Chereads / The Secret Of Campus Hearttrob / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

ELAINE'S POV

"Pano ba malalaman pag in love ka?" Tanong ng kapatid kong si Aliyah.

Binaba ko yung librong binabasa ko bago siya tignan. "Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Wala, curious lang."

"Curious lang? Oh baka naman may nagugustuhan kana?" Sabi ni Ari, ang marupok naming kaibigan. Hanggang leeg ang buhok nito na naka rebond. Morena siya, curvy at matangkad. Siya yung tipo ng babaeng mabilis ma-attached sa lalaki. Konting pambobola lang napo-fall agad, kaya ang ending palagi siyang umiiyak.

"Wala pa kong nagugustuhan no! Naguguluhan lang kase ako e. Pano mo malalaman kung crush mo lang ba yung isang tao or in love kana?"

"Hindi mo itatanong 'yan kung wala lang. Umamin ka na... may boyfriend kana no?" Panunukso ni Laila, ang pinaka matalino sa'ming apat. Maputi siya at petite. Hanggang bewang ang buhok nito na wavy at may bangs. Siya ang genius sa'ming magkakaibigan. Laging kasama sa mga top at palaging may naiuuwing award kada quarter, like certificate, etc. pero hindi siya nerd ha.

"Curious nga lang ako. Wala pa kong boyfriend!" Pagde-deny ni Aliyah.

"Okay, sabi mo eh." - Ari.

Nasa malawak na quadrangle kami ngayon. Nakaupo kami sa isang bench na naka pwesto sa ilalim ng malaking puno. 30 mins pa bago magsimula ang klase kaya't naisipan muna naming tumambay rito.

"Mas malalim ang word na 'in love' kesa sa word na 'crush'. Panimula ni Laila. "Kapag sinabi mong crush mo ang isang tao, it means humahanga ka sa kaniya o may nakita kang magandang katangian sa taong iyon. Halimbawa, nagustuhan mo 'yung isang lalaki dahil gwapo siya, it's called admiration." Titig na titig si Aliya kay Laila. Mukang inaabangan niya talaga 'yung mga susunod na sasabihin nito. "Samantalang pag 'in love' ka naman. Hindi mo alam kung ano ba 'yung nakita o nagustuhan mo sa isang tao. Love has no reason. Halimbawa, may nararamdaman ka para sa isang lalaki, hindi dahil sa gwapo siya, hindi dahil sa matalino siya, may nararamdaman ka sa kanya kase ewan mo, basta bigla mo nalang siyang nagustuhan nang hindi mo alam kung ano ba ang rason." Napatango ako sa paliwanag ni Laila. Agree ako sa mga sinabi niya. "You may have a 'crush' on anyone but you cannot be in 'love' with every second person you are so magnetically attracted to. Someone has rightly said, you see what you like in your crush, but in love, you like what you see in your love. Crushes are about temporary infatuation; love is about soul bonding. And that's the big difference between love and crush."

"So alin ba sa dalawa yung nararamdaman mo?" Bigla kong tanong kay Aliyah. Napasapo siya sa noo niya. Para bang rinding-rindi na siya sa paulit-ulit naming tanong.

"Okay, okay. May nanliligaw sakin at alam ko yung dahilan kung bakit nagustuhan ko siya." Paliwanag niya.

"SINO!?" Sabay-sabay naming tanong. Wala kase siyang nako-kwento sa'min tungkol rito.

Siya yung tinuturi naming bunso dahil siya ang pinaka bata saming apat kaya interesado kaming makarinig nang mga kwento tungkol sa kanya.

NBSB si Aliyah, ang malaman na may nagugustuhan na siya ay kakaiba sa aming pandinig.

"Naglilihim kana ha?" - Ari.

"Hindi naman sa 'ganon. Sasabihin ko rin naman sa inyo kapag sinagot ko na siya. Kaso nga lang ang kukulit niyo kaya hindi na surprise."

"At sino naman ang maswerteng lalaki na'yan?" Tanong ko. Nagdadalawang isip siyang sabihin. Para bang hindi kami maniniwala kapag sinabi niya yung pangalan 'nung nanliligaw sa kanya.

"Tsaka ko na sasabihin sa inyo. Makilala niyo rin siya." Walang ganang sagot niya.

