Cousinhood Series 1: The Girl In Red Dress (Tagalog)

🇵🇭HanjMie
  • 45
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 158.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER ONE

"KANINA KA PA?" ang tanong na iyon ang nagpalingon kay Clara.

Nakita niyang nakatayo sa tabi niya ang best friend niyang si Lincoln Aries Cortez-Saavadra. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Clara. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba kasi ang gwapo ng best friend niya kahit napakasimple ng suot nitong damit? Lincoln o mas tinatawag nilang Cole ay nakasuot ng isang grey t-shirt at maong pants. Nakasuot ito ng salamin sa mata dahil nga sa malabo ang mga mata nito pero kahit ganoon ay hindi nabawasan ang kagwapuhan ng kaibigan. Hindi din noon matago ang ganda ng ma-itim nitong mga mata. Cole is very manly. Matangos ang ilong nito at hindi kakapalan ang kilay. Hindi mapula ang labi nito ngunit hindi din maputla. Kayumanggi ang kulay nito na alam niyang namana sa ina. Malago at may pagka- chestnut ang kulay ng buhok nito. Matangkad din ang kaibigan na talagang nakaka-agaw pansin dito. Sakto lang din ang build ng katawan nito na alam niyang alaga iyon ni Cole sa ehersisyo.

Maliban sa magandang katangian physical nito ay nakakahanga din ang taglay na talino ng kaibigan. Cole is very smart. Ito lagi ang pinapadala ng school nila sa bawat competition. Sa kahit anong subject ay nag-eexcel ito dahilan para maraming babaeng nagkakagusto sa binata. Hindi lang iyon galing din sa mayamang pamilya si Cole. May-ari ng isang kilalang alcohol at water distributor company ang ama ni Cole. Isa ang pamilya nito sa mayayamang pamilya sa bansa. Ang ina niyo ay galing din sa pamilya ng mayayaman kaya talagang nakaka-angat ito sa buhay pero hindi naging hadlang iyon para maging magkaibigan sila. Parehong grade four sila ni Cole ng unang magkakilala. Transfer student siya sa paaralan nito. Ito agad ang una niyang naging kaibigan at pahanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila. Marami na din silang pinagsamahan dalawa. Kilala na nila pareho ang kanilang kanya-kanyang pamilya. Mas malapit nga lang siya sa pamilya ni Cole habang si Cole ay hindi sa kanyang mga magulang.

Umiling siya sa kaibigan. "Hindi naman, Cole." Sagot niya.

"Tara! Gusto kong kumain ng ice cream." Inilahad ni Cole ang kamay nito sa harap niya na agad niyang tinanggap.

Naglakad si Clara at Cole sa paborito nilang ice cream shop hindi kalayuan sa park na lagi nilang pinagtatagpuan. Pagdating nila sa shop ay napansin niyang napatingin sa kanila ang ilang babae. Kitang-kita niya ang pagsibol ng paghanga sa mga mata nila. May nabuhay na inis sa puso niya. Agad niyang ipinalubot ang braso sa braso ng kaibigan. Tinitigan din niya ang mga babaeng nakatingin dito. Nakita niya ang pagguhit ng disappointment sa mukha ng bawat isa. May ilan pang mataray na nag-iwas ng tingin. At ilan pa dito ay nagtaas ng kilay. Ngumiti lang siya.

'Ma-inggit kayo. Ako ang best friend ng lalaking ito.' Pagmamalaki niya sa isip.

Nawala ang atensyon niya sa mga babae ng hinila na siya ni Cole papunta sa cashier area. Isang nakangiting babae ang sumalubong sa kanilang dalawa.

"May I take your order, ma'am, sir?" tanong ng babae.

"I want mango ice cream. How about you?" tumingin sa kanya si Cole.

Tumingin siya sa naka-display na mga flavor. Wala siyang napili. Lahat naman kasi iyon ay natikman na niya. Sa tuwing pupunta kasi sila sa park na iyon ay pumupunta din sila ni Cole sa ice cream shop na iyon. Kung tutuusin ay kilala na sila ng babaeng nasa harap nila. Sanay na nga ito sa kanila ni Cole.

"I want chocolate ice cream but I want to taste the ube ice cream." Sagot niya.

"Then we order mixed chocolate-"

"Cole..." sumimangot siya sa kaibigan. "I want chocolate and ube ice cream in two different cones."

