A month later~
Xaiyi Point of View:
"Xaiyi!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang akong inakbayan ni Hyden mula sa likod.
"What the heck, Hyd!" Bigla ko lamang nasabi.
"I miss you." Wika pa nito at gigil na gigil akong inakap sa leeg.
"Potek, Hyden!" Ang higpit kasi nang pagkakayakap niya sakin.
Pinakawalan niya ako at saka nakangiting humarap sa akin.
I shook my head for disbelief. Hindi mo talaga malalamang isang professional doctor ang kaharap mo sa oras na hindi mo ito naitanong o nakitang magtrabaho.
"Ba't ka na naman nandito? Wala ka bang trabaho?" Nakangiwi kong tanong.
"Wala naman." Agad na sagot nito.
"E baka hanapin ka na naman ni Dra. Ally at baka malintikan ka talaga."
"Nope. She know that I'm here again. I told her secretary na bibisitahin muna kita at baka kailangan mo ako or something." Medyo natawa ako sa mga dahilan nitong lalaking 'to.
Para hindi kayo maguluhan sa usapan namin. I would like to introduce to all of you this humble guy. He is Hyden Ry. One of the professional Doctor in this country 'Paris'. Pamangkin siya ng isa sa pinakamagaling at mahusay na Doctor sa bansang ito at siya lang din lamang ang nag-iisang estudyante ni Dra. Ally, ang taong nagligtas sa buhay ko.
At ang nakakatuwa pa roon ay naging magkaibigan kami.
Pilipina ang Lola ni Hyden at close daw siya rito. Kaya naman hindi na nakakagulat na marunong itong magtagalog, ganoon din si Dra. Ally.
"Naku. Kumain ka na ba? Dahil kung hindi pa ay ipagluluto nalang din kita." Kapagkuwan ay inaya ko na din ito. Tutal patungon na din naman ako sa kusina kaso ginulat ako ng kumag.
"At sino ba naman ako para tumanggi, hindi ba?" Tuwang-tuwa pa nitong ani.
Medyo natatawa pa ako dahil sa mga reaksyon niyang iyon bago kami tumungo sa kusina.
Umupo si Hyden sa isang upuan habang ako naman ay nagsuot ng apron.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko nang makalapit sa ref.
"Kahit ano nalang basta't luto mo." Nakangising wika nito.
"Do like adobo? Kasi 'yon nalang lulutuin ko." Tanong ko pa.
"Sure. Chicken adobo is my favorite filipino delicacy." He happily said.
Hindi na ako nagsalita pa at kinuha nalang ang manok sa loob ng freezer. Inihanda ko na din ang mga sangkap nito.
Naghiwa ako ng bawang habang pinapainit ang kawali bago ito nilagyan ng mantika.
Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas, natapos na din ako.
Lumapit sa akin si Hyden at saka tiningnan ako na para bang humihingi ng permesong tumikim.
I just nodded as respond.
Kumuha ako ng mangkok na pagsasalinan nito at saka lumapit sa lalaking humihigop ng sabaw.
"Damn, Xaiyi! Parang mas masarap ka pa magluto ng adobo kesa sa Lola ko ah." Puri nito.
Tipid akong ngumiti at pinatabi siya. "Napakabolero mo talaga." Natatawa ko pang sabi.
"Aba! Honest kaya ako sa lahat ng bagay." Nakanguso pa nitong depensa nito.
"Yeah right, Hyden. Kumuha ka muna ng pinggan doon." Utos ko habang inihahain ang adobo.
Nagsandok na rin ako ng kanin at inilapag iyon sa mesa bago umupo.
"Nasaan pala yung Chef niyo dito, Xaiyi?" Biglang tanong nito habang nagsasandok ng ulam at saka sumubo.
"Nasa quarter nila. Tinatawag lang namin ito pag kailangan. Paminsan-minsan kasi ay gusto kong ako nalang ang magluto at ayoko ng matao maliban sa akin at sa kakain." Sagot ko rito.
"Madalas mow deyn b-bang ipaglutow si Keam?" Tanong nito habang puno pa ang bibig.
"Pwede bang lunukin mo muna ang kinakain mo bago ka magsalita?" Nabubulol na kasi e.
Nagsalin ako ng tubig sa baso niya at ininom naman din niya ito bago nagsalita ulit. "Ohh. Anong gusto mong itanong ulit?"
"Sabi ko, madalas mo din bang ipagluto si Kean?" Pag-uulit nito sa tanong niya kanina at saka sumubo ulit.
"Aba't, oo naman." Sagot ko pa rito.
"Alam mo, Xaiyi. Napakaswerte ni Kean."
"Bakit naman?"
"Dahil nasasakanya na ang babaeng pinapangarap ng ibang lalaki. Although hindi pa kayo pero sa pinapakita niyo ay masasabi kong maswerte na siya." Nakangising seryosong wika nito habang nakatitig sa akin sabay subo ulit ng pagkain.
Hindi ko talaga mapigilang mapangiti o humanga sa mga salitang binibitawan nitong lalaking 'to. Madalas ay kingkoy talaga pero minsan naman ay may mga bagay nalang siyang gagawin o sasabihin na hindi mo aakalain na sa iisang tao lang nanggaling.
"Ba't mo naman nasabi yan?" Kapagkuwan ay tanong ko sabay subo ng pagkain.
"Dahil ikaw yung tepo ng babaeng hahangarin din ng isang tulad ko." Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. "You're incredibly special, Xaiyi. Unang kita ko palang sayo ay masasabi kong espesyal ka." He seriously said.