Naagaw ang atensyon namin ng mga nakabibinging tilian at sigawan ng mga babaeng malapit sa pwesto namin.

"Kyaaaahhhh!!!"

"Look, girls! Padating na si Timothy dito!"

"Grabe! Napaka gwapo niya!"

"OMG! Ang hot!"

Napatingin kami sa gawi ni Timothy. Palapit na nga siya sa lugar namin kaya parang lamok ang mga fangirls niya na bigla nalang nagsulputan.

Mag isa niyang tinatahak ang malawak na quadrangle habang nakapamulsa. Sobrang puti niya na akala mo araw-araw nagtuturok ng gluta. Namumula-mula yung pisngi niya, dahil siguro sa init ng klima. Wala man lang kahit isang tigyawat, wala ding ka pores-pores ang muka. Napaka kinis!

Hindi nakapagtataka kung bakit pinapantasya at kinababaliwan siya ng mga kababaihan dito sa campus. Lalaking lalaki ang dating. Matangos ang ilong, mapula ang labi, itim na itim ang buhok na medyo magulo pero bumagay naman sa kaniya. 'Yung jawline, 'yung adams apple, 'yung makapal at masungit na kilay, 'yung mga matang mapupungay na kapag tinignan ka ay tagos hanggang kaluluwa, yung matambok na puwet at 'yung malaki at maugat niyang mga braso, nakakamangha lang.

Gwapo nga pero pangit naman ang ugali. Balewala din!

He is Timothy Tancueco - Who made a thousand girls cry. Gwapo, matalino, mayaman at isang mvp ng basketball team. Tinagurian siyang 'boyfriend ng campus' dahil sa dami nang girlfriend niya. Ang pinaka matagal niya atang naging karelasyon is within 3 days but still marami parin ang nagkakandarapa sa kanya, kung bakit? Basahin niyo ulit yung description ko sa kanya sa itaas.

Sa kabila ng mga isyu at bali-balita tungkol sa lalaking 'yan ay marami paring babaeng pumapayag na maging girlfriend niya. Marami paring babae ang pumapatol kahit na alam naman nilang babaero at manloloko yung gagong 'yon.

Akala mo nangongolekta nang babae sa dami ng kalandian. Parang nagbibihis lang ng damit kung makapag palit ng girlfriend.

Kahit saan nakikipag laplapan. Kahit saan gumagawa ng eksena. Walang pinipiling lugar. Kung kani-kanino pumapatol, may cheerleader, may mvp ng volleyball team at marami pang iba. PDA kung PDA!

Katabi lang nang classroom namin yung classroom nila Timothy. Mag kaklase sila ni Laila, parehas brainy. Ewan ko lang kung nagpapansinan ba sila pero wala namang naiko-kwento sa'min si Laila at hindi rin kami interesado.

Magkaklase kaming dalawa ni Ari, si Aliyah nasa ibang section siya. We're in the same year na at sabay sabay kaming ga-graduate. Yes, 4th year na kami at ito na ang huling taon namin dito sa Pressman High.

"Gosh, ang lakas talaga ng appeal niya." Bulong ni Aliyah pero sapat na para marinig ko. Tinignan ko siya. Tulad nang ibang babae ay kumikinang rin ang mga mata niya. Kinurot ko nga siya sa pisngi.

"Aliyah, makinig ka nga sakin."

"H-ha?" Bakit?" Painosente niyang tanong.

"Mag promise ka sakin na kahit anong mangyari hindi ka papatol sa lalaking 'yan! Kung sakaling manligaw man siya sayo busted-in mo agad! Naintindihan mo ba?" Aba, hindi malayong ligawan ng Timothy na'yan ang kapatid ko.

Maganda si Aliyah, mukang artistahing koreana, maganda rin ang pangangatawan niya. Mayroon siyang malaking hinaharap bagay na pinagkaitan ako.

Oo, flatchested ako pero bawing bawi naman sa muka no!

Parehas kaming maputi ni Aliyah, mas maputi nga lang siya. I have a waist length hair samantalang hanggang dibdib naman ang sa kanya. Her hair is black, shiny and straight while mine is dark brown na may pagka wavy. Meron akong malalim na dimple bagay na wala siya. I have this heart shaped face that strongly taper toward chin, chinted to be pointy and forehead maybe a promiment feature, while her face is chubby cheeks. I have this nordic nose and heart shaped lips while her nose is classic greek and she has thin lips.

