[Now Playing: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko by Moira Dela Torre]
Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
***
- 50 YEARS LATER (THE FUTURE) -
Ang sarap talaga balikan ang mga araw noong kabataan pa lang kami. Marami na rin kaming pagsubok na pinagdaanan ni Billy at lahat ng iyon ay nalampasan namin nang magkasama.
Ngayon ay matanda na kaming dalawa ay masaya kami dahil matibay pa rin ang aming pagmamahal.
***
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko
***
"Wifey ko, masaya ako dahil hanggang ngayon ay matibay pa rin ang relasyon natin. Sana ay magtuloy-tuloy na 'to hanggang sa pagkamatay natin." sabi sa 'kin ni Billy.
"Sigurado naman akong nasa walang hanggan na ang pagmamahalan nating dalawa." tugon ko sa kanya.
***
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan natin
***
Pinagmasdan naming dalawa ang takip-silim.
"May kanya-kanya na ring pamilya ang ating mga anak. Kahit dalawa na lang tayo sa ating tahanan ay masaya pa rin ako dahil kasama kita." sabi sa 'kin ni Billy na ikinangiti ko.
***
Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
***
Kahit matanda na kami ay kinikilig pa rin ako sa mga salita niya. Feeling ko ay nasa 16 years old pa lang ako dahil sa mga banat niyang nakakakilig.
"Ako rin hubby ko. Masaya akong kasama kita kahit dalawa na lang tayo rito." tugon ko sa asawa ko.
Unti-unti nang dumidilim ang langit.
***
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
***
"Malapit na ring magsilabasan ang mga bituin. Kung may hihilingin man ako sa mga bituin, 'yon ay ang humaba pa ang buhay natin para mas tumagal pa ang pagsasama natin." sabi ni Billy habang nakatingin sa langit.
"Ako naman, ang hilig ko sa mga bituin ay sana magkasama pa rin tayo kahit nasa langit na tayo. Kagaya na lang ng mga magulang ko. Doon nila pinagpatuloy ang pagmamahal nila nang mamatay ang tatay ko." sabi ko kay Billy.
Pinagmasdan namin ang langit hanggang sa dumilim na ito. Lumubog na ang araw para magpahinga at maghanda sa panibagong araw.
"Tara wifey ko, matulog na tayo." sabi sa 'kin ni Billy.
Pinaandar namin ni Billy ang wheelchair namin papuntang kama para matulog.
Pagkahiga namin sa kama ay tumingin sa akin ang asawa ko.
"Goodnight wifey ko." sabi sa 'kin ni Billy.
"Goodnight din hubby ko." tugon ko naman sa kanya.
Sabay naming ipinikit ang aming mga mata.
Hanggang sa hindi namin namalayan na 'yon na pala ang huli naming gabi sa mundo.
***
Kahit maputi na ang buhok ko...
***
AUTHOR'S FINAL NOTE:
Maraming salamat sa mga nagbasa ng The Maid Meets The Hunks mula Book 1 hanggang Book 2.
Noong 2016 ko pa 'to sinimulan. High school pa lang ako ay sinulat ko na 'tong storyang 'to sa notebook ko hanggang sa napunta sa Wattpad account ko. Sa totoo lang ay nahirapan akong tapusin ang storyang 'to lalo na't nawawalan ako ng oras sa pag-wa-wattpad dahil sa mga school activies. Tapos ay kailangan ko pang basahin ulit o i-revised ang storyang 'to dahil nakakalimutan ko ito at maraming errors pa.
Ngayon ay natapos ko na ang storyang 'to ay makakahinga na rin ako nang maluwag. Masasabi kong ito ang pinaka-successful kong naisulat. Pero lahat naman ng kwento ay may katapusan at ito na talaga ang tamang araw upang tapusin ito.
May mga kwento rin ang iba pang characters ng The Maid Meets The Hunks pero maikli lang ito dahil sa dami ng mga characters. Ito ay kabilang sa 18 Serenaders Series na kung saan ay kasali si Billy Williams at pati na rin sina James, Fredison, Stevie, Jameshin at Aldren aka Kuya Tisoy at iba pa.
For the last time, maraming salamat sa mga sumuporta ng The Maid Meets The Hunks mula Book 1 hanggang Book 2.
I am Dyosa and this story is officially signing off.
- Dyosa