"But it's not healthy, Clara. One ice cream per day, remember?" paalala ng kaibigan.

Lalo siyang napasimangot sa sinabi nito. "But I want to taste them. Please, Cole!!! Two ice cream for me today." She looks at Cole and gives him a puppy smile.

"No!" may pinalidad na sabi ni Cole.

Inalis niya ang kamay sa braso nito at tinalikuran ang binata. Naiinis siya dahil ayaw siyang pagbigyan nito. Minsan lang siya maki-usap dito tapos ayaw pa siyang pagbigay. Naglakad siya papunta sa pinakasulok na bahagi ng shop at sa pangdalawang mesa siya umupo. Nakasimangot siyang tumingin sa labas ng shop. Hindi maalis ang inis niya kahit na anong tingin niya sa labas. Minsan ay naaliw siya kapag nakikita ang mga taong naglalakad. Sobrang busy kasi ng mga tao. Para bang walang oras magpahinga. She wonders why. Galit niyang tinitigan ang lalaking umupo sa kaharap niyang upuan. May inilapag itong dalawang baso ng ice cream. Hindi pinansin ni Cole ang galit niyang tingin dito.

"What do you want? Ube or chocolate?" tanong ni Cole.

Napatingin siya sa ice cream na nilapag nito dahil sa tanong na iyon. Doon niya napansin na Ube at Chocolate ice cream ang nilalaman. Biglang nalusaw ang inis sa puso niya at napangiti. Pinagbigyan talaga siya ni Cole. Kinuha niya ang chocolate ice cream habang si Cole naman ay kinuha naman ang ube ice cream. Gamit ang isang maliit na kutsara ay humuha siya ng chocolate ice cream at kinain. Napapikit siya ng matikman iyon. Sobrang tamis at talagang nanunuot sa dila niya.

"Ohhhh!!!" ungol niya. "Ang sarap talaga." Sabi niya at muling kumain.

Ngumiti si Cole at napa-ilang nalang. Kukuha na din sana ito ng ice cream ng bigla siyang kumuha sa sarili nitong baso. Sinundan na lang ni Cole ang bawat galaw niya. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Ohhh!!! Ang sarap din nito." Sabi niya ng matikman ang ube ice cream.

"Hindi ka talaga magbabago, Clara." Natatawang sabi ni Cole. Kumuha ito ng isang tissue at pinunasan ang nagkalat na ice cream sa gilid ng kanyang labi.

Natawa naman siya at hinayaan na lang ang kaibigan sa ginawa. Sanay na din naman siya sa ganoong galawan ni Cole. He often do that if she is eating ice cream or any messy food. May naglalaro pa ngang saya sa mukha ng binata habang ginagawa iyon. Kung may nanonood sa kanila ng mga sandaling iyon, siguradong pagkakamalan silang magkasintahan.

Pero hanggang pagkakaibigan lang ang lahat sa kanila ni Cole. They never cross the bridge of friendship. At para sa kanya ay mas gusto niya ang ganoon. Having a feeling to her best friend is out of the option. Ayaw niyang mawala ang kaibigan kung magkakaroon sila ng ibang nararamdaman. Importante sa kanya si Cole. Hindi niya nakakikita ang sarili na hindi ito kasama sa pagtanda. She wants Cole to be there in every achievement she will receive in her life.

"Thank you, Cole." Sabi niya sa kaibigan.

Ngumiti lang si Cole at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Ganoon talaga ang kaibigan. He speak less and people interpret him as a snob person but she knows the real Cole. Mabait at maasahan ang kaibigan sa oras ng kailangan. Talagang awkward lang ito kapag maraming taong nakapaligid dito. Si Cole ang tipo ng lalaki na mas gustong nasa loob ng isang kwarto at magbasa ng libro.

Pinagpatuloy nila ni Cole ang pagkain ng ice cream. Paminsan-minsan ay kumukuha siya sa baso nito at hindi siya nito pinigilan. Ganoon lang silang dalawa at kuntinto na ang puso ni Clara. Kapag ganoon sila ni Cole ay para kasing may sarili silang mundo. Wala silang paki-alam sa mga taong nakapaligid sa kanila. They will do the thing they wanted to do. Like sharing their food, eating in the same plate and laughing with their jokes.

