"Flor?" bahagya pang nagulat ang professor nang makita siya sa loob mismo ng opisina nito sa third floor ng admin sa school nila.
Bitbit ang isang notebook sa kanang kamay ay isinara nito ang pinto ng opisina saka lumapit sa nakaupong dalaga sa visitor's seat at tahimik lang na naghihintay dito.
Pinagmasdan muna siya nito bago muling nagsalita at umupo sa swivel chair paharap sa kanya.
"Bakit ka andito? May problema ba sa inyo ni Anton?" patay-malisya nitong tanong.
"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Putulin niyo na po ang relasyon niyo ni mama," lakas-loob niyang sagot.
"What? Relasyon?" kunut-noo nitong sambit saka tumawa nang malakas.
"What kind of relationship are you talking about, kiddo?" natatawang tanong nito.
Ang dalaga naman ang napakunot-noo.
"'D-di po ba may relasyon kayo ni mama?" nalilito niyang sambit.
Bakit nagkita ang mga 'to nung isang gabi at nagtatawagan sa cellphone kung walang relasyon ang dalawa?
"Just because you saw us the other night doesn't mean that we have an intimate relationship," anang ginoo.
Umawang ang kanyang bibig saka siya gulat na napatayo. Pa'no nito nalaman ang bagay na 'yon? Ang alam niya kahit ang kanyang ina'y 'di alam na sinundan niya ito no'ng gabing 'yun.
"Sit down." Sumenyas itong umupo siya saka siya tinitigang mabuti sa mukha.
"I admire you. Going alone to City Hall just to slap and hurl your father's mistress? That was so awesome," marahan itong tumawa.
Lalo siyang nagulat sa sinabi nito. Pa'no nito nalaman ang lahat ng 'yon?
"Pano niyo pong nalaman 'yun?" takang-tanong niya at naintrigang pinagmasdan ito.
Pa'nong kahit ang pagpunta niya sa City Hall ay alam nito?
Nangingiting dinampot nito ang remote ng TV sa tabi nitong lamesita at binuksan 'yon saka niya nakita ang sariling iningungudngod sa mesa ang kabit ng kanyang ama.
Natigilan siya. Pa'nong naipalabas 'yon sa TV?
"Who are you?" puno ng pagkalitong tanong niya.
Marahan itong tumawa saka binuksan ang drawer sa mesa at may kinuhang folder.
"Take a look at these, then I'll answer your questions," anito saka iniabot sa kanya ang folder.
Salubong pa rin ang mga kilay na kinuha niya iyon. Tinitigan muna ito bago ipinako ang paningin sa laman ng folder.
Larawan ang mga 'yon ng kanyang papa kasama ng iba't ibang tao, lahat ng mga 'yon ay mga estranghero sa kanya.
"Your mother and I are just two people on the same boat."
Lalong nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito, wala siyang maintindihan kahit isa sa mga 'yon.
"A-ano po'ng ibig niyong sabihin?"
Bumuntung-hininga muna ito bago nagsalita.
"Your father is one of the most influential drug lords in the Philippines," walang gatol nitong sagot.
Parang bomba iyong sumabog sa kanyang pandinig.
Drug lord?! Hindi totoo 'yun.
"Hindi po 'yun totoo!" agad niyang tanggi.
"Kilala ko po ang papa ko, hindi siya gumagamit ng druga," pagtatanggol niya sa ama.
Tumayo ang kausap at lumapit sa kanya.
"You're right. Hindi siya gumagamit ng druga, gumagawa at nagbebenta lang siya," sagot nito.
Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo sa narinig.
Gumagawa at nagbebenta ang ama ng ipinagbabawal na gamot?! Hindi! Hindi rin 'yon totoo!
Nanghihina siyang napaupo sa silya.
"Those people with him are his clients." dugtong ng ginoo.
"Do you know his mistress? She's the congressman's sister, ang pinakatanyag na drug lord sa buong Asia. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi makawala ang 'yong ama sa kanilang mga kamay. Alam niyang papatayin siya ng mga 'to pag kumawala siya," paliwanag nito.
Namanhid ang buo niyang katawan. Wala siyang maunawaan sa mga sinasabi ng ama ni Anton pero bakit apektado agad ang kanyang katawan sa mga isiniwalat nito?
"And your mother, knowing that I'm an NBI agent ay lumapit sakin para protektahan ka mula sa kabit ng 'yong ama kaya kami nagkaroon ng komunikasyon."
Biglang tumulo ang kanyang luha sa huling sinabi nito. Alam ng mama niyang isang drug lord ang kanyang ama? Kaya ba ito nakipaghiwalay dahil do'n at sinabing 'wag silang idamay?
Pakiramdam niya, punong-puno na ang kanyang utak sa mga natuklasang 'yon.
At ang ama ni Anton ay isang NBI agent? Kaya ba ito lumipat ng trabaho nang lumipat sila sa novaliches? Para mabantayan ang kanyang pamilya at masubaybayan ang kanyang ama?
At ano'ng sinasabi nitong ang kanyang ina mismo ang lumapit dito upang humingi ng tulong at protektahan siya mula sa kabit ng ama?
