"NAKAUSAP ko ang Tita Sandra mo, sabi niya by next month darating siya ng Pilipinas kasama si Lauren."
Tinapunan lang ng sulyap ni Louis si Carol saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Surely, you will like Lauren" pagpapatuloy nito nang hindi siya kumibo.
"Hindi siya isa sa maraming babaeng pinagusto ninyo sa akin noon hindi ba?" aniyang nangingiting tinapos ang pagkain.
"Kababata mo siya, so sana entertain her well during her stay here" ang kaniya namang ama.
Nagkibit siya ng balikat sa sinabing iyon ni Ramelito saka tumayo at parehong hinalikan ang mga ito bago lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang bagong BMW. Regalo iyon ng parents niya sa kanya dahil consistent Dean's Lister siya last school year.
Nasa byahe na siya nang marinig ang message alert tone ng kaniyang iPhone. Binasa niya ang message saka naiiling na binura.
Si Cindy na kaniyang huling naging nobya for two months. At sa lahat ng babaeng nakarelasyon niya ito lang ang naghabol sa kaniya. Para dito ay sila parin, bagay na nilinaw naman niya sa dalaga ng ilang ulit na ngunit hindi nito pinakikinggan.
Unang araw sa huling taon niya sa kolehiyo, at sa susunod na sem ay magtuturo na siya bilang bahagi ng kaniyang Practice Teaching. Malapit na siyang maging English teacher.
Poultry supplies at iba pang agricultural products gaya ng pataba at iba pang gamot sa pagtatanim ng palay ang negosyo ng parents niya. Sa katanuyan ay mayroon na iyong tig-isang sangay sa tatlong magkakalapit na barangay sa bayan ng Mercedes; ang Sta. Philomena, San Roque at San Jose.
Bukod pa roon ay pag-aari din nila ang malaking ektarya ng palayan sa San Jose. Maging ang itikan nilang siyang number one provider ng mga itlog ng itik na ginagawang itlog na maalat ng mga taga- Mercedes at iba pang kalapit bayan.
Iyon ang dahilan kaya nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito nang kumuha siya ng kursong hindi related sa business nila. Ang katwiran niya, magagawa naman niyang pag-aralan ang pagpapatakbo ng negosyo nila pagdating ng tamang panahon. Pero sa ngayon gusto muna niyang maranasan ang maging isang guro na siyang pangarap niya.
"Kung tayo talaga Louis, we will end up together."
Nang maalala ang sinabing iyon sa kaniya ni Rhiza two years ago ay malungkot siya napailing.
He used to be a very faithful boyfriend. Pero matapos ang masakit na karanasang iyon ay binura na niya sa bokabularyo niya ang salitang 'faithful'. Nagmistula siyang parang nagbibihis lang kung magpalit ng girlfriends, dahil bawat babaeng nakakarelasyon niya ay good for two months lang. Parang gamot at pagkain, may expiration date.
Base narin kasi sa sarili niyang karanasan, habang tumatagal ang isang relasyon lalong lumalim ang pagmamahalan at higit sa lahat sa bandang huli mas masakit ang hiwalayan. Parang ang nangyari sa kanya nang iwan at lokohin siya ni Rhiza.
Ang gawain niyang iyon ang naging dahilan kung bakit sinimulan siyang ireto ng Mama niya sa kung kanikaninong babae. Pero gaya nga ng nakagawian niya, parepareho lang ang mga ito sa kanya. Gaano man kaganda at ka-expensive tingnan isa lang ang itsura kapag hinubaran niya at parepareho lang ding maiingay pagdating sa kama.
The right girl will come, maikli lang ang mga hakbang niya kaya hanggang ngayon ay naghihintay ka parin.
Natawa nalang siya sa isiping iyon saka kinabig ang manibela ng sasakyan niya papasok sa malaking gate ng St. Joseph University.
IYON ang unang araw ni Jade as college student sa St. Joseph University.
Marami namang magaganda at kilala universities sa Pampanga pero mas pinili parin siyang i-enroll ng nanay niya sa SJU. Hindi sila mayaman pero dahil solong anak siya at maayos namang kumikita ang bagong tayong sub construction company ng tatay niyang si Virgilio ay namumuhay sila ng maayos.
Nang maalala ang naging usapan nila ng nanay niya bago siya nag-exam sa SJU ay napangiti siya.
"Gusto ng Lolo at Lola mo na sa Mercedes ka mag-aral. Sa kanila ka ulit titira, kagaya nung nasa abroad kami ng tatay mo. Siguradong matutuwa ang mga iyon, aba eh pagkagraduate mo ng elementary hindi ba noon ka namin kinuha na sa kanila?"
"Pero nay di ba mahal sa SJU? Kaya ba natin do'n kahit sa State U nalang ako baka mahirapan kayo ng tatay pag dun ako pumasok" worried niyang sabi.
