Chereads / The Secret Of Campus Hearttrob / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

ELAINE'S POV

"Bili mo ko ng pagkain."

"Anong pagkain?"

"Bili mo ko ng fries, large!" Utos ko kay Timothy. Hindi talaga ako nagsasawang kumain ng fries. Favorite ko talaga 'yon.

Umalis siya para bilin yung inuutos ko. Pagbalik niya inabot niya sa'kin yung pinabili ko.

"Wait, bili mo'ko ng drinks."

"Anong drinks?"

"Coke in can."

Umalis ulit siya para pumunta sa canteen. Pag balik niya...

"Ay may nakalimutan pa pala ako---"

"ANO NANAMAN!?" I've reached his limit. Nasa rooftop kami ng building which apparently is the 4th floor ng school at kanina pa ko utos ng utos sa kanya na mag akya't baba para bumili ng pagkain ko na nasa first floor.

"SUMOSOBRA KA NA! INAABUSO MO NA'KO!!!" Reklamo pa niya.

"Chill lang, Mr. Manyak." Tumayo ako sa pagkakaupo mula sa bato na railings. Lumapit ako sa kanya at nilagay yung kaliwang palad ko sa pisngi niya. "Wala kang karapatang magreklamo. Tandaan mo ako ang boss mo."

"BOSS MO MUKA MO!!!"

"Oh, sinusubukan mo talaga ako? Eh pa'no ba'to?" May pinakita ako sakanyang isang screenshot sa cellphone ko which is yung pinaka daring na part sa video nila.

"Ugh!!!! Burahin mo 'yan!!!"

"Kalma, ang puso."

"Hanggang kailan mo ko balak alilain?"

"Hanggang maging okay na ang lahat." Nag dial ako sa cellphone ko para tawagan si Aliyah. Sasabihin ko ring daanan niya sina Ari at Laila. Mas maganda kung nandito sila.

"Hello Aliyah?" Sabi ko sa kabilang linya.

[Oh ate, bat ka napatawag?]

"Umakyat ka dito sa rooftop, may naghahanap sayo." Tinignan ko si Timothy. Nag iigting ang bagang niya. "Daanan mo narin sina Laila at Ari. Sabay sabay na kayong umakyat rito."

[Uhm... sige?]

Pagtapos pinatay kona yung tawag.

"Ano ba talagang balak mo?" Mukang napupuno na siya.

"Ilang saglit lang ay nandito na sila Aliyah. Wala kang ibang gagawin kundi ang umarte. Ngayon na natin uumpisahan yung mga ipapagawa ko. Kaya be ready."

"Tuso ka rin e no?" Aniya.

Inirapan ko lang siya.

Ako ang karma mo Timothy Tancueco.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating sila Aliyah sa rooftop.

Gulat na gulat ang mga muka nila ng makita nila si Timothy. Hindi sila makapaniwala.

"T-timothy?" Nauutal na sambit ni Aliyah.

"Ely, anong meron?" - Ari

"Bat siya nandito?" - Laila

Nakatitig kami ni Timothy sa mata ng isa't isa. Tila nag uusap kami gamit ang aming mga tingin.

"After nung last subject naisip kong umakyat dito sa rooftop para magpahangin. Hindi ko na niyaya si Ari dahil gusto kong ma pag-isa. Nagmumuni-muni ako ng bigla siyang umakyat. Then he asked me kung nasan ka raw? Kaya tinawagan kita. Hindi ka raw niya kase makita e. May sasabihin daw siyang importante sa'yo." Tinignan ko si Aliyah. Nakatitig parin siya kay Timothy.

"T-talaga?" - Aliyah

"Gosh! Totoo ba'yun? Ano kayang sasabihin niya kay Aliyah? Makikipag balikan na kaya siya?" - Bulong ni Ari sa tabi ko. Tumingin ako kay Laila para tignan yung reaksyon niya. Naka kunot noo lang siya sakin.

"Nakakapagtaka." - Laila

"Bakit?" I asked.

"..." Hindi na sumagot si Laila. Nag focus nalang siya kina Aliyah at Timothy.

"A-anong sasabihin mo Timothy? Bakit mo ko hinahanap?" - Aliyah

Nakayuko si Timothy habang nakakuyom ang dalawang palad niya. Mukang wala siyang balak magsalita kaya tinawag ko ang pangalan niya.

