NAPANGITI si Clara ng makita si Jewel na masayang nagtatanin ng bulaklak kasama ang Tito Timothy nito. Bakasyon ng mga sandaling iyon at niyaya sila ni Cole na pumunta ng farm. At dahil napamahal sa anak ang lugar na iyon ay napadalas na ang pagpunta nila doon. Ngayon ay hindi na natatakot si Jewel na sumakay ng chopper pero sasakay lang ito kapag ang Tito Renzo nito ang piloto. Kaya ang madalas na kasama ni Jewel na pumunta doon ay si Ashley at Kuya Timothy. Jewel start to capture the heart of Ashley.
Masaya siya dahil tanggap ng pamilya ni Cole ang kanyang anak at inaalagaan ng mga ito ang bata. She just wanted her daughter to feel that she is love by everyone. Cole didn't show any mistreatment to her daughter that makes her at ease.
"Masaya ka yata, Clara."
Napataas siya ng tingin ng marinig ang sinabing iyon ni Anna. Kasama nila kahapon na pumunta doon si Anna. Ang mag-asawa ang kasama nila ni Cole nagpumunta doon gamit ang kotse ng binata. Alex doesn't want to drive that's why the couple join the ride. Wala namang problema sa kanila ni Cole. Ma-ingay lang ang buong byahe nila dahil kasama nila si Alex.
"Masaya lang ako para sa anak ko," aniya.
Umupo si Anna sa katabing upuan niya. Wala sa greenhouse ang mga lalaki. Nasa taniman ng mga rosas ang mga ito. Si Ashley ay kasama ni Tita Ivy na naghahanda ng meryenda.
"Masaya akong makitang masaya si Jewel na kasama ang pamilya namin."
"Thank you, Anna," aniya pagkalipas ng ilang minuto.
"Thank you? For what?"
"Thank you for saving my daughter. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako pormal na nakapagpasalamat sa inyo dalawa ni Renzo. Dahil sa pag-donate niyo ng dugo para sa anak ko ay nadugtungan pa ang buhay niya. Kaya sobrang laki ng pagpapasalamat ko sa iyo. Tapos ngayon ay tinanggap niyo pa siya sa pamilya niyo." She said with sincere heart.
Ngumiti si Anna at hinawakan ang isang kamay niya. "I did it because of my brother. Alam kong magiging masaya si Kuya Cole kapag nalaman niyang niligtas ko si Jewel. I want him to be happy. And you... And Jewel is his happiness. You don't need to thank me."
Hindi siya nakapagsalita. She doesn't know what to said. Pinisil lang ni Anna ang kamay niya at ibinalik ang tingin sa kanyang anak at kay Kuya Timothy. Kung unti-unting nagiging malapit si Jewel kay Ashley, agad naman naging malapit ang anak sa nakakatandang kapatid ni Cole. Mas madalas pa nga na kasama ni Jewel si Kuya Timothy kaysa kay Cole.
"She is just a child, Clara. Hindi niya pwedeng maranasan ang sakit na gawa ng matanda. Jewel should be love and feel love. Kaya asahan mo na ang pamilyang ito ay kasama mong puprotekta sa kanya. Isa lang ang hihingin naman sa iyo bilang kapalit." Bumalik sa mga mata niya ang tingin ni Anna.
"Ano iyon?" No matter what they ask, she happily do. After what they did for her and her daughter.
"Just make my brother happy. I want you to promise me that you won't leave him again like before." Anna's voice is begging.
Clara didn't feel any pressure on what Anna asking towards her. She smiles happily. "Of course, I won't leave him again. This is my fourth chance to be with him, so I won't let him go this time. I will hold him tight, Anna."
Ngumiti ng matamis si Anna. "I will hold on to that."
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Natigilan sila ni Anna ng biglang may umakbay at nagsalita mula sa likuran nito. Alex is smiling looking at them. Inalis ni Anna ang braso ni Alex at hinarap ang asawa nito.
"Wag mo nga akong akbayan kung amoy pawis ka?" Mataray na wika nito.
Nawala ang ngiti sa labi ni Alex at inamoy ang sarili. "Hindi naman ako amoy pawis eh."
