Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 15 - CHAPTER 12 – Third Party

Chapter 15 - CHAPTER 12 – Third Party

V1. CHAPTER 12 – Third Party

ALDRED'S POV

"Aldred! Mabuti nandito ka na,'lika maupo ka dito."

Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ay agad akong tinawag ni Sir Roel. Sumunod ako sa kaniya at umupo sa sofa kung saan ay kaharap ko naman ang dalawang hindi pamilyar na mukha.

"Good afternoon po," bati ko bago maupo. Liningon ko si Sir ng may pagtataka at naabutan ko siyang humihigop ng kape sa kaniyang tasa.

"Mr. Salazar, Ms. Reyes, siya yung tinutukoy niyo na nag-model last month para sa Mari," saad ni sir bago sunod na tumingin sa'kin. Napakurap tuloy ako ng ilang ulit bago nakapag-react.

"I'm Aldred Araun Cuzon po," pagpapakilala ko.

Tinignan at inusisa ako ng dalawa. Noong una ay hindi ko inintindi yung klase ng pagtingin ni Mr.Salazar dahil alam kong trabaho niya ito pero nang tumagal ay kinilabutan na ako, para kasing hinuhubaran niya ako sa klase ng pag-usisa niya.

"Aldred, remember your last shoot? Mr. Salazar and Ms. Reyes are representatives from the Mari Clothing line. They are here because they want you to work for them again."

Nakikinig lamang ako habang nag-uusap sila. Pagdating sa aking mga projects ay si Sir Roel na kasi ang bahalang nakikipagdiskusyon. Alam naman din kasi niya kung ano ang gusto ko at kung hanggang saan lang ako maaari.

"Oh, it's already 4:30. Nasaan na kaya si Candice?" Naagaw ang atensyon ko ng pangalang binaggit ni Sir.

"What's with Ate Candice?"

"Ah, I forgot to tell you. Couple pala ang magiging theme ng pictorial and si Candice yung partner mo. Ayos lang ba?"

Nanlaki ang tenga ko sa aking narinig, "O-Of course Sir, who would say no?" nakangiti kong reaksyon.

Si Ate Candice ang number 1 pride ng agency namin. Hindi lamang siya sikat dito sa city, umabot na rin ang pangalan niya sa national tv. I'm a guy and to deny her beauty is like shouting to the world that I am a lier. Totoong maganda yung Cotton Candy ko pero iba si Ate Candice.

Walang taong perfect pero ang katulad niya ay masasabing nasa boundary na ng pagiging perfect.

"May tama ka rin pala kay Candice. Pero mabuti yan, ibig sabihin lalaki ka talaga."

Ngumisi si sir kaya't nitignan ko siya ng masama. I scoffed at him then rolled my eyes.

Ano 'bang tingin niya sa'kin?

Idineretso ko ang aking mata sa mga bisita. Saktong pagkalapag ng aking tingin sa kanila ay nahuli ko si Mr. Salazar na nakatitig sa aking polo. Muli ay nakaramdam ako ng pangingilabot.

"Mr. Manansala, can he remove his clothes so that we can check his body physique?" tanong ni Mr. Salazar na nagpatigil ng mundo ko. Nakapamilog ang mga mata kong lumingon kay sir at pilit ako na ngumiti.

You will not let it, sir, right?

Kinausap ko si Sir Roel gamit ang aking mga mata. Saglit ang lumipas at hindi siya nagre-react.

No, sabihin mo sir hindi pwede. Hindi ako naghuhubad sa harap ng iba. Bata pa ako sir, sabihin mo. Wala pa akong muwang sa makamundong mga bagay, inosente, may gatas pa sa labi!

Muli ay kinuha ni sir ang kaniyang tasa ng kape at humigop dito. Pagkalapag niya noon ay lumingon siya sa akin, tinignan akong maigi saka marahang ngumisi.

"Of course, Mr. Salazar."

Huh? No!

