ELAINE'S POV
"Kahit kailan talaga walang magawang matino yung espasol girls nayon! Puro pang titrip nalang yung inaatupag nila, hindi na sila nagsawa." - Ari
Binuksan ko yung locker ko. Kinuha ko yung extrang uniform na tinabi ko sa loob. Mabuti nalang at meron ako nito kung hindi magpapatuyo talaga ako.
"Samahan moko sa cr."
"Tara."
Pumunta kami sa cr. Pagkarating namin don pumasok agad ako sa isa sa mga cubicle. Hinintay lang ako ni Ari sa tapat ng salamin.
Hinubad ko yung basa kong uniform at sinuot naman yung kinuha ko sa locker. Pinalitan ko narin yung palda ko dahil basa narin yon. Nang matapos ako lumabas agad ako sa cubicle at humarap din sa tapat ng salamin.
"Bakit hindi mo nalang sagutin si Winston?" Biglang tanong ni Ari.
"Ha?"
"Kase diba matagal na siyang nanliligaw sayo at palagi niyang pinapakita na nag aalala siya sayo. Bakit di mo nalang siya i-keep?"
"Ewan ko? Pero wala kase akong nakaramdaman para sa kanya. Nakikita ko lang siya bilang kaibigan."
"Bakit di mo itry? Malay mo mag work."
"Pano pag di nag work? Hindi lang yung relationship namin ang masisira pati narin yung nabuo naming frendship. Tsaka kung papasok man ako sa isang relasyon, ayoko ng itatry lang dahil sa ideyang 'baka mag work' Hindi ba't mas maganda yung sure? Yung sure ako sa tao, yung sure ako sa feelings ko." Napatango siya dahil sa sinabi ko.
"Kung sa bagay. Hindi ko lang maiwasang manghinayang sa inyong dalawa. Yung mga tulad niya kase yung klase ng tao na dapat minamahal. Biruin mo ang tagal niya ng nanliligaw sayo, 1st year palang ha, pero hanggang ngayon hindi parin nagbabago yung pakikitungo niya sayo." Sabi ni Ari na mukang kinikilig sa naiisip niya.
"Bat di nalang ikaw?"
"Ha? Anong bat di nalang ako?"
"Bat di nalang ikaw yung pumatol sa kanya tutal nanghihinayang ka naman diba?"
"Hahahaha, ano bang pinagsasabi mo?"
"Tara na nga."
Lumabas na kami sa cr ng makita kong okay na yung itsura ko. Muka nakong presentable ulit.
KIM'S POV
Hindi ko na pinasukan yung mga susunod kong klase. Nasira na yung araw ko dahil sa pagtatalo namin ni Timothy.
Tapos hindi niya pako pinag bigyan!
Nasa starbucks ako ngayon. Nag i-scroll ako sa faceboom habang humihigop sa mainit na Matcha & Espressio Fusion na inorder ko.
Ano kayang pinaplano ni Timothy at naisip niyang mag panggap na may girlfriend na siya? Para daw hindi kami pagdudahan ng daddy niya? Talaga lang ha?
Siguraduhin niya lang dahil kung hindi kakalbuhin ko yung babaeng yon! I am dead serious.
Nakilala ko si Timothy nung 16 years old pa lamang siya. Ang bata niya pa non kaya hindi ko siya sinagot kahit na nangungulit siyang sagutin ko na siya. Oo, gusto ko rin siya pero ang kailangan ko yung lalaking kayang ibigay sakin lahat, yung lalaking maiaahon ako sa hirap, yung matutustusan lahat ng pangangailangan ko.
Sabi ko sa sarili ko mas paiiralin ko yung utak ko kesa sa puso.
Kaya nung makilalala ko si Rey Tancueco, hindi ko na siya pinakawalan pa dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng katangian na kailangan ko para makaahon sa buhay.
Ni hindi ko na kailangan pagtrabahuhan lahat ng gusto ko dahil kaya niya namang ibigay.
Naalala ko bago ako maka graduate ng college at maging isang guro e napakaraming struggles sa buhay ko. Nag aaral ako habang nagtatrabaho sa isang fastfood chain.
Stress na stress ako dahil sa financial problem. Ang dami kong kailangang bayaran sa school, ang daming kailangang bilin na materials, nagsabay sabay pa yung mga bayarin tulad ng renta sa bahay, tubig, ilaw. Halos sumuko nako nung mga oras na'yon.
Paulit ulit lang yung routine ko. Bahay - school - trabaho - bahay - school - trabaho.
Dumating pa sa point na may mga subject nakong napapabayaan kaya kinailangan kong umalis sa trabaho para matutukan yung pag aaral ko. Pero dahil ako lang mag isa yung bumubuhay sa sarili ko e namroblema nanaman ako sa pera. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng panggastos.
Ginawa ko ang lahat, nagsikap ako, pinilit kong kayanin kahit na sa totoo lang ay pagod na ko. Akala ko hindi nako makaka graduate. Akala ko hindi ko na matutupad yung pangarap ko.
Nanghihinayang ako sa sarili ko dahil kung kailan malapit nakong maka pagtapos tsaka pa nag kanda letse letse yung buhay ko.