"Amoy-araw ka kaya lumayo ka." Inirapan pa ni Anna ang binata.
Isang mahinang tawa ang ginawa niya. Ang ganda lang pagmasdan ng dalawa. Naalis ang tingin niya sa dalawa ng may humawak sa kanyang balikat. Nagtaas siya ng tingin. Ang nakangiting mga labi agad ni Cole ang napansin niya.
"Tapos na kayo?" tanong niya sa binata.
Tumungo ito at inalis ang kamay sa kanyang balikat. Lumapit ito sa upuan na katabi niya at umupo doon. Si Alex naman ay umupo na rin pero nakasimangot pa rin ang binata. Anna doesn't want to be hold by him that makes him sulking.
"Where's Jewel?" tanong ni Cole.
Itinuro niya ang anak na tumatawa habang kasama ang Tito Timothy nito. Ngayon ay dinidiligan nila ang mga halaman na tinanim. Tumingin sa direksyon na itinuro niya si Cole. Agad na nagningning ang mga mata ng binata ng makita ang dalawang taong alam niyang importante dito.
"Ang cute nila, Kuya Cole? Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala sa bata si Kuya Timothy." Komento ni Anna.
Tumingin si Cole sa kapatid na babae. Tumungo lang ang binata. Tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Heto na naman sila sa ugali nitong ayaw magsalita pero alam niyang masaya ang binata. May mga pagkakataon talaga itong ganoon. He doesn't want to talk but he shows in action.
"Babe, gutom na ako. Halika na sa loob?" ani Alex na nakahawak pa sa tiyan.
"Sige." Tumingin si Anna kay Cole. "Ikaw, Kuya? Nagugutom ka na rin ba? May nilutong meryenda si Tita Ivy."
Umiling si Cole. "I not hungry. Pero si Jewel baka gutom na. Isama niyo na siya sa loob."
Sinulyapan ni Anna ang anak niya. "Okay. Ikaw, Clara?"
Umiling siya. "Samahan ko muna dito si Cole. Sabay na kami kakain."
"Okay. If you say so." Hinarap nito ang asawa.
Magkahawak kamay ang dalawang tumayo at nilapitan ang kanyang anak. Sinundan na lang nila ito ng tingin. Nakita niyang tumingin sa direksyon nila si Kuya Timothy bago tumungo. Hinawakan ng mag-asawang Anna at Alex si Jewel. Sabay-sabay ang tatlong lumabas ng greenhouse. Si Kuya Timothy ay inayos muna ang ginamit ng mga ito sa pagtatanim. Pinagmasdan lang nilang dalawang ang galaw ng nakakatandang kapatid ni Cole.
"Love birds, aren't you two going inside?" sigaw ni Kuya Timothy ng matapos ito sa pag-aayos.
"Later, Kuya." Sigaw ni Cole.
Suminyas lang si Kuya Tim at naglakad na palabas ng greenhouse. Sila na lang ang na-iwan doon at ilang mga trabahador. Clara lay her back at the chair and look at Cole. Seryuso ang mukha nitong nakatingin sa greenhouse.
"Seryuso mo yata? Care to share what are you thinking?" tanong niya.
Napunta sa kanya ang mga tingin ni Cole. Mamaya pa ay tumayo ito sa harap niya. Nagsalubong ang kilay niya ng inilahad nito ang isang kamay. Napatingin siya doon.
"Papasok na ba tayo?" tinanggap niya ang kamay nito.
Marahan siyang itinayo ni Cole. Sumunod siya dito pero napahinto siya ng mapansin na hindi sa direksyon ng pinto ng greenhouse ang tinatahak nila.
"Where are we going?" nagtataka niyang tanong.
Nilingon siya ni Cole. Hindi pa rin nagsasalita ang binata. Iniikot nito ang tingin sa paligid. Nasa gitnang bahagi sila ng greenhouse. Hapon na ng mga sandaling iyon kaya wala na masyadong araw. Binitiwan ni Cole ang kamay niya at naglakad para mas lumapit sa kanya. Hindi naman inaalis ni Clara ang mga mata sa binata. Habang inilalapit nito ang sarili ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Iyong lakas ng pintig niyon ay rinig na rinig niya. Kung may heart beat monitor lang na nakakabit sa kanya ng mga sandaling iyon ay siguradong malalaman ang abnormal na tibok noon.
