Chereads / BACHELOR'S PAD / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

MARAHAS na napabunga ng hangin si Rob at sinaid ang alak sa hawak na baso. Nasa loob siya ng isang club malapit lang sa Bachelor's Pad, ang pangalan ng building na ilang buwan na niyang tinitirhan. At least, iyon ang tawag ng lahat sa gusali na pakulo lang daw ni Keith dahil wala namang opisyal na pangalan ang gusali.

May bar area din naman sa Bachelor's Pad subalit sa gabing iyon ay niyaya siya ni Ross na magtungo sa club para maiba naman daw. Pumayag siya. Dahil sa totoo lang, bored na bored na siya.

Hindi niya akalain na darating ang araw na makakaramdam siya ng ganoon katinding boredom. Buong adult life ay sanay siyang palaging may ginagawa at palaging puno ang schedule. Sanay siyang kada linggo ay nasa ibang state o ibang bansa kasama ang mga talent na mina-manage.

Subalit mag-iisang taon na si Rob sa Pilipinas at dahil hindi na kasing-active na gaya ng dati ang Wildflowers na tanging talent na hawak niya ngayon, hindi na rin ganoon ka-busy ang kanyang schedule. Well, busy pa rin kung sa standard ng normal na tao dahil abala naman siya sa iba pang trabaho sa Diamond Records bilang producer at liason officer sa pagitan ng Diamond Records at ng Warner Music USA. Ngunit hindi iyon sapat para sa kanya.

"Hey!"

May tumapik sa balikat ni Rob—si Ross. Umupo na ang pinsan sa katabi niyang stool bago pa siya makalingon. Umangat ang kanyang mga kilay nang mapansing ngising-ngisi si Ross kahit nang humingi ito ng maiinom sa bartender.

"You look happy," komento niya.

Sa halip na sumagot, agad napatitig si Ross sa kanyang mukha na para bang may napansin. "At ikaw, mukhang nalugi. What's up, cousin? Nandito tayo para mag-celebrate." Pagkatapos sabihin iyon ay lumampas ang tingin ng pinsan sa kanya at may kinawayan. "We should get a table. Nandito na sina Jay at Charlie."

Lumingon si Rob at nakita ang dalawang lalaking palapit sa kanilang magpinsan. Kaibigan ni Ross sina Jay at Charlie, parehong mga abogado sa iisang law firm, at mga residente rin ng Bachelor's Pad. Nalaman lang ni Rob na doon din nakatira ang mga kaibigan ni Ross nang nakalipat na siya.

"Hey, Rob. Himala, mukhang hindi ka busy at naisama ka ni Ross dito," nakangiting bati ni Charlie.

Sa totoo lang, noong unang nakaengkuwentro ni Rob ang mga kaibigan ni Ross ay hindi niya gusto ang mga ito. Subalit nang araw-araw na niyang nakikita at nakakausap, nalaman niya na okay naman pala ang dalawa.

"It's your friend's fault. He snatched my vocalist away," sagot niya na bahagya na ring napangiti. Ang tinutukoy niya ay si Cade na barkada rin ni Ross at asawa ng bokalista ng Wildflowers na si Carli.

Tumawa ang tatlong lalaki. "Hindi lang naman isa sa mga alaga mo ang nadagit ng kung sino. Lahat sila," komento ni Jay.

Iyon naman kasi ang dahilan kung bakit lying low na sa music industry ang Wildflowers. Lahat ay naghahanda nang lumagay sa tahimik.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Rob at tumayo na. "Right. So, now I have a lot of free time to bond with you."

"Woah! Ibig mong sabihin, `yan ang dahilan kung bakit para kang nalugi? You feel lonely without your girls around?" biro ni Ross na kumindat-kindat pa.

Napailing siya. "Hindi `yan ang dahilan. I'm getting bored because I don't have enough to do."

Nagkatinginan sina Ross, Jay, at Charlie, pagkatapos ay pare-parehong tumawa.

"At least now, may oras ka na para sa sarili mo. Nandito tayo para mag-enjoy dahil may kasong naipanalo si Ross. All you need right now is a woman." Kumindat pa si Charlie.

"Hell, yeah. We all need women," segunda ni Ross.

Noon lamang napagtanto ni Rob ang dahilan kung bakit nasa isang club sila sa halip na sa recreation area ng Bachelor's Pad na madalas nilang gawin. Babae ang gusto ng tatlo at wala niyon sa gusaling tinitirhan nila. Idinamay pa siya.

But maybe they are right. Maybe I need it, too.

Namaywang siya. "Right."

Ngumisi ang tatlo sa kanyang pagsang-ayon.

Kumuha sila ng isang mesa malapit sa dance floor. Hindi pa nagtatagal sina Rob ay may mga babae nang nagsimulang lumapit sa kanila. Mukhang nag-e-enjoy na sina Ross, Jay, at Charlie.

Subalit hindi ganoon ang nararamdaman ni Rob. Habang nakadikit ang katawan ng isang babae sa kanya, ni hindi napupukaw ang atensiyon niya. He had been with this kind of woman so many times he had lost count. Hindi lang isang klase ng nationality. Mga modelo at starlet pa. At ngayon, wala siyang nararamdaman kahit gaano pa kaganda ang babaeng tinatapunan siya ng malagkit na tingin at humihimas sa kanyang braso.

"Let's dance, handsome," bulong nito sa kanyang tainga sa sensuwal na tinig.

"I don't dance. But you go on ahead, sweetheart," sagot ni Rob. Alam niya na kulang sa emosyon ang kanyang tono subalit wala na siyang pakialam. Inalis na niya ang tingin sa babae at itinutok ang atensiyon sa iniinom. Naramdaman niya ang iritasyon ng babae bago tumalikod at umalis sa mesa.

"Ayaw mo do'n? She's hot," komento ni Ross na pinakamalapit sa kinaroroonan niya.

"Hindi niya nakuha ang interes ko," sagot ni Rob na hindi na inabalang tumingin sa pinsan. May nakapulupot na kasing babae rito.

"Why?"

Nagkibit-balikat siya. Hindi rin niya alam. "She bored me."

Ilang segundong hindi sumagot si Ross. Seryoso na ang tono nito nang sa wakas ay magsalita. "The moment you lose interest in that kind of woman and in flings with no strings attached, you will be in trouble, cousin."

Noon sumulyap si Rob sa pinsan. "At bakit?"

"Ibig sabihin kasi, may hinahanap ka nang iba. Ibig sabihin, kapag ibinaba mo lang sandali ang guard mo, you will end up like Cade."

Umangat ang kanyang mga kilay. "Married?"

"Exactly."

Umiling siya. "Hindi mangyayari `yon. Matagal na akong nagdesisyon na hindi papasok sa ganyan. Marriage doesn't always work out. And it is one risk I will never take." Tumayo na siya.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Jay.

"Mauuna na ako sa inyo. I have a meeting early tomorrow. Have fun." Iyon lang at tumalikod na siya at naglakad palayo.

Malapit na si Rob sa entrada ng club at lalabas na sana nang makarinig ng pagkakagulo sa kabilang panig ng club. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa direksiyon na pinanggalingan ng komosyon. Mukhang may nag-aaway. Wala siyang balak na pansinin iyon. After all, kung walang kinalaman sa kanya o sa talents niya ay wala siyang pakialam.

Kaya hindi maintindihan ni Rob kung bakit nagsimula siyang maglakad palapit sa kaguluhan.