Hindi ako makapaniwala sa naging desisyon ni Sir Roel.

"Aldred patanggal muna ng polo para ma-assure nila kung anu-ano yung mga babagay sayo," nakangiting sabi ni sir. Siningkitan ko siya ng tingin.

Wala akong nagawa. Naninigas ang aking mga kalamnan habang tinatanggal ko ang aking pang-itaas. Hindi ko man tinitignan si Mr. Salazar ay nararamdaman ko kung anong klase ng tingin ang meron siya.

Business is business! Pero nagtiwala ako sayo sir... How dare you do this to me?

Nakatitig lang ako sa ngayo'y nakapangalumbaba na na si sir Roel habang nagsasalita ako sa aking isipan.

Shit!

Nagulat ako ng biglang may humawak sa aking balikat.

"Nice. Ang ganda ng katawan niya kahit na walang abs. Siguradong babagay lahat ng damit namin sa kaniya," wika ni Mr. Salazar. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko pero naramdaman ko ang dahan dahang pagbaba nito.

Wala naman akong problema sa third sex maliban na lamang kung hindi ako komportable sa ginagawa nila. Ngayon, kahit na anong pasok ko sa aking isipan na trabaho lamang ito ay iba naman ang nararamdaman ko.

Mabuti na lamang at naagaw ang atensyon naming lahat nang may biglang kumatok sa pinto. Dahil doon ay napahinto ang kamay ni Mr. Salazar.

"Pasok," tugon ni Sir Roel.

Pagkabukas ng pintuan ay parang nagbukas din ang pinto ng kalangitan. Walang liwanag sa kaniyang pinanggalingan ngunit hindi naman na iyon kailangan dahil tanging ang presensya niya ay sapat na. Kung totoo ngang nabuhay sina Aphrodite at Athena ay marahil siya ang combination ng reincarnation nila.

The Goddess…

Agad kong kinuha ang aking polo para magtakip.

"Good afternoon, sir," humahangos na bati ni Ate Candice saka siya lumingon sa mga Mari representatives. "Good afternoon din po and sorry po for being late," pagpapaumanhin ni ate.

"It's just okay. Pinaliwanag ko naman na kina Mr. Salazar and Ms. Reyes," turan naman ni sir. Dahil do'n ay parang nabunutan si Ate Candice ng tinik at maluwag na napahinga.

Inaya ni sir si Ate Candice na maupo na. Tumungo siya sa blangkong upuan sa aking tabi saka muling humingi ng paumanhin kina Mr. Salazar. Sunod ay lumingon naman siya sa akin at nakaka-mesmerize na ngumiti.

"Good afternoon, Aldred. Didn't think that you have that nice body. Huwag mong itago," pabiro niyang sabi dahilan para biglang uminit ang aking pisngi.

♦♦♦

5 pm noong umalis sina Mr. Salazar at Ms. Reyes. Gusto lang naman kasi talaga nilang makita kami ni Ate Candice in person. Pagkatapos ng meeting ay niyaya kami ni Sir Roel kumain sa resident cafe na agad naman naming pinaunlakan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa burger Aldred?" nakangiting tanong sakin ni ate. Ngumunguya ako kaya hindi ako nakatugon kaagad.

"Kung nakita mo lang noong nakaraan 'yan Candice. Sobrang dami ng kinain ta's nag-uwi pa," Biglang singit ni sir. Nag-init tuloy ang mukha ko dahil sa hiya.

"Hoy sir, inuwi ko po 'yon para kay mama saka sa kapatid ko," depensa ko naman saka naniningkit ang mata siyang tinitigan. "Saka sir, hindi ko pala makakalimutan yung araw na 'to. Hindi ko akalaing magagawa mo 'yon sa'kin," dugtong ko saka muling kagat sa burger.

"Wag ka naman magtampo kay sir, Aldred. Worth it namang ipakita 'yang tabs mo eh. Cute kaya."

Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi ni ate pero maigi na lamang at napigilan ko ito lalo na't nakatingin siya sa akin. Iniiwas ko ang aking mukha at lumingon ako sa ibang lugar ngunit ang sumalubong naman sa akin ay masasamang tingin at nagngingitngit na mukha ng mga ibang modelo at fans ni Ate Candice.

Malalim kong nailunok ang burger.

"Sige ka Aldred, baka kakakain mo ng burger magkabilbil ka ta's hindi ka magustuhan ng crush mo."

Bigla akong nasamid sa aking narinig.

"Si—Sir, tubig," Parang zombie ang aking mga kamay na naka-usli para umabot ng inumin.

Iniabot ni sir ang tubig. Habang umiinom ako ay hinihimas naman ni ate ang aking likuran. Sa bawat himas niya ay ramdam ko ang pagtagos sa aking likod ng mga matatalas na tingin.

"Mukhang natamaan si Aldred a... Uy, may crush na siya. Joke lang iyon ah. Don't worry, kahit naman tumaba ka marami pa rin ang magkakagusto sayo."

Napasinghot na lamang ako. Well, tama naman ang sinabi ni ate. Maraming may gusto sa akin at for sure magkakagusto pa. Sa gwapo ko ba naman, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi ako nagustuhan ni Arianne? Tsk, walang silbi yung dami ng may gusto sa akin kung hindi naman isa roon si Arianne.

"Ate Candice!"

Natigil ang balak kong pagkagat sa burger dahil sa tinig na aking narinig. Nalipat ang atensyon naming tatlo kung saan nanggaling ang pamilyar na boses.

Si Natalie. Dali-dali siyang tumungo sa table namin at pina-usog pa si sir para lang makatabi kay ate. Magkatapat kaming dalawa.

"Natalie!" Ate Candice squealed, "Ang tagal nating hindi nagkita ah. Kamusta na?" natutuwang tanong niya saka umakap kay Natalie.

Bago sumagot si Natalie kay Ate Candice ay tumama sa akin ang masama niyang tingin na ipinagtaka ko. Ngumiti naman siya kay Ate Candice.

What is her problem?

Kumagat ako sa burger ko.

"I'm quite well, medyo bad mood lang this past few days," sagot niya sabay sunggab sa akin.

Nang magsalubong ang tingin namin ni Natalie ay naalala ko na sa SNGS nga pala siya nag-aaral. Kung sa eskwelahan nga namin ay umabot ang rumor na iyon sa kaniya pa kaya?

"Oh, that's bad," Ate Candice exclaimed, "Pero ganyan talaga, it's part of growing up thingy. Lilipas din 'yan," She smiled at Natalie, "Maigi nagkita tayo ngayon pero... medyo mag-gagabi na ah. Hindi ba may curfew sa school niyo?" tanong ni Ate Candice sabay subo ng citrus chiffon niya kay Natalie.

"Oo nga Natalie baka ma-issue at masara pa yung agency natin kapag ikaw mismo maka-violate ng rules niyo," pabirong sabi naman ni sir.

Lumunok si Natalie bago magsalita.

"Grandma won't do that sir, saka I'll take the responsibility if ever... pero okay lang mag-stay ng late ngayon kasi may inspection sa dorms namin," paliwanag ni Natalie.

So, totoo pala yung narinig ko sa ilang estudyante na naapektuhan nga yung SNGS ng lindol. I wonder if Arianne is alright? Sana hindi siya napaano.

"Anyway, ano yung pinaguusapan niyo bago ako dumating? Baka naistorbo ko kayo," dugtong ni Natalie sabay kuha sa burger na nasa aking harapan.

"Hoy, tsk—" Sambit ko pero wala na akong nagawa nang kagatan niya iyon.

"Wala ka namang naistorbo. Pinaguusapan lang namin si Aldred, burger, saka gf niya," malokong sabi ni sir dahilan para biglang mag-iba ang timpla ng hangin sa paligid.