Pagkatapos nilang kumain ng ice cream ay lumabas sila ni Cole ng shop. Hindi na masyadong mainit kaya naglakad sila pabalik ng park. Magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad. May ilang taong napapasulyap sa kanila na hindi nila pinansin. Huminto silang dalawa sa isang bench kung saan may malawak na fond. May iilang bata silang nakikitang naglalaro kasama ang mga magulang nila.

"Back to school na tayo next week. Parang ayoko pa." sabi niya. Sumandal siya sa bench.

Cole stretches his arms and put it on the back of the bench. Para tuloy itong naka-akbay sa kanya. Nakasandal din ito. "Third year na tayo sa pasukan. Ilang taon na lang magtatapos na tayo."

Tumingin siya sa kaibigan. "Masaya ka talaga kapag pumapasok tayo sa school."

"Why not? Maraming pwedeng matutunan sa school kaya talagang masaya ako. Learning new things is fun."

Sumimangot siya. "Hindi kaya. Lalo na at hindi tayo magkaklase." Pagmamaktol niya.

Tumawa ng mahina si Cole. "Okay lang naman iyon. Magkasama naman tayo sa pagpasok at pag-uwi. Ihahatid at susunduin pa rin kita sa inyo."

May sumibol na saya sa puso niya. Simula kasi ng tumuntong silang dalawa ng high school ay lagi na siyang sinasabay ni Cole sa pagpasok sa paaralan. Noong una ay ayaw ng kanyang ina ngunit sinabi niyang gusto niya ang pagsundo sa kanya ni Cole sa bahay. Walang nagawa ang kanyang ina kung hindi ang hayaan siya.

Sumandal siya sa kaibigan at humilig sa balikat nito. Naramdaman niyang natigilan ang kaibigan pero hindi naman siya tinulak. Bugkos ay ipinatong pa nito ang kamay sa balikat niya.

"Cole..." tawag niya sa kaibigan.

"Ohhh..."

"Walang magbabago sa atin ha?" aniya.

Hindi sumagot si Cole. Naramdaman na lang niyang hinalikan siya nito sa buhok. Iyon lang ay sapat na para malaman niya ang sagot nito. Iniyakap niya ang dalawang braso sa baywang nito at mas siniksik ang sarili sa kaibigan.

"I love you, best friend." Bulong niya.

"I love you too, best friend." Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi niya dahil sa ganting sabi ng kaibigan.

Iyon lang ang narinig niya pero nagwala ang puso niya sa sobrang saya. Hinihiling niya na sana ay ganoon na lang sila ng kaibigan habang buhay. Hanggang sa pagtanda nila ay walang magbabago sa kanilang dalawa.

MABILIS ANG bawat hakbang ni Clara. Pababa na siya ng hagdan. Nasa labas na kasi si Cole at kailangan na niyang magmadali kung hindi ay mahuhuli sila sa unang pasok sa eskwela. Ayaw pa naman ni Cole ng ganoon. Stick to the rules ang kaibigan niya na kailangan niyang sundin. Pumunta siya ng koredor at naabutan doon ang isang katulong nila. Kinuha na lang niya ang isang slice ng loaf bread at kinagat. Kinuha niya din ang thumber na pineapple juice ang laman.

Tumakbo siya palabas ng gate. Nakatayo na sa labas ng kotse nito si Cole ng makalabas siya ng malaking gate ng bahay.

"I'm sorry." Bungad niya sa kaibigan.

Tumingin ito sa relong pambisig. "We still have thirty minutes. That would do. Let's go." Pinagbuksan siya ni Cole ng pinto sa backseat. Agad siyang sumakay. Nang makasakay siya ay agad itong umikot para ito naman ang sumakay ng kotse.

"Hello, Mang Karding." Bati niya sa driver ni Cole.

Kilala niya ang matanda dahil matagal na ito sa pamilya ni Cole. Ito ang nakatuka sa paghatid at pagsundo kay Cole sa eskwela o kahit saang lakad ng binata.

"Magandang umaga, Senorita Clara." Nakangiting bati ng matanda.

"Tinapay po."

Umiling ang matanda at ibinalik ang tingin sa unahan.

"You offering him bread that you already bite. You are really something, Clara." Natatawang sabi ni Cole.

"At least nag-offer." Mataray niyang sabi.

"Wala na akong masabi." Bulong ni Cole na umabot sa pandinig niya. Hinarap niya ang kaibigan at sinimangutan ito.