Napalayas ako sa inuupahan kong bahay, tapos malapit na yung deadline nung mga bayarin sa school at hindi narin ako pinapautang sa tindahan dahil palaki na ng palaki yung nauutang ko. Gusto ko nalang talagang sumuko dahil hindi kona alam ang gagawin ko.
Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na nagpunta ako sa park dahil wala na akong ibang mapuntahan. Bitbit ko yung mga backpack at maleta ko habang nakasalampak ako sa sahig. Hirap na hirap nako. Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak.
Habang nhumahagulgol ako may isang kamay na lumahad sa harapan ko.
Pagtingala ko nasilayan ko ang muka ni Rey. Bakas sa muka niya ang awa habang nakatingin sakin.
"Are you okay?" He asked.
Umiling ako habang patuloy parin sa pag iyak. Lumuhod siya sa harapan ko para mapantayan niya ko. Pinunasan niya yung luha ko gamit ang puting panyo niya.
"May problema ba? Tell me baka makatulong ako." Sambit pa niya.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng problema ko at lahat ng pinagdaanan ko and i was surprised dahil sinabi niya na tutulungan niya kong makapagtapos ng pag aaral at hindi lang yon, hinanap niya pa ko ng matutuluyan.
Days passed, months passed at naka graduate ako dahil sa tulong niya. Siya yung sumagot sa lahat ng gastusin at pagkain ko sa araw araw. Hanggang sa unti unti na siyang nagparamdam sakin.
Then one day tinanong niya ko kung pwede daw ba niya kong ligawan. Nung una nagdadalawang isip ako dahil hindi ko naman siya gusto at lalong hindi ko naman siya mahal. Pero naisip ko na marami na siyang naitulong sakin, marami na siyang nagawa para sakin. Siya yung lalaking magbabago sa buhay ko kaya at the end of the day pumayag din ako.
Nung maging kami na dinala niya ko sa bahay nila or should i say 'mansion'. Malaki ito, mala palasyo, maraming mamahaling gamit at napaka ganda.
Ang hindi ko inaasahan ay ang makita si Timothy na bumababa sa hagdan. Nagtaka ako kung bakit siya nandon at kung anong ginagawa niya dito sa bahay ni Rey, and then suddenly may pumasok sa isip ko na baka anak siya nito. I am really shocked. I didn't expect it.
At first nagalit si Timo, hindi niya matanggap na ako yung girlfriend ng daddy niya. Puro masasakit na salita at pang iinsulto yung natanggap ko mula sa kanya. Pero di rin nagtagal natanggap niya din yung sitwasyon namin. Hindi niya rin ako natiis. Nag usap kaming dalawa at inintindi namin ang isa't isa. Yun nga lang patago kaming nagkikita. At oo, lihim na may nangyayari sa aming dalawa.
Walang ka alam alam si Rey at hindi ako makakapayag na malaman niya.
Nabalik ako sa realiadad ng mag ring yung cellphone ko. Pagtingin ko sa screen pangalan ni Rey ang nakalagay.
*Kriiinggg...Kriinnnggg*
"Yes, darling?" Ano kayang kailangan niya?
[Naka istorbo ba ko? Maybe i'll call you later---]
"Nope, darling. Hindi ka naka istorbo. Actually, pauwi narin ako."
[Oh, bakit? Wala ka nabang klase?]
"W-wala na. Bakit ka nga pala napatawag? Do you need something?"
[Tutal wala ka narin namang klase diba, pwede bang umuwi kana? I want to talk to you.]
"Para saan?"
[Wag ng maraming tanong darling pleasee...]
Kinakabahan ako. Hindi kaya may alam na siya saming dalawa ni Timo?
Binitbit ko yung mga gamit ko at lumabas na ng starbucks. Pumara ako ng taxi pauwi. Pagdating ko sa bahay wala namang tao sa lobby, tapos nakapatay pa yung ilaw. Nagmadali akong umakyat sa taas. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Rey.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang nakahiga sa kama. Lumapit agad ako sa kanya sabay kapa sa noo niya. Wala naman siyang lagnat.
"Okay ka lang darling?"
"A-ang sama ng pakiramdam ko. Nahihilo ako tapos parang nasusuka pako."
"May masakit ba sayo? Anong masakit sayo?"
"Ughhhh!!!!" Bigla siyang umupo. Humawak siya sa tiyan, muka siyang namimilipit.
"D-darling anong nangyayari sayo!?" Nagsimula nakong mag panic.
"Ughhh!!!!" Kinakabahan nako. Ubo pa siya ng ubo.
"Darling naman e. Sandali---" Lalabas sana ako ng kwarto para humingi ng tulong sa mga kapit bahay ng bigla niya kong higitin sa braso.
Sa lakas ng pagkakahigit niya napahiga ako sa kama at nagkalapit yung muka naming dalawa.
"D-darling?"
Imbis na sagutin niya ko ay may nilabas siyang maliit na box. Napatingin ako sa hawak niya. Lunakas yung kabog ng puso dahil alam ko kung ano iyon.
