TIMOTHY'S POV
"Sino yung babaeng tumawag sayo ng babe kanina? Timothy tell me!" Pasigaw na sambit ni Kim. Galit na galit siya.
Love ang tawag namin sa isa't isa pero sa oras na tawagin niya ko sa pangalan ko ibig sabihin galit talaga siya.
"Wala 'yon love---"
"ANONG WALA? NUNG SINABI NIYANG BUMALIK KA AGAD DAHIL MAGHIHINTAY SIYA, SUMAGOT KA NG SURE. ANONG WALA DOON!? TIMOTHY NAMAN MYGAAADDDD!!!!"Naglakad siya palayo sakin kaya naman agad ko siyang niyakap mula sa likuran.
Ito yung dahilan kung bakit gusto kong lumandi e. Tsaka niya lang ako binibigyan ng atensyon sa tuwing may makikita siyang babae sa paligid ko, tsaka niya lang ako pagtutuunan ng pansin kapag may nakita siyang umaaligid na iba sakin. Sobra kung mag selos si Kim. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para lang mapalayo yung mga babaeng may gusto sakin.
Minsan hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Bibihira niya lang kase akong paglaanan ng oras, sa tuwing humihiling ako na maka bonding siya ay palagi siyang busy, kung hindi sa school ay sa papa ko naman. Kaya nga gustong-gusto kong mambabae e, dahil sa ganong paraan ko lang nakikita yung pagmamahal niya.
Mas nauna akong makilala si Kim kesa kay papa. Nakilala ko siya nung 16 years old palang ako. Matagal ng may namamagitan saming dalawa. Matagal ng may nangyayari sa amin pero wala kaming relasyon. Basta ang alam ko lang mahal niya ako at mahal ko rin siya. Ganoon lang kami, walang level.
Oo, nililigawan ko siya pero palagi niyang sinasabi sakin na tsaka niya lamang ako sasagutin pag naka graduate nako at pag may sarili na'kong trabaho.
Hanggang sa nagulat nalang ako isang araw dinala siya ni papa sa bahay. Pinakilala siya sakin ni papa bilang girlfriend niya.
Nagalit ako, nag tampo ako pero kinimkim ko lang lahat lahat sa loob ko. Hindi ako pwedeng mag reklamo, ni hindi ko pwedeng pigilan si papa na mahalin siya. Ano ba naman kaseng sasabihin ko? 'Pa, hindi pwedeng maging kayo dahil nililigawan ko siya', 'Pa, mas nauna ako sa kanya kesa sayo', 'Pa, pwede bang humanap ka nalang ng iba kase ako yung nauna, ako yung totoong minamahal niya at pera lang ang habol niya sayo'. Hindi naman pwedeng ganon.
Kaya mas pinili ko nalang maging sikreto kahit na ako naman talaga yung nauna.
Bukod sa ayokong mawala si Kim sa buhay ko, e importante din naman sakin si papa. Na-witness ko ang lahat ng hirap at pagod niya para lang maitaguyod ako, para lang mapalaki akong mag isa. Namatay kase si mama pagka panganak niya sakin dahilan para maging biyudo si papa. Ngayon ko nalang ulit siya nakitang masaya, ang kaso nga lang sa babaeng minamahal ko pa.
Nung una nagalit ako kay Kim, pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil pumatol siya ibang lalaki which is my dad. Pero hindi ko rin natiis e, mahal ko kaya tinanggap ko.
"Sino ba yung babaeng yon? San mo siya nakilala?" Bakas parin ang galit sa tono ng panananalita niya. Pilit siyang kumakawala sa mga yakap ko.
"She is Aliyah Montellano. Ginagamit ko lang siya."
"Ginagamit? Bakit hindi pa ba ko sapat para gumamit ka ng ibang babae---*
"Shhhhh.... Ano bang pinagsasabi mo? Hindi 'yan ang ibig kong sabihin." Hinalik halikan ko yung batok niya pero umiiwas siya.
"Eh ano? Tangina naman Timothy. Bakit kase hindi mo ipaliwanag ng maayos? Bakit paputol putol ka. Bwisit!"
