Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 30 - Chapter Thirty

Chapter 30 - Chapter Thirty

Muli akong nag-type sa keyboard. Binasa ko ang nilagay ko. Muli akong nag-type matapos mag-isip.

Heto ako ngayon, sa kama ni TOP at nasa harap ng kanyang laptop ginagawa ang kanyang report. Pinagawa kasi sya ng five pages na essay ng teacher na sinigawan nya.

Binabasa ko ngayon ang history ng Pendleton High sa kanilang website. Akalain nyong pamilya pala ni TOP ang may ari non?! Bakit nga ba hindi ko napansin 'yun? Pendleton ang surname ni TOP. Ang slow ko nga. OMG! Nagiging slow na nga ako! Hindi pwede yun!

Ang essay nga pala ay about Pendleton High then dapat may two pages na conclusion sa end. Twelve ang font at single space.

That stupid gangster! Pinapunta ako dito para gumawa ng report nya! Grrr! Biglang bumukas ang bathroom at lumabas ang isang half naked greek God. Ooh-lala ang ganda ng view. Uwaaa! Nakatitig lang ako sa half naked na si TOP na twalya lang ang suot sa ibaba. May twalya sa ulo nya na kinukuskos sa kanyang buhok. Biceps, six-pack abs, and well toned chest!

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Can't you see I'm here?! Hello!" Tinakpan ko ang mga mata ko. Ayokong mahuli na naglalaway sa katawan nya! OMG Sam! You very lucky girl! Ang SMEXY ng boyfriend ko!

"Your point?" tanong nya.

"Ano ka ba?! Hwag ka sa harap ko magbihis!"

"Ano'ng masama na mag-bihis sa harap ng asawa ko?"

"B-BASTA!" Wala akong masabi sa comment nya. Kung minsan talaga ang mga statement na nasasabi nya absentmindedly, pinapatay ako sa kilig. Asawa nya raw ako? Fufufu.

"Whatever, alam ko naman nakatingin ka sa akin kanina," then bumukas at sumara ang pinto.

Wala na si TOP nang tingnan ko ang kwarto. Whooo~ Bakit ba kailangan pang maging perfect ni TOP sa paningin ko? Mukhang mahihirapan akong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi maganda to.

*kuro.kuro.kuro*

Grabe nagugutom na ako! Kaunti nalang matatapos na ang report paper ni TOP. Makakauwi na rin ako! YES!

Nag-patuloy ako sa pag-type. Kusang gumagalaw ang mga kamay ko. Binasa ko ang sinulat ko. Hmm. Chicken adobo with rice? Huh? Backspace! Gutom na talaga ako!

Ayoko nang mag-isip! Wala naman napasok sa utak ko eh! WAAHH! Gutom na ako! Ano kayang ginagawa ni TOP sa labas? Pwede kayang makikain? Ehehe! Nung unang kain ko dito nakipag-away pa ako eh. Stupid Selfish B@stard ni hindi man lang nang-aalok ng food! <(>0<)> Bakit tinawag ko na naman syang b@stard?!! Nasasanay na ako!! Baka masabi ko ito sa school! Ang aking ranking!

*kuro.kuro.kuro*

Lumabas ako nang kwarto nya at nagpunta sa kusina. Ang daming pagkain sa lamesa! May handaan ba?! Ang bango! Nakita ko si TOP na nakasuot na naman ng strawberry apron. Nakatalikod sya at may kinukuha sa loob ng ref. Hahaha! Sabi na nga ba sya yun eh!

Dali-dali akong umupo sa harap ng lamesa na punong-puno ng masasarap na pagkain! Whoo~!! Kainan na! Oh yeah!

*BOINK!*

Binigyan na naman ako ng mahinang hampas sa ulo ni TOP. WAAH! Ang bad nya talaga!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" May hawak syang pitsel na may laman na tubig.

"Eh di kakain! Duh!" binigyan ko pa sya ng isang matinding roll ng mata.

"Hindi ka pa pwedeng kumain."

"At bakit? Gutom na gutom na ako! Maya ko nalang tatapusin ang paper mo!" parang bata na reklamo ko at tinignan ang mga pagkain sa harap ko. Gusto ko na talagang kumain!

"Then I suggest mag-hugas ka na ng kamay mo para makakain ka na," ngumiti sya at pinat ang ulo ko.

Sus! Yun lang pala! Tumakbo na ako sa sink para maghugas ng kamay. Then umupo na ulit ako sa pwesto ko. Kinuha ko halos lahat ng klase ng ulam at nilagay sa plate ko then two cups ng rice!

"Wifey are you mad?"

"No! I'm hella hungry!"

He chuckled and we ate in silence. In fairness, ang galing nya magluto! Heaven! Simut sarap! Pwede na syang mag-asawa! Ehhh?! Pero syempre bata pa kami! Di pa pwede. Di pa ako ready.

"By the way TOP."

"What?"

"Nice apron," pinigilan ko ang sarili ko sa pag-tawa.

"Thank—WHAT THE HELL?!!" tumingin sya sa suot nya. "Shit!"

***

"Bakit ko kailangan maghugas ng pinggan?!" tanong ko sa kanya nang matapos kaming kumain. Bigla nalang nyang sinabi na ako ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

"Dahil kailangan mo matuto ng mga gawaing bahay!"

"Ayoko nga! May maid naman sa bahay kaya hindi ko na kailangan pa matuto nyan!"

"Tamad."

"Ano?! Hindi ah! Hindi naman kailangan dahil may maid naman!"

"Pangalawang beses mo nang sinabi yan."

