Tuwang-tuwa ang ina ni Dixal pagkakita lang kay Devon na papasok sa silid hawak ang kamay ng kanyang lola habang nakasunod lang si Lemuel sa dalawa bitbit ang dalawang bag, isa sa pagkain nila, ang isa ay mga damit ni Flora Amor.
Nagkahiyaan pa ang dalawang magbalae at nagbatian lang ngunit hindi nag-usap nang matagal dahil natuon ang atensyon ng ginang sa bata. Agad nitong kinarga ang apo at pinugpog ng halik.
Ang kanyang ina nama'y agad kinuha kay Lemuel ang isang bitbit at bumaling sa kanya.
"Sumama na ako rito, anak at isinabay ko na rin 'tong mga damit mo nang may magamit ka rito. Akina na ang mga labahin mo nang malabhan agad pag-uwi ko," anang ina habang inilalagay sa maliit na kabinet ang kanyang mga damit sa gitna ng bed ni Dixal at ng sofa.
"Kain po muna tayo," sabad ni Lemuel nang biglang magutom sa amoy ng afritadang baboy na dala ng maglola at sa teriyaki chicken na niluto naman ng ina ni Dixal.
"Nagsilapitan naman sa bed table ang lahat kung saan nakalatag ang mga pagkain.
"O kumain muna tayo. 'Di pa rin kami kumakain at inuna kong magluto ng ulam pagkadating ni Lemuel sa bahay," yaya ng ina.
"Mommy, bakit niyo po pinadala 'yong lappy at printer dito?" baling ni Devon sa kanya habang karga ito ng ina ni Dixal.
Ngumiti lang siya.
"Maglalaro tayo mamaya anak pagkatapos nating kumain," anya't kumuha na ng pagkain.
"'Yong pinadadala mo pala ando'n pa sa kotse. Mamaya ko na kunin pagkatapos ko kumain," sabad ni Lemuel.
Tumango siya.
Buffet style ang ginawa nila sa pagkain. May kanya-kanyang diskarte na lang sila kung saan sila uupo makakain lang.
Pero ang ina ni Dixal, ito na ang nagpakain sa bata habang nakaupo ang huli sa gilid ng bed ng ama at ang lola ay sa isang silya paharap sa bata.
Sina Flora Amor at ang dalawa pa ay humilira sa mahabang sofa.
Tahimik lang silang kumain, naka-focus ang lahat sa masasarap na ulam na nakalatag sa mesa, syempre hindi mawawala ang paborito ni Devon na naging paborito na rin ng ina ni Dixal.
"Nakakatuwa ang batang 'to. Gustong gusto talaga ng hipon," natatawang puna nito sa bata.
"Ay tama ka d'yan balae. 'Pag nagluluto ako ng paborito niya, laging dalawang kilo 'yan, kalahating kilo sa kanya at ayaw nang nabibitin ng kain," segunda ni Aling Nancy.
Tumawa nang malakas ang kausap.
"Ang lakas mo palang kumain, bakit hindi ka tumataba?" pabirong tanong ni Aling Adele sa bata, ang ina ni Dixal.
Humagikhik lang ang bata saka isinubo ang nakalagay sa kutsarang inilalahad ng lola.
"Kuuu, pa'nong tataba 'yan eh, puro lang ulam kinakain niyan. 'Di yan mahilig sa kanin," sabad na uli ni Aling Nancy.
Siniko niya ang ina.
"Doon ka na lang kaya tumabi kay Devon, Ma. Ikaw ang panay sagot kay mama eh, magtabi na lang kaya kayo ni Devon," pabiro niyang utos rito.
"Ikaw talaga, hayaan mo nga kaming mag-usap magbalae," bara ng ina't umirap pa sa kanya.
Habang si Lemuel naman ay nakangiti lang na nakikinig sa kulitan nila at magana ring kumakain habang nagkakamay.
"Masanay ka na samin nitong si Flor, balae. Talagang gan'to lang kami magbiruan, para lang kaming magkapatid," saad nito sa isa.
"Mas maganda nga 'yan balae, malapit ka sa mga anak mo. Ako, ni 'di ko naranasang biruin ng ganyan ng mga anak ko. Mailap sila sa'kin," kwento ng ginang saka sumubo ng pagkain.
"Magkaroon ka ba naman ng pitong anak, balae, isama pa 'yang batang 'yan, talagang walwal ang dila ko sa kanilang lahat lalo na no'ng mga bata pa sila." 'Di nagpadaig ang kanyang ina at bumida rin.
Natatawa na lang siya habang kumakain at nakikinig sa bidahan ng dalawa.
------
"Mommy, ano pong gagawin mo sa lappy? Magwowork pa rin kayo kahit nasa ospital?" usisa ni Devon nang matapos na silang kumain.