Napainom ako ng tubig at medyo tumawa tawa pa. "Naku, Hyden. Wag mo nga ako dinadaan-daan diyan sa kakornihan mo." Ani ko pa.
Inayos niya ang pagkakaupo at itinukod ang kanang siko sa lamesa at nagpangalumbabang tumingin sa akin habang nakanguso. "I'm not joking around, Xai. I'm serious." He said.
"Osige. Maniniwala nalang ako kaya naman tapusin mo na 'yang kinakain mo nang sa gan'on ay makapagkwento ka na nang walang kanin sa pisngi." Aniko habang tinuturo ang kanin na nakadikit sa kaliwang pisngi niya.
Dali-dali niya naman itong kinuha kaya naman natawa nalang ako.
Pagkatapos naming kumain ni Kean ay tinulungan niya akong magligpit ng mesa. Ako nalang din naghugas at saka kami pumuntang sala.
Umupo ito sa isang mahabang couch at binuksan ang TV.
Feel at home talaga 'tong lalaking 'to.
Ang pagkakaalam ko kasi kay Kean ay bukod kay Jerand daw ay isa din si Hyden sa pinakamalapit na kaibigan sa kanya.
Madalas daw kasi itong nasa Manila noong bata sila kasama ang Lola nito pero hindi nagtagal ay naging madalang na daw itong umuwi. Kaya kung umasta ito ay ganito nalang.
Habang naghahanap ng magandang pinikula ay nagsalita itong muli.
"Kamusta ka pala nitong nagdaan na limang araw Xaiyi? Pasensya ka na't naging busy ako. Sumasakit pa ba ang ulo mo?" Tanong nito habang tutok parin ang tingin sa TV.
"Okay lang naman. Hindi na din gaanong sumasakit ang ulo ko. Ikaw kamusta ang trabaho?" sagot ko rito.
"Maayos lang din, talagang madami lang nagpapa-appoint." Anito habang nakanguso.
"Wow. Good for you." I complimented.
"Not at all. Nakakapagod kaya. Pati yung ibang pasyente ni Tita Ally ako ang pinapacheck niya. Pero okay na din iyon dahil sa katamaran niya ay nakilala na din kita." Malukong kwento nito.
Nagtatawanan kaming nagkukwentuhan ni Hyden nang biglang may kamay na nag-abot ng bulaklak mula sa likod ko.
Pareho kaming napatingin rito ni Hyden. And as what we are expecting, it was Kean.
He smiled genuinely habang inaabot sa akin ang bulaklak. And who am I para hindi iyon tanggapin, hindi ba?
"Ba't nandito ka na? Wala ka na bang trabaho?" Nakangiti ko ring tanong habang inilalapag ang bulaklak sa lap ko.
"Well, maagang natapos e." Sagot nito saka tumingin sa pwesto ni Hyden na nakanguso pa lalo. "Why are you here, Doc?" He hilariously asked.
"I was visiting her. And stop calling me Doc while I'm out of duty, CEO Madrigal." He rolled his eyes after answering Kean's question.
'Napakaisip bata talaga' Natatawa ko pang wika sa aking isipan.
"Yeah yeah. Kamusta si Dra. Ally? Mukhang hindi ka niya napigilan ngayon ah." He sound like he is complementing him.
"She is fine. At ba't ka ba umuwi agad? We were in the middle of discussion and you badly interrupted it." Wika nitong parang bata.
"Iyon na nga ang dahilan. Nandito ka na naman kaya napaaga ako ng uwi." Namimilosopo pang sagot nito.
"Tsk. You're unbelievable, Madrigal."
Hindi na sumabat pa si Kean bagkos ay natawa nalang sa inaasta ni Hyden.
Bumaling ito sa akin at tumabi sa pagkakaupo.
"Kumain ka na ba?" Iyon agad ang tanong ko sa kanya.
"Nope. Not yet. Nagluto ka ba?" Ani pa nito habang nakapatong ang kamay niya sa likod ng couch kaya parang nakaakbay ito sa akin.
"Oo e. Saglit ipaghahanda lang kita." Sagot ko pa rito bago tumayo. "Adobo ang niluto ko. Okay lang ba sayo?" Tanong ko pa rito.
"Oo naman. Hindi naman ako maluho sa pagkain e."
"Okay sige. Maghintay ka muna dito. Tatawagin nalang kita pag nakahanda na ang pangkain." Nakangiti kong sabi.
Malaki ang utang na loob ko kay Kean kaya naman ganito nalang ang pagsisilbi ko sa kanya kahit na alam kong ayaw niya muna akong magkikilos o gumawa ng gawaing bahay noong una dahil sa madalas na pagsakit ng ulo ko. Pero sa huli ay hinayaan nalang din niya ako.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito ako e. Para bang ginagawa ko na ito dati. Na para bang may asawa akong gustong pagsilbihan pero hindi ko lang matandaan.
Isinantabi ko muna ang iniisip at nagsimula nang kumuha ng plato at magsandok ng ulam at kanin para nang sa gan'on ay makakain na si Kean. Alam ko kasing pagod ito sa trabaho.
Ganito at ganito kami palagi ni Kean mula noong medyo naging maayos na ang kalagayan ko. Tila ba'y natutuwa ako dahil parang hindi ko ito naranasan noon pero dahil sa ipinapakita nito. Hindi naman seguro imposible na naging masaya ako sa pakikisama nito.
***************
07/27/2020