Hindi pinansin ni Cole ang ginagawa niya. Tumingin lang ito sa labas ng kotse at pinagmasdan ang dinadaanan nilang building. Lalo siyang napasimangot. Hindi talaga niya maka-usap ng matagal ang kaibigan kapag may mga tao sa paligid nila. Napakatipid nitong magsalita. Nagtataka nga siya kung bakit ito ang head ng student counsel. Aloof ito sa ibang tao at sa kanya lang talaga madalas nakikisama.

Nakarating sila sa school na walang nagsasalita. Mabilis siyang lumabas ng kotse. Sumunod agad sa kanya si Cole. Naglakad ito sa gilid niya. Nakita niyang pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Taas noo siyang naglakad. Kung sikat sa school si Cole, ganoon din naman siya. Siya ang representative ng school kapag may beauty peagent. Kung ganda lang din naman ang pagbabasihan ay hindi siya magpapahuli. Matangkad din naman siya at balingkinitan. Matalino din naman kaso hindi kasing talino ni Cole na talagang pinapadala sa school competition. Humawak siya sa braso ng kaibigan ng mapansin ang mga tingin ng mga babae kay Cole. Puno iyon nagpahanga. Cole is nerdy but handsome. Gusto niyang ipakita sa mga babaeng ito na sa kanya ang best friend niya.

Una nilang pinuntahan ang classroom niya. Kagaya nga ng inaasahan niya. Hindi na naman sila magkaklase ni Cole. Ibang section na naman ito na kinaiinisan niya.

"I pick you up later. Sabay tayong kumain." Anito.

"Okay." Tatalikod na sana siya ng hawakan ni Cole ang braso niya. Napatingin siya sa kaibigan. Binigyan ito ng nagtatanong na tingin.

"Remember what I told you?"

Napasimangot siya. "Yes po. Makinig sa teacher at wag makikipag-usap sa mga lalaki. Mr. Saavadra, hindi na ako bata para pagsabihan mo." Mataray niyang sabi.

"Gusto lang kitang paalalahan."

"Hindi na kailangan. Pumunta ka na nga sa classroom mo." Tinulak niya ito ng bahagya.

Ngumiti si Cole. "See you later, best friend." Ginulo ni Cole ang buhok niya bago tumakbo palayo sa kanya.

Humaba ang nguso niya dahil sa ginawa nito. Hindi niya alam kung alin ba ang kina-iinisan niya. Ang tinawag siya nitong best friend o ang paggulo nito sa buhok niya. Sinundan niya ng tingin ang kaibigan. Malayo na ito sa kanya ng lumingon ito at kumaway. Isang irap ang iginante niya. Pumasok siya sa loob ng classroom. Napansin niya ang pagtingin sa kanya ng ibang mga babae. Masama ang mga iyon. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay bumulagta na siya. Hindi niya pinansin ang mga ito. Madalas siyang nakakatanggap noon kapag kasama ang kaibigan kaya nasanay na siya. Umupo siya sa pinaka-unahan para maka-iwas sa mga babaeng masama pa rin ang tingin sa kanya.

Busy siya sa pagbabasa ng isang English romance book na kinuha niya sa library sa bahay ng may umupo sa tabi niya.

"Hi!"

Napatingin siya sa babae. Isang magandang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Inilahad nito ang kamay sa harap niya. "I'm Karyll Jasmine Parker. How about you?"

Mukha naman itong mabait kaya tinanggap niya ang pakikipagkamay dito. Ngumiti siya sa babae. "Maria Clara Alonzo. It's nice to meet you."

"It's nice to meet you too. Sana maging magkaibigan tayo? Bago lang kasi ako sa school na ito." Sabi nito.

"Transferee student ka?" tanong niya.

Tumungo ito. "Galing ang pamilya namin sa probinsya. Lumipat ako dito kasi mas maganda daw ang mga school sa Manila."

Ngumiti siya. "Sana magustuhan mo ang school namin."

"I think so. Maraming gwapo dito eh." May bahid ng pagbibirong sabi ni Karyll.

"Marami nga sila kaso playboy."

"Sinabi mo pa. Wala naman matinong lalaki sa panahon ngayon. Lahat naman sila mga manluluko." May bahid ng inis na sabi ni Karyll.

Napatingin siya sa babae. May hugot ba ito sa buhay. "Hindi naman lahat. May kaibigan akong lalaki at pag-aaral lang talaga ang inaatupag niya. He is one of a kind." Pagmamalaki niya.