Nginitian siya ni Minda dahil sa sinabi niya. "Ikaw talaga anak, sa public school kana nga tumanda eh, at saka kung iyon ang inaalala mo kaya naman namin ng tatay mo. Kaya lang kailangan lang isakrispisyo ang ibang luho gaya ng mga cellphones at iba pang gadgets. Iyong mga importante na muna ang i-priority natin kasi kapag nakatapos kana at nagkaroon ng magandang trabaho mas higit pa sa mga iyon ang mabibili mo."
Kunsabagay, mukha namang maganda at high class ang St. Joseph University. Malinis ang paligid at berdeng-berde, no wonder green ang kulay ng SJU at obvious iyon sa kulay ng paldang suot niya.
Room E144, Ethics; iyon ang nakasulat sa hawak niyang schedule. Hindi naman mahirap maghanap ng classroom, sa katunayan ay nasa harapan na niya ang kwarto kung saan magsisimula ang kaniyang first subject bilang Freshman, Bachelor of Secondary Education student.
Habang nakaupo sa concrete bench na nasa tapat mismo ng College of Education building ay matiyaga siyang naghintay ng oras, at nang makita niyang pumasok sa loob ng classroom ang isang maganda at mukhang mabait na guro ay tumayo narin siya.
Sa totoo lang kinakabahan talaga siya. Mas sanay kasi siyang makihalubilo sa mga simpleng taong katulad lang din niya. Malayo sa mga estudyanteng nakikita niya ngayon. Mukhang may mga kaya sa buhay dahil kita pananamit at kilos ng mga ito.
Pagbungad niya sa classroom ay lalong niragasa ng matinding kaba ang dibdib niya. Lahat ng estudyante ay busy at mukhang matagal ng magkakakilala. Nangunot ang noo niya sa pagtataka.
Hindi kaya mali itong schedule na nasa papel na ito?
Inikot niya ng paningin ang buong silid habang nanatili siyang nakatayo sa may pintuan.
"Excuse me!" ang masungit na tinig na nagmula sa kaniyang likuran.
Noon siya parang natauhan at naupo sa malapit na silya nang bahagya pa siyang natabig ng nagdaang lalaki. Nakasumbrero iyon ng kulay apple green kaya hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito. Pero in fairness masarap sa ilong ang pabangong gamit nito.
"Ang yabang naman nu'n" inis niyang bulong saka nginitian ang matabang babaeng katabi niya.
"Hello, I'm Pauline, first year karin?" mabait nitong tanong sa kaniya.
Tumango siya.
"Avon Jade Garcia" nakangiti niyang sagot.
Nang muli niyang sulyapan ang lalaki ay saktong hinubad naman nito ang suot na sumbrero.
"O—M---G!!!!" naibulalas niya sabay takip sa sariling bibig habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa mayabang na lalaking makalaglag panty ang kagwapuhan!
"Okay ka lang?" tanong ni Pauline sa kaniya.
Agad na nag-init ang mukha niya doon. Pero wala siyang pakealam, tinanguan lang niya si Pauline saka nangalumbabang pinagmasdan ang lalaki.
Adam Sandler ikaw ba yan?
Kung may local version ng naturang Hollywood star walang dudang ang lalaking ito na iyon! Kaso masungit. Hindi manlang nag-abalang mag-sorry sa kaniya samantalang natabig naman siya nito.
Tutal artistahin ka naman, pinapatawad na kita. Basta, huwag mo ng uulitin iyon ha?
Nangingiti pa niyang naisip, pagkatapos ay inayos ang pagkakaupo saka itinuon ang atensyon sa gurong nasa harapan. Nang sabihin nitong ipasa nila ang kanilang mga schedule sheet ay ibinigay niya kay Pauline ang kaniya.
Muli niyang palihim na sinulyapan si 'Adam Sandler' at kitang-kita niya nang sulyapan siya nito pero nakasimangot.
Aba at sinimangutan ako, pasalamat ka crush kita...
"Avon Jade Garcia."
Agad siyang nagtaas ng kamay at nang senyasan siya ng guro na tumayo ay mabilis siyang sumunod.
"Anong year mo na hija?"
"First year po" alam niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki. Dahil doon ay naramdaman niya ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib.
Maganda ang ideyang magiging kaklase niya ito, kinikilig siya sa isiping iyon. Pero bakit kinakabahan siya? Dahil ba attracted siya dito at halatang walang itong care sa beauty niya? Bakit parang naramdaman niyang lumiit bigla ang classroom kahit wala namang nagbago sa size nito?
"I'm sorry Jade, but I think nagkamali lang ang nagbigay ng schedule mo. I-double check mo na muna ito sa Faculty bago ko pirmahan. This is a fourth year BSED class" anitong iniabot sa kaniya ang papel kaya napilitan siyang tumayo para kunin iyon sa harap.
Sa sulok ng kaniyang mata ay nakita niyang sinusundan siya ng tingin ng lalaki. Pero wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga titig nito. Naglaho lang ang lahat ng kabang nararamdaman niya nang makalabas siya ng classroom kasama si Pauline. At nang idouble check nila sa faculty ang schedule ay napatunayan nilang tama ang hinala ng guro.
Sayang hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan mo. Pero okay lang, malakas naman ang kutob kong you will be mine! My Prince Charming!