Chereads / Undying Souls / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Carol's PoV

"The Possession of Cassandra Abellar" usal ko sa pamagat ng libro. Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa hangin na biglang humampas sa akin. Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong napansin na bintanang nakabukas. Sa isang iglap ay nilamon ang katawan ko ng hindi maipaliwanag na takot.

"Sh't" nasabi ko na lamang sa aking sarili dahil nanginginig ang aking mga kamay habang kinakapa ang switch na nasa tabi ko lang naman. Ilang segundo ang lumipas hanggang sa tuluyan   ko nang mapindot ang switch kaya't lumiwanag na sa paligid. Imbis na matanggal ang kaba ay mas lalo pa itong sumidhi ng tumambad sa aking harapan ang isang babe na may katamtamang haba ng buhok at nakasuot ng makalumang kasuotan. Bukod rito ay bakas din ang matindi niyang pagkaputla.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at tila ba naparalisa ang aking katawan.

'Sh't! Carol--wala kang nakikita. Wala kang kahit na anong nakikita sa harapan mo. Damn it! Carol takbo!'

Sigaw ko sa isip ko at nang magbalik ako sa huwisyo ay walang pag-aalinlangan akong tumakbo sa pinto upang maiwasan ang babaeng iyon..Pero mukhang wrong move yata yon.

"Tulungan mo ko." mga salitang halos magpawala sa ulirat ko. Damn this lady undying soul! Hindi ko sya dapat pansinin dahil kapag ginawa ko iyon ay tiyak na lalapit na rin sa akin ang iba pang kaluluwa rito sa Lañana Academy lalong lalo na yung kitatakutan kong kaluluwa ng security guard.

"A-an lamig naman! M-mak-kaalis na nga" usal ko sa hangin na para bang kinakausap ko ang aking sarili. Way ko iyon para naman hindi malaman ng babaeng iyon na nakikita ko sya!

Lumuwag ang kapit sa akin ng babae at ginawa ko ang tyansang iyon para makalabas ng cr. Napakatahimik ng hallway na dinaraanan ko kaya naman hind ko mapigilang matakot lalo pa at wala akong makasalubong o makasabay man lang sa paglalakad. Habang papalapit ako sa room ay nalumo ako ng wala akong marinig na ingay mula roon. Siguradong nagsisimula na ang discussion---late na naman ako.

Nang makatapak ako sa loob ng room ay natuon sa akin ang atensyon ng lahat. "Why are you late, Ms. Alcober?" mataray na tanong sa akin ng English Teacher na si Mrs. Lolita Corazon. May galit sa akin yan dahil sinabi kong mayroong pitong multo sa faculty room nila.

"Ms. Alcober! I'm asking you!" Napasinghap ang buong klase maging ako dahil sa nakabibinging sigaw ni Mrs. Corazon.

"H-ha? Ano nga po ulit yon?" tanong ko dahil totoong nakalimutan ko kung anong tinatanong niya kanina.

"I'm asking why are you late. Do I have to repeat it in a hundred times?" Mataray na saad na naman sa akin ni Mrs. Corazon. Kinaganda mo yan???

"I just went to the comfort room. Sorry po at natagalan." paghingi ko ng paumanhin kahit maski ako ay naiinis na rin. Kingina mukha na akong timang dahil kanina pa ako nakatayo dito sa may pinto. Wala ba syang balak papasukin ako? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya ang adviser sa room na ito...

"Comfort room? With a nameless book? Wow. Ano bang kalandian o kalibugan ang napapaloob dyan?" nakangisi na nitong tanong sa akin. Ano na naman bang nasa kokote ng matandang ito?

Napayuko na lamang ako sa kahihiyang binabato sakin ng matandang ito. 'Don't judge the book by its cover' nga diba? Bakit ganyan sya? Bakit ganyan sila?

"Wala ka ng masasabi? Tama ako ano? Magpapalusot ka na nga lang, may ebidensya pa. Bobo!" Muli ay sigaw niya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Masakit man sa pakiramdam ay mas pinili kong huwag na lamang itong intindihin. Mabilis akong naglakad patungo sa upuan ko sa hulihan at nakayuko parin na umupo.

"Ays, bruha pala si Mrs. Corazon no?." Narinig kong bulong ng katabi kong lalaki. Hindi ko alam kung ako pa yung kinakausap o hindi kaya nanatili akong nakayuko at walang imik. Hindi ko alam ang pangalan ng iba ko pang mga kaklase at wala akong balak alamin dahil wala din naman silang pakialam sa akin. Only Lavander Bautista pay damn attention for me even it was just insults.

"Snobber sya..." narinig ko ulit na sabi ng karabi kong lalaki kaya pasimple ko itong nilingon. Natatakpan man ng bangs ko ang mata ko ay nakikita ko parin naman ang lahat ng maayos. Nagulat na lamang ako ng paglingon ko ay nakatingin din pala sya sa akin. A true smile was been plastered on his face. He had those pair of brown eyes and a messy brown hair. Malantik din ang pilik at parang naka-eyeliner pero di ako sigurado. Mukha syang badboy pero wala sya ni isang piercing sa katawan.

"H-hi?" nag-aalangan pa niyang bati sa akin. Teka--- sa akin nga ba?

"Ako ba?" tinuro ko pa ang sarili ko para sa kasiguraduhan at nang marinig ang kaunti niyang tawa ay nakahinga ako ng maluwag.

"Oo. Ikaw. Haha." Kumapit ako ng mahigpit sa libro at tumango.

Babalik na sana ako sa pagbabasa ng aklat dahil nakaalis naman na si Mrs. Corazon dahil sa pagkainis sa akin. Pero hindi ko pa ito tuluyang nabubuksan ay kinalabit naman ako ng lalaking katabi ko.

"What?" Medyo naiinis ko ng tanong dahil gusto ko na talagang simulan yung kwento. Feeling ko, maganda e.

"Sorry, naiistorbo yata kita. Pero, Miss... pwede bang makipagkaibigan?" napantig ang dalawa kong tenga sa narinig. Ano daw? Makipagkaibigan? Hibang yata ang lalaking ito at parang hindi ako kilala.

"Hanap ka ng iba. Sa apat na taon ko dito sa Academy, imposibleng wala kang alam sa background ko." Naiiling kong saad.

Nakita ko gilid ng mata ko ang pasimple niyang pagkamot sa kanyang batok. "Ano kasi... transferee ako e. Ikaw lang yung seatmate ko kaya pwede bang maging kaibigan mo? Promise, mabait ako." Natawa na lamang ako sa sinabi niya at inilapag ang libro sa armchair ng upuan ko.

"Sana ayos ka lang, newbie. Haha. Anyway pwede mo naman akong maging kaibigan. Pero pwede mo rin akong layuan at iyon ay akin nang inaasahan. Ako si Carolina Alcober. You can call me Carol para naman hindi masyadong makaluma." Sabi ko at inilahad ang kanang kamay para makipagshake-hands.

"I am Dice Virkantize from Gascon University." Tipid niyang sagot at nakipagkamay sa akin. Napakalambot ng kamay niya. Tamad ang isang to. Haha.

Hinawi ko ang medyo mahaba ko ng bangs at ng direktang magtama ang paningin namin ay biglang nagbago ang paligid. Napupuno ito ng apoy at maging ang mga mata niya ay hindi na repleksyon ko ang aking nakikita kundi naglalagablab na apoy. Sa takot ko naipikit ko ang aking mga mata at pagdilat ko ay muling bumalik sa ayos ang lahat. Napansin ko din ang pagtataka sa mukha ni Dice kaya't mas lalong gumulo ang isip ko.

Myghadd! What was that?