararamdaman ni Sayadi. Galit, sakit at takot. Subalit ang galit na emosyon na iyon ang nangibabaw dahil sa pagkawala nang bunso niyang kapatid. Bumalik ang mga sandali sa isip ni Sayadi ang mga pinagusapan nila magkapatid bago sila dumating sa Manila at bago mangyari ang gulo na ito.

"Kuya gusto kong mag-aral, gusto ko nang bagong buhay, gusto kong magkaroon ng masaya at maayos ng pamilya. Ayaw ko nang nang marahas. Ayaw ko na may isa pang inosenteng bata ay mabubuhay sa karahasan at payak na pamumuhay, nagtatago sa bundok, Nabubuhay sa dilim, hawak ang mga baril at itak imbis na lapis at papel" Ayoko na isa pang bata ipapanganak palang hinuhusgahan na nang buong bayan sa pagiging bandido pamilya, Ayaw ko na kuya. Gusto ko na kapayapaan sa isip, kaluluwa at puso. Ayaw ko na may mamatay pa sa pamilya natin na hindi kinikilala mamayang Pilipino  sa bansa na ito sa halip nilelebelan tayong salot sa lipunan. Kuya gusto ko nang bagong buhay" 

" Ayoko ko nang maging masama kuya, ayaw ko na pumatay ng inosenteng tao para sa pera" 

Wika ni Salima ang bunsong kapatid ni Sayadi na habang umiiyak.

"Hayaan mo Salima, pagkatapos nito kakausapin ko si boss. Tutulungan kita makapag aral" wika ni Sayadi sa kaniyang kapatid na noo'y nakasakay sila sa pampublikong bus na papuntang  Manila para maisatupad ang plano sa pang-rerebelyo.

Habang tinataga ni Sayadi ang kaniyang siko para hindi tuluyang maubos ng mga uod ang kaniyang katawan. Hindi niya iniinda ang sakit sa pagtadtad sa halip mas pinili niya saktan ang sarili para maibsan ang sakit nang pagkawala ng kaniyang bunsong kapatid sa kaniyang harapan na hindi man lang nito naproteksyunan sa kalaban. Tila animo'y isang karne ng baboy sa palengke ang kung tadtadrin ni Sayadi ang kaniyang siko. Tuluyan nang humiwilay ang buto ng siko niya sa braso. Binitawan niya ang kaniyang itak sabay humagulgol sa iyak. Si Sayadi ang nagpasok sa kaniyang mga kapatid sa pangrerebelyon ngunit ang bunsong kapatid niya ayaw sumama sa gawain ito. Sanggol lamang si Salima nang mamatay ang kanilang mga magulang. Pito sila magkakapatid at si Sayadi ang panganay sa magkakapatid. Sa edad na labinlimang taong gulang si Sayadi na ang tumayong magulang sa kaniyang anim na kapatid. Nagbuhat ng  mga semento sa umaga, naglilinis ng sapatos sa tanghali at tumutulong sa karinderya sa gabi para may mailapag lang si Sayadi na pagkain sa kanilang hapag kainan. Pagkatapos ng mga kustomer na kumakain sa karinderya imbis na itapon ay binabalot ni Sayadi ang pagkain hindi naubos ng mga ito at ito ang kinakain ng mga kapatid na walang kinain sa umaga at hapon. Gabi lamang nakakain ng pagkain ang magkakapatid. Gayon din si Sayadi ang kaniyang isusubo na pagkain ay tinatabi na lamang niya para sa mga kapatid. Masaya at salo salo sa pagkain at nagtatawanan.

Isang gabi, dumating ang malakas na bagyo at kanilang tinitirahan kubo ay madaling naitumba ito. Naligo ang mga magkakapatid sa ulan habang magkakayap at bawat kulog ay napapasigaw sila sa takot. Nagpalaboy laboy ang mga magkakapatid at si Sayadi ay tinaggal narin at di na pinapasok sa kaniyang mga pinapasukan. Sila ay namumulubi sa tapat nang kanilang simbahan. Nang makita niya nanghihina at buto't balat na ang kaniyang mga kapatid na walang maayos na tirahan at hindi pa nakakain mula ng matapos ang bagyo. Si Sayadi ay nagsimula na magnakaw para may ipambili ng pagkain sa kaniyang mga kapatid. Suntok, palo, hampas, sampal, tadyak ang inaabot ni Sayadi para lang may maabot na pagkain sa kaniyang nagugutom  na mga kapatid. 