Lumapit ito sa kanya nang napansing nakaharap na sa kanya ang bed table at nakapatong doon ang lappy niya. Ang printer nama'y nakapatong sa ibabaw ng sofa sa tabi niya.
Umusog siya at tinapik-tapik ang ibabaw ng sofa.
"Lika rito anak, dito ka sa tabi ni mommy," kaway niya rito.
Sumunod naman ang bata.
"Ilan na ang nagagawa mong plano, anak? 'Di ba gumagawa ka ng plano ng bahay?" bulong niya.
"Bakit po?" nag-angat ito ng mukha at tumitig sa kanya.
"Gusto kasing tulungan ni Amor si tito Lemuel para makuha niya lahat ng umurong na kliyente at 'di pumirma ng kontrata sa kompanya. 'Di ba gusto mo ring tulungan si daddy sa negosyo niya?" paliwanag niya sabay tanong rito.
"Opo. But I think I have to consider things about those clients when they already withdrawn from signing the contract," parang professional na sabi nito.
Si Lemuel na nakatayo lang sa harap nila'y napatitig sa bata. Nagulat seguro sa sinabi nito, o 'di makapaniwala sa sinabi nito at natuklasang marunong na itong gumawa ng plano sa gano'ng edad.
Ang dalawa namang magbyenan ay masaya pa ring nagkukwentuhan habang magkatapat na nakaupo sa gilid ng bed ni Dixal.
Tumango siya.
"'Yon nga ang iniisip ko kanina pa. Pa'no silang mapapapayag na mag-sign ng contract without forcing them. Ang sabi ni Tito Lemuel, gusto muna nilang makita ang plano ni daddy mo at 'pag nagustuhan nila, saka sila pipirma ng kontrata. Pero nalaman nilang na-coma si Dixal kaya nag back-out sila," paliwanag niya.
Binuksan ng bata ang AutoCAD at tiningnan isa-isa ang mga nagawa nito.
"I don't know po kung anong qualities ni daddy ang gusto nila sa paggawa ng plano but I think we have to know about their interests and their works tapos po do'n tayo magba-base sa paggawa ng plano."
Napa-thumbsup siya at tumingin kay Lemuel na nakanganga habang nakatitig sa bata.
'How could this little kid think about asking their clients interests in making a plan?' hiyaw ng isip nito.
"Lemuel, pakibigay sakin ng info about those clients na umurong sa pagpirma ng kontrata sa FOL Builders," baling niya sa lalaki.
Sandaling napatunganga ang huli ngunit nang makabawi ay nagmamadaling lumabas ng kwarto, pagbalik ay merun nang hawak na makapal na folder at mabilis na ibinigay sa kanya.
"And'yan ang mga impormasyong kailangan mo tungkol sa mga kliyente," anito't curious na naupo sa tabi ni Devon.
"Alam mo pa'no gumawa ng plano?" 'di makapaniwalang tanong nito sa bata.
Pasimpleng tumango ang huli.
'Di pa rin ito makapaniwala sa nakikita habang kinakalikot ng bata ang mga gawa nito saka bumaling sa kanya.
"Anak, patingin ng mga gawa mo? Para kasing pwede na ang nga 'yon pamalit sa mga gawa ng daddy mo," anya sa bata pagkatapos niyang basahin isa-isa ang infos ng mga kliyente.
Iniabot niya ang folder dito, ito naman ang nagbasa at siya ang tumingin sa mga gawa nito.
Habang si Lemuel ay nakatulalang nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Madam, segurado ka bang nababasa ng anak mo ang mga nakasulat sa folder?" usisa nito sa kanya.
Kaswal lang siyang tumango.
"Oo, bakit?" kunut-noo niyang balik-tanong.
Napanganga ito at halos 'di kumukurap na tumitig sa bata, pagkuwa'y sa screen naman ng lappy.
Natatawang tinapik niya ang balikat nito.
"Isipin mo na lang isa siya sa mga engineer ng FOL Builders nang 'di ka nagugulat d'yan," payo niya sa lalaki.
"Sa ngayon, si Devon lang ang makakatulong sa problema natin para bukas makausap na natin 'yong sinasabi mong kliyente at baka lumipat na ang mga 'yon sa ibang construction companies."
"Mommy, tama ka po. Pwede na ang mga gawa ko para sa kanila," sang-ayon ng bata saka kinalikot ang lappy upang maiprint na ang mga gawa nito at nang matapos ay iniabot niya sa lalaki ang madami-dami ring plano, labing anim lahat.
