Chereads / You Don't Love Me, Do You? / Chapter 1 - Sabi Mo Lang Yun

You Don't Love Me, Do You?

Gladys_Malatamban_9113
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Sabi Mo Lang Yun

Hindi ko namn inakala na magiging ganito.

Ever since, I hate this guy. How come, I befriended him? Just because of a stupid deal with my friend.

"Befriend your enemy"

Sabi sa note na nakalagay sa box. Yun ng nabunot ko. We were just stupidly playing this "Deal or Deal" which leaves you no choice na gawin.

"Nope. Never gonna happen." sabi ko kay Monica.

" Ay sorry, Deal or Deal ang gami hindi Deal or No Deal." sagot naman niya.

" Mon, imposible yan okay?! Never kami nagpansinan nung taong yun since pinanganak kami at naging magkapit-bahay except nung one time na muntik na kong makagat ng aso niya." pagrereklamo ko.

Bumulalas ng tawa si Mon. For the first time, napipikon ako.

"Ayoko na. Di ko to gagawin."

"Rachelle, wala na okay. Pag di mo ginawa tong deal mo, hindi ko rin gagawin yung deal ko." Nakangising sagot niya.

"Break-up with your boyfriend coz he's an asshole"

Yan lang naman yung deal na nabunot niya sa box na ako yung nagsulat. 3 years na silang on and off at siya lagi ang nagmamakaawa na makipagbalikan kapag nakikipaghiwalay si Chad, na sobrang toxic at B.I sakanya. Ilang beses na niyang nahuling may ibang babae pero never siya nakipaghiwalay kay Chad coz she's too afraid na wala na siyang makitang iba.

" Wala naman akong choice, sawa na rin ako magpayo sayo tungkol sa lalaki na yan. Okay, sige, Deal... makikipag-kaibigan ako kay Dominic." napilitan na lang ako. Hays.

" Rach, malay mo naman, sa tagal mong paghihintay, yung best enemy mo na pala yung-"

"Magtigil ka dyan!!! Tinanggap ko na nga tong deal na to tapos nag-iisip ka pa ng sobra pa. Hay naku ah!" sabay-irap.

Bumulalas nanaman siya ng tawa.

"So pano mo ipu-prove na magkaibigan na kayo?" tanong niya.

"Una, kukuha muna ko ng lakas ng loob makipag-usap sa taong yun. Pangalawa, dahil alam ko namang ka-plastikan lang yung gagawin ko, dapat may strategies ako, pangatlo, i-aadd ko na lang siya siguro sa social media."

" Nope, dapat in real life talaga beshy."

" Wala tayong terms na ganun" pangisi kong sagot.

" Eh di okay, so yung break-up namin, pwede pa kaming magbalikan ulit." sagot nya.

"Monica! Nahihibang ka ba? Ako na nga tong nag-aalis sayo diyan sa miserable mong relasyon eh. Nakakasawa na, kaya pwede, itigil nyo na yang kalokohan nyo ni Chad." naiinis kong sagot.

" So deal na nga?"

" Oo sige! I will succeed for sure. In 1 week, tropa ko na yun! " pag-aassure ko pa.

Sabi Mo Lang Yun. Bulong ng utak ko. Alam kong mahirap dahil ever since, napaka cold ng tao na yun. Di mo aakalain na kapit-bahay ko lang siya at 5 meters lang ang layo ng bahay niya sa amin. Araw-araw nakikita ko siya dahil yung bintana ng kwarto ko, tapat ng terrace nila, kung saan siya laging nakatambay. Madalas may kausap siya sa phone at nakangiti. Feeling ko meron siyang kalandian dahil madalas siyang nakangiti at tumatawa. And.I.don't.care.

Paano ko to gagawin? Napaka awkward. Bakit ba kasi naisipan naming magdeal ng kaibigan ko ng ganito habang nasa bakasyon kami sa La Union? nadala ata kami ng espiritu ng alak nung nag-inom kami sa tent malapit sa beach.