Nang sila ay namamalimos sa tapat ng simbahan sila ay sinita at pilitang pinaalis.

"Yuck mommy ang babaho at ang dudumi nila" wika ng isang bata na nasa tapat ni Sayadi habang itinatayo ang kaniyang mga kapatid papaalis sa tapat ng simbahan.

Tumulo ang luha ni Sayadi at nangibabaw ang awa sa sarili at sa mga kapatid.

Ang magkakapatid ay nagtungo sa isang eskinita.

"Dito na lamang muna tayo, maghahanap lang ulit ng trabaho si kuya. At pagbalik ni Kuya may kakainin na tayo" wika ni Sayadi sa kaniyang mga kapatid.

Nakatingin lamang ang mga kapatid niya sa kaniya at ito ay mga tumungo at ngumiti sa kanilang kuya.

Bumalik sa plaza si Sayadi at nagtangka magnakaw sa isang nakakulay na itim na lalaki na nakaupo lamang sa gilid na plaza at tila may inaantay. Dahan dahan pumunta sa likod ng lalaki si Sayadi at dahan dahan kinuha ang isang duffel bag nito na kulay itim. Tumakbo nang mabilis si Sayadi palayo sa lalaki at plaza.

Nang makarating si Sayadi eskinita kung saan niya iniwan ang mga kapatid binuksan niya muna ang bag bago tumungo sa kaniyang kapatid. Nanlaki ang mga mata ni Sayadi ng makita ang sandamakmak na pera sa loob nito. Tumingin siya sa kaniyang paligid at dali-daling tumakbong papunta sa kaniyang mga kapatid. Hingal na hingal si Sayadi at humahangos nang makita niya ang kaniyang mga kapatid na nagtatawanan at naglalaro. Niyakap niya isa isa ang mga kapatid at winika

"Makakain na tayo nang masasarap na pagkain"

Nagtaka at tinignan lang siya nang mga kapatid.

"Sumama kayo sakin at kakain tayo ng masarap na pagkain" sabi ni Sayadi

"Yehey!" sabi nang mga kapatid na nagsisipagtalunan sa tuwa

Kitang kita ni Sayadi ang matatamis na ngiti at masayang mukha nang kaniyang mga kapatid.

Ngunit bago paman sila makalabas ng eskinita isang lalaki tumambad sa harap ni Sayadi at isang malakas na suntok ang sumalubong kay Sayadi.

"Magnanakaw ka!" wika ng lalaking nakaitim

Hinawakang ni Sayadi ang kaniyang mukha.

"Kuya!" sigaw ng kaniyang mga kapatid at umiiyak patungo sa kanila

"Bakit mo sinutok kuya namin" wika nang kapatid ni Sayadi na kayakap sa kaniya.

Kinuha nang lalaki ang bag at naglakad palayo sa mga magkakapatid.

Subalit bago pa man makalayo ito.Ito ay napahinto nang magsalita si Sayadi

"Ginoo!" wika ni Sayadi na nakaluhod

"Pakiusap bigyan niyo po kami nang makakain para sa aking mga kapatid. Ilang araw na kami walang kinakain at walang bahay" wika ni Sayadi na nakaluhod at ang mukha ay nasa lupa.

"Pakiusap kahit makakain lamang ng aking mga kapatid"

Naglakad parin palayo ang lalaki na tila walang narinig.

Umiiyak at humagulgol sa iyak ang kaniyang mga kapatid dahil nabigo niya ang mga ito.

"Okay lang kuya, tara na balik na tayo sa dati natin bahay" wika ng kaniyang kapatid na sumunod sa kaniya.

Tumayo si Sayadi at ang mga kapatid. Nagsimula na sila maglakad palabas ng eskinita.

Nang sila ay makarating na sa labasan ng eskinita

"Hoy bata, Gusto mo ba ng trabaho?" wika nang lalaki na nasa loob nang isang Van na sasakyan

Tinignan ni Sayadi ang lalaki at ito ay familiar sa kaniya. Ito ang lalaki na ninakawang niya ng bag.

"Opo" wika ni Sayadi kasabay ang pagtungo

"Pumasok na kayo sa van" wika nag isang lalaki

Dito na nagsimula ang magulong buhay nila Sayadi, mga pagnanakaw, pagpatay at iba't iba pang krimen. Lumaki na at binata na ang mga magkakapatid. Subalit ni hindi na nila maalala ang salitang masaya. Takot at galit ang nararamdaman.