"Nakakainis ka! Pinakaba mo ko! Akala ko kung ano ng nangyayari sayo! Nakakainis ka!" Tumayo ako at pinaghahampas siya ng unan. Tawa lang siya ng tawa.
"Hahaha, will you marry me?" Aniya.
"...." Hindi ako nakapagsalita. Im speechless
"Darling are you okay?"
Huminga ako ng malalim. Pano na si Timo? Ano kayang magiging reaction niya pag nalaman niyang nag propose sakin yung papa niya? Okay lang kaya sa kanya? Matatanggap niya ba?
Pero pano kung hindi? Handa ko bang i give up si Rey?
Pero para saan pa kung tatanggi ako. This is it! Hindi nako magugutom, ni hindi nako maghihirap. Ito nayon!
"Y-yes." Nagdadalawang isip na sagot ko.
"Is there something wrong?"
"Y-yes."
"What is it?"
"Yes, i mean.... i will marry you."
"Talaga darling!? YES!!!!" Nagtatalon siya sa sobrang saya. Binuhat niya pako atsaka nag paikot ikot.
"I love you! I love you! I love you!" Hinalikan niya ko sa labi ng paulit ulit.
"I love you too." Sagot ko.
"Give me your hand." Inabot ko yung kamay ko sakanya. Nilabas niya yung singsing mula sa maliit na box at isinuot iyon sa aking palasingsingan.
Ginto iyon at napaka laki ng bato. Kumikinang iyon dahil sa reflection ng ilaw na tumatama doon. Napaka ganda.
"Salamat darling." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Welcome darling."
Tinaas ko yung kamay ko at paulit ukit na tinignan yung singsing. Napaka ganda ng design.
Magkano kaya ang bili niya rito?
TIMOTHY'S POV
"Class dismissed."
Sinukbit ko yung bag ko sa likuran ko at agad na naglakad palabas ng classroom.
Paglabas ko natanaw ko agad sila Drake at Wade na papalapit sa direksyon ko.
"Tara, gala tayo?" - Wade
"San naman tayo pupunta?" - Drake
"Arcade?" Sambit ni Wade.
"Good idea. Tara?" Pag aaya ko.
Habang naglalakad kami ang daming babaeng nagtitilian. As usual hindi namin sila pinapansin.
"Ang gwapo ni Timothy!"
"Ang cute ni Wade!"
"Ang angas ni Drake!"
"Ang ha-hot nila!"
"Kyaaahhhhh!!!!!!!!"
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang mag vibrate yung cellphone ko. Tss, siguro nag text nanaman yung flatchested nayon!! Bakit ba ayaw nila kong tigilan?
Binasa ko yung message.
From: KFC (Kampon ng Flact Chested)
Nasaan ka?
Tch, bakit ba nagtatanong siya kung nasaan ako? Kailangan ko bang ireport sa kanya kung saan ako pupunta? Kainis!
Nagtipa ako sa keyboard ng screen ko.
To: KFC
Do i need to tell you?
*Tooott...Tooottt*
From: KFC
Nakalimutan mo naba yung inutos ko? Ang sabi ko sunduin mo yung kapatid ko sa room niya at ihatid mo sa amin.
Bwisit! Kung makapag utos akala mo kung sino. Bakit ba ipapahatid niya pa yung kapatid niya sa bahay nila? Lumpo ba yun? Hindi ba makakauwi mag isa yun?
Hindi ko ako nag reply sa text ni babaeng tabla. Bahala siya sa buhay niya.
"Sino 'yang katext mo?" Tanong ni Wade. "Mukang inis na inis ka diyan ah?"
"Wala to. Mga panira lang ng araw."
"Baka may gusto kang i kwento sa amin?" Sambit ni Drake na nakapamulsa.
"What do you mean? Anong kwento?" Anong kwento naman ang gusto nilang marinig?
"Diba hiniwalayan mo na si Aliyah. Bakit kayo nanaman? Pinahiya mo pa nga siya sa gym diba? Tapos ngayon kung mag sweet-sweetan kayo parang walang nangyari. Ano ba talagang nangyayari." - Wade
Pano ko nga ba ipapaliwanag to? Pano ko sasabihing bina-black mail lang ako ni babaeng tabla para magpanggap na kunwari mahal ko yung kapatid niya?
Pag nag kwento ako sa kanila baka itanong nila kung ano yung ginagamit ni babaeng tabla na panakot sakin. At hindi ako papayag na malaman nilang may namamagitan sa aming dalawa ni Kim my loves.
"Dont mind it. I just pity her kaya binalikan ko siya pero hindi ibig sabihin non na mahal ko siya. Sinabi ba namang magpapakamatay siya pag di ko siya binalikan?"
"Grabe naman yun." - Wade
"Wala siyang delikadesa." - Drake
"Sinabi niyo pa! Wala talaga siyang delikadesa!!"
*Tooott...Tooott*
From: KFC
Gagawin mo yung inuutos ko o ipopost ko yung scandal niyo ng stepmom mo sa social media.
Ugh!!!! Ano bang problema niya!!!??
To: KFC
Oo na, sige na! Tandaan mo may karma ka din.
Nakakainis!