"Maria Clara Alonzo..." banggit ni Cole sa pangalan niya.
Iniabot nito ang kamay niya. Hinawakan nito ang kamay niya gamit ang dalawang kamay. Napalunok si Clara hindi dahil sa ginawa nito kung hindi dahil sa mga mata nitong umaapoy. The fire in his eyes that shows how much he loves her. The desire of loving her tell the end. Clara can feel that love. Cole always show and shower her with it.
"I don't know where to start. You know, I'm not good in words. You know, I can't express my feeling through any words. I'm not good with it and will never be. Pero tatlong salita lang ang kaya kung e-express ng mga sandaling ito, Clara." Humigpit ang pagkakahawak ni Cole sa kamay niya. "I love you. I love you until this world end. Sayo at sayo lang ang puso ko mula noon at hanggang ngayon, Clara."
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Clara ng marinig ang mga salitang iyon. She knows. Alam na alam niyang hindi ang tipo ni Cole ang laging magsasabi ng nararamdaman. He maybe changes but not on expressing his feeling. He always been reserve and that's what she loves about him.
"I love you too, Cole. It always been you. Ikaw lang din ang mamahalin ko ng buong puso hanggang sa huling hininga ko." She said those while looking at Cole's eyes.
Cole let go of his one hand. Pinunasahan nito ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. The tenderness in his eyes shows. Cole may not express his feeling through words but his eyes shouted it. Ang mga mata nito na noon na kasing lamig ng yelo ay nagkaroon ng buhay. And she started to love those eyes.
"Clara, alam kong walang salitang namutawi sa atin kung ano ba talaga tayo pero isa lang ang alam ko. Mahal kita at alam kung mahal mo din ako. We may not say it but I know in my heart that you are my girlfriend now."
Napangiti si Clara ng marinig ang sunod na mga sinabi nito. Tama nga ang iniisip niya. Parehas sila ng iniisip ni Cole. They are already lover in each other eyes. Wala man pormal na sinabi ang binata ng araw na kina-usap nila ang kanyang mga magulang pero alam nila na sila na simula ng araw na iyon. The moment Cole said he loves her, and she said she loves him, they are officially a couple. No need for a word. Their heart knows.
Tumungo si Clara. "I know."
Ngumiti na rin si Cole. Mamaya pa ay may kinuha si Cole mula sa likuran ng kanyang bulsa. Napasinghap si Clara ng unti-unting lumuhod ang binata. Isang singsing ang inilabas nito na hawak-hawak. Pula ang bato noon na siyang sumisimbolo sa pag-iibigan nila. Pero ang mas nakaka-agaw pansin ay ang gitna ng singsing na may rosas at may maliit na pulang bato sa gitna. May parang sanga naman ng rosas sa magkabilang side at gawa sa silver ang singsing. The ring is beautiful and she loves it. It was simple but at the same time unique.
"Maria Clara Alonzo will you make me the happiest man in this world? Will you marry me?"
Lalong bumukas ang mga luha sa mukha ni Clara. She can't say any words. Ayaw bumuka ng labi niya. Parang hinila ang mga dila niya ng mga sandaling iyon. Tangging ginawa niya lang ay umiyak. Cole started to worried when she doesn't answer his question. Kaya naman tumungo siya bilang sagot dito. She doesn't want to see him disappointed. She will marry him. She will marry this man no matter what happen.
Ngumiti si Cole ng tumungo siya. Mabilis itong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. She hugs him back but tighter that him. She won't let him go. Not this time. Sisiguraduhin niya na matutuloy ang happy ever after na pinapangarap nila.
"Thank you. Thank you for loving me, Clara." Bulong ni Cole sa basag na boses.
Lalo pang hinigpitan ni Clara ang pagkakayakap sa binata. He doesn't need to say his appreciation because she is the one should be. All these years, Cole never leave him. He keeps on loving her despite of everything.
"I love you, Cole. I love you so much and I want to spend the rest of my life with you."
"I love you too, Clara. I will treasure you forever."
"ARE YOU OKAY?" ang tanong na iyon ang siyang nagpalingon kay Clara.
