Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Game Fighter

🇵🇭KnightOwl_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
16k
Views
Synopsis
Subaybayan nating panlalakbay nila Sesame, Elvin at Renzo sa mundo ng laro. Para malaman natin kung paano sila maka-survive sa laro.. Malalakas na player at halimaw ang makakalaban, mahirap mga Quest ang mapagdaanan. At maaari pang maaring mangyari... Kung saan susubukin ang kakayanan, katatagan pati na ang pag-iisip. Ito ang Game Fighter, lalabanan na nila ang bagsik na laro ng buhay.
VIEW MORE

Chapter 1 - The Game

Likas na sa ama ni Elvin ang pagiging tamad, lasinggero, at nag wa-wariwana.

Ang kanyang ina ang nag ma-manage sa palayan, kamaisan at gulayan. may mga trabahante silang sina-sahuran kaya't medyo mababawasan ang kita dagdagan pa ng bisyo ng asawa kaya't yun ang nagpapahirap sa kanila kahit may lupa silang pagkaperahan.

Sampo ang kapatid ni Elvin, at ika-labing isa siya. Ang kinikita ng ina ay tama lang sa panga-ngailangan at di na kayang matustusan ang bayarin sa Eskwela. Pursigidong makatapos ng pag-aaral si Elvin at gusto niyang abutin ang pangarap para maka-laya sa paghihirap na dinaranas.

Kasya naman talaga sana ang kita ng umahan kung hindi lang napupunta sa inuming alak. Kahit ayaw ng ina niyang magbigay sa kanyang ama ng pera ay wala itong magawa dahil bubugbugin lang siya nito.

Isang araw ang di malilimutang karanasan ni Elvin, inakala niyang damo ang mga wariwana na nakatanim sa malaking paso ng inang may tanim na bulaklak.

Dahil may kasipigan si Elvin at ayaw niyang may duming nakikita kaya't binunot niya ang wari-wanang inakala niyang damo lamang na tumubo sa bulaklak ng ina. Kaya't kinahapunan noong paguwi niya sa bahay ay nakita niya ang amang galit na galit. Pinalo siya ng pinalo saka nilagay sa sako at pina-usukan.

Umiiyak, nanginginig, natatakot at tinatakpan ang ilong sa unting usok na pumapasok sa sakong may ilang di kalakihang butas .Di alam ni Elvin ang kanyang masamang ginawa kung bakit ganun na lang parusa binigay ng ama Noong umalis ang kanyang ama para maki-pag inuman sa mga barkada ay binaba siya ng ina.

Tinanong ni Elvin kung ano ang kasalanan niya kung bakit ganoon na lang ang ginagawa ng ama niya. Sinagot siya ng Ina na binunot niya ang wariwana ng ama na inakala niyang damo. Anong alam ng batang si Elvin na pitung taong gulang tungkol sa wariwana.

Ngayong sampung taong gulang si Elvin nang gumana na naman ang kabaliwan ng ama. Pinalaro siya ng Pinpin De Sarapin gamit ang kotsilyo, habang dumadaan ang kotsilyo sa kanyang mga daliri na siyang ikana-nginig ng katawan.

Pinagdarasal niyang sana di siya matamaan ng kotsilyo, at sana'y di maputol ang mga daliri niya. Lasing ang kanyang ama at paanong maaayos ang pag dukduk ng kotsilyo na walang natatamaan.

Pero Salamat! Salamat! ani ng kanyang isipan sapagkat na tapos na ang kanta at walang natamaan sa mga daliri. Ngunit Siya naman ngayon ang hahawak ng kotsilyo, at nang natamaan ang daliri ng ama doon nabugbug siya sa panga at tumilapon mula sa kanyang pagka-upo.

Tumayo ang kanyang ama, tinawag ang mga kampon ng kadiliman, nanlilisik ang mga mata animo'y papatay na. Lumabas ang kanya ina sa kwarto at pinigilan ang kanyang ama sapagkat alam ng kanyang ina na nasa impluwensiya na ng alak, droga at galit ang amang maaaring patayin siya. " TUMAKAS KA NA ANAK! BILIS BAKA MAPATAY KA NA NG AMA MO!" sigaw ng kanyang ina sa pinipigilang ama niya.Tumakbo ng kay bilis si Elvin, sa takot ay di na niya nakuha pa ang tsenilas.

Basta't tanging nasa isipan niya pagtumakbo siya ng mabilis ay ligtas siya, ligtas siya at ligtas siya.

Pupuntahan niya ang bahay ng kapatid na maagang nagkapamilya para lamang makatakas sa kanilang ama, ang kanyang ibang kapatid ay naman ay nagtatrabaho para matustusan ang pag-aaral.

Kaso habang tumatakbo siya ay may humilang puting liwanag sa kanya. Sa wakas ay makatakas na siya sa kanyang ama, pero di niya alam kung anong danarasin sa bagong mundong mapuntahan.

Itutuloy...