Chereads / Miss, Pengeng Piso! (ONE SHOT STORY) / Chapter 1 - Miss, Pengeng Piso! (ONE SHOT STORY)

Miss, Pengeng Piso! (ONE SHOT STORY)

🇵🇭HellLuuvy
  • 1
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Miss, Pengeng Piso! (ONE SHOT STORY)

"Shane!" tawag sa akin ng bestfriend kong si Mia nang makasalubong ko siya rito sa corridor. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya nang mapansin niya akong nagmamadali.

"May kukunin lang ako sa locker ko," agad kong sagot sa kaniya at binilisan ang lakad.

Tumango naman siya at sinabing, "Sige, dalian mo ah! Magsisimula na ang first period natin," at pumasok na siya sa pintuan ng classroom namin.

Pero bago ang lahat ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako nga pala si Shane Madrigal, 17th years of age at Grade 12-GAS student. And I believe, na isa akong anti social, introvert at No Boyfriend Since Birth or should I say, NBSB. Isa lang ang kaibigan ko at si Mia Khalifa iyon, este Mia Estrada pala. Haha! 'Yun lang, and I thank you! Lol.

Nagmadali naman akong tumungo sa locker at kunin ang naiwan kong libro na gagamitin para sa first period. Pagkatapos ko itong kinuha ay agad ko naman sinara ang aking locker.

Maglalakad na sana ako nang makakita ako ng isang lalaking tumatakbo sa may hallway at papalapit sa akin?

"Miss, pengeng piso." Nagulat ako sa sinabi niya. Aanhin naman kaya niya ang piso?

Nag-alinlangan naman akong dumukot sa aking bulsa at buti na lang ay may barya ako. Inilagay ko 'yon sa palad niya at nagtatakang tiningnan siya. Ngumiti naman siya sa akin at ikinulong sa kamao niya 'yung piso.

"Thank you ah."

"Walang anuman," tugon ko.

Kunot-noo ko siyang pinanood nang tumakbo na ito paalis. Nagkibit-balikat na lamang ako at tumungo sa classroom dahil kaunting minuto na lang ay male-late na ako.

Pagkadating ko ng room ay umupo agad ako sa tabi ni Mia. "Ba't ang tagal mo?" nagtatakang tanong niya.

"May weird lang," sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya. At magtatanong pa sana siya kaso dumating na ang teacher namin sa first period.  

Pagkatapos ng klase namin sa first period ay nagpaalam sa'kin si Mia dahil pinapatawag daw siya ni Sir Castro. At dahil bakante naman ang next subject namin ay napagdesisyunan kong pumunta na lang sa school garden at doon magbasa ng libro para sa advance learning.

Habang nagbabasa ako ng libro nang biglang may nagsalita, "Miss, may piso ka?"

Napa-angat naman ako ng tingin at laking gulat ko nang makita ko ang taong nasa harap ko ngayon.

'Siya na naman?' tanong ng isip ko.

Gusto ko sana siyang tanungin kung saan niya ito gagamitin kaso nahihiya ako kaya kumuha na lang ako ng piso sa aking bulsa at inabot sa kan'ya.

Matagal naman niyang tinitigan 'yong pisong nilagay ko sa palad niya at napabuntong-hininga siya.

'Hala! Ang weird niya talaga,' I said again in my thought.

"Hmm... May kailangan ka pa ba?" Nag-aalinlangang tanong ko sa kaniya. Hindi kasi ako sanay makisalamuha o makipag-usap sa mga taong hindi ko pa gaanong kilala kaya nahihirapan akong magtanong at makipag-usap sa kaniya.

"Wala na. Salamat ulit ah." Nakangiting sagot niya at saka ito umalis.

Bakit kaya siya humihingi ng piso sa'kin? Ako lang ba ang hinihingian niya o may iba pa?

Napa-iling na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagbabasa ng libro kanina.

"Narito ka lang pala eh!" Nagulat naman ako nang bigla akong binatukan ni Mia. "'Yung totoo, kanina pa ako hanap nang hanap ah," patuloy niya at pinunasan ang noo niya gamit ang panyo.

"Aray ko naman," reklamo ko.

"Aray mo lang. Duh," mataray niyang sabi at saka inis na umismid.

"Problema mo at bakit napaka-haggard na ng itsura mo?" tanong ko sa kan'ya at isinara ang librong hawak ko.

Umupo naman siya sa tabi ko at alam kong may ichi-chika ito kaya ako naman ay naghanda na sa pakikinig sa maala-boy abunda nitong pagkukwento. Haha!

"Hay naku! Paano naman kasi, si Sir Castro, pinapahanap sa akin 'yung classmate nating transferee!"

"Transferee?"

"Oo transferee sa tagalog bagong li--!"

Binatukan ko agad ito bago niya ipag-patuloy 'yung sasabihin niya. Hay, ang lokaret talaga!

"Aray ko best ah, hindi masakit."

"Tange! Sinabi ko bang i-translate mo sa tagalog?" natatawang saad ko sa kaniya.

"Sorry naman. Pero in fairness ah, nasira na talaga ng tuluyan ang beauty ko today. Why so malas?" sabi niya at nag-ala best actress naman ang peg niya.