Napangiti ang babaeng ikakasal ng makita ang ina na nasa pinto at nakatingin sa kanya. Kasama ng kanyang ina ang ama.
"Mom! Dad!" sigaw niya at lumapit sa mga magulang. Walang paki-alam kung nakasuot siya ng mahabang damit na kulay pula.
Yes! Her wedding gown is red. It's not white but red. She personally chooses that color as her wedding dress and Cole give her his support. Everyone asks her why, she just said she wanted too but she has her deep reason. Cole loves the color red because it represents love. She also loves the color red because it says elegant and strong personality. And Cole once said that the woman in red dress is in-love. She wants Cole to know that she is in-love with him. That she will marry the person she loves.
Sinalubong siya ng ina ng mahigpit na yakap. Ganoon din ang ginawa niya. Hindi niya nakasama ng ilang linggo ang mga magulang dahil pumunta ang mga ito ng States para asikasuhin doon ang isa nilang hotel na kakatayo lang. Ang alam niya ay mamaya pa ang dating ng mga ito dahil delay ang flight na nakuha.
"Paano kayo agad na nakarating?" She wanted to cry.
Tumungin ang kanyang mga magulang sa likuran niya. Sinundan niya iyon ng tingin. Kay Tita Ivy nakatingin ang mga ito.
"Salamat, balae," ani ng kanyang ina.
Nanlaki ang mga mata niya. "Tita, you did this?"
Ngumiti ang ina ng kanyang mapapangasawa. "Yes, hija. I want you to be happy in your wedding day. At alam kong magiging masaya ka kapag nandoon ang mga magulang mo. So, I let Renzo take your parents here. Mabuti na lang at mabilis ang response ng mga kakilala ko sa States para masundo sila."
Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Clara. Yumakap siya sa ina ng kanyang magiging asawa. "Thank you so much."
"Oh! Clara, you are like a daughter to me. I will do everything for my child." Gumanti naman ng yakap sa kanya ang matanda.
Ilang minuto din silang nasa ganoong posisyon hanggang sa pasagin ni Ashley ang eksena.
"Okay, people. Baka masira ang make up."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa kay Tita Ivy at hinarap si Ashley.
"Come on, Clara. Kailangan natin ayusin ang buhok mo. Mamaya na ang iyakan at may picture taking pa tayo." Hinawakan na siya ni Ashley sa braso para bumalik sa kaninang inuupuan.
Gusto niyang matawa sa pinsan ni Cole. Ashley personally handle her make up. Ito ang naghanap ng taong mag-aayos sa kanya sa kasal niya. Nakakalula nga lang ang kinuha nito. Isang sikat na make-up artist mula Korea ang kinuha nito. Ang damit na suot niya ay ito ang gumawa. Pati ang mga abay ay ito din ang tumahe. Nang sinabi nila ni Cole na magpapakasal sila ay agad itong nagsabi na ito ang gagawa ng damit nila. Hindi pala alam ng pamilya ni Cole na magpo-proprosose ang lalaking minamahal ng araw na iyon. Si Kuya Tim ay may idea na dahil ito ang nag-design ng singsing na suot niya. Cole just told him what kind of ring he wants and he already have an idea.
Cole doesn't do anything. Ang mga pinsan kasi nito ang halos lahat nag-asikaso. Iyong cake, at handa lang yata ang itinulong nila. Well, they talk about the motif and what they like. Pero ang kuma-usap sa wedding coordinator at kuma-usap sa ilang kakilala ay ang mga ito na. Kina-usap lang siya ni Ashley sa damit na susuotin niya at ng mga abay. Nakita lang niya ang wedding gown ng matapos iyon ng babae. Cole didn't know that her wedding dress is red. Itinago nila iyon ni Ashley.
Si Tita Ivy ang umasikaso ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal nila. Pati simbahan kung saan sila ikakasal ay si Tita Ivy din ang nag-asikaso. Si Anna naman ang umasikaso ng mga legal papers at reception. Si Alex naman ang sa invitation. Sila ang namili ng taong pupunta pero si Alex ang namigay. Si Kuya Timothy naman ang prenup photoshoot nila ni Cole. Ito na rin ang kumuha ng taong kakanta sa kasal nila. Kuya Timothy said he have a surprise for her and Cole.