Kundi lang dahil sa pakielamerang babae na yon hibdi sana ako mapapasubo sa ganitong sitwasyon e. Nagagalit tuloy si Kim. Tch!
"Kailangan ko siya, kailangan natin siya." Palusot ko. Sana naman lumusot.
"A-anong ibig mong sabihin na kailangan natin siya? Ano bang pinagsasabi mo!?"
"Kailangan natin siya para hindi tayo pagdudahan ni papa."
"So, may balak kang ipakilala siya sa papa mo? May balak kang dalin yung babaeng yon sa bahay!?"
"Why not." Ginapang ko yung kanang kamay ko sa dibdib niya. "Wala kang dapat ika selos. Ikaw lang ang mahal ko."
"Siguraduhin mo lang. Ayokong magdadampi ang mga labi niyo, ni ayokong yumakap ka sa kanya para lang mag mukang makatotohanan yung pag papanggap niyo. Sapat na yung magkatabi lang kayo. Gusto ko sakin kalang."
"Love, don't worry, I'm yours. Truly yours.
Wala na kong ibang mamahalin pa kundi si Kim Audrey Canlas lang. Siya lang!
"Promise me that you will stay forever." Inalis niya yung kamay ko at humarap siya sakin.
"I promise." Hinalikan ko siya sa noo.
"Don't you dare leave me without my permission."
"I won't leave you." Hinalikan ko naman siya sa ilong.
"Am i not worth the risk?"
"You are worth it. With or without label, you will always be special to me. Always remember that." At last, i kiss her lips.
"Really?"
"Yup."
"I love you, love."
"I love you too."
Hinalikan ko siya ng marahas. Sinipsip ko yung labi niya ng paulit-ulit, para kaming uhaw sa halik ng isa't isa.
Binuhat ko siya, pagtapos ay ipinalupot niya ang magkabilaang hita sa aking bewang. Nandito kami sa likod ng building, sa isang tagong parte na kami lang ang nakakaalam.
Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng damit niya nang....
*Kringg.... Kring....*
"Tumunog na yung bell, love. We should go." Sabi ko ng makabitaw sa halik. Binaba ko siya mula sa pagkakabuhat.
"No. I want you." Tinanggal niya yung sinturon ng pantalon ko at hinunad niya ito.
Tumingin ako sa paligid. I don't know pero parang nagka phobia na ata ako sa nangyari. Yung pagkakakuha ng video samin ni babaeng tabla. Ayoko ng maulit pa 'yon.
"Love, kailangan nating maging maingat. Siguro mamaya na natin ipapatuloy 'to sa condo ko. Sa ngayon, pumunta kana sa susunod mong klase, habang ako babalik nako sa classroom."
"Tch, okay, okay. Wag ka ng babalik doon sa tambayan niyo. Dumiretso kana sa classroom." Puno ng awtoridad ang boses niya.
"Okay, love. Sabi mo e."
Lumabas na kami sa tagong lugar at magkasalungat na naglakad papunta sa kanya kanya naming destinasyon.
ELAINE'S POV
Tumunog na yung bell pero hindi parin bumabalik si Timothy. Naubos na lahat lahat yung pagkain namin pero hanggang ngayon hindi ko parin nakikita yung pagmumuka niya. Nasaan na ba yung mokong na'yon?
Nilingon ko si Aliyah na nakaupo sa left side ko. Kinakausap siya ni Ari pero nakatingin lang siya sa kawalan.
"Huy? Nakikinig kaba?" Sambit ni Ari nang mapansin na wala sa realidad si Aliyah. Lumilipad ang isip niya.
"H-ha?"
"Sabi ko, nakikinig kaba?"
"Sorry, ano nga ulit 'yon?"
"Wala, wala."
Panigurado iniisip nanaman ni Aliyah si Timothy. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko para itext si Timothy.
To 0948*******
Nasan ka ba? Bat hindi kana bumalik?
Send.
Ano naman kayang pakay sa kanya ni ms. canlas at bakit kailangan pa niyang tawagin si Timothy. Naawa tuloy ako kay Aliyah e. Nawawala sa sarili kakaisip sa Timothy nayun.
