Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Medallion Kingdom: The KIng The Author and The Coward

nicholsmaranan943
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.3k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prolouge

Miro, lupain na iginapos ng mga barbaro. Mamamayan nito'y unti-unting kinikitil ng kanilang takot. Katapangan nila'y iginapos ng tanikala ng karuwagan at nakulong sa selda ng pagkakan'ya-kan'ya. Walang kinikilalang pinuno, walang sinusunod na patakaran. Buhay para sa malalakas, kamatayan para sa mahihina.

Sa gitna ng kinasadlakang kahirapan ay isang paglalakbay ang magsisimula para palayain ang bansang literal na ninanakawan ng kapayapaan. Paglalakbay para pagbuklurin ang mga mamamayan na namumuhay sa takot at karuwagan. Ang kanilang mga sandata ay lilikha ng liwanag. Ang kanilang mga kalasag ay bubuo ng bigkis ng kapatiran, at ang impit na sigaw ng mga kasamahang dahan-dahang nawawalan ng buhay ang lalong magpapalakas sa himig ng himagsikan.

Ito ang panahon ng mga barbaro, taon ng walang tigil na pag-agos ng mala-ilog na likido ng buhay. Sa bawat pagsikat ng araw sa Silangan at bawat paglalakbay nito patungong Kanluran ay hindi nawawalan ng kaguluhan. Nagsisimula ang mapayapang umaga na nagwawakas sa pagluluksa pagsapit ng gabi. Bawat buwan ay mistulang tag-lagas ng mga buhay at tag-sibol ng walang kapantay na galit. Talamak ang nakawan, hindi lamang ng mga materyal na bagay kundi mga pangarap na makapamuhay nang mapayapa sa kanilang mga lupang sinilanangan. Ito ang Miro, lugar kung saan ang batas at katarungan ay hindi pa naiimbento at ang patakaran ay hindi pa nalilikha kahit sa isipan man lang.