Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Who's the Killer?

šŸ‡µšŸ‡­HaresPratum
--
chs / week
--
NOT RATINGS
66.9k
Views
Synopsis
(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.
VIEW MORE

Chapter 1 - S Y N O P S I S

SA ISANG napakatahimik na larawan, tanawin na siyang magbabadya'y kamatayan ang siyang pinupuna. Pamilya't pagkakaibigan ang nag-iisa, ngunit sa mga panahon na darating isang malaking sigwa ang kanilang makababangga. Ang tanong makakayanan ba nila ito? Malalagpasan kaya nila ang isang unos na minsan lang sa kasaysayan ng tao?

Isang Babae-ang magtatangkang baguhin ang lahat, na gagawin na maibalik ang dati; nang walang pag-aalalang tinatamasa. Sa pagdating ng panahon, magagawa pa kaya niya itong ninanais niya, kung ang puso niya ay iba ang pinipili.

Pagsasabayin ang dalawa, dalawa ang makukuha ngunit, buhay naman ang kapalit. Mahahanap pa kaya niya ang katarungang minimithi? O magpapa-agos na lang sa bugso nang mapaglarong tadhana.

Hustisya para sa lahat-mayaman man o mahirap. Walang pinipiling sitwasyon, masasagot rin ang mga tanong, pagmamahal ang siyang baon, sa sinasabing takdang panahon.

---

HeartHarl101