Chereads / Just a night with him (Completed) / Chapter 2 - Chapter 1: One Night

Chapter 2 - Chapter 1: One Night

"Nanay, pinapatawag ka ni Ma'am sa school."

Nanlaki ang mga mata ko matapos kong maisara ang pinto ng bahay. Agad kong hinarap ang kambal ko. Si Yto ang nagsasalita, si Yza naman ay nakatayo lang sa may sofa at nakayuko. Yto put down his bag at saka humarap sa akin. Much as I want to hug them for their overloading cuteness, nilukot ko ang mukha ko at saka tinitigan silang dalawa.

"At bakit ako pinapatawag ni Ma'am sa school Yto Jose?" Tanong ko sa kambal kong lalaki. He pointed Yza who was still quiet.

"Kasi si Yza, niloloko daw niya si Ma'am, eh Nanay sabi ko totoo naman iyong sinagot niya sa tanong ni Ma'am kaya nagalit din si Ma'am sa akin."

Napakamot ako ng ulo. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ng kambal ko. They are seven years old now, nasa grade two na sila at kahit parehong matalino ay pareho namang matigas ang ulo. I walked near them and sat at the sofa, nasa gitna nila ako. Inakbayan ko sila pareho.

"Ano ba kasing nangyari?" Mahinahong tanong. Si Yto ulit ang sumagot.

"Kasi Nanay, sabi ni Ma'am magdala dawn g family picture----"

"Eh wala naman tayo noon." Sabat ni Yza, "kaya sinabi ko kay ma'am na noong panahon ninyo ni Tatay wala pang camera kaya wala kayong picture."

Gusto kong umubo ng malakas. Naiiyak na nagpaliwanag sa akin si Yza habang si Yto ay nakatabi lang sa akin. Sinabi ni Yza na nagalit daw ang teacher nila dahil sa sagot niya.

"Saka iyon naman ang sabi mo sa akin, Nanay, inulit ko lang kay Ma'am."  Alam kong malapit nang umiyak si Yza, namumula na kasi ang ilong niya. I sighed. Hinatak ko siya papalapit at saka hinaplos ang mahaba niyang buhok. Maraming nagsasabi na mukhang manika si Yza, she had a long curly hair, itim na itim ang buhok niya, at bilugan ang mga mata, malalantik rin ang eye lashes niya - isang bagay na sigurado akong nakuha niya sa ama niya.

"Anak, sana iba na lang iyong sinabi mo."

"Umiyak nga siya Nanay, kaya lalong nagalit si Ma'am," Sabi pa ni Yto. I shook my head. Kamukha rin ni Yza si Yto, mas hard nga lang ang features nito dahil ito ang lalaki. Tulad ni Yza ay itim na itim din ang buhok ni Yto na abot sa panga nito. Madalas kapag nakakatuwaan ko ay tinatali ko ang buhok ni Yto, mukha rin siyang babae.

"Pero Nanay diba sabi mo bad magsingaling. Saka patay na si Tatay paano pa kami makakakuha ng picture niya?" Humihikbing tanong ni Yza. Huminga ako ng malalim. Ito ang pinakaayaw kong parte ng pagiging Nanay ko sa kambal, iyong pagkakataon na hinahanapan na nila ako ng Tatay - iyong pakiramdam na parang hindi na sapat para sa kanila ang paliwanag ko na patay na ang tatay nila. Huminga ako ng malalim.

"Sige, bukas, kakausapin ko ang teacher ninyo. Sige na, magbihis na kayo at nang makapaghapunan na tayo." Utos ko sa kanila. Pinahid ni Yza ang mga luha niya saka tumalikod, bago sila tuluyang pumasok sa silid ay tiningnan muna nila ako at saka sabay na sinabing:

"Sorry, Nanay."

I smiled. Nang maisara na ng kambal ang pinto ng kwarto saka ako sumandal at tumingin sa kisame. Gusto kong maiyak, gusto ko na namang maawa sa sarili ko kaya lang tapos na ako doon, tanggap ko na na kahit kailan hindi magiging parte ng buhay ko at ng buhay ng kambal ang ama nila. Tahimik ang buhay nito - lalo na ngayon. Sa tingin ko matapos ng lahat ng nangyari sa kanya nitong taon na ito, mas mabuti na tahimik na lang siyang mamuhay, isa pa, wala siyang kaalam-alam sa existence ng mga bata.

Sancho Consunji - the father of my twins. Kung simple aksidente lang sana ang nangyari noon, siguro kaya kong sabihin sa kanya na siya ang ama ng mga anak ko, pero hindi ko kaya, hindi naman kasi ordinaryo ang pangyayaring iyong sa buhay ko. I sighed.

I could still remember that night like it was only yesterday. Three months after that, I found out that I was pregnant, iyak nang iyak si Nanay noon, ako na lang daw ang inaasahan niya tapos nagkaganoon pa, hindi naman siya nagalit masyado noon, hindi ko rin sinabi sa kanya kung sino ang ama ng mga bata, basta ang sabi ko, ayoko nang pag-usapan iyon.

I took a break from my studies, nanganak ako ng tahimik, akala ko talaga hindi na ako makakapag-aral pero mabait si Lola Adelina, maski nabuntis ako sa pagkadalaga ay pinag-aral pa rin niya ako. Nakatapos ako, pilit kong tinataguyod ang kambal ko, ang hindi ko lang talaga magawa ay ang umalis sa mga Consunji, gusto ko na kasing lumayo sa kanila, natatakot ako, naiisip ko kasi kung mabubuko ako, baka kunin ni Sancho ang mga anak ko, hindi ko kaya iyon.