"Baka kinakabahan siya Aliyah? Hey, Timothy? Ano daw yung sasabihin mo?" Kinabahan ako ng mag angat siya ng tingin sakin. Namumula yung mata niya. Para bang sinusumpa niya ko sa utak niya. "Wag ka ng mahiya. Come on, sabihin mo na!" Dugtong ko pa.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago tumingin kay Aliyah. "The truth is, nandito ako para humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo. S-sana mapatawad mo ko?" Lahat kami nakikinig sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Timothy. Mabuti naman at nagsimula na siyang umarte. Akala ko mag e-emote pa siya e. "A-at sana bigyan mo pako ng isa pang p-pagkakataon. I p-promise na hindi na kita sasaktan. Magbabago ako para sayo. Of all the girls i've met before, you're the only one who makes me feel happy. I f-found happiness in you."

Okay naman yung arte niya. Mukang natural. Mukang kapani-paniwala.

"Pinapatawad na kita... at oo pumapayag ako na bigyan kapa ng second chance." Ani Aliyah. Lumapit siya kay Timothy at niyakap ito ng mahigpit. Bakas sa muka ni Timothy na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari pero wala siyang magawa kundi ang mag panggap.

"T-thank you." - Timothy

"Ang sweet naman, sana may Timothy din ako." - Ari

"Im sure na makakahanap ka rin." Ngumiti ako kay Ari.

"Parang may mali? Hindi ganiyan si Timothy, Ely? May napapansin ka ba? Hindi kaya may pinaplano nanaman siya?" - Laila

"I don't think so. Baka naman nagsasabi na siya ng totoo. Let's give him a chance para patunayan ang sarili niya."

Hindi na siya sumagot. Nag kibit balikat lang siya.

"Akala ko hindi na tayo magiging okay. Humingi pa nga ako ng tulong kay ate para magka ayos tayo pero mukang hindi niya na kailangan pang gawin iyon." Sabi ni Laila habang hinihimas ang pisngi ni Timothy. Imbis na sumagot ay tinignan lang siya ni Timothy. "Hindi mo alam kung gano moko napasaya."

"So, let's eat? Bago pa man tayo maubusan ng oras." - Laila

"That's right. Eh kung isama mo kaya yung dalawang kaibigan mo Timothy?" - Ari

"Ayan, diyan ka magaling." Pagbibiro ko kay Ari.

"Oo nga babe, para naman maging happy din si Ari hahahaha!" - Aliyah

"Sure. Papapuntahin ko sila sa canteen." Pilit na pilit yung ngiti ni Timothy. Tama yan, kesa mainis siya, i-enjoy niya nalang 'tong moment.

From now on, ako na ang magiging direktor niya at siya naman ang magiging artista ko.

"Let's go!" Sabay-sabay kaming bumaba sa hagdanan. Maraming estudyante sa loob ng canteen. Nagbulungan sila ng pumasok kami sa loob.

"Gosh! First time nangyari 'to in hisyory."

"Tama ka, sinabi mo pa"

"Si Timothy? Nakipag balikan sa isa sa mga babaeng pinagsawaan na niya? Unbelievable!"

"Baka naman magaling si ate?"

"Ang kapal din ng muka nung babae. Akalain mo nakuha pang humarap sa maraming tao!"

Napairap nalang ako sa mga naririnig ko. Mga bwisit.

"Ang daming tao, tsaka puno na yung mga lamesa." - Laila

"Yup, wala na tayong ma-pwestuhan." - Ari

"Pano 'yan babe?" Tanong ni Aliyah kay Timothy.

"Akong bahala." Sagot ni Timothy. Nag dial siya sa cellphone niya. Siguro tatawagan niya sina Drake at Wade. "Mga bro, pumunta kayo dito sa canteen. I need a help." Aniya.

[What kind of help is that hahaha?]

"Im serious."

[Ilang chikababes ba'yan at bakit nanghihingi ka pa ng tulong samin?"

"It's not about that! Basta pumunta nalang kayo dito."

[Okay, okay. Wait for a sec.]

"Okay." Then he hang up.

"Sinong tinawagan mo?" - Aliyah

"Sina Wade at Drake."

"Eh...?"

Maya maya dumating na sila Wade. Nag apir sila ni Timothy. Mukang hindi niya kami napansin.