Tinignan ko si Laila, nag uusap sila ni Wade. Sumingit si Ari sa kanila dahil nga hindi siya kinakausap ni Aliyah. Si Drake naman nakasandal lang sa puno habang nakikinig sa usapan nila.
Anyway, sinave ko na yung number ni Timothy sa contacts ko since matagal tagal kaming magkakasama. Hanggat hindi ko pa alam kung pano ko aayusin yung problema e magpapatuloy lang muna kami sa pagpapanggap.
Magpapanggap si Timothy na mahal niya ang kapatid ko, habang ako naman magpapanggap na kunwari ay walang alam.
Maya maya pa nag vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung nag text. Galing kay Timothy! Mabuti naman at nag reply siya.
From: Mr. Manyak ('Yan yung pangalan niya sa contacts ko.)
May importante akong inasiko. By the way, nandito nako sa classroom. Hindi nako makakabalik pa diyan.
Tch. Nagtipa ako sa screen ng cellphone ko. Hindi pwede 'to. Kailangan maramdaman ni Aliyah na mahal siya ng mokong na'to.
To: Mr. Manyak
Gusto kong sunduin mo si Aliyah mamayang uwian. Ihatid mo siya sa bahay, naiintindihan mo ba?
Tumayo nako sa kinauupuan ko at ganon din sila. Kailangan nanaming bumalik sa mga classroom namin.
"Salamat sa time guys. Sana may next time pa." Ani Laila.
"Oo nga, labas labas din tayo minsan." - Ari
"Sure no prob." - Wade
"Thank you sa inyo ha? Uhm, Wade? Pakisabi naman kay Timothy na salamat nga pala dahil nag abala pa siyang ilibre kami." - Aliyah
"Don't mind it, si Timo pa. Napaka big time 'non." - Wade
"P-pakisabi rin pala na gusto ko siyang makausap."
"Sure, makakarating sa kanya."
"Wade, accept moko sa faceboom ha? Ia-add kita!" Ani Ari.
"Hahahaha, okay."
"Aasahan ko 'yan ah?" - Ari
"Ako din!" - Laila
"Sige, basta add niyo nalang ako." - Wade
"Tara na dude." Walang ganang sabi ni Drake. Tinalikuran niya kami sabay lakad papalayo.
"Elaine." Tawag sakin ni Wade. Imbis na sagutin ay tinignan ko lamang siya. "Next time ulit." Nakangiting sambit nito pagtapos ay sumunod na siya kay Drake. "Wait lang bro" Aniya.
*Tooott....Tooott*
From: Mr. Manyak
Ugh, hindi pwede!
To: Mr: Manyak
At bakit?
*Tooott...Tooott*
From: Mr. Manyak
It's none of your business.
To: Mr. Manyak
Wag mokong umpisahan. Gawin mo yung pinapagawa ko or else...
*Tooott...Tooott*
From: Mr. Manyak
Blackmail nanaman? Psh, oo na!
"Sino yang mr. manyak?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Laila pala!
Pinaghalong gulat at kaba yung naramdaman ko. Gulat dahil bigla-bigla nalang siyang nagsasalita at kaba dahil baka magtaka siya kung sino 'tong 'Mr. Manyak'
"W-wala to."
"Alam mo parang may napapansin ako sayo...."
Bigla nalang lumakas yung tibok ng puso ko. Hindi pwedeng malaman niya yung tungkol sa pagpapanggap namin ni Timothy. Hindi pwede!
"A-ano 'yon?"
"Umamin ka nga sakin... may tinatago kaba?"
"H-ha? W-wala. Ano n-namang itatago ko?"
"Bakit bigla nalang nagbago yung pakikitungo mo kay Timothy? Parang kailan lang hate na hate mo siya pero ngayon okay na okay kana sa kanya.... Wag mong sabihing may gusto ka sa lalaking yon?"
Napakunot yung noo ko dahil sa sinabi niya pero bigla rin akong natawa.