Lumipas pa ang maraming taon ang iba sa mga kapatid ni Syadi ay namatay ang nabaril at pumalag sa mga pulis para lamang makatakas.

Bawat araw na ipinipikit ni Sayadiang kaniyang mga mata, pagsisi at lungkot ang kaniyang nararamdaman kapag naalala niya ang mga kapatid at ang huling habilin nang kaniyang mga magulang sa kaniya na namatay sa malubhang sakit na alagaan at huwag pabayaan ang mga kapatid at huwag maging masama.

Walang siyang magawa, ni hindi niya mapuntahan ang mga labi ng kaniyang mga kapatid at hindi niya alam kung saan nilibing o itinapon mga katawan nang mga ito.

Si Salima na lamang ang natitira niya kapatid. NIyakap niya nag kniyang bunsong kapatid.

"Patawad kung hindi ko kayo nabigyan nang magandang buhay" wika ni Syadi kay Salima.

"Kuya umalis na tayo dito, ayaw ko nang ganitong buhay", wika ni Salima

Umiyak na lamang siya Sayadi

"Kahit ako gusto ko nang umalis sa ganitong buhay. Hindi ito pingarap ko sa ating magkakapatid. Pero alam mo na hindi tayo makakaalis ng buhay sa grupo na ito. Ayaw ko mawala ka pa hindi ko man lang nagagawa bilang nakakatanda na kapatid na mailagay ka sa  maayos na pamumuhay" humigpit ang yakap ni Sayadi kay Salima. Damang dama ni Salima ang nararamdam bigat na nararamdaman nang kaniyang kuya.

Kaya ganon na lamang ang hagulgol ni Sayadi ng mga oras na iyon sa pagkawala nang kaniyang nagiisa nalamang na kapatid.

"Tsk, tsk , tsk" wika ni Elena habang nakatingin kay Sayadi

Binaling ni Sayadi ang tingin kay Elena at nanlilisik ang mata nito sa galit kay Elena.

"Hindi dahilan ang kahirapan para gumawa nang masama at ano mang karahasan sa kapwa. At bilang isang nakaka-tanda na kapatid maging mabuti kang ihemplo sa iyong mga nakakabatang kapatid. Na kahit gaano kahirap ang buhay piliin mo parin magpakabuti. Hindi kailanman nabubusog ang espiritu nang pagkain. Ang kahirapan ay isa lamang bunga nang ating desisyon. Lahat tayo may kaniya kaniya kalayaan para pumili. Ang pagpili sa kasamaan ay may naghihintay na mapait na kamatayan. Hindi-hindi ka magiging masaya sa pagiging isang masama. Ang pagpili sa kabutihan kahit wala kang makain sa iyong hapag-kainan ay may naghihintay na biyaya. Hindi kasalanan ang maging mahirap ang makasalanan ang ating isip para gumawa ng isang kasalanan. Mayroon tayong mata para makakita, mayroon tayong kamay at paa para makagawa, mayroon tayong malakas na pangangatawan para gamitin,, mayroon tayo isip para gawin ang tama at mayroon tayong puso para magmahal. Subalit sa kagustuhan natin magkaroon ng pera sa ating kamay kahit sa dahas kakapit. Hindi bale na tuyo, itlog at asin kung malinis at dalisay naman ang espiritu at puso. Piliin mong magpakabuti at si ama ay magpapadala ng biyaya sa pamamagitan ng ibang tao para ipadama sayo na hindi kayo nagiisa. Ang pumatay nang isang inosenteng buhay ay aalisin ang karapatang mamuhay nang masaya. Uusigin ka nang iyong konsensiya at mawawala ang mga mahal mo sa buhay. Bonus pa ang kaluluwa mo ay mananatili lamang sa apoy. At hanggang sa kahulihilihan nang iyong hininga ang hindi pag hingi ng tawad sa kasalanan sa mga ginawa mong kasalanan ay hindi ka maliligtas" mahinahon winika ni Elena na nakita ang naging buhay at paghihirap ni Sayadi sa kaniyang mga kaliwang pulang mata.

