MARIONNETTE
It's now the next day and I finished baking the cookies that I am going to give sa aking bagong kapitbahay. Naghanda na ako para pumasok sa school then got out of my apartment unit. I then knocked to the door next to mine. "I'm in the bathroom!" Shouted a man's voice. "I'm your neighbor! I'm just here to give you some cookies that I made!" I asnwered back. "Oh, thanks! Kindly leave then at the doorstep. I'll pick it up later." Sabi niya. So I did. After placing the bag of cookies on his doorstep, naglakad na ako papuntang school.
***
"Alexiaaaaaaa!" Masiglang bungad ni Pyro saka nagtangkang yakapin ako pero natumba siya nang ittlak siya ni Rhaena. "Good morning, Alex!" Nakangiting bati sa akin ni Rhaena. "Aray ko naman, Rhaena!" Reklamo ni Pyro na kasalukuyang pinapagpag ang slacks niya.
"Good morning din sa inyo." Nginitian ko sila at saka naglabas ng dalawang box ng cookies. "Naparami ako ng gawa kagabi ng dough. Oh, Pyro." Inabot ko kay Pyro at kay Rhaena iyong dalawang box. Kapansin pansing nagniningning ang mga mata ni Pyro nang makita niya kung ano ang iniabot ko sa kanila. "Cookies!~" Masiglang sabi ni Rhaena saka kumuha ng isang piraso. "Ang sarap!" Napangiti naman ako. "Glad you like it." Sabi ko.
Napatingin ako sa may pinto nang may pumasok. It was Hiello. But what caught my attention more is the bag that is hanging from his bag's strap. 'Siya ang bago kong kapitbahay?!' Napansin yata niya na nakatingin ako sa kanya kayat nakipagtitigan ito. I just smiled at him but he just looked away. 'Rude. Baka hindi siya. Ang daming ganong string bag sa mall na malapit dito e. Baka he just happened to own one similar to the one I used this morning.' Sabi ko sa sarili ko.
***
Our teacher is now discussing about Structuralism on Social Sciences. Out of curiosity, I looked back to take a look at Hiello. 'What the—? He's sleeping?!' Narinig ko namang napatawa si Rhaena. Siya naman ang nilingon ko. She gestured 'wala 'to'
I started to scribble, doodle and draw because of boredom. Di ko din namalayan na natapos na pala ang subject namin na Social Sciences. Naramdaman kong lumapit sa akin si Rhaena at bumulong. "Are you interested in Hiello?" Napalingon ako bigla sa tanong niya. "What are you talking abou, Rhaena?!" Napahagikgik naman ang babaeng kausap ko. "Sus! Kahapon pa nga kita napapansin eh! Panay ang sulyap mo sa kanya eh!" Namula naman ako sa sinabi niya. "H-ha?! Ano ka ba?! Hindi kaya!" 'Did I really make it that obvious na i was checking on him?' "He's looking at you right now." Mahinang sabi ni Pyro at agad akong napalingon kay Hiello. "Got you there. Sabi na nga ba. Don't tell me na siya ang crush mo at hindi—"
"I don't fancy any of you two okay?!" Mariing saad ko. Napatawa naman silang dalawa. "We were just joking, Alex." Nakangiting sabi ni Rhaena. "You look so cute when you blush by the way." Sabi naman ni Pyro which I think made me blush even more. "Hmp. Bahala kayo jan." I said as I strode off my chair. Narinig ko namang sumunod sila.
Dahil vacant time namin ang sumunod sa social sciences, nagtungo na lang ako ng canteen and yep, they really followed me here.
"Alex, those cookies you made, ang sarap ng mga iyon!" Nangniningning ang mga matang sabi ni Pyro. "Let me guess." I said as I stared in to his eyes. "Hou want more, huh?" I said saka ngumisi. "Yes!" Sigaw niya. "Ako din!" Saad naman ni Rhaena. "Hmm, pero dahil sa pang aasad ninyo kanina sa akin parang ayaw ko na kayong lutuan pa ulit." Bigla namang lumungkot ang ekspreshon sa mukha ng dalawa. "Just kidding! You guys want to come to my apartment unit tomorrow afternoon? Let's cook up and watch movies hanggang mag madaling araw na! At dahil sabado naman on the next day, you can sleep there. May mga extra futons ako roon." Napangiti sila bigla. "Talaga!?" Magkapanabay na sabi nila. "Sure!" Again sabay ulit sila. "Hey, stop copying me— one more time you do that you—" napatawa na lang ako. "Kids, enough." Awat ko sa kanila. 'Of course di matatapos ang umaga nang hindi sila nagbabangayan.'
***
We are now at the gymnasium for our Physical Education subject. "Alright, for today's activity we are going to play volleyball. Girls, I will pick your representatives. Ganun din for boys. This will be a girls vs boys game." Sabi ng aming teacher. 'And yep. Girls will be having a disadvantage.' "For boys, It will be Lazaro, Santos, Reyes, Cruz, at Mendez." Nagsipuntahan na ang mga lalaking nabanggit sa kanang bahagi ng court. "For girls it would be Fabro, Morrisson, Andres, Valdez and Ravena." 'Ha? Kasali na naman ako?' Hinila na ako ni Rhaena papunta sa kaliwang bahagi ng court. "Girls, heads or tails?" Tanong nv aming guro. "HEADS!" Sigaw naman ni Rhaena. Itinoss naman ng aming guro ang coin na kanina niya pa hawak. "Okay, Girls' service game." Saad ng teacher saka ibinato sa kasama kong may nakaponytail na buhok ang bola.