"Hahaha, ano ka ba naman? Wala akong gusto sa lalaking yon at kahit kailan hinding hindi ko siya magugustuhan. Tsaka wala akong balak agawan si Aliyah no? Alam mo naman kung gano siya kaimportante sa akin."
"Ahh?"
"Teka bakit mo ba natanong yan?"
"Wala naman, it's just that... naninibago lang ako sayo."
"Kung anong ikakasaya ni Aliyah, susuportahan ko. Kung mahal niya si Timothy, edi go." Nagkibit balikat lang siya dahil sa sinabi ko.
Phew. Mabuti nalang mali siya ng hinala. Akala ko kung ano na!
"Hoy mga sis, tara na! Ano bang pinag uusapan niyo diyan?" - Ari
"Ate, mauna nako ha. Bye Ari, bye Laila."
"Sige, ingat ka." - Laila
"Bye sis!!!" - Ari
"Bye." Nakangiting paalam ko.
Nakangiti siyang kumaway samin, bago tumakbo patungo sa kabilang building kung saan naroroon yung classroom niya.
"For sure late na late na tayo." - Ari
Niligpit namin yung mga pinagkainan namin bago umalis. Nang makarating kami sa tapat ng aming classroom, nagpaalam na si Laila na dederetso na siya sa katabi ng room namin which is yung classroom nila.
Pagbukas ko ng pintuan bigla nalang may bumagsak na isang balde ng tubig sakin, hindi lang basta tubig may ice cube pa!!! Gosh, ang lamig! Basang basa ako. Sino bang may pakana nito?
"Ano, malamig ba?" Sambit ni Athena na nag crossed arms pa sa harapan ko.
"Wala na talaga kayong nagawang matino." - Ari
"Oh, bat nagagalit ka? Dapat nga magpasalamat ka pa e, alam mo bang para sayo talaga yung isang timbang tubig na'yon? Pero look, sinave ka ng kaibigan mo kaya siya yung nabasa. How sweet."
"Hahahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahahahaha!!!!!"
"Tahahahaahaha!"
Tinignan ko yung timba. May konting tubig pa iyon kaya naman naisip kong ipukol iyon kay Athena. Mukang nawindang siya. Bukod kase sa nabasa siya ay tinamaan pa siya nung timba sa balikat.
"Ouch!"
"Ang bilis bumalik ng karma no?"
"How dare 'you!!!"
Susugurin niya sana ako pero agad na humarang si Ari sa harap ko.
"Sige, subukan mo! Pagbubuhulin ko kayo ng mga alipores mo!"
"As if naman na natatakot kami sa inyo." - Athena
"Anong nangyayari dito!?" Tanong ni Winston na kakarating lang. Siya ang class president namin. Tinignan niya ko bago tumingin ng masama kay Athena. "Hindi kaba talaga titigil sa pagiging warfreak mo!? Nagsisimula ka nanaman ng gulo!" Sambit nito kahit na wala pang idea kung ano nga ba ang nangyari.
"Winston, wala akong kasalanan. N-nagulat nalang ako dahil bigla niya kong binuhusan ng tubig kaya gumanti lang ako." Pagsisinungaling ni Athena.
"Pwede ba wag mokong paikutin? Hindi ganyan ang ugali ni Ely!
"Pinagtatanggol mo nanaman yung babaeng 'yan---" - Athena
"Kailan kaba mag titino ah!!!? You always acting like a victim."
"Siya talaga ang nauna---"
"Mag dedeny kapa!? Bukod sa warfreak ka na nga sinungaling kapa! I know your attitude Athena."
"Hindi naman ata tama nasi Athena lang ang pinagsasabihan mo! Bakit hindi mo pagsabihan yung babaeng 'yan?' - Sabat ni Samantha, isa sa mga alipores ni Athena na itinuro pa'ko.
"Palibhasa may gusto ka kay Elaine kaya hindi mo siya magawang pagalitan. How pathetic." Sabi naman ni Candice, ang kukumpleto sa grupo ng espasol girls.
