Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Pinoy Zombies

ladiesman217
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.7k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Pagkalat

Maagang nagising si Andy upang ihanda ang kaniyang mga gamit paluwas ng Maynila.

"Unang araw ng trabaho, kailangan hindi ako malate." Bulong niya sa sarili.

Habang nagbibihis, siya ay nanood ng UNANG HIRIT SA UMAGANG KAY GANDA.(Sikat na morning show sa bansa).

"Maluwang po ang daloy ng trapiko sa mga oras na ito sa kahabaan ng Edsa". ulat ng reporter sa naturang palabas.

"Aba himala!" napatawang sabi ni Andy.

"Ayos! Di hussle ang biyahe." Dagdag pa niya.

*Edsa - sikat na kalsada sa Pilipinas na laging traffic.

03:45am, Lunes, May 4, 2014

Nagpahatid na si Andy sa kanyang Tatay sa bayan upang makasakay na ng bus.

Sina Andy ay tubong Candaba, Pampanga. At siya ay mamasukan sa isang malaking kumpanya sa Maynila.

"Sige tay salamat! Sa sabado nalang po ulit." paalam niya sa tatay.

"O sige, ingat ka doon anak." sagot ng tatay na si Randy.

04:15 am

Nakaalis na ang bus na sinasakyan ni Andy paluwas ng Maynila.

"Idlip muna ako. Mahaba-haba pa ang biyahe." tugon niya sa sarili.

05:25am

Nagising si Andy sapagkat biglang nagpreno ang bus na sinasakyan niya ng biglaan.

Nagsigawan ang mga sakay ng bus dahil sa pangyayari.

"Pasensiya na po." Malumanay na sabi ng driver.

Napatingin si Andy sa bintana ng bus.

Napansin niya na kaya pala nag preno ang bus ay dahil sa sobrang kapal ng hamog.

"Bigla po kase kumapal ang hamog at di naka hazard lights yung kasunod natin kotse." dagdag ng kundoktor.

Nagpatuloy ang biyahe nila.

Pagdating sa may balintawak ay nahinto sila dahil sa sobrangbtraffic.

"Aba, ok naman kanina sa balita ah. Bakit kaya sobrang traffic naman ngayon." bulong niya sa sarili.

06:15am

Kinakabahan na si Andy na baka malate sa first day niya sa trabaho dahil sa sobrang traffic.

Maya maya pa ay binuksan ng kundoktor ang tv ng bus para hindi mainip ang mga pasahero.

Laking gulat ng lahat nang makitang naka live sa tv ang Presisente.

"Mga kababayan ko, we are trying our best to contained them. Sa ngayon, yung mga nasa bahay pa. Please dont let your guard down. Lock all the doors and windows na pwedeng pasukan ng mga ito. Sa mga nasa labas, I suggest that you find shelter or hide in a safer place. We dont know exactly what we are dealing with, but one is for sure, they are deadly. Beware. Take ca..." at biglang naputol ang airing sa tv.

Nagpanic ang lahat ng nasa bus.

"Ano ang mga yun?" tanong nila sa isa't isa.

Sinubakan nila tawagan or itext ang mga kamag anak pero lahat ng network ay walang signal.

Si Andy naman ay natulala at di malaman ang gagawin.

"Anong nangyayare?" tanong niya sa sarili.

"Kailangan kong tawagan sila sa bahay." pero di niya magawa dahil sa kawalan ng signal.