Tumingin sa kanya ang babae at pinakatitigan siya. "Lucky for you."

Ngumiti siya dito. Talagang maswerte siya. Cole is one of a kind. Bihira ang lalaking kagaya ni Cole. Mabait, maasahan, at matalino. Isang katangian na hinahanap sa isang lalaki.

Natigilan sila ni Karyll ng makarinig ng parang nagkakagulo sa labas. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Salubong ang kilay nila ng sumunod sa mga kaklase nila na ngayon ay nakatingin sa labas ng classroom. Dahil nasa second floor ang classroom nila ay napatingin sila sa baba ng building. Doon nila nakita ang apat na lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. Nagsalubong ang kilay niya dahil hindi pamilyar sa kanya ang mga ito. Four handsome men standing at the center like they owns the whole campus.

"Oh my gosh!!! Totoo pala ang balita na dito na sila mag-aaral magpipinsan." Narinig niyang sabi ng babaeng katabi.

Tumingin siya kay Karyll. "Kilala mo sila?" pabulong niyang tanong.

Sumulyap sa kanya si Karyll. "Pamilyar ka ba sa mga Lopez?"

Tumungo siya. Of course, kilala niya ang pamilya Lopez. Isa ang mga ito sa may-ari ng paaralan na iyon. Maliban sa mayaman ang mga ito ay balitang gwapo at magagaling ang mga ito. Narinig niya pa na galing ang mga ito sa isa pang branch ng school.

"Sila ang magpipinsan Lopez na kilala sa kabilang branch ng school. Ang pinakamatanda sa magpipinsan." Tinuro nito ang isang lalaki na may kulay brown ang buhok. "That's Kane Andrew Lopez, anak siya ng may-ari ng school na ito at ng Prince Lopez Holding Corp. Narinig ko din na isa siyang painter."

May itinuro ulit itong isang lalaki. Ito ang pinakagwapo sa apat. "Kurt Adam Lopez, ang pinakasikat sa magpipinsan. Tinanghal na pinakabatang photographer sa Pilipinas. Lahat ng mga kuha nitong litrato ay nakadisplay dito sa school. Maliban doon ay siya ang pinakabatang photographer na nagkaroon ng photo exhibit. Anak din siya ng may-ari ng Adamson Corporation. Magaling din siyang soccer player pero ang pinakamas nakilala ito ay ang pagiging playboy."

Napangiwi siya sa narinig. Well, sa gwapo ba naman ng lalaki hindi makakailang habulin ito ng mga babae. Sunod na tinuro ni Karyll ay ang matanggad na lalaki. Seryuso ang mukha at wala kang makikitang emosyon sa mga mata nito.

"That guy is Santi Allan Lopez. Isa ding photographer pero hindi kagaya ni Kurt, tahimik at simple lang siya. Romour said he is a freelance romance writer. Sa apat na magpipinsan siya ang simple ang buhay. Vice President ang ama niya ng Adamson habang ang ina niya ay teacher dito sa school."

Tinuro ni Karyll ang huling lalaki. Katabi ito ni Santi. Maliit ang mga mata nito. Bored is written all over his face. Parang hindi nito gusto ang nakukuhang atensyon mula sa mga tao.

"The last one is Hanzel Yuan Lopez. Ang silent killer. Tahimik pero matalino. Magaling siya sa iba't-ibang uri ng instrumento. Sa kanilang magpipinsan, ito ang hinding-hindi mo makikitaang nakikipag-usap kahit kanino. He loves to wear headset everytime." Tumalikod si Karyll at bumalik sa loob ng classroom.

Sumunod siya dito pero bago iyon ay sinulyapan niya muna ang magpinsang Lopez. Doon ay nagtagpo ang kanilang mga mata ni Kurt Adam Lopez. Mabilis ang tibok ng kanyang puso ng umupo siya sa kanyang silya.

"Karyll..." tawag niya sa bagong kaibigan.

Tumingin sa kanya ang kaibigan. "Yes."

"P-paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?"

Tumaas ang kilay ni Karyll. Bahagya itong lumapit sa kanya. "My father owns a secret agent company. I learn from there and I want to know this school before I studied here. Hindi ako pupunta sa isang lugar na walang dalang bala."

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. Mukhang mali siya ng pagkakilala dito. Mukhang hindi mabait ang babae.