Chereads / The Stolen Identity / Chapter 103 - Ang Pagbubuntis

Chapter 103 - Ang Pagbubuntis

"Paano mo nalamang ako ito samantalang iba ang mukha ko?" curious niyang tanong.

Katatapos lang ng marubdob nilang pagtatalik at ngayo'y nakadapa siya sa dibdib ni Zigfred habang ang huli'y marahang hinihimas ang kaniyang hanggang balikat na buhok.

Hinalikan nito ang tuktok ng kaniyang ulo.

"I just knew it," tipid na sagot.

Bahagya niyang iniangat ang mukha at bumaling dito, gustong makita ang ekspresyon ng mukha nito habang nagsasalita.

"'Yon lang?" maang niyang balik-tanong.

"Why?" litong turan nito.

Gusto niya itong magkwento kung paano siyang nakilala. Pero ganoon lang kaikli ang isinagot nito.

"Kelan mo pa ako nakilala?" muli niyang tanong, nakaismid na't bumalik sa pagkakasubsob sa dibdib nito.

Napangiti ito, muli siyang hinalikan sa ulo.

"Noong makita kita sa Sorsogon habang nasa wheelchair ka," pag-amin nito.

Gulat siyang napabangon at tinitigan ito nang mariin sa mga mata, gustong malaman kung nagsisinungaling ito, pero hindi.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.

"Do you love me that much na doon pa lang ay nakilala mo ako agad?" pasimple niyang usisa.

"Yes," he whispered.

Napahagikhik siya, pagkuwa'y tumihaya nang higa sa tabi nito at hinila ang nasa paanan na nilang kumot, sabay takip sa katawan nilang dalawa.

Si Zigfred nama'y tumagilid paharap sa kaniya, itinukod ang isang siko, saka walang kurap na tumitig sa kaniyang mga labi.

"Nagseselos ka ba minsan kapag nakikita si Shavy sa tabi ko?" Ito naman ang nagtanong na ikinagulat niya. Paano nito nalamang si Shavy ang babaeng nagpapanggap na siya?

Nagtama ang kanilang paningin, nagtatanong ang kaniyang mga mata, ito naman, sa halip na sumagot ay pilyong ngumiti.

The next thing she felt was his hands caressing his breast and her nips.

"Ahmmmp..." nausal tuloy niya sabay pigil sa pangahas nitong kamay while their eyes are fixed on each other.

"Hm? I'm listening. Hindi mo ba sinasagot ang tanong ko," tudyo sa kaniya.

Tumalim ang kaniyang mga titig subalit kagat-labing pilit na sinasaway ang kamay nitong dahan-dahang pumipisil sa naninigas na niyang nips.

"Hindi. Pakialam ko ba sa inyo," pakaswal niyang sagot sabay singhap, para bang mapupugto ang kaniyang paghinga kapag hindi niya gawin iyon.

"Really?" Ayaw nitong tumigil sa panunudyo, sinadya pang pilipitin ang isa niyang nips, pagkuwa'y mabilis na dumama sa kaniyang tiyan, pababa pa sa kaniyang kahubdan.

"Hey, stop it," mahina niyang saway, marahang kinagat ang braso nito upang pigilan ito sa ginagawa subalit hindi sinasadyang lumapat ang kaniyang dila sa balat nito.

Damang-dama niya ang pagbulusok ng tila kuryente sa katawan nito kasabay ng malalim nitong paghinga.

"I want to know where my father is." Gusto niyang ilayo ang atensyon ng lalaki mula sa kaniya kaya't umayos na uli siya ng higa, pilit binalewala ang kamay nitong nasa pagitan na ng kaniyang mga hita at dahan-dahang pumapasok ang isang daliri sa loob ng kaniyang prinsesa.

Kagat-labi siyang napapikit ngunit ibinaling ang mukha paiwas sa nananantya nitong mga titig.

"I can't tell you anything about him," pasimple na uling sagot.

Taka siyang napabaling dito. "But why?"

Ang hinihintay niya ay sagot nito, pero ang kumawala sa mga labi ay isang ungol.

Kagat-labi na uli siyang napaungol. Paano ba niya iignorahin ang mga kamay nitong naglalabas-masok na sa kaniya, gigil na pinaglalaruan ang kawawang bagay na iyon?

"Ohhh... Tulip...I need to taste her again..." pakiusap na.

Sa ganoong atungal ni Zigfred, wala siyang magawa kundi ang magpaubaya. At gusto niyang magpaubaya nang paulit-ulit hanggang sa magsawa ito.

------------

"Ano ba 'yan, Cindal. Parang gusto ko na tuloy maniwalang buntis ka. Aba'y kanina ka pa pabalik-balik sa banyo at panay suka," komento ni Aida sa magkahalong pagkataranta at pag-aalala sa nangyayari sa kaniya.

Mula nang lumabas siya sa kwarto ni Zigfred nang madaling araw, nakatulog lang siya ng tatlong oras at paggising niya'y wala na siyang tigil sa pagsuka, pabalik-balik sa banyo hanggang sa tanging laway na lang niya ang lumalabas sa kaniyang bibig ngunit hindi pa rin matigil ang kaniyang pagduduwal.

"Sabihin mo nga sa'kin, buntis ka ba talaga?" pangungulit na nito.

Sa halip na sumagot ay nanghihina siyang tumayo. Mabilis naman siya nitong inalalayan at iginiya palabas ng banyo deretso sa kusina.

"O ano'ng nangyari? Ba't namumutla ka, Cindal?" takang salubong ni Leila sa kanila. Initigil nito ang ginagawa sa lababo at lumapit sa kanila.

Si Aida nama'y pinaupo siya sa silya paharap sa dining table.