"O I see. But I thought we were four in that jeep following you." Biglang umalingawngaw ang boses ni Dixal sa kanyang pandinig.
Bilog ang mga matang bumaling siya sa may edad nang lalaki.
Ito ang sumusunod sa kanya at hindi si Anton?!
Pinasubaybayan siya nito dahil sa pakiusap ng kanyang ina? Ito din ba ang dahilan kung bakit pinalipat ng school si Ellise dahil sinambulat ng huling pamilya sila ng mga pusher?
"Believe it or not pero 'yon ang totoo," anito habang nakatitig sa namumutla niyang mukha.
"I told you all of these para hikayatin kang tumulong sa goal namin ng iyong ina, ang kumuha ng mga ebidensya laban sa kabit ng 'yong ama at sa kapatid nito para mahuli na silang lahat na mga salot ng lipunan."
Tumayo siya't umiiyak na tumakbo palabas ng opisina.
Hindi! Hindi totoo ang kanyang mga narinig. Guni-guni lamang 'yon ng ama ng kaibigan. Hindi totoong isang drug lord ang kanyang ama. At 'di rin totoong ang mismo niyang ina ang nag-utos sa ama ni Anton para subaybayan siya. Walang totoo sa mga sinabi ng lalaking 'yun. Lahat ng mga sinabi nito puro kasinungalingan.
"Flor!" paglabas lang niya ng opisina ay humahangos agad na sumalubong si Anton.
"Flor, okay ka lang? Where's my father?" tanong nito, hinawakan siya sa magkabilang bisig.
Hindi siya sumagot, ni hindi pumasok sa pandinig niya ang tanong nito.
Tila wala sa sarili siyang pumalag at tulalang naglakad sa lobby. Walang nagawa si Anton kundi tahimik na sumunod.
Parang gusto na niyang sumuko. Lahat na lang ng nangyayari sa kanila ngayon ay puro problema, puro pagsubok. Lahat ng mga bagay na natutuklasan niya'y 'di kayang tanggapin ng kanyang puso't isipan. Gusto na niyang sumuko sa lahat ng 'to.
Lupaypay ang mga balikat na bumaba siya ng hagdanan habang si Anton ay nag-aalalang nakasunod lang sa kanyang likuran. Ni hindi nga niya ito mapansin.
Hiindi niya alam kung paano siyang nakauwi sa kanilang bahay basta't nang makapasok siya sa loob ay naroon ang inang nang mga sandaling 'yon ay 'di pa rin nawawala ang pangingitim ng magkabilang pisngi dahil sa ginawa ng kabit ng kanyang ama.
Doon lang siya tila natauhan nang makita itong umiiyak na sumalubong sa kanya.
"Ma? Totoo ba? Ang sabi ni sir Diaz---"
Agad siya nitong niyakap at humagulhol ng iyak.
"Ma, hindi 'yon totoo, 'di ba? Kahit gano'n si papa pero 'di niya 'yon magagawa." Bigla na namang tumulo ang luha sa mga mata.
"Ma, ano'ng nangyayari sa pamilya natin? Bakit nagkaganito na lang bigla? Bumalik na lang tayo sa Bicol. Doon, masaya tayo kahit mahirap lang ang buhay natin."
Hindi makasagot ang ina. Patuloy lang sa pag iyak.
"Nancy, wala nang gatas ang anak mo!" tawag ni Mamay Elsa mula sa labas ng bahay.
Doon lang tila natauhan ang ina at bahagyang lumayo sa kanya saka siya tinitigan.
"Maayos din ang lahat ng 'to, anak. Basta manatili lang tayong matatag at lumalaban. Hindi tayo pababayaan ng Diyos," anito saka inayos ang mukha at lumabas ng bahay para salubungin si Mamay Elsa.
"May, ito po'ng 500. Sensya na po kayo, ginagawa ko po kayong yaya sa mga bata," anang ina sa matanda.
"Wala 'yon. Mas gusto ko ngang ando'n ang mga anak mo sa bahay nang may makasama naman ako. Kaya lang naubusan akong pera, eh wala nang gatas itong bunso mo."
"Ano, kelan ka babalik sa palengke? Iba muna ang pinagtinda ko do'n hanggat 'di pa gumagaling 'yang mukha mo."
"Ako po muna ang papalit kay mama. Kami ni Harold."
Nagulat ang matanda nang makita siya sa may pintuan ng bahay. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa kaharap na ina.
Sanay na siya sa mga pasabog kaya 'di na siya nagtaka kung bakit kahit pagdating kay Mamay Elsa ay ilihim din ng ina ang lahat. So, hindi totoong sa ama ang pwesto nila sa palengke. Pag-aari pala 'to ni Mamay Elsa, nakikitinda lang ang ina at ang puhunan ay galing din sa matanda.
"K-kaya mo na bang magtinda ng isda?" alanganing tanong nito.
"Opo. Tinuruan po ako ni mama no'ng nakaraang araw," sagot niya.
"Anak, 'di mo naman kailangang---"
"Hayaan niyo na ako, Ma. Mas maganda ang gano'n, para malibang naman ako."
Nang makita nito ang determinasyon niya sa sinabi'y 'di na lang ito kumontra.