RUBBER SHOES AND STILETTOS
Ang sabi nang iba, Matutukoy ang estado nang buhay ng isang tao sa pamamagitan nang isinusuot nang kanilang mga paa.
Kung ito ay Tsinelas lalo na kung ito ay halos magutay na nang dahil sa kalumaan, maikukumpara ang pagsusuot nito sa buhay ng isang tao na mayroon isang kahig-isang tukang pamumuhay. Kung ito ay Rubber Shoes naman, masasabing kahit papaano ang nagsusuot nito ay unti-unti nang umaangat patungo sa masaganang pamumuhay. Kung ito naman ay Stilettos, ang nagsusuot nito ay maituturing na napakasuwerte sapagkat lahat ng kailangan nito sa buhay ay nasa kanya na at wala ng hahanapin pa.
Pero para sa akin hindi ito ang dapat maging batayan kung paano kikilalanin ang isang tao. Hindi lahat ng nakikita ng mata ay maituturing na totoo. Sa likod ng mga isinusuot nila sa kanilang mga paa, nariyan ang iba't ibang uri ng mga kuwento nang pakikipagsapalaran sa buhay, mga pagkataong hindi mo aakalain na ganoon pala ang kanilang pinagmulan at kung paano sila nagsimula.
Ang buhay ay para rin ang mga isinusuot mo sa paa. Maraming baon na kuwento ng pakikibaka sa buhay. Maraming karanasan maiibahagi. Kung saan ka man dalhin ng kapalaran mo, nang iyong paglalakbay sa pamamagitan ng patuloy na paglalakad kahit ano pa man ang suot mo sa paa, isa lang ang sigurado. Handa mong gawin ang kahit na ano maabot mo lamang ang nais mong abutin. Marating mo lamang ang nais mong marating.