"Ipagtimpla mo nga ito ng orange juice nang matigil sa kaduduwal," utos kay Leila na tumalima naman at nagbalat ng orange para gawing juice.

Maya-maya'y iniinom na niya ang ginawa nito.

"Buntis nga seguro ako. Magdadalawang buwan na akong hindi dinaratnan," pag-amin niya.

"Ala eh, congrats! Sino naman ang ama niyan?" bulalas ni Leila ngunit natigilan din nang marinig ang sariling sinabi saka nagkatinginan ni Aida.

"Hindi ba't dalaga ka pa, Cindal?" pigil ang pagkagulat na usisa ni Aida.

Hindi siya sumagot, sa halip ay tinungga ang natitira pang juice sa baso.

"Ikaw naman Aida. Buntis eh. Syempre may asawa na. Hindi lang palakwento si Cindal kaya akala natin ay dalaga pa siya," pagtatanggol ni Leila sa kaniya, tumawa nang pagak upang basagin ang tensyong biglang namagitan sa kanilang tatlo.

Matabang ang tawang pinawakalan ni Aida, hindi pa rin makapaniwalang totoo nga siyang buntis at may asawa na pala.

"Dapat hindi ka na pinagtatrabaho ng asawa mo kung ganyang buntis ka pala," anito.

Eksakto namang kapapasok lang ni Zigfred, bitbit ang isang supot ng mga manggang hilaw at guyabano.

Halos kumaripas ng takbo si Aida palabas sa pag-aakalang pagagalitan ito ng amo dahil umagang-umaga'y nagtsitsismisan sila sa kusina. Pero nang tawagan ito uli ng lalaki'y tila humahagibis na agad nakabalik.

"Ano po 'yon, Senyorito?" magiliw na tanong.

Iniabot ni Zigfred ang supot na bitbit. "Magbalat ka ng apat na mangga at isang guyabano," utos nito.

Nagtataka ma'y mabilis itong tumalima.

Nanatili siyang nakaupo sa harap ng mesa, nakiramdam, habang si Zigfred ay tumabi sa kaniya, lihim na hinawakan ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa.

Agad namang siyang pumiglas upang hindi sila mahalata ng dalawa.

Wala pang tatlong minuto ay nakahain na sa harap ng lalaki ang pinabalatang mangga at guyabano.

Tahimik naman itong kumain, hindi man lang mahahalata sa mukha na naaasiman ito sa ngininguyang mangga.

Si Aida'y nakatayo lang sa 'di kalayuan at nakamasid habang panakaw ang sulyap kay Leila na hindi halatang nagtataka kung bakit umagang-umaga ay kumakain ang amo ng maaasim na prutas.

"S-senyorito, b-baka hindi ako makapagtrabaho ngayon. Nahihilo po kasi ako at nanghihina," maya-maya'y paalam niya sa lalaking pakaswal lang na itinulak sa harap niya ang pinggan ng mga prutas.

"Kainin mo," walang emosyong utos sa kaniya, wari bang hindi narinig ang sinabi niya kanina lang.

Napatingin siya kay Leila na panakaw na lumingon sa kaniya.

"Kainin mo agad," bulong nito sa hangin.

Noon lang siya kumilos at pasimpleng kinain ang ibinigay ni Zigfred. Ang lalaki nama'y inaliw ang sarili sa pagdutdot sa phone nito, maya-maya'y tinawagan si Jildon.

Si Aida'y kunwaring nagwalis sa loob ng kusina pero humahaba ang leeg sa kakatingin sa among lalaki.

"O, Jildon. Bumili ka ng isang basket na manggang hilaw sa lugar nina Lovan. Tsaka samahan mo ng guyabano. Magpaluto ka na rin ng paboritong putahe ni Lovan kay Mama Areta at dalhin mo sa bahay," walang gatol na utos nito sa kabilang linya habang nakaharap sa kaniya.

Salubong ang kilay na sinaway niya ito, palihim na pinandilatan ng mata lalo na nang makita si Leila na panay ang sulyap sa lalaki.

"Ano?!" Hindi naka-loud speaker ang usapan ng dalawa pero sa lapit ni Zigfred sa kaniya na halos magkadikit na ang kanilang mga braso, dinig na dinig niya ang gulat na bulalas ni Jildon sa kabilang linya.

"Isang basket ng manggang hilaw at guyabano? Naglilihi ka ba? Tsaka andami kong trabaho sa opisina, para bibili lang ng mangga eh doon pa kina Lovan. Baka naman may balak kang ikaw na ang magpunta at magpaluto ng paboritong putahe ni Lovan sa mama niya tutal naman ay lahat ng trabaho mo'y ibinigay mo na sa'kin!" litanya ni Jildon na sa haba ng sinabi ay napatanga na lang siya, pigil ang mapangiti.

Pero sa isip ay nagtataka at gustong kumpirmahin kay Zigfred kung matagal na nitong alam na buntis nga siya.

"Hey! Sino ba ang amo sa ating dalawa?" singhal ni Zigfred sa kabilang linya.

Muntik nang mapalundag si Aida sa kaba at mabilis na lumabas sa kusina sa takot na mapagalitan din.

Si Leila nama'y namumutlang humarap sa lababo't hindi na lumingon pa sa kanila.

"Akin dapat ang kalahati ng sahod mo ngayong buwan at tapos ang kaso!" pakikipagmatigasan ni Jildon.

Napatayo si Zigfred sa panggigigil sa kaibigan ngunit nang mapansing hinihimas niya ang kumirot na namang puson ay agad itong umupo.

"Okay, deal. Just do what I told you. Kailangang bago magtanghali ay narito ka na sa loob ng suite ko," mariing utos sa kaibigan bago pinatay ang tawag.