Katulong sa pagpapaanak: Dalawa pong lalaki at pareho po sila ng panlabas na anyo at tangkad.
Magpapaanak: Ngunit mayroon pong problema tayo sa isang sanggol... Di man lang po umiiyak kahit paluin, itak-tak o tundusin; bagkus ngumingiti lang sya sa amin.
Imperador: napakagandang katangiang kanyang tinataglay... ngunit napakapayat nya at mukhang madaling madapuan ng sakit ngunut di tulad ng isa nyang kakambal na tahimik lang na natutulog sya'y ngiting-ngiti... Ah oo nga pala dahil lihim na lugar tong pinaganakan ng imperatris kapag may nagtanong isagot nyo ay isa kung hindi ipapupugot ko ang ulo nyo maging ng buo nyong angkan nauunawaan ba?
Ye, mahal na imperador!
(Pumasok si Yunuko Gen...)
Kamahalan akong si Yunuko Gen ay mayroong ipagtatapat sa inyo!
Imperador: Anu iyon...?
(Kagigising lang ng Imperatris matapos manganak...)
Yunuko Gen: Kamahalan narinig ko po ang babaylan maging ang tinuran nya sa inyo... na isa sa kambal ay ipapanganak na mahina at ang isa'y malakas, at isang taon makalipas kayo mamatay ay mamamatay rin ang isa!
Imperador: Kung gayon ano sa palagay mo marapat gawin?
Yunuko Gen: Napagisip-isip ko pong alagaan ang isang prinsipe upang sa gayon baka mabali ang sumpa.
Imperador: sige humayo ka dalhin mo at manirahan kayo sa liblib na lugar...
Ye kamahalan sumusumpa ako, akong si Yunuko Gen na aalagaan ang prinsipe ng buong buhay at maging buhay ko'y aking ibibigay maligtas lamang ang bata.
Pangalanan mong Hwangje... tugon ng imperador
Ye Chona... (Ngunit pinalitan nya ito ng pangalan na Saeng Chul).
(Nang makarating sa liblib na lugar nakita nila ang sanggol na lalaki at pinangalanang Buko... lumipas ang limang taon heto na nagdalang tao si Ya Nayang at nanganak ng babae at pinangalanang Yori.)