ELAINE'S POV
Pag uwi namin sa bahay, hinatid ko si Aliyah sa kwarto niya. Mabuti nalang at medyo okay na siya.
"Ate, kailan mo kakausapin si Timothy? Kailan mo siya kukumbinsihin na makipag balikan sa'akin?" - Aliyah.
"Ako nang bahala. Basta ayusin mo muna 'yang sarili mo. Magpahinga ka. Wag kang mag-isip ng mag-isip. Basta gagawa ako ng paraan para balikan ka niya."
"T-talaga? Salamat ate ha? Parang kailan lang tinututulan mo pa'ko pero ngayon sinusuportahan mo na'ko!"
"Sige na, magpahinga ka muna. May gagawin lang ako." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"S-sige."
Binigyan ko siya ng isang ngiti bago marahang sinarado ang pintuan ng kwarto niya. Paglabas ko, nagtungo agad ako sa kwarto ko na kaharap lang ng kwarto ni Aliyah.
Naupo ako sa dulo ng kama kung saan naka pwesto ang computer ko. Sinaksak ko yung mga kurdon at binuksan ang cpu. Ika-copy ko sa computer 'yung video na narecord ko. Mahirap na, baka pag pinakita ko kay Timothy yung video na nasa cellphone ko ay baka mabura niya. Mas maganda nang may reserba.
Pagtapos kong i-copy yung video nagpatugtog ako sa youtube. Hininaan ko ng konti yung speaker dahil sobrang lakas. Maya-maya pa ay binagsak ko ang sarili ko sa kama at tumunganga sa kisame.
Nai-imagine ko parin yung posisyon ni Timothy at ni ms. canlas doon sa abandonadong classroom. Pati ba naman teacher hindi niya pinalampas? Ganon ba talaga siya ka hayok sa laman?
Imbis tuloy na kagalang-galang ang tingin ko kay ms. canlas ay nalalaswaan nako sa kanya.
Kinuha ko 'yung cellphone ko. Nag bukas ako ng faceboom at in-stalk 'yung account ni Timothy. Baka may mahanap pako na pwedeng ipang blackmail sa kanya.
Sinearch ko yung pangalan niya sa search bar. Nang makita ko yung account niya nanlaki ang mga mata ko.
Agad kong clinick 'yung cover photo niya na nakaagaw ng pansin ko.
Makikita sa picture si Timothy pati narin ang tatay niya, kasama nila si ms. canlas. Nasa gitna ang science teacher ko, sa kanan niya nakatayo ang tatay ni Timothy na naka akbay sa bewang niya. Nasa kaliwang banda naman si Timothy na naka peace sign. Nakangiti silang tatlo. Mukang masayang-masaya sila nung mga oras na'yon.
Anong ibig sabihin nito?
Naka-tag sa picture si ms. canlas pati narin 'yung papa niya. Dahil sa curious ko tinap ko yung pangalan ng teacher ko.
Tumambad sakin 'yung profile picture ni ms. canlas. Magkasama sila ng tatay ni Timothy. Magkayakap sila at makikita sa background ang Eiffel tower.
Binasa ko yung caption.
Starry night under the Eiffel Tower. #WithDarling #Paris
Hindi ako makapaniwala sa naiisip ko.
So stepmom pala ni Timothy si ma'am canlas? Pero..... pero bakit nila ginawa 'yun? Anong ibig sabihin 'nung nakita ko? Tsaka bakit Love ang tawag sa kanya ni ms. canlas? Family stroke lang ang peg!? Gosh!
In-off ko yung phone ko at nilapag ito sa dibdib ko. Kinikilabutan ako.
Pati sarili niyang stepmom pinatos niya? Mas malala pa 'tong nalaman ko ngayon.
~*~
Kinabukasan inagahan ko ang pag punta sa school. Mabilis akong naglakad sa malawak na corridor ng aming paaralan. Hahanapin ko si Timothy. Gusto ko siyang makausap!
Pumunta ako sa classroom nila. Sumilip ako sa bintana, wala pang teacher pero may mangilan-ngilan ng estudyante. Tinignan ko isa-isa 'yung mga pagmumuka nila. Wala siya rito. Nasaan nanaman kaya 'yon?