"O-oo naman. Hinding hindi ako papatol sa Timothy na'yan. Wait, bakit ba naisip mo na liligawan niya ko? Don't tell me bet mo siya kaya ngayon palang pinagbabawalan mo nako." Bigla siyang tumawa.

"Never! Knowing Timothy? Ang dakilang babaero? Hindi ako mag aaksaya ng oras at panahon para sa mga tulad niya. Wina-warning-an lang kita, who knows baka ligawan ka niya? Hindi malabong mangyari 'yon. Ayoko lang na madali ka ng loko-loko na 'yan."

"Bakit ang nega mo? Tsaka ang advance mo mag isip. Kung sakaling maging kami man, I'm sure na magbabago't magbabago siya para sakin."

"At pano ka nakasisiguro?"

"Napi-feel ko lang. Malay natin?" May halong panunukso yung mga binitiwan niyang salita.

"Aliyah!"

"Easy hahaha. Joke lang!" Nag peace sign pa ang loka-loka.

"Ang malas ng babaeng mapapangasawa niya. Gwapo nga babaero naman." - Ari

"Sinabi mo pa. Sobrang libog nang lalaking 'yan. Makakawawa lang yung babae dahil aaraw-arawin niya." - Laila

*Kring...Kring...*

Tumunog na 'yung bel hudyat na kailangan na naming pumasok sa aming mga classroom.

Nag paalam na kami nila Ari kay Aliyah since siya lang naman yung naiiba ng direksyon. Bumeso kami sa kanya.

"See you later." Ani Aliyah. Ang laki nang ngiti niya.

"Kitakits nalang sa canteen." - Laila.

"Bye na sis! Mamaya mag kwento ka about sa manliligaw mo ah?" - Ari.

"Mag-aral ng mabuti." Sabi ko sa kapatid ko bago namin tinalikuran ang isa't isa.

Dumiretso na kami ni Ari sa aming classroom, ganon din si Laila.

"Girls, nandiyan na si trypophobia!" Sambit ni Athena pagkakita niya kay Ari. Sabay-sabay pa silang umarte na parang nasusuka ng mga alipores niya, pagtapos ay bigla silang nagtawanan.

Ang aga-aga nang iinis na agad 'tong mga espasol girls na'to. Bakit espasol girls? Kung makapag lagay kase ng cream sa muka sobrang puti. Mestiza yung ulo tapos morena yung katawan. Alien lang ang peg?

Alam niyo ba yung trypophobia? Ito yung mga nakikita nating kamay at mga bagay na may butas-butas na pictures na kumakalat sa faceboom. Diba nakakadiri at nakakainis makakita ng ganung pictures? Ayan yung tinatawag nila kay Ari dahil maraming pimples ito. Bagama't kahit medyo hindi makinis ang muka ay litaw parin ang ganda nito. Masyado lang talagang insecure 'tong mga babaeng 'to kaya umaarte sila ng exaggerated. Mga OA!

"Pwede ba? Wala kaming panahon para sa mga nonsense na katulad niyo---" Napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan ako sa braso ni Ari.

"Wag kayong umasta na parang ang gaganda niyo. Teka, anong brand ba ng make up ang gamit niyo?" Tanong ni Ari sa espasol girls.

"Wag mo ng tanungin dahil hindi bagay sayo dear. Kylie make up kit lang naman." Pagmamayabang nung isa.

"So Kylie pala ang gamit niyo? Pag nag make up kayo siguraduhin niyong gaganda kayo hindi yung nagmake up na nga kayo ang papangit niyo parin! Nakakasira lang kayo ng pangalan ng brand." Nagtawanan yung mga nakarinig kaya nalukot yung muka nila Athena.

"Aba't---" Hindi na nakapag salita pa si Athena dahil dumating na yung first subject teacher namin.

"Class."

Nagsi upuan kami sa mga bangkuan namin. After a few minutes nagturo na si sir evangelista sa harapan at syempre nakinig lang kami sa mga dini-discuss niya.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

Pagtapos ng ilang subject tumunog na 'yung bell, syempre lahat kami excited na sa lunch. Habang pinapasok namin yung mga gamit namin sa loob ng aming bag, dumaan sila Athena.