Nakaambang susugurin ni Sayadi si Elena

"Pinatay mo kapatid ko!!!" sigaw nito na damang dama ang puno ng galit sa boses ni Sayadi

Nang makalapit si Sayadi sa harapan ni Elena mahigpit hinawakan ni Sayadi ang kaniyang itak para tagain ang leeg ni Elena. Nang itaas niya ang kaniyang kanan kamay na may hawak na itak at sumugod kay Elena. Si Elena ay hindi man lang nasindak nanatili parin si Elena naka ngiti at nakatayo. Bago pa man maihataw ni Sayadi ang kaniyang itak kay Elena. Nakaramdam si Sayadi sa loob ng kaniyang tiyan tinignan niya ito. Napapaurong siya sa sakit si Sayadi. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan na tila umaalog-alog. Napaluhod si Sayadi sa hindi maipalawanag na sakit napatingin siya kay Elena ng tahimik. Dahan dahan tumulo ang dugo sa mga mata, ilong at bibig ni Sayadi

"Sayadi!" sigaw ng kaniyang mga kasamahan 

"Sayadi!" isa pang sigaw ng kaniyang mga kasamahan

Naramdaman ni Sayadi ang pinakamasakit na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya. Hindi maipaliwanag ang sakit na kaniyang nararamdaman subalit wala pang sa sakit sa pagkawala ng nag-iisa na lamang niyang kapatid. Hindi niya maitayo ang sarili ni hindi niya na maigalaw ang kaniyang katawan. Walang nang mas sa sakit na hindi niya man lang na ipadama sa kaniyang kapatid ang maayos, masagana at tahimik na buhay. Ito laman ang iniisip niya. Pagsisi na dahil sa kagustuhan kumita ng pera ng papakain sa kaniyang kapatid pinili niyang magnakaw, pumatay at sumali sa mga terorismo.

"Ang panandaliang solusyon sa kahirapan ay mabilis din nawawala. Ang paghirapan ang pamumuhay, magsumikap at magpa-kabuting tao ay pang matagalan at matawid na pamumuhay. Na kahit gaano man kahirap ang buhay may kapayapaan ang isip at puso.

Ano man kasalanan mo ay hindi na maibabalik ang buhay na pinatay mo, hindi mo na maibabalik ang mga kapatid mo at lalo hindi mo na magagawa ang pangako mo sa iyong ama at ina.

Hanggang sa kahulihulian nilagay mo parin sa iyong mga kamay sa dahas. Sa ganito ka nabuhay sa ganito karin mamatay. 

Unti-unting naging puti ang mata ni Sayadi na wala na ang bilugan itim nito sa mata. Sumasambit ng mga salita ngunit hindi naririnig. Mistulang may kausap ngunit wala naman.

Tuluyan ng nilamon ng uod si Sayadi at noo'y maliliit lang na uod ngayon ay halos kasing laki ng pusa ang mga mga uod sa kabusugan. Kumalat  ang dugo sa sahig, tumatalsik ang mga dugo sa kasamahan ni Sayadi na mga tulala at nadidiri sa nakikita. Pinaputukan ng mga rebelde ang mga uod  subalit hindi tinatablahan ng bala ang mga balat nito ay sobra matibay ni hindi magasgasan at mabutas ng mga tumatamang bala. Isang lalaki ang kumuha ng kutsilyo at nilapitan ang uod para saksakin subalit naputol lamang ang kaniyang kutsilyo. 

Ang mga uod ay tuloy parin sa pagkain ng laman sa katawan ni Sayadi.

Maamoy ang lansa ng dugo at nagkalat kalat na ang mga lamang-loob ni Sayadi sa sahig. 

Halos masuka ang mga katrabaho ni Elena sa kanilang nasasaksihan sa labas ng harang. Tila sila ay nanonood ng maaksyon subalit nakakapagngilabot ang kanilang nakikita katawan at duguan at hiwalay na hiwalay na katawan ni Sayadi.

"Enrique…" naririnig mo ba ako?" wika ni Elena na sa isip lamang ni Enrique nakikipagusap

Tumingin Si Enrique kay Elena dahil siya ay familiar sa boses na kaniyang naririnig at ang boses na ito ay sigurado siya na kay Elena ito galing. Hindi alam ni Enrique kung paano siya sasagot kay Elena na noon nakatingin at nakangiti lamang at hindi gumagalaw ang bibig.

"Kailangan ko ang tulong mo, Enrique"

Si Enrique ay napalunok sa hindi maipaliwanag sa kaniyang naririnig hindi niya alam kung ito ay isang guni-guni lamang ba ito dahil hindi niya makita na gumagalaw ang bibig ni Elena.

"Nababasa ko isip mo Enrique,  maaari kang sumagot sa pamamagitan ng iyong isip. Kakailanganin ko iyong tulong. Kuhain mo yung medalyon na korte puso nababalot ng isang dragon, nakalagay iyon sa Cavendish & Harvey lalagyan ng candy. Kuhain mo iyon at isuotin mo kakailanganin ko iyan sa oras na hindi ko kaya kontrolin ang aking kapangyarihan.