"So, bakit mo kami pinapunta rito? Nasan ang mga chicks?" - Wade

"Sabayan niyo kaming kumain." Ani Timothy dahilan para tumingin sa paligid si Wade. Tsaka niya lang na-realize na hindi pala nag iisa si Timothy ng makita niya kami. "Tulungan niyo kong umorder sa counter." Lumingon si Timothy kay Aliyah. "Babe, alam mo naman 'yung tambayan namin diba? Mauna na kayo doon, dadalin nalang namin yung mga pagkain."

Mukang nagulat sila Drake sa narinig. Nagtataka silang tumingin kay Timothy. Simula ngayon hindi na dapat sila magtaka pa dahil araw-araw na nila kaming makikita at araw araw na kaming magkakasama.

"Wooow. Ang cool niya." - Ari

"This is the first time na nakita ko si Timothy na ganyan. Hindi parin ako makapaniwala." - Laila

Bakit parang ang daming alam ni Laila about kay Timothy? Parang kilalang kilala niya na ito. Kung sa bagay classmates sila, nasusubaybayan niya siguro ang mga pinag gagawa nito.

"Okay babe. Wade, can i barrow your phone? Ililista ko lang sa note yung mga order namin." Nakangiting saad ni Aliyah.

"H-ha?" Di parin makapaniwala si Wade.

"Just give her the phone Wade." Ani Timothy.

"O-okay." Inabot ni Wade yung phone niya kay Aliyah at nagsimula na itong mag pipindot sa screen.

"May hindi ka ata nako-kwento sa amin Timo?" - Sambit ng supladong si Drake.

"Later." - Timothy

"Elaine, nandito ka rin pala?" Ani Wade ng mapansin ako sa gilid. "Kaibigan mo ba 'tong mga to?"

"Yup."

"Long time no see?"

"Pinagsasabi mo?"

Ano ba Wade? Bakit ba ang daldal mo? Hindi ko na siya pinansin pa. Tinuon ko nalang sa ibang bagay yung paningin ko.

"Close kayo?" - Ari

"Hindi."

"Eh bakit kilala ka niya?"

"Mahabang istorya."

Nang matapos si Aliyah sa paglilista ay lumabas na kami ng canteen. Dumiresto kami sa tambayan nila gaya ng inutos ni kumag.

Umupo kami sa isang mahabang wooden bench, sa gilid nito ay mayroong mahabang kahoy na lamesa. Makulimlim ang lugar na ito dahil natatakpan ito ng malaking puno. Dito ko nakita si Timothy na nakikipag kwentuhan kina Drake at Wade nung nakaraan.

"Sobrang saya ko dahil kami na ulit. Salamat nga pala ate." - Aliyah

"Wala kang dapat ipagpa-salamat. Masaya rin ako dahil okay kana." Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng guilt.

Akala niya totoo yung mga ipinapakita sa kanya ni Timothy pero ang hindi niya alam ay blinack mail ko lang ito para balikan siya. Pero tulad nga ng sabi ko kay Aliyah gagawa ako ng paraan para balikan siya nito. Tama nga ba' tong ginagawa ko?

"Ang swerte mo girl. Mukang seryoso na talaga sayo si Timothy. Maging thankful ka dapat" - Ari

"I know. Kaya nga ipapakita ko kay Timothy na worth it yung tiwala niya."

"Yaaaass girl! Push mo 'yan!" - Ari

"Be careful. That person could break your heart again." Seryosong saad ni Laila. Natigilan kami dahil sa sinabi niya.

"I'll take the risk tho, pero alam kong hindi niya na ko sasaktan. Diba ate?" - Aliyah

"H-ha? Oo naman."

Tinignan ko si Laila. Nakatingin din siya sakin. Bakit parang nagiging mahiwaga ata siya these past few days?

"Eto na ang mga pagkaiiiinnnn!" Sambit ni Wade pagkarating nila.

Isa isa nilang nilapag yung mga pagkain sa lamesa. Dinukot ko yung wallet ko sa bulsa ko para kumuha ng pera. Babayaran ko na yung mga inorder ko. Pansin ko ring naglabasan na ng pera sila Ari.

"What are you doing?" Takhang tanong ni Timothy.

"Magbabayad sa mga inorder namin?" - Aliyah

"Wag na, sagot na ni Timothy lahat. Just eat and enjoy." - Wade

"Talaga? Yehey!!!" - Ari

"Nakakahiya naman sayo, nag abala kapa." Sabi ni Aliyah, ngitian lang siya ng hilaw ni Timothy.