"Hey?" - Wade
"Ayyy jutayy!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot yung muka ni Wade sa harap ko. Bwisit! Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to!
"Grabe ka naman, hindi ako jutay no!" Sabi niya sabay labas ng classroom nila. Ang tangkad niya, tulad ni Timothy ay makisig din ang pangangatawan ng isang 'to. Singkit ang mga mata niya na kulay brown. Light brown ang buhok nito na naka bagsak. He looks angelic and carefree lalo na't pag pinansin mo ang perfect angle ng kanyang panga. Soft ang features ng muka ni Wade unlike Timothy na maangas.
"Nakakagulat ka kasi."
"Sino bang hinahanap mo?" Tanong niya. Hinimas niya yung baba niya sabay kindat. "Ako ba?"
"Ang kapal rin pala ng muka mo no? Magkaibigan nga talaga kayo ni Timothy."
"Biro lang. Wag masyadong high blood." - Wade
"May itatanong sana ako---" Naputol 'yung sasabihin ko nang may biglang sumabat.
"Sino 'yan Wade? Girlfriend mo?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, sa may bandang likuran ko. Si Drake, nakasandal siya sa kabilang pintuan. Naka crossed arms siya na akala mo model ng isang sikat na magazine.
"Hindi niya ko girlfriend at hindi ko siya boyfriend. Nandito ako dahil hinahanap ko si Timothy. May mahalaga akong sasabihin sa kanya, alam niyo ba kung nasaan siya?"
"Oh, isa karin ba sa mga babaeng nagpapantasya sa kaniya?" - Drake.
"Nope. Isa ako sa mga haters niya."
"Easy hahaha, wala siya rito. Kakalabas niya lang." - Wade.
"San siya nag punta?"
"I don't know?" Nagkibit balikat si Wade habang naka pout. Ang cute! Muka siyang puppy.
Tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad. Nang madaanan ko si Drake ay bigla siyang nagsalita.
"Sandali." Sabi niya sa isang maangas na tono. Huminto ako at hinarap siya. Muka siyang seryoso at suplado. He's also tall ang have this smug looks on his face, as usual. Matalim siya kung tumingin. Nadedepina yung panga niya sa tuwing nagsasalita siya. Kung mestizo sina Timothy at Wade, moreno naman ang balat ni Drake. Mahaba ang pilik-mata nito na lalong nagbigay buhay sa mga mata niya. "Nakita ko siyang dumiretso sa cr ng girls kanina. Tignan mo nalang kung nandon pa ba siya."
"Ano naman ang ginawa niya 'don bro?" Takhang tanong ni Wade.
"Parang di mo naman kabisado si Timo." - Drake.
Hindi na ko nagsalita pa. Paalis nako nang bigla nanamang nagsalita si Wade. Nak ng teteng!
"Uy miss, san ka pupunta?"
"Kay Timothy?" Wala sa sariling saad ko. Kailangan ko nang makausap si Timothy dahil baka mamaya dumating na sila Ari at Laila dito sa school. Ayokong magtaka sila pag nakita nilang kinakausap ko 'yung tukmol.
"Wait, what's your name?" - Wade
"Elaine." Pagtapos ko siyang sagutin ay hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Umalis na agad ako at nag punta sa cr.
Hindi kaya magkasama nanaman sila ni ma'am Canlas? Napailing nalang ako sa aking naisip at hindi na nag-isip ng kung ano-ano pa. Ang importante masabi ko kay Timothy ang mga gusto kong sabihin.
Pagdating ko sa cr pumasok agad ako sa loob nito. Mayroon ditong apat na cubicle. Isa-isa kong tinulak ng marahan 'yung mga pinto pero walang tao. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay.
Nung nasa ika-apat na cubicle na'ko dahan-dahan kong hinawakan yung pinto. Nagulat ako dahil hindi naka lock iyon. Dinikit ko ang tainga ko sa pintuan upang alamin kung may tao ba sa loob.
"Lumipat kaya tayo? Hindi kase ma-lock yung pinto, naka yupi yung bakal." Tinig iyon ng isang babae. Mahina lang ang pagkaka bulong nito pero sapat na para maintindihan ko.
"Don't worry, akong bahala." Sagot naman nung lalaking kasama niya.
