Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Cursed People

🇵🇭DinoMadrid14
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.4k
Views
Synopsis
After the Blood War, Ronan Acworth couldn't believe he survived the bloody combat. Nagising siya sa isang lumang karwahe na nagdala sa kanya sa lugar kung saan siya nababagay. A sanctuary, a home for cursed people. He noticed a strange mark in his right wrist. Ang ipinagtataka niya kung bakit siya nagkaroon ng ganoong klase ng marka. Then he met this guy who adopted him from being neglected. His name is Hugo Salazar, who manages the home and giving life and support for the cursed people. Kapag mayroon kang marka ibig sabihin isa ka sa mga cursed people na kinukupkop niya. Ang ibig sabihin ng mga taong may marka ay nagtataglay ng kakaibang abilidad. They popularly call it "curse". You can control anything using your mind, you can run as fast as ferrari, you can flicker anywhere and you can jump into different places all at once. Pero ang ipinagtataka ni Ronan ay kung ano'ng curse ang mayroon siya. The people around him call him a "late bloomer". Hindi pa man niya nadidiskubre ang kapangyarihan niya but soon it will be revealed. Ano ang magiging takbo ng buhay ni Ronan kasama ang mga kakaibang nilalang na ito? They have strange and powerful abilities, they called The Cursed People. A terrible mark. A society of strange people. Splashes of blood. Thank you so much @-starless for the amazing cover.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Ronan Acworth

I WAS staring at a strange mark in my right wrist. It has a perfect design. It was dark, curvy, like a moon phase–a waning crescent to be exact– and has a little broken circles around in its center point. Tumingala ako habang patuloy ang pagyanig ng maliit na kulungang lulan ko. Wala akong ideya kung bakit ako nagkaroon ng ganitong uri ng marka. It was fresh from the flesh. Medyo mahapdi at makati. Sinubukan ko itong hipan para lang maibsan ang sakit na nararamdaman ko mula rito.

Naririnig ko ang pagtakbo ng kabayo, ang pagtama ng mga matitigas nitong mga paa sa lupa. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Nasa panganib na naman ba ang buhay ko? Everytime I visualize what had happened, it reminds me of death.

Kahit na masakit at namamanhid ang mga binti ko ay sinubukan kong tumayo para sumilip sa maliit na bintana. Kung hindi ako nagkakamali nakakulong ako sa isang karwaheng masikip, maliit at marumi. Maalog at mauga mula sa mabakong daang tinatahak nito. I stand still but it turns out my knees felt like jelly and I couldn't help it. I pushed all of my strength and bring it on my knees to stood properly.

Mula sa labas, mabilis na tumatakbo ang karwahe at daan-daang mga puno ang nakikita ng aking mga mata. Mga berdeng-berdeng dahon mula sa naglalakihan nitong mga sanga. Inilibot ko ang aking mga mata sa daan, maputik ang lupa at amoy alimuom. Senyales ng kakatapos lang ng malakas na ulan.

I don't have anything right now but a fabric thin dirty pants. Don't have even a shirt to fight a breeze of cold air. Sobrang lamig ng hanging pumapasok sa loob ng karwahe. Tanging manipis na kasuotang pang-ibaba lamang ang tumutulong sa akin sa mga oras na ito. Wala ng iba at wala ng natira.

Sinubukan kong yakapin ang aking sarili para lang maibsan ang lamig na bumabalot sa aking katawan. I gaze once again on my strange mark.

Ano'ng ibig sabihin nito?

Bakit ako nagkaroon ng ganitong uri ng marka?

Gulo-gulo ang isipan ko gaya ng buhok kong naglalagkit. No bathe, water or food to fill my starving and rumbling stomach. Hindi ko alam kung bakit sa oras na ito ay buhay pa ako. It was like a miracle that 'til now I'm still alive, breathing for life.

Nagpintig ang sintido ko...

Mga sigawan at saklolo. Agos ng dugo at pagsusumamo. Patayan mula sa palasyo at lupang nasasakupan nito. Galit na galit ang bawat isa para ipagtanggol ang mga buhay nila. Pinaglalaban ang karapatan ng mga sarili at kanilang pamilya. Pagtilamsik ng malalapot at purong-purong dugo ng mga pinaslang. Pagbagsak ng mga katawan sa lupa at pagkawala ng buhay. Maraming nakahandusay habang patuloy ang malawak na digmaan. Nakakatakot, madugo't masalimuot.

Blood War.