'Yung totoo? Kaibigan ko ba ito? Mukhang may sapak eh!

"Ano ba! Ituloy mo na nga kwento mo. Naiintriga na ako. Promise!" iritableng sabi ko sa kaniya. Well, curiosity kills me.

"Excited best? May lakad?" natatawang sabi niya.

Tiningnan ko naman siya nang matalim.

"Oops! Ito naman oh! Hindi mabiro."

Gan'yan! Makuha ka sa tingin. Haha!

"Si Mj Montero, siya 'yung pinapahanap sa'kin ni Sir Castro. Pero hindi ko naman alam kung saang lupalop siya nagpu-punta."

"Mj?" tanong ko.

"Oo. Siya 'yung transferee na classmate natin. Ay! Teka, don't

tell me hindi mo siya kilala? Eh, sikat pa naman siya rito sa campus natin."

Umiling ako bilang pagtugon sa tanong niya.

"Shocks! Sabi ko nga, sabagay you're not interested and aware in your surrounding." natatawang sabi niya.

Well, Mia is right. Tutok lang talaga kasi ako sa studies ko. At wala akong pakialam sa mga bagay-bagay. Lalong-lalo na kung hindi ito tungkol sa lesson.

Hashtag, study first nga kasi. Haha!

Nasundan pa ng mga araw na humihingi pa rin siya ng piso sa akin. At nalaman ko rin na siya pala si Mj Montero, ang tinutukoy ni Mia na ka-klase naming transferee. Pero nasanay na rin ako sa kaniya sa tuwing humihingi siya ng piso. Siguro palagi niyang nakikita na marami akong barya kaya palagi siyang humihingi sa akin ng piso. Hindi kasi ako nauubusan ng barya dahil tinatago ko ang mga barya ko para ipambili ng candy o lollipop man lang. Ngunit, ang ipinagtataka ko lang hindi naman kami magkakilala eh. In fact, no'ng una siyang manghingi ng piso ay ang una rin naming pag-uusap.

Pero bigla namang may sumagi sa isip ko at mukhang mali at malabong mangyari iyon.

"Assuming ka naman, Shane!" bulong ko sa sarili habang naglalakad.

"Miss, pengeng piso," agad akong napatingin sa kan'ya na nakangiti sa akin. Hindi naman ako nagulat na nandito na naman siya para humingi ng piso. Sa araw-araw ba naman ng ginawa ng diyos na palagi na lang itong humihingi ng piso sa akin. Magsasalita sana ako pero 'di ko na lang itinuloy. Nagwawala na kasi ang puso ko. Nakakatawa mang isipin pero sa kakahingi niya ng piso sa akin ay unti-unti ko naman siyang nagugustuhan at unti-unti naman akong nahuhulog sa tuwing ngingiti siya sa akin nang dahil doon bumibilis ang tibok ng puso ko. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit siya humihingi ng piso sa akin.

Agad naman akong dumukot sa aking bulsa para kumuha ng piso pero wala akong nakapa na barya. Binuksan ko naman ang aking wallet para tignan kung may piso ako pero wala talaga. Naubos ko yata kanina dahil pinambayad ko ng pamasahe at pinangbili ko pa ng candy.

"A-ah, eh...ano, kasi..."

Anak naman ng tipaklong oh! Bakit ba ako nauutal? Aish! Kinakabahan tuloy ako. Napayuko na lamang ako, ni hindi ko naman siya matingnan sa mata kasi nga pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko.

"Yes! Sa wakas, naubusan ka rin ng barya." Nagulat naman ako sa sinabi niya at nagtatakang tumingin sa kaniya. Ipinamulsa niya ang dalawa niyang kamay at ngumiti ng sobrang lapad. Pakiramdam ko tuloy ay lalabas na 'yung puso ko sa dibdib ko.

"H-huh? Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong sa kan'ya. Bakit parang tuwang-tuwa pa siya na wala na akong maibigay na piso sa kaniya?

Lumapit naman siya sa akin at ipinatong ang kaniyang kamay sa aking ulo.

"Ngayong wala na akong mahinging piso sayo, p'wede bang ikaw na lang ang hingiin ko?"

Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Naririnig ko na rin ang malakas na pintig ng puso ko. Hindi man ma-proseso ng aking utak ang sinabi niya. Pero tama ba 'yung narinig ko?

"Kapag ba, sinabi ko sayong, Miss, p'wedeng akin ka na lang, magiging akin ka ba?"

"A-anong...h-hindi ko maintindi--!" naputol ang sasabihin ko nang bigla pa siyang lumapit. As in 'yong napakalapit na talaga. Pero para bang napako na ako sa kinatatayuan ko kasi hindi ako makagalaw. At parang may gripo naman sa aking palad sa sobrang pawis dahil sa kaba.

"Akala ko talaga hindi ka na mauubusan ng piso eh. At dahil nga ubos na ang piso mo. Ikaw na lang ang hihingin ko," ngumiti siyang muli at hinawakan ang kamay ko.

"Oh, paano? Akin ka na ba?"

At tumigil ang mundo ko ng sabihin niya iyon.

'Gosh! Is this real?'

The End