Chereads / The Stolen Identity / Chapter 72 - The Yatch

Chapter 72 - The Yatch

Dinala siya ni Zigfred sa harap ng katapat na mall ng pinapasukang building.

"Kuya, okay na po ang motor niyo. Kanina ko pa nalinis." Sumalubong sa kanila ang batang madalas niyang makitang nagbebenta ng sampaguita sa harap ng mall habang hawak ang nakababatang kapatid. Kilala pala ito ni Zigfred?

"Good!" anang lalaki sabay lahad ng isandaang piso sa batang mabilis na kumilos at kinuha agad ang pera.

Bago pa siya nakapag-usisa kung paanong magkakilala ang dalawa ay isinuot na ni Zigfred ang isang helmet sa kanya, saka sumampa sa motor.

"Hop in," utos nito, tumalima naman siya.

Sa higpit ng kapit niya sa katawan ng lalaki habang lihim na inaamoy ang mabango nitong suot na polo shirt, parang ayaw na niyang humiwalay mula rito. Padampi niyang hinalikan ang likod nitong kasintigas ng bato ngunit kasinlambot yata ng kutson 'pag dinaganan. Inihilig niya ang ulo saka pumikit at dinama ang mainit nitong katawan.

Kung maaari nga lang niyang hilingin at ipagdasal na hindi na bumalik ang totoong Lovan Claudio ay ginawa na niya, huwag lang siyang mawalay kay Zigfred.

------

Huminto ang motorsiklo sa Manila Bay kung saan tumambad sa kanyang paningin ang nag-aagaw na liwanag at dilim--ang paglubog ng araw sa Kanluran, isa sa pinakamagandang tanawin sa lugar na iyon.

Litong napasulyap siya sa lalaki ngunit tahimik itong bumaba sa motor at kinuha ang helmet na ginamit niya, ibinalik sa compartment box.

"Come, I'll show you something," mahinang usal, hinawakan ang kanyang kamay at iginiya siya sa daungan ng mga barko.

"Woww!" bulalas niya sa pagkamangha nang makita sa kanyang harapan ang isang luxury motor yacht, mahigit dalawampung metro yata ang haba at may dalawang deck.

Mula sa likod ng yate ay bumungad ang magkatapat na beach bench at sa gitna ay isang mini-round table na gawa sa salamin.

Hindi na hinintay ang lalaki, kusa na siyang umakyat sa ladder at excited na nilibot muna ang sundeck at nang makita sa unahan ng yate ang rectangular jacuzzi ay muli siyang napabulalas sa pagkamangha.

Natatawa namang nakasunod lang si Zigfred habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na black pants, mataman lang siyang pinagmasdan.

"Ang ganda nito, Zigfred!" muli niyang bulalas sa tuwa, yumukod at dinama ng palad ang tubig mula sa jacuzzi pagkuwa'y sinabuyan ang nagulat na lalaki ngunit hindi umilag sa kanyang ginawa.

Bumungisngis siya pagkakita sa nanunukso nitong mga mata habang nagpupunas sa nabasang mukha, ngunit aaminin niyang may kiliting hatid ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.

Tumayo siya't hinanap ang pinto ng quarterdeck, pumasok duon at parang inosenteng batang pinagbubuksan ang tatlong cabin.

Maging ang lounge at mini bar ay hindi nakaligtas sa kanya.

Ngunit bigla siyang napaigtad nang maramdaman ang pagpulupot ng mga kamay ni Zigfred sa kanyang beywang sabay halik sa kanyang batok habang nakatayo siya sa harap ng wine rack cabinet at naghahanap ng ladies drink wine.

"You like this place?" paanas na tanong.

"Uh!" tipid niyang sagot, napalitan ng kiliti ang kanina'y saya.

"I missed you..." bulong sa kanyang tenga.

Napasinghap siya sa sensasyong hatid ng simpleng gesture na 'yon. Pakiwari niya'y unti-unti na naman siyang sinisindihan ng lalaki upang mag-init.

"Zigfred, bakit napaaga ang uwi mo? 'Di ba, dapat bukas pa ang balik mo galing Middle East kasama ang CEO ng subsidiary company sa Dubai?" pakli niya sabay tingala rito upang ibaling ang atensyon nito sa iba liban sa kanya.