I sighed. Pinahid ko ang luhang pumatak mula sa mga mata ko. Seven years na ang nakalipas pero iyong masakit na part naroon pa rin.

Hindi lang naman simple ang nangyari sa akin, napakakomplikado ng sitwasyon ko. Ang hiling ko lang talaga, sana ay hindi malaman ni Sancho Consunji ang totoo. Sana lang talaga...

-----------------------------------------------

"Sancho! Oh god, please let me touch you! Ahh!"

I kept on thrusting in and out Madeline's core. I was feeling so hot that night and I really wanted to release everything inside her. It's my stress reliever. Nights like this, I knew I wouldn't sleep. Palagi pa rin akong hinahabol ng masamang panaginip na iyon.

"Fuck, I'm coming." I said to her, I pulled it out. "Open your mouth." I commanded her and she did, I let everything out in her mouth, after that I sat beside her, I took the keys of the hand cuffs and released her.

"Ahhh," Himihingal siya. I snuggled her from behind, Madeline kissed my lips.

"What's bothering you, Sancho? You're too rough tonight." Sabi niya sa akin. I closed my eyes. Suddenly the scene from my nightmare came in the view, bigla akong nagmulat ng mga mata. "Is this about what Jane did to you?" She asked me.

"I don't want to talk about it." Tumayo ako at saka nagbihis na. Madeline stood up too. Niyakap niya ako mula sa likuran.

"Sancho, I'm sorry." She said, "Huwag ka nang umalis. I want to be with you until tomorrow morning. Busy ka na naman kasi." She said to me. Umiling ako. Matapos akong magbihis ay hinarap ko siya.

"Kailangan kong umuwi, walang kasama si Lola sa bahay."

"Lukas is there, isn't he?" Sabi pa niya. I just shook my head. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mawala ang agam-agam sa dibdib ko. I thought sex could take that away even for a while pero hindi rin, nasa utak ko pa rin ang takot na nabuo sa pagkatao dahil sa pangyayaring gusto kong kalimutan pero paulit-ulit na bumabalik. I sighed again, I kissed Madeline goodbye and left.

Agad akong sumakay sa kotse at pinasibad iyon. I turn the radio on and listened to the song on the air, pilit kong inaalis ang mga bagay na nangyari. Pero naroon pa rin, it's as if I could still feel them hurting me, wounding me, it's as if I could still see them around me.

Bigla kong inihinto ang sasakyan.

"AHHHHHHH! LEAVE ME ALONE?!!!" I screamed at the top of my lungs. Pakiramdam ko ay masisira na ang ulo ko. Ayokong bumalik sa trauma stage. Ayoko nang maging parang tanga. Okay na ako, it's just that the nightmare won't stop. I took a deep breath. I want the demons of the past out of my life, pero paano ko gagawin iyon?

-------------------------

"Nanay, nanay, nanay."

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos ni Yza sa balikat ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at saka bumaling sa kanya. Nakayakap pa si Yto sa akin at tulog na tulog.

"Hmmn? Yza, matulog ka pa, maaga pa." Sabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at saka bumalik sa pagtulog pero bigla akong naubo, bigla kong naramdaman ang kung anong mainit sa paligid ko. Bukas naman ang electric fan sa kwarto naming pero bakit mainit?

"Nanay, nanay, tingnan mo, may apoy sa labas." Sabi sa akin ni Yza. Agad na nagising ang diwa ko. Bumalikwas ako ng bangon at saka nakita ko ang sunog sa likod bahay namin.

"Diyos ko po!" Sigaw ko. "Yto, Yto! Yto, anak, gumising ka!" Sigaw ko. Agad namang nagmulat ng mata si Yto at saka bumangon.

"Nanay natatakot ako." Humihikbing sabi ni Yza.

"Huwag anak, nandito si Nanay." Binalingan ko si Yto. "Yto, tatakbo tayo. Halika na!" Sabi ko. Kinarga ko si Yza at hinawakan ko naman ang kamay ni Yto, pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nasusunog na ang kusina namin. Naiiyak man ako ay hindi ko pwedeng ipakita sa mga bata iyon - lalo lang silang matatakot kapag nakita nilang pati ako ay umiiyak.

"Nanay. Nanay si Mr. Huffles!" Sigaw ni Yza. Tumingin ako sa likuran at nakita ko ang teddy bear niya na nilalamon na ng apoy. "Nanay!" Pumalahaw ng iyak si Yza. "Nanay si Mr. Huffles!"

"Anak, hindi na pwede, nasusunog na iyong bahay natin!" Sabi ko. Saglit kong binitiwan ang kamay ni Yto para buksan ang pinto, mabilis kong hinatak si Yto palabas ng bahay. Noon ko nakita na halos nilalamon na rin ng apoy ang kalahati ng kabahayan sa lugar namin. Nakalabas kami ng gate, noon ko lang ibinaba si Yza, umiiyak pa rin siya dahil sa naiwan naming ang paborito niyang teddy bear sa loob. Naiiyak naman ako dahil isang pitik lang, nawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Huminga ako ng malalim at saka niyakap ang kambal ko.

"Nanay, saan na tayo titira?" Tanong ni Yto habang nakatingin sa bahay naming na nasusunog na. I kissed his cheeks.

"Gagawa ng paraan si Nanay, anak. Huwag kang malungkot."

"Nanay, nanay si Mr. Huffles..." Sisigok-sigok na sabi ni Yza. I nodded at her.

"Bibili na lang si Nanay ng bago. Ang mahalaga ligtas ka at si Yto." Yumakap siya sa akin. I cried silently, bakit ba hindi ako lubayan ng kamalasan sa buhay?