Ngayon sigurado nakong si Timothy nga 'yung nasa loob kaya walang anu-ano paman ay tinulak ko ng malakas 'yung pintuan ng ika-apat na cubicle. Bumungad sakin si Timothy pati narin ang isang babae.
Bakas sa muka 'nung babae ang pagka gulat, samantalang wala namang reaction yung muka ni Timothy.
"Excuse me miss, mamaya niyo na 'yan ituloy dahil may importante kaming pag-uusapan ng lalaking 'to!"
Mukang aangal pa 'yung babae pero hinila ko na 'yung braso niya sabay tulak palabas ng banyo. Sinubukan niya pang itulak pabalik 'yung pinto kaya ni-lock ko agad. Kating kati na ata si ate girl!
Ayokong may umeksena pag nag usap na kami ni Timothy. Gusto ko kaming dalawa lang dahil sisiguraduhin kong wala siyang pagpipilian kundi ang sumunod sa gusto ko.
"Do I know you? Anong pag uusapan natin at kailangan mo pang istorbohin ang make out session namin?" Naka kunot noong tanong niya pagkalabas sa ika-apat na cubicle.
Lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng malakas.
"Walang hiya ka! Ang sama sama mo!Napaka demonyo mo!"
Pinagpapalo ko siya gamit ang kamay ko. Kung saan-saan siya tinatamaan, sa balikat, sa braso at sa dibdib. Nung tatamaan siya sa muka bigla niyang sinalo yung kamay ko.
"Ooopss, nakakaisa kana. Baka magasgasan mo ang kagwapuhan ko."
Nagulat ako nang bigla niya kong dinikdik sa pader. Ang lakas niya. Hindi ko matanggal yung dalawang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. He cornered me.
Nilapit niya 'yung muka niya sa muka ko. As in sobrang lapit!
"Are you crazy? Kulang kulang kaba sa pag iisip? Nagpunta ka rito para lang saktan ako?" Ramdam ko yung hininga niya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panginginig. Bigla kong nakalimutan yung mga sasabihin ko.
Grrr.. Hindi maari! Nadi-distract ako sa muka niya. Yung galit na nararamdaman ko kanina bigla nalang nawala. Pilit kong kinakalma yung sarili ko at pilit ko ring iniisip kung ano nga bang dahilan at bakit nag punta ako rito.
"Wala kang awa! Bakit mo binaboy yung kapatid ko! Pagtapos mong kunin yung gusto mo kay Aliyah bigla mo nalang siyang iiwan! Napaka sama mo! 'Yan ba ang libangan mo? Ang manloko ng babae!?" Sa wakas nakakapa rin ako ng mga salita.
"So, nagpunta ka rito to take revenge?" Mas lalo niya pang inilapit yung muka niya sa muka ko.
Konti nalang mahahalikan niya nako. No way!
"Oo! At for sure magugulat ka sa sasabihin ko!"
"You are beautiful...." Mas lalo akong nanginig. Sinubukan kong pumiglas pero mas lalo niya lang hinigpitan yung pagkaka hawak sa dalawang braso ko. Nagulat ako ng bumaba yung tingin niya sa dibdib ko."Kaso nga lang flatchested ka. Para kang tabla na tinubuan ng paa at kamay." Aniya.
Anong sabi niya!? Ang kapal ng muka niyang sabihan ako nang ganon!
Tinitigan ko siya ng masama sa mga mata. Pag nakawala ako rito humanda siya.
"What will you do if i kiss you right now?" Ngumiti siya ng nakakaloko.
Kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ako papayag! Hindi! Hindi! Hindi!
Hindi ako nagsalita dahil baka totohanin nga niya yung sinabi niya.
Tumingin siya sa mata ko, sa ilong, at pababa sa labi.
"Oh sige, papakawalan muna kita. Bilisan mo lang sa sasabihin mo." Binitiwan niya ko sabay talikod. Naglakad siya ng konti palayo.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko katapusan ko na. Kinabahan talaga ako ng sobra sobra.
Hindi pa'ko nakaka recover ng bigla ulit siyang humarap. Lumapit siya sakin at hinalikan ako ng marahas. Pilit akong kumakawala. Pilit ko siyang tinutulak pero di ako makapalag. Ugh!