Ako na yata ang pinaka-masuwerteng nakaligtas sa digmaang iyon. It was inescapable honestly. Even if you prayed for your life, no one could really survived that war in any possible way. Hindi ko alam kung sino ang nagligtas sa akin noong naganap ang Blood War. Ang huli ko lang na natatandaan ay ang kulay dugong kalangitan at malawak na patayan. Noong mga oras na iyon, bumagsak ako sa lupa, mabilis ang kabog ng aking dibdib, naghihingalo at hanggang sa nawalan ng malay. Akala ko iyon na ang huling sandali ng buhay ko. Pero mukhang isang himala ang nangyari, gising ako ngayon at binigyan ng ikalawang pagkakataon para mabuhay.

Huminto ang karwaheng lulan ko. Sinubukan kong talasang mabuti ang aking pandinig. Nakarinig ako ng lagaslas ng agos ng tubig 'di kalayuan. Ang mga yapak ng kung sino man at ang huni ng mga ibon at insektong sumasabay sa ihip ng hangin. It sounds like a beautiful forest, where birds and insects chirping beautifully in unison. That was only my mere thought, there's no beautiful if I'm being caged and cast-off like this.

"Cursed people?" tanong ng isang lalaking may mababang boses na nagmula sa unahan. I feel his authority in his calmly deep voice. Katabi siguro nito ang kabayong nagdala sa akin hanggang sa lugar na ito.

"Opo, sir Hugo." sagot ng isa pang lalaking may makapal at halos paos na boses. A combination of dry throat and husky tone.

"Galing ng Wincendalle?" muli nitong tanong na dahilan para mas talasan ko pa ang pandinig ko.

Ang Wincendalle ay ang lugar kung saan ako lumaki at bumuo ng mga alaala. May isang palasyo sa pinakasentro ng lugar at may malawak na kabahayan mula sa paligid nito kung saan nakatira ang mga mamamayan nito. Walang namumuno o taong nagpapatakbo ng buong kalupaan isang daang taon na ang nakalilipas at napakabihira ng ganoong sitwasyon. Pantay-pantay ang karapatan ngunit ang salapi't kayamanan ay hindi.

Bilang lumabas sa aking isipan ang pag-aalala ko sa aking kapatid...

Si Rory.

Nasaan na kaya siya ngayon?

"Lalaki ulit? Saan ang marka niya? Anong curse ang mayroon siya?" sunod-sunod mga tanong ng lalaking unang nagsalita. Para bang inililista niya ang mga impormasyong nakalap ng lalaking kausap nito. Magkaibang-magkaiba ang timbre at tono ng boses ng dalawa kaya madaling malaman ang pagkakaiba at kung sino ang nagsasalita.

I heard my stomach rumbles. My head hurts mildly and my throat began wanting water right now. I'm drained and my body will faint anytime. How could I still breathing if this is my case now?

"Opo, sir Hugo, lalaking muli. Hindi ko pa alam ang curse na tinataglay niya. Pero nakita kong may marka sa kanyang pulso, kaya alam kong isa siya sa mga cursed people na hinahanap ninyo." batid ng lalaking may makapal na boses. Pinag-uusapan nila ako, ang kalagayan ko at ang impormasyong alam kong sa akin.

Ano'ng curse ang pinag-uusapan nila? Kapag ba may markang tulad ng markang mayroon ako ay isa na sa mga cursed people na sinasabi nila? Sino ang mga cursed people na iyon? Anong curse ang mayroon ako at tila pakiramdam ko ay may kakaiba akong tinataglay base sa mga pinag-usapan nila?

"Maaari ko ba siyang makita?" he asked and I became horrified. Nang marinig kong gusto niya akong makita, namanhid bigla ang mga kamay at mga tuhod ko. Halos marinig ko na rin ang aking malalim na paghinga. An electrifying feeling sudden sorrounds my whole body.

Narinig ko ang langitngit nang pagbukas ng pintuan. Tumambad sa akin ang liwanag ng labas na halos ikasilaw ng mga mata kong nasanay sa dilim. Inalalayan ako ng lalaking may telang nakapaikot sa kanyang ulo at balot na balot ng magarang damit.

Kung hindi ako nagkakamali. Isa siyang chaperone.

Sinubukan kong tumayo habang nakakapit sa kanyang suporta. Nang iharap niya ako sa lalaking kausap niya kanina ay agad na tinignan ko ang naiiba nitong kasuotan. Mukhang isa siya sa mahaharlikang pamilya. Sa tindig, kilos at pananamit palang malalaman mo na ang agad estado niya sa buhay. He's definitely from high class of people. He's pleasant and has this glowing expensive skin. If that's the case, I bet he's bathing with milk instead of water.

"Sir Hugo, siya ang sinasabi ko sa iyong isa sa mga cursed people." tinapunan ako ng tingin ng lalaking may pangalang Hugo. Mula ulo hanggang paa, walang nakaligtas. Kinilatis niya akong maigi at pinag-aralan. I saw his serious face and a half disgust in a good way.

