Madilim at malawak na parang wala ng hangganan ang kadiliman sa kanyang paligid, nanginginig siya sa takot at halos hindi ma-emulat ang mga mata sa kaba. Bawat patak ng kanyang mga luha, narinig niya ang mga malalaking yapak na dumadaungong sa boung paligid na papunta sa kanya, tanging pikit sa mga mata ang kanyang nagawa. Tumahimik at nawala bigla ang mga malalaking yapak sa kanyang paligid at siya ay tumahimik, nagpasiyang tumahan para tignan ang piligid nakadama siya ng malamig na hangin sa kanyang likuran, nanginginig siya sa takot at dahan-dahang tumingin sa kanyang likuran. Lumaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang isang babae, lumapit ito sa kanya na may dalang isang kutsilyo sasak-sakin siya nito pero sumigaw siya ng malakas.
"Krie! Krie! gising! nanaginip ka naman.", wika ng isang lalaki na makikita ang kaba sa mukha.
Bumangon siya na hinihingal sa kaba, binigyan siya ng tubig at uminom para mapakalma ang sarili.
"Krie, ano ba ang nangyari sayo? bakit sumisigaw ka sa pagtulog mo kinabahan tuloy kami.", wika naman ng umabot sa kanya ng tubig.
"Pasensya na pero hindi ko alam parang totoo na kasi ang panaginip ko.", sagot nito sa mga kaibigan.
"Naku! undas na kasi. Napaparamdam na siguro iyong pamilya mo. Baka oras na, na dalawin mo sila.", sabi naman ng babae na nakaupo malapit sa bintana.
"Hana, naman natatakot na nga yung tao. Sasagutin mo pa ng ganyan.", sabi ni Lucas na nakaupo katabi kay Krie.
"Baka, tama si Hana, Krie. Sa panaginip nalang nila dinadaan sa pagpaparamdam sa iyo.", sangayun naman ni Art na siyang nagbigay ng tubig kay Krie.
"Eh, parang hindi sila yun. Alam ko, walang mukha yung babaeng nagtangka na patayin ako.", paliwanag niya sa kanyang mga kaibigan.
Natahimik sila sa sinabi ni Krie at naramdaman ang takot sa buong paligid. Nagtinginan silang lahat, at mas kinabahan sila noong narinig nila ang mga yapak sa itaas ng stock room. Napatingin silang lahat sa itaas.
"Lucas, may tao ba dito sa bahay niyo bukod sa amin?", tanong ni Krie na namumutla sa kaba.
"Wala. Tayo lang dito. Ikaw Hana may pinapasok kaba dito sa bahay natin?", tanong niya nito na bakas rin ang takot sa mukha.
"Manginginig ba ako sa takot pagalam ko kung mayroon?", sagot niya sa kanyang kapatid.
"Shh. Huwag kayong maingay. Pakinggan niyo ang mga yapak papunta na sa pintuan ng stock room!", mahinang sabi ni Art.
"Baka naman. Pusa lang yang nakapasok.", sabi naman ni Lucas.
"Pusa pa ba yung mga yapak nayun, Lucas?! Magiisip ka nga!", sigaw ng kapatid sa kanya.
Inilagay ni Art ang baso sa mesa at tumungo sa pintuan para sirhan ito. Napatingin sa kanya ang lahat nang marinig ang pagbukas ng pintuan sa stock room.
"Sino ba yan, Lucas?", tanong ni Krie.
"Minumulto na siguro tayo ng mga magulang ni Lucas at Hana. Papaalisin na siguro tayo, Krie.", wika ni Art na umupo sa tabi ni Krie.
"Ano ba kayo. Ang lalaki na ninyo naniniwala pa kayo ng mga yan.", sabi ni Lucas sa kanyang mga kasama.
Natahimik silang lahat ng may kumatok ng malakas sa pintuan ng kwarto. Nagtinginan silang lahat at naghihintay kung sino ang bubukas ngpintuan kaya tumayo nalang si Lucas at binuksan ang pintuan, sumigaw silang lahat.
"Riel? Anong ginawa mo dito?", natatakang tanong ni Lucas sa pagbukas niya sa pintuan.
Napakunot ang noo ng babae sa tanong ni Lucas at napatahimik ang tatlo ng makita nila na si Riel lang pala ang kumakatok ng pintuan.
"Teka. Bakit sila sumisigaw at bakit mo ako tinatanong niyan Lucas? Hindi niyo ba alam na kagabi lang ako dito?", taas kilay na tanong ni Riel.
"Akala kasi nila multo ka at anong sinabi mo na kagabi ka lang rito, paano ka naka pasok?", tanong ni Lucas.
"Hindi ba sinabi ni Krie sa inyo na nandito ako? Siya ang nagpapasok at nagbukas ng pintuan sa akin.", paliwanag niya sa kanya.
Nabaling ang tingin ng lahat kay Krie pero nagtataka ito sa sinabi ni Riel.
"Teka. Ako? Kagabi? Eh. Hindi ko natatandaan na pinagbuksan kita ng pintuan.", paliwanag naman ni Krie.
"Huwag mo nga akong biruin Krie. Natutulog na nga ang lahat sa oras na yun at ikaw pa ang gising kaya ikaw ang nag bukas sa akin.", pumunta naman ang tingin sa lahat kay Riel.
"Huh? Hindi ko talaga maalala at sa pagkakatanda ko maaga akong natulog kagabi.", naguluhan na ang lahat sa kanilang pinaguusapan.
"Teka. Talaga bang si Krie yun Riel?", tanong ni Hana.
"Oo. sigurado ako.", malimit niyang sagot.
"Tama na nga yan. Tinatakot niyo naman kami. Baka nalimutan mo lang Krie, dahil sa pinaginipan mo.", sabi naman ni Art na pinainit ang malamig na pagu-usap.
"Oo nga Krie. Siguro nakalimutan mo dahil sa takot mo ngayong umaga.", Lucas add.
"Nanaginip na naman siya?", tanong ni Riel.
"Oo. Kinabahan nga kami kasi ang lakas ng sigaw niya. Teka. Ano pala yung ginawa mo sa stock room namin?", tanong ni Lucas.
"Ah. Nakalimutan ko pala. Hinanap ko yung tent ko na gagamitin para sa outing natin. Sabi kasi ni Hana nasama sa inyo. Kaya ito, handa na ako.", excited na sabi niya.
"Tungkol pala sa outing guys. Hindi muna ako sasama, dito nalang ako magpapahinga at magbabantay sa bahay.", palusot ni krie na ayaw sumama sa kanilang outing.
"Anong sinabi mo? Subukan mo makakatikim ka sa akin.", galit na sabi ni Riel.
"Ano kaba. Minsan nga lang to' aayaw kapa.", sabi ni Lucas.
"Oo nga sama kana.", udyok naman ni Art at Hana.
Napayuko siya. "Pag-iisipan ko muna.", sagot niya sa mga ito.
"Huwag ka nang mag-isip! Wala ka nang oras. Mamaya na tayo aalis.", wika ni Riel at umalis na ito.
Nagdadalawang isip siya na sumama sa kanila dahil gusto muna niyang mapag-isa at mag-isip sa mga nangyayari sa kanya nito nakaraang araw. Ilang linggo na ang lumipas ng siya ay tumuntong ng benti at simula ng araw na yun palagi na siya nanaginip sa babaeng walang muka at nakakaramdam ng hindi maganda.