Nung tumigil siya ay tsaka lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na itulak siya palayo. OMG! Yung first kiss ko!!!! Yung first kiss ko! Aaaaaahhh!!!!
"Manyak! Bakit mo'ko hinalikan! Ang kapal talaga ng muka mo!!!" Hinihingal na sabi ko. Walang hiya 'tong kumag na'to.
"Alam ko namang nag enjoy ka. Bat hindi pa natin tapusin 'to?"
Naglakad ulit siya palapit sakin. Ano nanaman ang binabalak niya!!!?
Natatarantang dinukot ko yung cellphone sa bulsa ko. Agad kong clinick yung gallery sabay pakita sa kanya nung video na narecord ko.
"Ano 'yan?" Takhang tanong niya.
"Sex video mo lang naman 'to at ni ms. canlas. Sige, subukan mo lang gumawa ng maling hakbang hindi ako magdadalawang isip na ikalat 'to!"
Napalitan ng galit yung kaninang nakalalokong ekspresyon sa muka niya. Bigla siyang naging seryoso.
"San mo nakuha 'yan?"
"Hindi na importante kung saan ko nakuha 'to. Wala kana don! Hoy manyak makinig ka!" Dinuro ko siya. "May iuutos ako sa'yo at pag di mo ko sinunod, pasensyahan nalang tayo."
Mabilis niyang inagaw sa kamay ko 'yung cellphone. Nagpipindot siya sa screen nito. Teka, anong ginagawa niya?
"Sorry nabura ko na. Pano ba 'yan?"
Anong tingin niya sakin timang? Malamang alam ko na mangyayari 'to kaya gumawa agad ako ng reserba. Hindi ba siya nag iisip?
"Wala akong paki kung burahin mo man 'yan. Anong palagay mo sa'kin tanga? Kahit burahin mo pa 'yung video, na copy ko na'yon sa computer ko."
"A-anong sabi mo?" Gulat na tanong niya. Pinag papawisan na siya. Nararamdaman ko ang nerbiyos niya.
"And guess what? Alam ko rin na step mother mo si ma'am canlas. Pano kaya kapag nalaman ng tatay mo ang sikreto niyo? Hindi ko mai-magine kung anong gagawin niya sa inyo."
"W-what do you want? Just tell me!"
"Gusto kong itigil mo na ang pagiging babaero mo. Balikan mo si Aliyah! Balikan mo ang kapatid ko!"
"Nahihibang kana ba? Why would i do that?"
"Oh sige, ayaw mo? ipo-post ko sa faceboom 'tong video niyo para pag piyestahan kayo ng maraming tao!" Pag babanta ko. Umarte ako na kunwari ay nagpipindot sa screen.
"Shut up!!! Oo na, sige na! Pumapayag na'ko! Pero wag kang umasang mamahalin ko ang kapatid mo, dahil hinding hindi mangyayari 'yon." Namumula na sa galit yung muka niya.
"Listen, gusto kong makinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Hindi pwedeng sumuway ka or else alam mo na kung anong gagawin ko. Lahat ng utos ko susundin mo. Lahat ng ipapagawa ko gagawin mo. Hindi ka pwedeng tumigil hanggat hindi ko sinasabi. Naintindihan mo ba?"
"....." Hindi siya maka sagot. Nakatitig lang siya sa'kin ng masama.
"Ang sabi ko naintindihan mo ba?"
"O-oo."
Napangiti ako ng ma-realize na hawak ko na sa leeg ang campus hearttrob.
Tinapunan ko siya ng tingin bago ako lumabas ng cr. Ngayong may hawak na'kong panlaban sa kanya, hinding hindi niya na masasaktan pa ang kapatid ko. Sa wakas! Matutupad na rin 'yung pangako ko kay Aliyah.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Mygad, late nako! Tumakbo ako ng mabilis patungong classroom.
Kumatok ako sa pinto bago ito binuksan. Nagulat pa'ko ng makita si ma'am canlas na nakatayo sa harap ng blackboard.
Ayy shet, wednesday nga pala ngayon. Siya ang first subject namin sa araw na'to.
"Sorry ma'am im late."
"Come in." Aniya.
Pumasok nanaman sa isip ko yung imahe nilang dalawa ni Timothy.
Grr.. Never mind.