Pakiusap, may nararamdaman akong isang malakas na nilalang. Hindi ito ordinaryo tao. Hindi ko nararamdaman ang kaluluwa ng isang tao sa kaniya subalit ito ay masamang espiritu nababalot ng galit at lungkot. Pakiusap hindi ko alam kung gaano kalakas ito subalit meron pa akong nararamdaman na may nanonood sa kaniya mula sa ibang daigdig at ito ay may malakas na kapangyarihan.

Matagal ko nang hindi nakikipaglaban at ayaw ko may masaktan or may pinsala.

Ipapaliwanag ko na lang sayo ang lahat pagkatapos nitong lahat.

"Sige", na lamang ang isinagot ni Enrique

Sinubukan lamang nito sumagot sa pamamagitan ng isip.

"Salamat" wika ni Elena.

Napaatras si Enrique at namangha. Dali-dali niyang hinanap ang bag ni Elena.

Habang ang lahat ay abala sa panonood na tila nanonood ng action movie na live show. Tinungo ni Enrique ang lamesa kung saan nakaupo si Elena.

Nang makarating si Enrique sa upuan ni Elena tinignan niya ang ilalim ng lamesa para tignan kung naroroon ang bag ni Elena. Binuksan nito ang bag at hinalungkat ang gamit ni Elena. Halos ibaligtad ni Enrique ang bag ni Elena. Sa sobrang dami ng gamit at naghalo halo n rito ang mga balat na kinain ni Elena, may balot ng Mt. Pinatubo, mga scratch papers. Tila isang bata ang may ari ng bag na ito. Napatawa na lang si Enrique.

"Ano ba itong bag, ang kalat" kumento ni Enrique sa gamit ni Elena. Subalit ito ay nasa isip lamang ni Enrique

"Ahahhahahahahha" tawa ni Elena tugon sa sinasabi ni Enrique sa isip

"Ay sorry, naririnig mo pa ba ako?" tanong ni Enrique habang napatigil sa paghahanap

"Oo" wika ni Elena

"Sorry sorry" wika ni Enrique

Nang makita na ni Enrique ang lalagyan ng candy, binuksan niya ito. Bumungad ang mga dahon na kulay berde halos tila buhay na buhay ang kulay ng mga nito na imbis mabulok o malanta sa loob ng lalagyan ng candy. Ito ay sariwa sariwang dahon. Nang mahulog ang mga dahon may isang dahon na matindi ang kapit sa medalyon dahilan hindi mahila palabas ni Enrique ang medalyon sa lalagyan.

Pilit niyan hawakan gamit ang dalawang daliri.

"Aray!" isang maliit na boses at tila isang bata ang sumigaw na si Enrique lang ang nakarinig. Wala sino man ang lumingon sa kinaroroonan ni Enrique.

Nang iharap ni Enrique ang dahon sa mukha niya. Nanlaki ang kaniyang mata.

Naitapon ni Enrique ang dahon sa lamesa ni Elena sa gulat nito at hindi maipaliwanag na itsura ng dahon. Ito ay may mata , manipis na bibig na kulay dilaw, matangos na ilong. 

"Masakit iyon huh"

Paparusahan kita , ikaw na mababang uri ng nilalang

Isang halaman na nagsasalita at nakatayo mistulang maliit na fairy…

"Aglao" tawag ni Elena sa kaibigang dahon na ito.

"Prinsesa" dali daling lumuhod nang marinig ang boses ni Elena ngunit ito ay tumitingin s kaliwa't kanan, likod at harap subalit hindi  niya ito makita.

Nararamdaman niya ang awra ng kapangyarihan ni Elena.

Kaya ito ay sumipa ng malakas at umaktong lilipad. Mabilis tila isang langaw na lumipad pataas

Sa gawing kanan natanaw niya si Elena

"Ang prinsesa nagbalik, subalit bakit?"

Si Aglao ay dahan-dahang bumaba sa lamesa na tila isan dahon nahulog mula s puno.

Ikaw nilalang nakikita mo ko? Tanong ni Aglao kay Enrique na nooy gulat na gulat at namamangha sa kaniyang nakikita.

"Nagsasalita ka?" Tanong ni Enrique sa dahon na si Aglao

"Malamang, kaya nga kita tinatanong, mababang uri ng tao" parang bata si Aglao kung ito ay mangatuwiran