Chereads / The Stolen Identity / Chapter 87 - Puso Ang Huhusga

Chapter 87 - Puso Ang Huhusga

"Excuse me Do you know my fiancee?" untag ni Reign sa matagal na katahimikang namayani sa dalawa.

She couldn't help herself from staring back at Zigfred. His face now turned pale, as if all hopes within him had vanished in an instant. All that had left was frustration.

His gaze deepened and suddenly gave her a perplexed look.

"May problema ba, Sir?" Sinikap niyang maging kaswal ang boses, ngunit nagsimulang manlamig ng kanyang mga kamay.

Lubos siyang nagpasalamat nang tumayo ang lalaki matapos makipagtitigan sa kanya. Kung nagtagal pa iyon ng ilang minuto, baka nakita na nito ang pagbadya ng luha sa kanyang mga mata.

"I'm sorry, I thought she's my wife," malamig ang boses na baling kay Reign, pagkuwa'y agad na tumalikod at mabilis ang mga hakbang na bumalik sa kotseng nilabasan nito.

Noon lang siya nakahinga nang maluwang, pero agad ding napangiwi nang maramdaman ang paghapdi ng sugatan niyang balikat. Mabuti na lang at laging handa ang kasama niyang doktor, nang bumuhos ang ulan ay mabilis siya nitong pinayungan. Kung nagkataong nabasa siya sa ulan ay lalong hahapdi ang kanyang sugat, baka ma-infect pa iyon.

Subalit higit na mahapdi ang dibdib niyang tila nadurog nang mawala sa paningin si Zigfred. Gusto niyang tawagin uli ito, sabihing siya iyon, mukha lang ang nabago sa kanya pero siya pa rin iyon.

Ngunit pinigilan niya ang sarili. Kung magiging mahina siya, mamamatay pati ang ama niya, tulad ng namatay sila ng kanyang mama. Hindi maaari 'yon. Kailangan niyang iligtas ang buhay ng ama. Isasantabi niya ang pagmamahal niya sa lalaki alang-alang sa pinakamamahal niyang ama.

-------------

Nagulat pa si Zigfred nang pagkadating nila ni Jildon sa suite ay naratnan niya ang ina sa sala kasama ang impostor na Lovan.

Tumiim agad ang kanyang bibig at salubong ang kilay na nilingon si Jildon, nagtatanong ang mga mata kung paanong nakapasok ang dalawa sa suite.

Pero isang iling at kibit-balikat lang ang itinugon ng kaibigan.

"Iho, Zigfred." Bumakas bigla ang tuwa sa mukha ng ina sabay dipa upang salubungin siya ngunit hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa kusina ng suite upang kumuha ng isang basong tubig.

Sumunod si Lovan na sukat na lang yumakap mula sa kanyang likuran at ipinulupot ang dalawang kamay sa kanyang beywang.

Humigpit ang hawak niya sa baso kasabay ng pagtatagis ng kanyang mga ngipin. Segurado na siya sa sarili niyang hindi nga iyon si Lovan.

"Honey...sabi ni Mama, kailangan ko raw mag-hire ng katulong na makakasama rito kapag wala ka. Baka raw mamaya, meron na namang magtangka sa buhay ko," malumanay na saad nito, tried to make her voice so smooth and alluring.

Ramdam niya ang pagdikit ng pisngi nito sa kanyang batok.

Ilang beses siyang huminga nang malalim upang pigilan ang galit na nararamdaman.

"Okay," tipid na sagot, ngunit sa salubong na mga kilay ay kita ang pagpupuyos ng galit.

Humalik ang babae sa kanyang balikat, mangani-nganing sikuhin niya ito ngunit nagpigil pa rin siya. Hangga't hindi niya nahahanap si Lovan, kailangan niyang magtimpi at huwag ipaalam ditong alam niyang hindi ito ang kanyang asawa.