"Ang kulit mo kasi! Ano naman ngayon kung hindi ako marunong nyan?"

"Bakit ba ayaw mo nalang sundin ang sinasabi ko sayo wifey?"

"Basta ayoko! Ayoko! Ayoko!"

"Hwag mong sabihin na dahil ayaw mong masira ang kuko mo?"

"A-Ano?! Hindi ako ganon ha!"

"Sinabi mo eh, ako na ang gagawa nito," sabi nya na mukhang hindi naman naniniwala sa sinabi ko.

"Hindi nga sabi!"

"Wifey manuod ka nalang ng tv dyan o tapusin mo ang paper ko."

"Hindi ka ba naniniwala?!"

"May sinabi ba ako?" -___-

"Hindi nga sabi ako ganon!"

"Okay." Nag-huhugas na sya ng mga pinag-kainan ngayon.

"AKO NA NGA!!" Itinulak ko sya at naglagay ng rubber gloves.

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Patutunayan ko sayo na hindi ako maate!"

"Dun ka nalang sa kwarto wifey ako na dyan."

"Ayoko! Ikaw nalang ang pumunta don at tapusin mo yung report na 'yon o manuod ka ng tv sa sala."

"Sigurado ka?"

"Oo nga sabi eh!"

"Okay." Umalis na sya sa kusina at pumasok sa kwarto nya.

Ngayon, pano nga ba maghugas ng pinggan? Ano'ng unang step? Ah! Who cares?! Basta nasabunan lahat okay na yon! Ang galing ko talaga! Hahaha! Yeah baby! Yeah! patutunayan ko sa TOP na 'yon na marunong ako dito! Sigurado na mas lalong maiin-love yun sakin! Hahaha! Oh yeah!

Lalalaaa~ Isa akong dakilang housewife~ Lalala lalaaa~ Isa akong housewife~ KYAAAH!! Pakiramdam ko mag-asawa kami ni TOP at ako ang housewife.

"Wifey pupunta na ako sa office. May meeting kami ng mga bagong investors," sabi ni TOP.

Nagmamadali syang lumabas ng kwarto namin habang inaayos ang kanyang necktie. Nakasuot sya ng business attire. Lumapit naman ako at inayos ang kanyang tie.

"Anong oras ka uuwi? Ipaghahanda kita ng paborito mong ulam," ngumiti ako sa kanya.

"Hwag na, hindi na kailangan," tinitigan nya ako sa mga mata at itinaas ang aking chin. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"B-Bakit naman hubby?"

"Dahil wala akong ibang gustong kainin," bumulong sya sa tenga ko "Kung hindi ikaw lang pag-uwi ko," then he kissed me roughly.

KYAAAH! Nosebleed!! Napatingin ako sa hinuhugasan kong pinggan. Teka! Ayokong maging alila forever! Malolosyang ako nito! Pano kaya kung baliktad?

"Hubby pupunta na ako sa office. May meeting kami with the new board members," sabi ko habang inaayos ang necktie ko.

Lumapit si TOP sakin habang suot ang isang pink apron ma may maraming strawberries! Yum!

"Anong oras ka uuwi? Ipagluluto kita ng paborito mong ulam," natapos nyang ayusin ang necktie ko at ngumiti sakin.

"Hindi na kailangan," sabi ko at inilapit ang mukha ko sa kanya.

"B-Bakit naman wifey?"

"Dahil wala akong ibang gustong kainin," hinigit ko ang kwelyo ng damit nya at bumulong sa tenga nya, "kung hindi ikaw pag-uwi ko," then I kissed him roughly.

"My wifey is very naughty"

"What are you talking about? You love it when I do naughty things."

"Didn't say I don't."

KYAAAH! Mas magandang version yun! TOTAL NOSEBLEED!

"Tama! Mas maganda nga yun! Hahaha!" tumawa ako na parang nababaliw na.

"Miracle!"

"Ay butiki!" Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang pinggan.

*CRASH!!*

Oopps! Napatingin ako sa basag na pinggan tapos ay kay TOP. Uh-oh! Mukhang hindi ko pa tlaga time para maging housewife.

"Retard, ano na ba ang ginawa mo sa kusina ko?" Inikot ni TOP ang tingin sa buong kusina.

Mabilis syang lumapit sa lababo na napupuno ng bula at isinara ang gripo. Oopps! Hindi ko namalayan na napasobra pala ang lagay ko. Hehe!

"What kind of wife are you? Simpleng bagay lang hindi mo pa magawa."

"Ouch! Ang sakit mo naman mag-salita. Hmph!"

"Tell me, what in the world is it that you can do?" tanong nya habang nililinis ang nabasag na pinggan.

"Mag-tagalog ka! At hwag mo ngang maliitin ang wifey mo! Marami akong alam noh! Ako yata ang Rank #1 sa St. Celestine High!" taas noo kong sabi.

"Sinabi mo eh."

"Talaga!"

"Masaya ka naman ba?"

"Saan?"

"Sa pagiging rank #1 mo."

"A-Ano ba naman klaseng tanong 'yan?! Matagal kong pinaghirapan ang makatungtong sa rank na yon. At ang isa pa—"

"Oo o hindi. Yun lang naman ang sagot sa tanong ko?" tumayo na sya at itinapon sa basurahan ang basag na plato.

"O-Oo naman," nakayukong sabi ko.

Pero bakit hindi ko maramdaman na totoo ang sagot ko? Masaya nga ba ako? Pagkatapos ng disaster na ginawa ko RAW sa kusina ni TOP. Naisipan nyang pauwiin na ako. Hindi naman halata na ipinagtatabuyan nya ako, hindi ba?