Everything is set by his family. Ang rason ng mga ito ay para hindi sila mapagod at mahirapan ni Cole. May tiwala naman siya sa mga ito kaya hinayaan na lang nila ni Cole. Lahat naman ng major decision ay dumaan sa kanilang dalawa.
Nang maayos na ang lahat ay nagkaroon pa ng picture taking at ilang video shoot. Kasama niya ng mga sandaling iyon ang dalawang babaeng malapit sa buhay ni Cole. Anna at Ashley are there. Tita Ivy and her mom is with them. Iilan sa mga kaibigan niya noong high school at college ay nandoon din. Nandoon din ang mga staff niya sa cake shop. Pinasara niya talaga ang cake shop niya para makapunta ang mga staff niya na naging bahagi na ng buhay pag-ibig nila ni Cole. Jewel is also there. Isa ito sa mga flower girl.
Masayang-masaya si Clara dahil napapalibutan siya ng mga taong mahal na mahal siya. Masakit man ang pinagdaanan niya ay nabago naman iyon ng pinili niyang maging masaya sa piling ng taong minamahal. She keeps her possibility. Alam niyang hindi madali ang lahat at minsan ay napapaginipan pa rin niya ang bangungot ng nakaraan pero dahil nasa tabi niya si Cole, alam niyang kakayanin niya ang lahat. She knows time will heal the wound in her heart.
Nasa lobby na sila ni Ashley at Anna ng may nakita silang isang bulto ng lalaking nakatayo sa entrance ng hotel. Nanigas sa kinatatayuan nito si Clara. Napansin din ng dalawang babaeng kasama ang binata. Tumingin ang mga ito sa kanya.
"Do you want to talk to him?" Si Anna ang unang nagtanong.
She looks at the two women beside her. "Would you let me?"
Si Ashley ang unang tumungo. Napangiti siya sa sagot ng babae. Hinawakan ni Ashley ang braso ni Anna at hinila ito palapit sa lalaki. Naiwan naman siyang nakatayo sa gitna ng lobby. Kina-usap ni Ashley at Anna ang binata. Nang tumungo si Ashley ay alam niyang pinayagan nito ang binata na makalapit sa kanya.
Nang nilampasan ni Ashley at Anna ang binata ay nagsimula na rin lumapit ang binata sa kanya. Clara took a deep breath. Ito ang unang pagkakataon na mag-uusap sila ni Kurt simula ng maghiwalay sila. Nang ibaba ang hatol ng korte sa kasal nila ay hindi na nagparamdam sa kanya ang binata. Kurt cuts all his connection to her and she understand him.
Hindi naman lumayo si Ashley at Anna. Tumayo ang dalawa sa pinto ng entrance ng hotel.
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Kurt ng tuluyan itong makalapit sa kanya. "Hi, Clara."
Gumanti din siya ng ngiti sa binata. "Hi, Kurt. Long-time no see."
"Ya! Long-time no see." Pinasadahan siya nito ng tingin. "Congratulation."
Clara wanted to cry when she heard what he said. Kurt voice is full of sincerity. Ang pagkakabigkas nito ng katagang iyon ay walang halong sakit o pighati. May saya sa boses nito na siyang humaplos sa dibdib niya.
"Kurt..." basag ang boses na banggit niya sa pangalan nito.
"I just come here to wish you a happy life, Clara. And to tell you that I'm very happy for you." Iniabot ni Kurt ang kamay niya at pinisil ito.
"Are you really h-happy for me?"
"Yes! I'm very happy for you, Clara."
Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga mata nito. At nang makita niya ang ningning ng kasayahan sa mga mata nito ay niyakap niya ang binata. "Thank you, Kurt. Thank you so much."
She is forever grateful with him. Para sa kanya ay maswerte ang taong mamahalin ni Kurt. He is a loyal man.
"I also wish you own happiness, Kurt. I hope you meet the right woman for you." Bulong niya.
Isang mahigpit na yakap ang iginanti ni Kurt sa sinabi niya. They are finally free from each other. She knows that Kurt is finally free from her. Not because she is going to tie-the-knot today but because Kurt is finally moving on. He is finally move-on.