Chereads / The Stolen Identity / Chapter 111 - Alaala Ng Kahapon

Chapter 111 - Alaala Ng Kahapon

Sa samo't saring emosyon dahil sa nangyari sa araw na iyon, idagdag pa ang pagod na nararamdaman, muntik na siyang bumagsak nang biglang manlambot ang mga tuhod na tila nawalan ng buto ang mga iyon dahil sa narinig mula kay Jildon. Mabuti na lang at nakayakap si Zigfred sa kaniya't parang bata lang siyang binuhat nang maramdamang nanghihina siya.

Ang madrasta nama'y awtomatikong napalayo sa kanila nang buhatin siya ng asawa.

"Zigfred, gusto kang makausap ng pa---" Hindi na natapos ni Jildon ang sasabihin nang tapunan nang matalim na tingin ng among lalaki. Nang makita siyang nanghihinang nakakapit ang kamay sa leeg ng asawa'y naitakip nito ang kanang palad sa sariling bibig sabay ikot ng tingin sa buong paligid, napasulyap din sa kaniyang madrastang nagpapahid ng luha sa pisngi.

"Wrong timing yata ang intrada ko," bulong sa sarili at napapailing na sumunod sa kanila palabas ng kwarto.

"Zigfred, ang papa ko. Asan ang papa ko?" humihikbi niyang tanong sa asawa habang karga siya nito sa loob ng elevator pababa sa gusali. Pagkarating sa ground floor ay matikas itong naglakad, walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila habang siya'y nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.

Nasaan ang kaniyang papa? At bakit nag-aagaw-buhay ang nurse nitong si Ivory? Muli siyang napahikbi, sa isip ay naroon ang isang hinala. Na kinidnap ito ni Shavy at ng kriminal na ama ng babae.

"Zigfred, hanapin natin si papa. Wala na ang mommy ko. Hindi ako makapapayag na pati si papa ay mawawala sa'kin," pagmamakaawa niya sa lalaki.

Naramdaman niya ang paghinto nito sa paglalakad, pagkuwa'y hinalikan siya sa ulo.

"Don't worry my tulip. He will be alright, I assure you that," mariin nitong tugon, saka siya isinakay sa loob ng kotse, sa tabi ng driver's seat.

Nang makita si Jildon na humahangos na lumapit ay sumalubong ito at binigyan ng mahinang katok sa ulo ang kaibigan.

"The moment you open that damnn mouth of yours in front of her, it would be the end of your life!" mahinang babala sa huli, ngunit dinig ang pagtatagis ng bagang dahilan upang mapalunok sa takot ang namutlang si Jildon.

Siya nama'y hindi alam kung ano'ng uunahing isipin, ang pag-aalala ba sa ama o ang pagkirot na naman ng kaniyang tyan, o ang nararamdamang pagkahilo habang umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ang boses ni Reign, tinatawag siya nang paulit-ulit.

Hindi! Ayaw niyang magalit ang pinsan sa kaniya. Baka nag-aalala na ito dahil ilang araw na siyang hindi tumatawag. Hinanap niya gad ang sariling phone. Ngunit wala iyon sa bulsa ng kaniyang pantalon. Wala rin ang kaniyang bag, hindi niya na matandaan kung may dala ba siyang bag o wala nang magpunta siya sa Robinson.

Napahawak siya bigla sa ulo, para bang mabibiak iyon sa sobrang sakit. Napahiyaw na siya, bagay na lalong ikinabahala ni Zigfred at nagmadaling pumasok sa kotse.

"Zigfred, ang sakit!" hiyaw niya, mangani-nganing sabunutan ang buhok sa sobrang sakit na nararamdaman.

'Cindal...Cindal, nasaan ka?' paulit-ulit na umaalingawngaw sa kaniyang pandinig.

Nataranta na rin ang lalaki at hindi alam kung muli siyang bubuhatin palabas ng kotse at ibabalik sa ospital o paaandarin ang sasakyan at dadalhin siya sa ama nito.

"Ahhhh!" muli niyang hiyaw sabay hawak nang mahigpit sa braso ng lalaki.