Kinuha ko yung coke in can tsaka yung fries na inorder ko. 

Maya maya  biglang nag vibrate yung cellphone ko. May nag text. Pinindot ko yung power button para tignan yung notification sa lock screen. From unknown number?

Binuksan ko yung cp ko para basahin yung message.

From: 0948*******

Hoy babaeng tabla. Am i doing great?

"S-sino to?" Napalingon ako kay Timothy. Siya lang kase yung naalala kong tumawag sakin ng ganon. Pagtingin ko sa kanya nakatingin din siya sakin. Tumaas yung kanang kilay niya sabay type ulit sa keyboard niya.

From: 0948*******

What are you looking at?

So siya nga? Pano niya nakuha yung number ko? Nag tipa ako sa cellphone ko para replyan yung text niya.

To: 0948*******

San mo nakuha yung number ko?

Tumingin ako sa lamesa. Kumuha ako ng fries sabay subo sa bibig ko. Maya maya nag vibrate ulit yung phone ko.

From: 0948*******

Hindi na mahalaga 'yon. Kailan matatapos 'tong pag papanggap ko?

Hindi ko na sinagot yung text niya. Nag focus nalang ako sa pagkain. Nag uumpisa pa nga lang, nagtatanong agad kung kailan matatapos.

"Sis, baka pwede mo naman kaming ipakilala sa mga kaibigan ni Timothy." Bulong ni Ari kay Aliyah. Hindi ko sinasadyang marinig yung sinabi niya pero ang lakas kase ng boses niya.

"Drake, Wade, eto nga pala si Ari at Laila mga kaibigan ko." Pakilala ni Aliyah kina Laila at Ari. "At siya naman ang ate ko, si ate Elaine." Sabay turo niya sakin.

"Hi? Im Wade." Naglahad ng kamay si Wade kina Laila at Ari na tinanggap naman nung dalawa. Medyo nabigla ako dahil naglahad din siya ng kamay sa harapan ko. As if naman na hindi kami naka pag-usap sa labas ng classroom nila. "Hi? Im wade."

Wala nakong nagawa kundi tanggapin nalang yung pakikipag kamay niya.

"Hi?" Ani Drake na hindi na nag abala pang makipag shake hands. Pagtapos niya kumaway bumaling na ulit siya sa kinakain niya. Suplado!

"Timothy?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

Kumalabog yung puso ko ng tumambad sa harapan namin si ma'am canlas. Nakangiti siya habang nakatingin kay Timothy. Binati namin siya kaya naman binati niya rin kami.

"Pwede ko bang mahiram sandali si Timothy? May sasabihin lang akong importante sa kanya." - ms canlas.

"Pwedeng pwede po ma'am." Sabi ni Wade na malaki ang ngiti sa labi. "Kain po ma'am?" Mukang malaki ang respeto niya kay ma'am Canlas.

"Sige lang."

"Ma'am lalo po kayong gumaganda." Sabi ni Wade.

"Talaga ba? Palagi kase akong inspired."

"Woaahhh, kaya pala blooming ka lagi ma'am ah?" Pagbibiro ni Ari. Natawa lang si ma'am dahil sa sinabi niya.

Tinignan ko si Timothy. Titig na titig siya kay ms. canlas. Napaka genuine ng ngiti niya kay ma'am unlike kay Aliyah.

"Ang swerte ni Timo dahil may stepmom siyang mala artista ang ganda. Ang galing talagang mag alaga ni tito Rey." Sambit ni Wade.

Nawala yung ngiti ni ma'am canlas ng banggitin ni Wade yung pangalan ng tatay ni Timothy, ganon din si kumag. Naging seryoso yung mga muka nila. Mukang wala namang nakapansin dahil lahat sila bumaling  na ulit sa pagkain.

Tumayo si Timothy sa kinauupuan niya para lumapit kay ma'am. "Bakit?" Tanong nito.

"Sumunod ka sakin." - ms canlas.

Hindi pa sila nakakalayo ng sumigaw ng malakas si Aliyah. "Babe, balik karin agad ha?"

Napalingon si ms. canlas sa kapatid ko at tinignan niya ito ng masama. Hindi naman napansin ni Aliyah 'yon dahil kay Timothy siya nakatingin.

"Sure." Sagot ni Timothy at tuluyan na silang umalis.

Bakit kaya tinawag niya si Timothy?