***
"Alex!" Sigaw sa akin ni Pyro habang tumatakbo papunta sa direksyon namin ni Rhaena. 'Hindi ba to napagod sa game kanina?' "Tubig oh, para sayo." "Thank you." Nginitian ko siya saka ko kinuha ang bottled water na hawak niya. "Thank you din!" Sabi naman ni Rhaena na nakabukas ang palad. Tinignan lamang siya ni Pyro saka binuksan ang isa pang hawak niyang bottled water saka ininom lahat ng laman nito. "Salamat mo mukha mo." Sabi nito. Napatawa na lang ako sa inasta nila. 'Kelan ba lilipas ang isang oras na hindi sila nagbabangayan?'
Nagtungo na kami ni Rhaena sa Girl's change room para makapagpalit na. "Ang lapit na natin silang matalo kanina! Bwiset kaseng Lazaro iyan!" Napatawa na lang ako. It's true. Noong nalamangan namin sila ng dalawang puntos at may tatlumpung segundo na lang na natitira, sinagad niya kami ng spikes. Kaya ayun lumamang sila ng isang puntos.
Binilisan na namin ni Rhaena na magpalit upang makapag lunch na kami. Naglalakad kami papuntang canteen nang madaanan namin ang garden ng aming paaralan. I saw a familiar figure. It was Hiello. He was reading a book and dahil gustong gusto ko ang libro na iyon I immediately recognized it. It's Shelock Holmes: Study in Scarlet. He was eating cookies. 'Huh? I see that he doesn't eat in the cafeteria.' Alex! Tara na! Nagugutom na ko!" Tawag sa akon ni Rhaena. Agad naman akong sumunod sa kanila. "Ano ka ba naman Rhaena. Tinititigan niya pa si Hie—" agad kong kinutot si Pyro bago niya pa mandin maituloy ang sasabihin niya.
***
Pagkatapos naming maglunch biglang nag announce ang school principal na magkakaroon daw ng orientation sa mga students ngayong hapon kayat dumeretso na ulit kami sa school's gymnasium. "Bakit ba sila nagpapa-orientation pa? Wala rin namang—" napatigil si Pyro sa pagsasalita nang tumikhim si Rhaena. "Ah! Oo nga pala! Sorry nakalimutan ko." Natatawang sabi ni Pyro. "Ano nga pala yang supot na dala mo, Pyro?" Tanong ko sa kanya. "Ito?" Inangat niya iyong supot at saka ito bunuka ng kaunti para makita namin kung anong laman. "Pagkain para mamaya." Nakangiting sabi niya. Napatawa naman ako. 'Ang takaw nitong lalaking ito. Nagtataka tuloy ako kung bakit di siya chubby.'
***
Mga isa't kalahating oras na ang lumipas nang magsimula ang orientation program. Isa din pala sa dahilan kung bat nila ito isinagawa ay para i-orient ang mga estudyante sa senior high department about sa schedules at kung anong mga pagbabago na mangyayari sa criteria of gradings nila. Etong mga kasama ko? Si Rhaena, nakikinig. Si Pyro? Kanina pa kain ng kain. "Gusto mo?" Alok niya sa akin sa patata na kinakain niya kayat kumuha ako ng ilang piraso. "Nakakabagot." Simpleng sabi ni Pyro na ikinatawa ko.
***
Matapos ang dalawang oras, natapos na din iyong program at agad na kaming nagsi-uwian.
Gaya ng kahapon, dumaan ako sa convenient store para bumili ng lulutuing pagkain. Pagkatapos kong makabayad, lumabas na ako at naglakad pauwi.
Habang naglalakad i heard some footsteps na galing sa likuran ko. Nang lingunin ko ito, bumungad sa akin si Hiello. 'Hmm, di naman masama if susubukan ko siyang kausapin diba?' Binagalan ko ang lakad ko para makasabay ko siya sa paglalakad. "Hi, saan punta mo?" I said getting his attention pero instead of answering he just looked at me with a confused look. Like he's trying to remember my name. "Marionnette, magkaklase tayo, remember?" Napatango siya. "Ah! Yes. I'm heading home." Tipid na sabi niya. "Is your home this direction?" He nodded. Sabay na lang kaming naglakad since parang wala lang naman sa kanya iyon. 'Tipid siyang sumagot and he seems a bit cold pero di naman pala siya ganon kasungit gaya ng inaakala ko.'
When we reached the front of my apartment, nagpaalam na ako sa kaniya. "Dito na—" magkapanabay naming sabi. "You live here?" Again magkapanabay naming tanong. Napatawa na lang ako. "Then you must be my new neighbor. Nice to meet you then." Sabi ko at inabot ko ang kamay ko for a handshake. "Thanks for the cookies. They were great." He said monotonously as he shaked my hands.
After that nagtungo na ako sa unit ko at nagluto ng hapunan. 'Who knew my hunch was right?' Napatawa na lang ako.
—————————
Next Chapter will be Hiello's Point of View~ 🖤✨