Nang marinig iyon ni Natalie ay nagdilim ang mukha niya. Mabigat niyang inilapag ang burger sa mesa sabay lingon ng masama sa akin. Natahimik si sir at ate dahil sa reaksyon niya.

"Aldred, I hate you! I accept defeat if it's Ate Candice but, but not with her! Not with Arianne," bulalas ni Natalie na ikinagulat ko at ng lahat ng tao sa cafe.

Nagulantang ako sa pag-burst out niya. Mga ilang beses na gumalaw ang oras bago tuluyang kinain ng aking sistema ang sinabi niya saka ako nag-react.

"Wha-What are you talking about?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Aldred may girlfriend ka na?" Namamanghang tanong ni sir sa'kin. Agad naman akong umiling.

"Wala naman daw pala Natalie eh," sabi ni sir saka bahagyang ngumisi.

"LIAR!"

Nang igiit iyon ni Natalie ay napalingon ako sa paligid. Lahat ng tao sa cafe ay nagbubulungan at masamang nakatingin sa'kin.

"Fuckboy pala 'tong kumag na 'to e. Ang bata na, may girlfriend pa tapos gusto atang taluhin lahat ng babae dito sa agency. Pati si Candice pinupormahan pa."

Nainis ako nang aking marinig ang mga sinabi nila. Napatingin ako kay Ate Candice at naramdaman ko ang hiya. Sino ba naman kasing epal ang nagsabi na pumoporma ako kay ate? Mabuti na lamang at tila hindi niya inintindi ang mga pahayag nila.

"Natalie, tumigil ka na nga wala nga akong girlfriend," giit ko dahil iyon naman ang totoo. Ngunit dahil sa sinabi ko ay mas lalo pang sumama ang tingin sa akin ni Natalie.

Alam ko na matagal ng may gusto sa akin si Natalie. Matagal ko na rin naman sinabi sa kaniya na hindi kami parehas ng feelings pero hindi pa rin siya sumusuko. Dahil doon ay pinabayaan ko na lang siya. Alam ko kasing tapos na kong ipaliwanag ang aking sarili at bahala na siyang tumanggap noon.

Tsk, Arianne must be really mad at me. Hindi ko inakala na may koneksyon siya kay Natalie at mukhang in bad terms pa sila.

Matagal na nakatitig lang sa akin si Natalie at hindi umiimik. Hindi ko rin inaalis ang aking tingin sa kaniya. Parehong nakatingin sa amin sina Sir Roel at Ate Candice, tila ba nag-aabang sila sa susunod na aksyon namin ni Natalie.

Bumuntong hininga si Natalie, "I know I'm being such a child. Sorry Sir Roel and Ate Candice, mauuna na po ako," biglang pagpapaalam niya.

Nang tumalikod siya ay wala na kaming nasabi o nagawa kundi titigan na lamang siya habang naglalakad papalabas ng cafe. Galit niyang inihagis sa basurahan ang burger na kagat pa lamang ang bawas.

Sinundan namin si Natalie ng tingin hanggang sa maglaho na ang presensya niya. Ibinalik naman ni Ate Candice at Sir Roel ang atensyon nila sa akin.

"Mukhang galit siya hindi dahil sa rumored na may gf ka na kundi dahil sa kung sino yung rumored gf mo," Pagpupunto ni Ate Candice saka nagtanong sa'kin kung alam ko ba ang dahilan.

"Hindi ko po alam ate. To be honest ngayon ko nga lang na-realize na magka-schoolmate pala sila ni Arianne."

"Oh, the name's Arianne huh, ano? Rumor lang ba or gf mo talaga?" tanong ni sir.

Hindi ko sinagot si sir. Sa halip ay tinignan ko lang siya ng masama.

"Hindi mo ba siya susundan Aldred? Like... para tanungin mo yung dahilan kung bakit magkaaway sila ng gf mo," sabi naman ni Ate Candice sa'kin na ikinagulat ko.