"Sorry ah" Sambit ni Athena habang nakatingin kay Ari. Mukang sincere siya sa pagkakabigkas ng mga katagang iyon. "Don't think that you're ugly." Nagkatinginan kami ni Ari. Mabuti naman at humihingi na sila ng apologize. Nakakasawa narin kaseng pumatol sa mga isip bata e. "You are. But just don't think." Pagtapos ay bigla silang nagtawanan. Tinalikuran nila kami at lumabas na ng classroom.

"Wag mo nalang intindihin." Sabi ko at niyaya na siyang pumunta sa canteen.

Pagdating namin sa canteen, nandon na si Laila pero wala si Aliyah. Nasan kaya 'yon? Nakapwesto siya sa table na malapit sa bintana. Agad kaming lumapit sa kaniya at sabay-sabay kaming umorder ng pagkain sa counter. Nang makuha nanamin yung mga order namin ay naupo na kami.

"Nasan si Aliyah?" Tanong ko kay Laila na akmang kakagat sa burger na hawak niya. Favorite niya 'yan. Sa bawat araw na lumilipas burger at sprite in can ang laging ino-order niya

"Ewan ko? Pagdating ko rito hindi ko siya nakita. Bakit? Hindi niya ba kayo dinaanan?" Sagot nito na tuluyan nang kumagat sa pagkain niya.

"Hindi e." Ani Ari. "Saan naman kaya pupunta 'yon?"

"Tsk, sino 'yang kasama ni Timothy?"

"New toy, for sure!"

"Hindi rin magtatagal 'yan."

"In the end, iiyak din siya."

Rinig naming bulungan ng mga estudyante. Napalingon kami sa entrance ng canteen. Halos mabuga ko iyong iniinom ko dahil sa natatanaw ko, ganoon din sina Laila at Ari.

Naglalakad si Aliyah papasok sa etrance ng canteen habang nakakapit sa braso ni Timothy. I'm shocked.

"Kaya pala wala si Timothy 'nong huling subject ay dahil magkasama sila." - Laila.

"Nag aalala ako para sa kapatid mo, Ely." Sabi ni Ari.

Binalaan ko na siya pero di niya ko sinunod.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ni Aliyah pagkalapit niya sa amin. Inalalayan siya ni Timothy sa pag upo. Nilapag niya sa table yung bulaklak na hawak niya bago bumeso kay Timothy.

"Bye for now. See you later." Sabi 'nong mokong na titig na titig sa kapatid ko.

"Sure, thank you sa flowers." Tinuro ni Aliyah yung mga bulaklak.

"Your welcome, yung usapan natin ha? I'll fetch you later." Kumindat pa si Timothy sa kapatid ko bago lumabas ng canteen.

"Anong ibig sabihin nito?" Kinuha ko yung bulaklak at hinarap ko sa kanya. "Kayo na ba? Kailan pa?"

"Ate, sasabihin ko naman sana sa inyo e. Kaso napangunahan ako ng kaba dahil alam kong tututol ka."

"Alam mong babaero si Timothy pero pumayag ka parin na maging girlfriend niya." Naiinis na sabi ko. Ito na nga ba 'yung kinakatakot ko e. First boyfriend ni Aliyah si Timothy at natatakot akong lokohin lang siya nito at iwanan sa bandang huli.

"Sobrang sweet niya sakin. Pakiramdam ko ay seseryosohin niya ko. Ate, ako ang magpapabago sa ugali niya." Paliwanag niya.

"Hindi mo kilala si Timothy. He's a jerk. Siya yung tipo ng lalaking paglalaruan lang yung feelings mo tapos parang bula na mawawala pag nahulog kana." Bumuntong hininga si Ari bago tumingin sakin.

"Ihanda mo ang sarili mo Aliyah. Hindi mo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari." Hinigop ni Laila yung drinks na hawak niya. Nakatingin siya kay Aliyah na para bang alam niya na ang kahihinatnan nito.

"No! Papatunayan ko sa inyo." Bigla siyang tumayo at hinigit sa kamay ko iyong bulalak. "Ipapakita ko sa inyo na mali ang iniisip niyo." Tinalikuran niya kami at mabilis na naglakad palabas ng canteen.

Pano na'to? Anong gagawin ko?