Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love and Second Chances

🇵🇭Nadia_Lucia
8
Completed
--
NOT RATINGS
65.5k
Views
Synopsis
Pinatigas at pinatibay na ng panahon ang dating sugatang puso ni Ynna. Sa ngayon mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mas importanteng bagay sa buhay niya. Pero sadya yatang nanadya ang tadhana nang muling mag-krus ang landas nila ng lalaking nanakit at umiwan sa kanya. Ang isa pang kinaiinisan niya ay para bang hindi malaking kasalanan ang ginawa nito sa kanya noon at tila normal lang na makipagusap sa kanya! Ngayon sisiguraduhin niyang hindi na ito muli pang makakapasok sa puso niyang pilit niyang binuo sa kabila ng maraming hamon ng buhay na naranasan niya. Kahit na sukdulang itago niya ang isang katotohanang naghuhumindig na sa pagmumukha nito. Hinding-hindi as in Never!
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One:Musician

But I'm done looking for my future someone cause when the time is right you will be but for now dear no one this is your love song... no need to be searching ohh... dear no one this is your love song."

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong kay Ynna pagkatapos niyang kantahin ang sarili niyang rendition na Dear No one ni Tori Kelly. Agad namna niyang ipinasa ang mikropono sa susunod na performer sa gabing 'yon.

Natapos na naman ang trabaho niya bilang isang part time performer sa Cosmic Bar kung saan pagmamay-ari ng kabarkada niya noong highchool na si Renz. Ang totoo pet project 'yon ng buong barkada at nag-ambagan silang lahat mula sa sarili-sariling savings para sa bar na 'yon. Nag tulong-tulong silang para mabuo nila ang Cosmic Bar mula sa pangalan hanggang sa pag-aayos ng buong lugar kaya naman hindi na nakakapagtaka na ito ang naging tambayan nilang lahat tuwing kailangang tumakas sa stress sa trabaho ang karamihan sa kanila.

So yeah, she's also one of the owner kahit kung tutuusin maliit lang ang naambag niya nang mga panahon na 'yon yet equally ay hati silang lahat sa profit ng bubong lugar.

Dumiretso siya sa bar kung saan nakita niyang naguumpukan ang mga kaibigan niya at hindi niya maiwasang mapangiti nang makakita siya ang pamilyar na bulto ng bestfriend niyang si Rizza na nakikipagkulitan kay Renz.

Simula elementary hanggang sa college ay magkasama na silang dalawa at sa kabila ng mga taon ay hindi pa rin sila mapaghiwalay kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ganon na lang ang pagkakakilala nila sa isa't-isa.

"O Buhay ka pa pala?" bati niya ditto saka niyakap ng mahigpit.

"Bakit niyo ko inaaway? Anong ginawa ko?"

Tinawanan lang namin si Rizza.

"Madalang ka na lang kasing maligaw ditto." Dugtong niya.

"Para ngang nagsisi na kong naligaw pa ko toxic masyado si Renz sarap i-flush sa inidoro."

"Hindi bagay ang kagwapuhan ko 'don."

"Hindi nga is aka lang kasing malaking dumi!" sikmat ditto ng kaibigan.

Napailing na lang siya sa kakulitan ng dalawa kahit kailan talaga walang ibang ginawa ang dalawa kung hidni ang magbangayan kapag nagkikita childish pero hinahayaan na lang nila dahil sabi nga nila ay masyado na silang sanay.

Maya-maya pa ay nag-aya na itong kumanta sa stage dahil na rin sa buyo ng pasaway na Renz syempre sumama siya supportive bestfriend siya 'eh saka isa pa matagal na rin simula nang makapag jamming sila palibhasa ay baon ito sa trabaho lalo na sa workaholic monster boss nito.

NANG matapos ang pagkanta ng isang nila ni Rizza ay agad na umakyat ang si Renz para makisama sa gulo.

"Alright! Muli nating pasalamatan sina tweedle deem and twedle dum sa kanilang magandang performance." Mabilis itong nasiko ni Rizza sa tiyan dahil sa kalokohan.

"Grabe kayo child abuse!" angal nito sa kanya na tinaasan niya ng kilay.

"Way past ka na sa pang batang edad pwede pa sigurong kulang kulang pero bata?" tinignan niya ito mula ulo hanggang paa para inisin. "Never mind."

"Bakit ang harsh niyo sa'kin ngayong gabi? Wala naman akong ginagawa ahh?"

"Talaga? You're mere existence is annoying already."

"Alright let's pack up! May nananalo na!" napailing na lang siya sa sinabi nito saka nakipagsabayan sa pangungulit ng dalawa hanggang sa literal na kinaladkad ito ni Dan pababa ng stage.

Natatawang sinundan na niya ang mga kaibigan, naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon nang makita niya kung sino ang tumatawag ay hindi niya maiwasang mapangiti nang makilala niya ang caller.

Sandali siyang nag-excuse kay Rizza para sagutin ang tawag, nakarating siya sa bandang sulok ng bar na medyo malapit sa entrance dahil hindi na gaanong rinig ang music sa loob saka sinagot ang tawag.

"Hello Baby?"

Napangiti na lang siya nang marinig ang pamilyar na boses ng pinakapaborito niyang tao sa mundo. Hindi niya tuloy napansin ang isang pamilyar na lalaking pumasok na siyang babaiktad sa buong mundo niya.

Nang matapos siyang makipagusap sa cellphone ay binaba na niya 'yon at hinarap ang magugulo niyang kaibigan. Bakit ba sa kabila ng ilang taon niyang pagkakakilala sa mga ito pakiramdam niya ay hindi pa rin angmamature pagdating sa kakulitan ang mga ito?

Hindi lang niya akalain na sa susunod na araw ay babaliktad ang mundo na matagal niyang binuo.