Pero sa halip na sumagot ay marahan nitong kinagat ang dulo ng kanyang tenga, para bang gigil sa kanya. Hindi niya tuloy napigilan ang isang mahinang ungol at awtomatikong napahawak ang isa niyang kamay sa braso nito, kumapit doon.

"I just can't afford to leave you for a long time. Mamaya 'pagbalik ko, nakuha ka na ng iba," he replied and gave her that flirty smile.

She blushed, iniiwas agad ang tingin at kumawala sa pagkakayakap nito.

"Nagustuhan ko ang isang cabin dito," pag-iiba niya ng usapan, mabilis na lumabas sa mini bar at nagtungo sa sinasabi niyang cabin.

Naiwang napakamot ng batok ang lalaki, ngunit hindi inalis ang mapanuksong ngiti sa mga labi.

Carpeted ang sahig ng cabin. Pagkapasok lang sa loob ay bumungad agad ang family size na bed. Sa tabi ng bed ay isang oblong na sidetable kung saan nakapatong ang isang spiral LED lamp. Sa kanang bahagi naman ng kama ay naroon ang window glass at nakahawing kurtina sa gilid.

Lumapit siya sa bintana, pinagmasdan ang tahimik na bughaw na dagat at ang mga ibong nagsisipagliparan sa palibot, ang huni ng mga iyo'y naging musika sa kanyang pandinig.

A placid smile played on her lips. Kaysarap palang mamasyal sa lugar na iyon at namnamin ang katahimikang minsan lang dumalaw sa kanya.

Subalit tila tuksong bigla na namang pumulupot ang mga kamay ni Zigfred sa kanyang beywang, ipinatong na ang baba sa kanyang balikat.

"Do you remember something?" mahinang tanong.

"Tulad ng alin?" patay-malisya niyang tanong, pilit nilalabanan ang paninindig ng mga balahibo at kilig na mabilis na bumalot sa buo niyang katawan.

"Like this yatch....the blue sea... the placid water and the chirping of birds outside," usal nito, sa likod naman ng kanyang tenga humalik.

Napaigtad siya nang maramdaman ang mga labi nito sa kanyang balat, nawala sa isip ang narinig.

"Lovan..." paanas na tawag sa kanya.

Pikit-mata siyang sumagot ng, "hmm?"

"Huwag ka na uling lalapit sa madrasta mo. I'll never forgive myself if she hurts you again," mahinang sambit, mas tamang sabihing nakikiusap kesa sa nang-uutos.

Maang siyang napapihit paharap dito. Kinabig naman nito ang kanyang beywang habang kapwa nakapako sa isa't isa ang kanilang paningin.

"Why did you say that?" she asked.

He didn't reply.

He just stared at her and after a few seconds, he managed to fake a genuine smile.

"I like to stay here tonight," he murmured and kissed her forehead.

Muli siyang nag-blush ngunit hinayaan itong gawin ang gusto at dinama ang halik na iyon.

"Stay with me, Lovan," pakiusap sa kanya.

Nakangiti siyang tumango.

Their eyes met once again. The fire of lust within their body begun to burst out. With the same intense, they kissed each other.

Pakiramdam niya, lahat yata ng mga ugat niya sa katawan ay biglang nabuhay, nag-igtingan sa pagnanasa. Awtomatiko niyang ipinulupot ang mga kamay sa batok ng lalaki habang pikit-matang ninamnam ang tamis ng halik nito at ginantihan ang alab ng pagnanasang kanina pa pinipigilan.

"Lovan... I want you..." usal nito nang sandaling ilayo ang bibig sa kanya upang makasagap sila pareho ng hangin.

Isang mahinang ungol ang kanyang itinugon, sandaling dumilat at tinitigan ang lalaking nag-uumapaw sa mga mata ang matinding pagnanasa, wari bang wala nang ibang oras para gawin ang gusto nito maliban sa mga sandaling iyon.

Siya na ang unang humalik dito, ginaya ang paraan ng paghalik nito kanina hanggang sa hindi na napigilan ni Zigfred ang sarili at binuhat siya papunta sa kanina pa naghihintay na malambot na kama.