"Tatlong agency ang tinawagan ni mama para raw may mapagpilian ako pero baka abutin ng isang linggo ang paghahanap ko ng katulong. Gusto kasi niyang tatlo sila at may personal akong alalay," patuloy ng babae sa mahina pa ring boses, tila hindi makabasag pinggan na lalo lamang ikinapakulo ng kanyang dugo.

"Do whatever you want," pakaswal niyang sagot, inilapag sa kitchen island ang basong hawak at hinawakan ang dalawang kamay nito upang kalagin mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya, pagkuwa'y walang anumang tumalikod rito at dumeretso sa kanyang kwarto.

Hanggang ngayon, ang amoy ng shampoo sa buhok pa rin ni Lovan ang nangingibabaw sa silid na iyon na tila ba naging air freshener na roon.

Padapa siyang nahiga sa kama, nagbakasakaling naiwan sa bedsheet ang mabangong amoy ng asawa ngunit nasuntok niya iyon pagkuwan at pagalit na tumihaya nang higa.

Tulalang pinagmasdan ang kisame na tila ba nangangarap nang gising. Baka sakali makita roon ang totoong mukha ni Lovan...ngunit wala.

Napapikit na siya. Hindi pa rin mawala sa kanyang utak ang mukha ng babaeng napagkamalan niyang ang sariling asawa. Ang amoy ng buhok nito, gano'n ang amoy ng buhok ni Lovan. Ngunit kabaliwan lang kung pagbabasehan niya ang amoy na 'yon.

Nang makita niya ang mukha ng babae, walang palatandaan na kamukha man lang nito ang kanyang asawa subalit bakit kay bigat ng kanyang dibdib pagkalayo lang niya mula rito? Nang magtama ang kanilang mga mata, sandali niyang nakita sa balintataw nito ang mga mata ni Lovan.

Inilamukos niya ang kamay sa mukha.

"Dammmit!" wala sa sarili niyang hiyaw, gigil sa sariling dumapa na uli at isinubsob ang mukha sa kama habang nakapikit.

Ilang minuto pa ang lumipas ay muli siyang napabalikwas nang bangon.

Hindi pumipintig ang puso niya nang gano'n kabilis hangga't hindi kay Lovan. The moment that she stared at those foreign eyes, bakit biglang pumintig nang mabilis ang kaniyang puso?

Bumangon siya sa pagkakahiga at nagparoo't parito sa harap ng kama.

Gusto niyang bumalik uli sa Sorsogon at balikan ito sa harap ng grocery na iyon. Ngayon lang niya naalalang doon sila madalas tumakas mula sa ina nito at mamasyal sa kabubukas lang na park noon sa harap ng munisipyo ng bayang iyon.

Sino ang babaeng iyon? Bakit parehas ang nararamdaman niya rito at sa totoong si Lovan gayong magkaiba ang mukha ng mga ito?

Ilang minuto pa ang lumipas ay narito na siya sa tapat ng elevator. Hindi siya matatahimik hangga't hindi ito nakikitang muli. Gusto niyng makumpirma ang isang bagay.

"Iho, Zigfred! Saan ka na naman pupunta!" habol ng kanyang ina ngunit nagtuloy-tuloy siya sa loob ng elevator. Hindi na niya ginulo si Jildon, mag-isa siyang bumalik sa Sorsogon upang hanapin ang babae sa harap ng grocery store subalit ni anino ng mukha nito ay hindi na niya nasilayan hanggang sa siya na rin ang sumuko at muling bumalik sa Manila pagkatapos ng isang linggong paghahanap.

"Zigfred, honey. Look! Help me find my personal maid," salubong agad ng impostor na Lovan pagkapasok lang niya sa loob ng bahay.

Kumulimlim agad ang kanyang mukha, gusto niyang hilahin ito palabas ng kanyang suite ngunit bigla siyang napahinto nang mahagip ng tingin ang isang pamilyar na mukha.

Hindi niya alam kung matatawa o magagalit sa nangyari. Isa lang ang segurado siya sa mga sandaling iyon. Tila ba naglahong bigla ang pagod at puyat niya sa isang linggong paghahanap sa estrangherang babae sa Sorsogon.