"Ano ba 'yan? Napa'no si Lovan?" taranta ring usisa ni Jildon, wala sa sariling hinawakan ang kaniyang ulo nang akma niyang iuuntog sa dibdib ni Zigfred.

Sa huli'y niyakap siya ng asawa.

"It's okay, just bear it for now. May antedote nang ginagawa si papa para sa'yo. Just bear it for now, Tulip," maluha-luhang usal habang mahigpit siyang yakap.

'Cindal, bumalik ka sa'kin. Kailangan kita...Cindal...' Ngunit iba ang mga katagang umaalingawngaw sa kaniyang pandinig. Sa bawat bigkas sa pangalang iyon ay nag-iiwan ng matinding kirot sa kaniyang ulo na halos iuntog na niya iyon sa matigas na bagay sa sobrang sakit.

"Reign! Tulungan mo ako, Reign!" muli niyang sigaw nang makita sa balintataw si Reign na tumatakbo sa dalampasigan palapit sa kaniya at siya nama'y nakakapit sa katig ng bangka na pilit itinutulak ng malakas na alon palayo sa dalampasigan.

"Cindal, kumapit ka nang mahigpit! Cindal!" ganting sigaw ng pinsan habang kumakaripas ng takbo palapit s kaniya at mabilis na lumangoy upang saklolohan siya.

Siya nama'y walang tigil sa pag-iyak sa takot na baka tuluyan siyang makabitaw mula sa pagkakahawak sa katig at malunod nang hindi naililigtas ng lalaki.

Subalit habang tumutulo ang luha niya'y unti-unti niyang naririnig ang isang pamilyar na boses, sumasabay sa malamig na ihip ng hangin.

"Tulip, come back to me, please.... Come back to me... Alang-alang sa anak natin...please...."

Ang baritonong boses na iyon ng isang pamilyar na nilalang. Sa kaniyang isip, ramdam niyang importante sa kaniya ang may-ari ng boses na iyon...na malapit ito sa kaniyang puso. Ngunit pilit iyong inaagaw ng sigaw ni Reign habang walang tigil sa paglangoy palapit sa kaniya na para bang ang layo nila sa isa't isa.

'Tulip...my tulip...come back...hindi ako mabubuhay nang wala ka...'

Narinig na naman niya ang tila awiting iyon sa kaniyang pandinig. Alam niyang kilala niya ang boses na iyon pero bakit hindi niya matandaan ang pangalan nito?

Luminga siya sa buong paligid at nagtaka pa kung bakit siya nakakapit sa katig ng bangka, takot na malunod, samantalang magaling siyang lumangoy.

Bakit siya naroon? Ang tanda niya, nasa loob siya ng kotse ni Zigfred nang biglang sumakit ang kaniyang ulo.

Kunut-noong tinanaw niya sa di-kalayun si Reign na bakas sa mukha ang pag-aalala na baka malunod nga siya at nang tuluyan siyang malapitan ay mahigpit siyang hinawakan sa kamay.

"Kumapit ka sa'kin nang mahigpit, Cindal. Baka malunod ka na naman," anito sa kaniya.

"Ha? Malunod na naman?" Tumawa siya nang malakas. Siya malulunod? Samantalang kahit noong mga bata pa sila ni Zigfred, siya lagi nananalo ng paligsahan sa paglangoy. Paano siyang malulunod?

"Nagpapatawa ka ba? Sa galing kong lumangoy, malulunod lang ako sa ganito kababaw na lugar?" pasarkastiko niyang wika ngunit agad ding nagtaka nang hindi makita sa paligid si Zigfred.

"Nasaan si Zigfred?" usisa niya.

"Sinong Zigfred? Huwag mong sabihing pinalitan mo na agad ako sa puso mo nang dahil lang sa FBI agent na iyon?" may halong pagtatampong balik-tanong nito na lalo niyang ikinapagtaka.

"Ano'ng FBI agent? Ano ka ba? Si Zigfred ang asawa ko. Hindi ba nga't tinulungan mo pa akong maghiganti kina Shavy at sa mga magulang niya para kay papa at kay Zigfred?"

giit niya ngunit walang reaksyon sa mukha nito malibang nalilito.

"Cindal, ano ba'ng sinasabi mo? Ako ito, si Reign, ang finacé mo," lalong giit nito.