He sighed and painted a smile. "Maganda umaga sa iyo. Ako nga pala si Hugo Salazar." kalmado niyang bati sa akin at inilahad niya ang kanyang malinis na kamay. Kahit na marumi at hubad ako ay hindi niya iyon inintindi o pinansin. Gusto niyang makipagkamay sa maruming kong palad.

He treats me gently and respectfully. I expected a sort of discrimination and a wince by mingling with untidy person like me, but I was wrong.

Nanginginig ako sa lamig. "M-magandang... u-umaga." utal kong bati bilang tugon sa kanya. Nakipagkamay ako dahil iyon nalang ang tanging paraan para makipag-kapwa tao ako sa isang ito. Nakita ko ang mga mata niyang lumihis ng tingin at alam ko kung saan iyon napunta. Pinagmamasdan niya ang pulso ko kung saan naroroon ang marka na hindi ko alam kung paano ako nagkaroon.

Napatingin ako sa paligid. Pinalilibutan kami ng mga nagtataasang puno at isang makipot at maputik na kalsada kung saan kami nagkatigil ngayon. Sobrang ganda ng pagkakaayos sa mga puno. Daan-daang naggagandahan at naglalakihang mga puno.

Ngumiti siya sa akin. "Ano'ng pangalan mo?" muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa akin. He has his pleasing and friendly eyes.

Nanatili akong matatag sa harapan niya ngunit sa loob-loob ko ay gusto nang bumagsak ng katawan ko sa lupa dahil sa sobrang panghihina't kagutuman.

I blinked thrice 'cause my eyes slightly swollen due to lack of sleep. I saw him in my vision blur.

"R-ronan... Ronan Acworth." pagpapakilala ko at alam kong nahalata niya ang panghihina sa tono at paos ng boses ko.

Mula sa gilid niya ay mayroon siyang katabing kulay pilak na kabayo. A silver, healthy and young horse with a thick and long mane. Sa kabila naman nito ay may isang pang kabayong nakatigil at kulay puti naman ito na direktang nakatali mula sa karwaheng sinakyan ko. Mayroong magandang saddle ang kabayong may pilak na kulay. Marahil ay sa kanya ang malusog na kabayong iyon.

"Ano'ng curse ang mayroon ka?" tumining sa aking tainga ang tanong na iyon. Ginawa niyang mas maging kalmado ang boses para hindi ko siya katakutan. Wala akong ideya kung ano ang curse na sinasabi niya at kung ano'ng mayroong kakaiba roon. Ano bang espesyal na katangian mayroon ang mga may curse na tao? Bakit parang may iba akong pakiramdam sa tuwing maririnig ko ang salitang iyon?

Nakakunot ang noo ko at wala akong alam at maintindihan sa mga sinasabi niya. "A-anong curse ang sinasabi mo?" halos paos na ang boses ko dahil sa pagka-uhaw. Tuyot ang lalamunan at pilit na sinasagot ang kanyang mga tanong.

Napatingin ito sa chaperone na umaalalay sa akin. "Hindi niya pa alam na isa siya sa mga cursed people?" tanong niya rito. Nagkatinginan silang dalawa at tila ba may mga senyas ang kanilang mga titig sa isa't isa na hindi ko maintindihan.

Tumango ang chaperone at muling tumingin sa akin ang lalaking may pangalang Hugo.

"Pag-uusapan natin ang tungkol d'yan mamaya. Mas mabuti siguro kung mabibihisan ka muna, makapagpahinga at mabibigyan ng makakain. Mukhang pagod na pagod ka na." ngumiti siya sa akin hindi tulad ng mga ngiti niya kanina. Tumalikod siya at sumakay sa kanyang kabayo.

Nakita ko ang marka mula sa kanyang batok. Katulad iyon ng marka na mayroon ako. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi sinasadyang makita iyon. Hindi ako nag-iisa. He got also that mark and we got the same mark and design. Magkaiba lang ang lugar kung saan ito naka-puwesto.

Inakay ako ng chaperone at ibinalik sa loob ng karwahe at nagsimula nang tumakbo ang kabayo para sundan namin ang lalaking may kulay pilak na kabayo.

Hugo Salazar. I feel something strange in him. It's a mix of 'I should've trust him' and 'I should've not'.

Sino ang respetadong taong iyon? Ano'ng kinalaman ko sa kanya at kailangan pa naming mag-usap? Hindi ako interesado sa mga curse na sinasabi niya o sa mga cursed people na kinabibilangan ko ayon sa kanya. Pero hindi ko kailangang tumakas o takasan sila sa mga oras na ito. Ang importante ngayon ay mabuhay ako, makakain at madamitan.

***