"At kayo! Isa pa kayo! BAKIT HINDI NALANG KAYO MAG ARAL!!!? KUNG HINDI PAG ME-MAKE UP ANG INAATUPAG NIYO, AWAY NAMAN! HINDI NA NGA KAYO MAGAGANDA WALA PA KAYONG MGA UTAK!!!"
Natawa ako dahil sa sinabi ni Winston which is true naman.
"Hoy Winston, mag iingat ka sa mga pananalita mo! Bakit hindi mo mapagsabihan si Elaine? Palibhasa nililigawan mo siya, e halata namang hindi ka niya gusto. Pwe!" Sambit ni Athena bago lumabas ng classroom, sumunod naman sa kanya yung dalawang asungot niya.
"Okay ka lang ba? Nasaktan kaba?" Nag aalalang tanong ni Wade. Inalis niya yung mga buhok na humaharang sa muka ko.
"Don't worry, okay lang ako. Kukunin ko lang sa locker yung extra kong uniform tapos magpapalit narin ako."
"Wala ba tayong teacher?" Tanong ni Ari.
"Wala. Magkasunod na subject tayong walang teacher." - Winston
"Talaga? Mabuti naman." - Ari
"Ely, hatid na kita?" - Winston
"Hindi na, kaya ko naman e."
"Sama ako Ely!" - Ari
Lumabas nako ng classroom. Naiinis ako dahil sa nangyari. Kundi lang dumating si Winston papatulan ko talaga yung mga babaeng 'yon!
Matagal na kaming magkakilala ni Winston. First year high school palang nanliligaw na siya sakin. Hindi ko nga lang siya sinasagot dahil ang bata ko pa 'non at wala pa sa isip ko yung mga ganon.
Paulit ulit kong sinasabi sa kanya na hindi ko siya kayang mahalin tulad ng inaasahan niya pero hindi talaga siya sumusuko.
Nakilala ko siya dahil kay Aliyah, magkaklase sila nung first year. Palagi ko kaseng sinusundo ang kapatid ko sa room nila dahil sabay kaming kumakain ng lunch tuwing break time.
One time habang naghihintay ako sa labas ng classroom nila Aliyah bigla niya kong nilapitan. He asked me kung sino daw ba yung hinihintay ko syempre i told him na si Aliyah dahil nga sabay kaming kakain sa canteen.
Marami pa siyang tinanong sakin. Medyo napahaba pa nga yung kwentuhan namin dahil marami siyang binigay na topic. Nung makalabas na si Aliyah ng room nila, bigla siyang nagtanong kung pwede daw ba siyang sumabay saming kumain. Syempre sino ba naman kami para tumanggi? Kaya sinama namin siya. And besides magkaklase naman sila ng kapatid ko kaya wala naman sigurong masama don.
After that araw araw na siyang sumasabay na kumain sa amin ni Aliyah. Naging close agad kami dahil hindi naman siya ganon kahirap maging kaibigan. Sobrang friendly niya! Ang dali niyang pakisamahan.
Pag uwi namin ni Aliyah nagkwento siya sakin about kay Winston. Palagi daw nagtatanong si Winston sa kanya tungkol sakin. Kung ilang taon na raw ba ko? Kung may boyfriend na daw ba ko? Then one day nagulat ako dahil pagpasok ko sa room may nakalagay na flowers at chocolates sa upuan ko. Tinanong ko yung mga kaklase ko kung sino may-ari non pero ang sabi nila may isang gwapong lalaki daw na nag iwan ng mga 'yon sa upuan ko at hindi raw nila kilala.
Pagkakuha ko ng flowers tsaka ko lang napansin yung letter sa loob nito. Tsaka ko lang din nalaman ko kung kanino galing iyon dahil nakasulat sa ibaba ng letter yung pangalan ni Winston.
Simula 'non hindi niya ko tinigilan. Araw araw nag iiwan siya ng letter sa desk ko. Hindi ko talaga makakalimutan yung mga pangyayari na'yon. Kaya nga nagulat ako dahil naging kaklase ko siya netong fourth year e.
Hanggang ngayon hindi parin siya nagbabago. Siya parin yung Winston na nakilala ko.