Tinitigan niya itong mabuti. Bakit hindi nito maalala si Zigfred?

"Ako si Lovan Claudio. Pinalitan mo lang ang mukha ko at binigyan ng pangalang Cindal upang hindi makilala nina Shavy at ng ina niya. Pero ako si Lovan Claudio at asawa ko si Zigfred!" napalakas ang boses niya upang pilit ipaalala sa lalaki ang kaniyang tunay na katauhan. Pagkuwa'y inis siyang kumawala sa pagkakahawak nito at lumangoy papunta sa dalampasigan.

"Lara Cindal! Lara!" habol sa kaniya.

"Ha?" gulat siyang napalingon rito at itatanong sana kung bakit siya tinawag na Lara ngunit para siyang namalikmata't sa muling pagkurap ay mukha ni Zigfred ang kaniyang nasilayan, umaagos ang luha sa mga mata habang nakaupo sa isang silya paharap sa kaniya at mahigpit ang hawak sa dalawa niyang palad. Siya nama'y nakaupo sa wheelchair paharap dito.

"Zigfred?" mahina niyang usal at puno ng pagtatakang inikot ng tingin ang buong paligid. Pamilyar sa kaniya ang lugar na iyon. At nang makita ang byenang lalaki na nakatayo sa may pinto ng silid kasama ang isang matandang nakadamit pang-doktor ay saka niya naagtantong nasa loob siya ng library ng byenang lalaki. Paano siya napunta bigla roon?

Napasinghap siya nang bigla na lang yakapin ng sumisinghot na si Zigfred.

"Never forget my name, Lovan. It's Zigfred...Zigfred Arunzado..." makahulugang usal sa kaniyang tenga, para bang nakalimutan talaga niya ang pangalan nito.

"Ano'ng nangyari? Bakit tayo narito?" usisa niya matapos itong kumawala sa pagkakayakap.

Suminghot muna ito bago humugot ng isang buntunghininga...malalim...bagay na ikinalito niya.

"You were unconscious for an hour. Kaya dinala na kita rito kay papa," paliwanag nito.

Napamulagat siya't muntik nang mapatayo kung hindi siya nito pinigilan.

"Imposible 'yon. Alam kong dilat ang mga mata ko. Hindi ako nakaidlip man lang. Pero hindi ko alam kung bakit---" Natigil siya sa pagsasalita.

Ibig bang sabihin, ang mga bagay na nakita niya kanina lang ay laman lamang ng kaniyang panaginip? Pero segurado siyang hindi siya natulog.

Biglang nagtalo ang kaniyang isip at puso. Kung hindi siya nakatulog, bakit bigla na lang nagbago ang kapaligiran niya kanina at nakita si Reign sa dalampasigan?

Kung gano'n, panaginip lang ang lahat ng iyon? Pero bakit tandang-tanda pa rin niya iyon na tila ba parte ng kaniyang memory. Hanggang ngayon, naririnig pa niya si Reign na tinatawag siyang Lara Cindal. Ibig sabihin, panaginip lang talaga iyon?

Binuhat siya ni Zigfred at dinala sa kwarto nito sa bahay na iyon ng mga magulang. Sumunod lang din ang byenang lalaki at ang hula niya'y doktor.

Pagkatapos lang siyang maihiga sa malambot na kama ay nagbulungan na ang tatlo sa may pinto, limang metro ang layo sa kaniya. Gustuhin man niyang pakinggan ang usapan ng mga ito'y sadya yatang ayaw iparinig sa kaniya.

Kung hindi pa pumasok si Jildon at nakiusyoso ay wala pa siyang ideya kung ano ang pinag uusapan ng tatlo.

"Ano?! Paano kung tuluyan ka niyang makalimutan at mapalitan ng alaala ng kaniyang mama ang kaniyang alaala? Bakit hindi na lang tanggalin sa utak niya ang nakalagay na capsule nang matapos na ang lahat?" malakas nitong turan.

Napabalikwas siya ng bangon. Ano'ng alaala ang pinag-uusapan ng mga ito? At ano'ng capsule ang tinutukoy ng lalaki? Sa kaninong utak iyon tatanggalin?