Chereads / The Princess' Punishment / Chapter 14 - Bond Paper

Chapter 14 - Bond Paper

Mandee's POV

Nandito na kami sa classroom. At nagtuturo ng lesson ang teacher. Sa totoo lang, di ko maintindihan! Di ba nagtuturo ang mga teachers ditto tungkol sa mga pawers-pawers, mga immortal! Eh? Mortal world nga pala 'to!

"Ok class, get a short bond paper at magda-drawing tayo ng..." Bond paper?

"Ano yung bond paper?" tanong ko sa sarili ko.

"Mandee, bilhan mo nga ako ng bond paper, short, 5." Sabi ni Ann.

"Mandee, ako rin." Sabi ni Mica without looking at me.

Teka saan ba makakabili noon? Ah basta! Bahala na!

Lawrenz's POV

"Pare, ngayon na magsisismula ang deal ha?" sabi ni Arthur.

"Pare, dapat magawa mo 'yon!" sabi pa ni James na nakangisi at nag-tap pa sa balikat ko. Sira-ulo talaga!

"Tsk. I know -_-" sabi ko at umalis. Kitang nagle-lecture yung teacher dinaldal ako!

Naglakad na lang akong papuntang cafeteria. Kakakin na lang muna ako. Pero habang papalapit ako, may narinig akong nagbabangayan. Hindi naman nagbabangayan totally, sadyang mapilit lang talaga yung isa.

"Ah miss, wala po talagang bond paper dito."

"Anong wala? Eh anlaki-laki ng tindahan niyo."

"Miss, cafeteria poi to. Hindi po National Book Store o sari-sari store."

"Eh? Sige na."

At nung tiningnan ko, yung babaeng nakita ko sa garden. Tsk.

Tsaka, saan ka nakakita ng bond paper sa loob ng cafeteria? May sayad ata 'tong babaeng 'to!

Mandee's POV

Bakit ganoon? Bakit walang bond paper?

"Hoi ikaw babae, walang bond paper sa loob ng cafeteria. Tindahan 'to ng mga pagkain at hindi school supplies." Teka! Ito yung lalaki na nagsabi ng f*ck at sh*t!

"Oi! Ikaw yung lalaki na nagsabi ng f*ck at sh*t!" nanlaki naman yung mata niya "Saan ba yung tindahan ng bond paper?"

"Doon banda." Sabay tinuro niya yung pader.

"Huh? Sa pader lang pala pwdeng makabili ng bond paper nakipag-usap pa ko sa tindera ng cafeteria." At naglakad na ko papunta sa pader.

"Aiiiisssshhhh!! Hindi sa pader!" huh? Problema ng isang 'to?

"Eh tinuro mo yung pader eh! Ano ba talaga?"

"Tsk. Sundan mo ko."

At ayun sinundan ko siya. Hanggang sa makarating kami sa...

'School Supplies Buy Here' may arrow pa yung 'buy here.' Sa loob pa rin ito ng campus.

"Dyaan nabibili ang bond paper. Hindi sa cafeteria. Tsk."

Bumili na ko ng bond paper. Kulay puti pala iyon. Akala ko kasi yung bond paper, biscuit -_-

"Napaka-inosente mo. Tsk. Halika na baka maligaw ka pa." sabi niya.

Teka, ano bang pangalan ng lalaking 'to?

"Anong pangalan mo?"

"Lawrenz." He said quickly.

"Ah. Ako si Ma-"

"I already know you. Sikat ka 'no. tsk."

"Ahh.. *hampas sa noo*"

"Ba't mo hinahampas yung noo mo?" binigyan ko lang siya ng blank expression. Seriously? Diba ganito mag-usap ang mga tao. Kasi ganito ginawa nina Ann eh. Kaya ginawa ko. Tas siya di niya alam? Tao ba 'to?