"Pwede mo bang mailagay agad ang mga to sa catalogue? Tapos bukas ay kausapin mo si Dix na siyang makipag-usap sa mga kliyente bilang acting CEO ng kompanya. Ayusin mo na lang ang mga 'yan nang mailagay agad sa katalog at 'yan ang ipapakita natin sa mga kliyente," pasimple niyang utos.
Ilang beses tumango si Lemuel ngunit pagkuwa'y bumaling sa kanya.
"Segurado ka bang gawa ng anak mo ang mga 'to, madam?" tanong pa rin nito.
Muli siyang natawa.
"'Yup. 'Wag mo na lang sabihin kahit kanino ang tungkol sa bagay na 'yan. Lihim na lang natin 'to," pakiusap niya rito.
"Aba, busy kayo d'yan ah. Ano'ng pinag-uusapan niyo?" usisa ng ina niya nang 'di nila mapansing nakalapit na pala ito at nakikinig sa usapan nila.
"Tungkol sa trabaho, Ma. Bumaba daw kasi ang profit ng kompanya mula nang mangyari ang aksidente. 'Di naman din ako makapasok para tulungan si Lemuel at Dix kaya ito na lang ang magagawa ko, isinama ko na rin ang bata nang makatulong sa kompanya," sagot niya.
Tamang tama namang 'di pa siya natatapos magsalita ay may kumatok sa pinto. Nang pagbuksan ng kanyang byenan ay saka niya nakita si Dix na lukot din ang mukha, galing seguro sa trabaho.
Agad na lumapit si Lemuel dito at kinausap ito dala ang folder at mga ini-print ni Devon.
Nangingiting tumabi sa kanya ang ina at umakbay.
"Anak, pwede rin ba akong makatulong sa inyo ni Dixal? Seguro panahon na para makapagbigay naman ako ng kontribusyon sa kompanya ng asawa mo," seryoso nitong wika.
Nangingiting hinampas niya ang hita nito.
"Ano namang kontribusyon 'yan, Ma? Okay na 'yong gawa ni Devon. Tama na 'yon. 'Pag nagising si Dixal, maaayos din ang lahat."
"Aba, wala kang tiwala sa ina mo? Hayaan mong ako naman ang gumawa ng parte ko para matulungan kayo," pabiro nitong wika.
Humagikhik siya.
"Ikaw ang bahala, Ma. Sige, go kung ano man 'yan," natatawa niyang sang-ayon.
Tumawa na rin ito pagkuwa'y tumayo.
"Mommy, gusto ko nang matulog. Dito na lang po ako matutulog ha?" pakiusap ng bata.
Kinalong niya ito at niyakap.
"Sige anak. Dito ka na matulog," pagpayag niya.
Tiningnan niya ang inang may hawak nang phone at seryosong nakikipag-usap sa katawagan sa 'di kalayuan sa kanila.
"Ayusin mo ang lahat ng kailangan ko,"utos nito sa kausap.
"Don't worry. ma'am. Aayusin ko agad.
'Yong mga ipinapautos niyo pala sakin, parang mahihirapan tayong mabawi 'yon kasi ang balita ko ibebenta raw nila ang lahat ng lupa ng papa mo," anang kausap nito.
"Bilhin mo," utos ng ginang.
"Ma'am?" nagulat ang kausap sa sinabi nito.
"Hindi po madali ang pinapagawa niyo ma'am, to think na mahal panigurado ang pagkakabenta, isa pa'y may mga taniman po doon at mga gusali din."
"Gumawa ka ng paraan para magkagulo sila at nang mapilitan silang ibigay sa'yo sa murang halaga," suhestyon nito.
"Ah okay po, ma'am. 'Yong ipinapaayos niyo pala, ibibigay ko na lang po bukas," anang kausap sa phone
"Sige, salamat," ani Aling Nancy.
"Ma, mukhang seryoso ang usapan niyo ah. Sino 'yon?" usisa niya nang makitang ibinubulsa na ng ina sa suot nitong pantalon ang gamit na phone.
Napangiti ito.
"Asus, ngayon mo lang ba ako nakitang makipag-usap nang seryoso?" pairap na sambit.
"Mamaya, manliligaw mo na 'yon, 'di pa namin alam," biro niya, tumawa ito nang malakas.
Napangiti na rin siya ngunit agad napako ang paningin sa byenang nakakunut ang noo habang nakatitig sa kamay ni Dixal.
Karga ang nakakaidlip nang anak ay lumapit siya rito.
"May problema po ba, mama?" tanong niya.
"I'm not sure pero parang nakita kong gumalaw ang isang daliri ni Dixal,"
sagot nitong nanatili pa ring nakatitig sa kamay ng anak.
Agad siyang napaupo sa gilid ng kama at hinawakan ang isang kamay ng asawa.
Sana nga gumising na si Dixal nang maayos na ang gulo sa kompanya.