"Eh? Ate hindi ko nga gf si Arianne. Rumor lang iyon sa school namin ni hindi ko nga 'yon ka-close. Saka... saka wala naman akong balak mang himasok sa kung ano meron sila," paliwanag ko kahit na takang-taka ako kung bakit sila hindi magkasundo.

"Gano'n? Pero nag-aalala kasi ako kay Natalie saka sa gf mo. Nakakalungkot di ba pag nag-away sila dahil sayo?"

Napasingkit ako ng tingin at napanguso kay ate. Medyo nainis ako dahil tila ba pinagti-trip-an niya ako. Kahit si sir ay nakikisakay din sa kaniya. Tuwing sinasabi ni ate ang salitang "GF mo" ay sinasabayan naman ito ni Sir ng pagtango at pagngisi.

"Sige, Sir, Ate Candice mauna na po ako. Anong oras na rin. Hey! Hindi ko po susundan si Natalie ah," depensa ko sa kanila bago ako nagmadaling umalis.

♦♦♦

Madali akong tumakbo patungo sa isang shed nang biglang bumagsak ang ulan. Malayo pa man ay agad ko ng namukhaan ang nag-iisang tao roon. Pagkasilong ko ay napalingon siya sa akin, tinignan ako ng matagal sabay irap.

I huffed.

"Sorry."

Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas ang salitang iyon sa aking bibig. Kahit na diretso akong nakatingin sa bawat pagpatak ng ulan ay naaninag ko ang paglingon sa akin ni Natalie.

Hindi siya umimik ngunit humawak siya sa aking kamay.

"Aldred, I like you," aniya. Tinignan ko siya kaya nagkatagpo ang aming mga mata.

Habang nakatingin kami sa isa't-isa ay kitang-kita ko kung gaano ka-sincere si Natalie sa sinabi niya. Mabigat sa aking pakiramdam ang pinapahayag niyang emosyon kaya agad kong inalis ang aking tingin. Iba kasi talaga ang feelings ko para sa kaniya.

"I know that you already knew my answer... kaya mabuti pa na bitawan mo na ang kamay ko... Sorry."

Dahan-dahang binitawan ni Natalie ang kamay ko.

"Is it still because of Charles or is it because of her?" Bago ko masagot ang tanong ni Natalie ay naagaw ang atensyon ko ng jeep na paparating. Agad kong nitignan si Natalie upang maiparating ng maayos sa kaniya ang nais kong sabihin.

"Nat, please do understand this... Walang kinalaman ni isa sa kanila sa kung ano man ang nararamdaman ko para sayo. Meron lang talagang mga bagay na hindi nababago at isa na roon ay kung ano ka sa'kin kaya sana maintindihan mo. Mas masasaktan ka lang kung hihintayin mo yung imposible."

Masakit ang sinabi ko kay Natalie at naramdaman ko ang kalungkutan niya nang bigla niyang ialis ang tingin sa'kin at saka yumuko.

"Why this is happening?" Mahina ang pagkakasabi niya pero sapat na upang marinig ko.

"If you don't choose me then please don't choose her," aniya sabay tingin sa akin ng masama. As in sobrang sama na tipong hinugot pa sa kailaliman ang emosyon niya.

Nagulat ako at hindi nakaimik hanggang sa tumigil na ang jeep sa tapat namin. Halos puno na ito pero parang walang pake si Natalie. Umuulan pero hindi siya nagbukas ng payong. Hindi rin siya tumakbo papunta doon sa jeep. Halatang sinasadya niya ang sariling mabasa ng ulan.

Hindi ko maiwasang mag-isip sa kung anong kinahinatnan ni Natalie. Feeling ko napakasama kong tao. Feeling ko napaka-rude ko sa kaniya. Feeling ko napaka-harsh ko. Feeling ko napaka-unfair ko.

Lahat kasi ng effort niya ay tinalo lang ng isang babae na kung tutuusin ay kailan ko lang naman nakilala.

♦♦♦