Chereads / Two Face by pinkyjhewelii / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

PINUNTAHAN ko si Kensh sa Hashtag bar kasi siguradong narito siya. Galing ako sa unit ni biatch para makipag-chikahan. Syempre tungkol kay Duke at sa pagsasabi niya sa akin na iu-unfriend niya ako dahil doon sa post ko na groupie namin na may nakakalong na babae kay Duke.

Nabanggit kasi ni biatch na bago ako dumating kanina sa unit niya ay galing daw doon si Kensh at kakaiba daw siya. Well, napapansin ko naman iyong kakaiba kay Kensh e. Minsan badboy siya pero minsan, napakainosente. Hindi ko din naman alam kung trip lang ba niya iyon o nagkakataon lang? I don't really have any idea.

Gusto ko lang malaman kung anong napag usapan nila ni biatch saka parang hindi ko maisip kung bakit kailangan pa siyang puntahan ni Kensh.

"Hi, Daddy!" Bati ko kay Tito Ken. Well, feel na feel ko talaga. Alam kong magiging father in law ko naman siya.

"Wala akong anak na mapanganib. Kaya utang na loob, kung akala mo hahayaan kitang lapitan si sperm, that's a no no!"

I rolled my eyes. Ang weird talaga nitong tatay ni Kensh e.

"I'm harmless naman po, Dad." Sabi ko.

"Huwag mo akong tawaging Dad. Hindi kita anak. Hindi kita matatanggap sa pamilya ko. Hindi ka karapat dapat kay sperm. Magkano ang kailangan mo?"

Gusto kong humagalpak ng tawa pero pinigilan ko. Kahit naman kakaiba itong tatay ni Kensh, I still need to respect him.

"Hindi ko po kailangan ng pera niyo, Tito Ken." Sabi ko. "Si Kenshin lang, sapat na sa akin. Siya lang."

"That's a no no! Hindi ako makapapayag! Irereport kita sa bantay bata!"

What the hell?! Ano ako, mashonda? At si Kenshin, five years old ganern?

"You can't do that, Tito Ken. Nasa legal age na po kaya kami." Sabi ko.

"Sa socco! Irereport kita. Pati sa NBI at sa CIDG!"

"But why?"

"May dala kang matalim na bagay. Bawal 'yan!"

Kung hindi lang siya tatay ni Kenshin baka nasabunutan ko siya like, seriously? Napailing nalang ako.

"Okay Tito Ken! I better go." Sabi ko saka nilampasan siya. Magkakahaba pa ang pag uusap namin at baka kung saan saan pa niya ako i-report.

I need to see Kenshin kasi naku-curious talaga ako sa pinag usapan nila ni biatch.

Lumapit ako sa bartender sa bar counter. "Hi! Where's Kenshin?" Tanong ko.

Malamang kilala naman nila si Kenshin 'no!

"Nasa VIP room 5 po. Kasama po si Sir Drake."

Oh I see. Palagi silang magkasama pero buti hindi nahahawaan ni Drake si Kensh sa pagiging boon eater niya at pagiging manyak.

Pero minsan manyak si Kensh...

Anyway, lumakad ako papunta sa VIP room 5 and knocked on the door.

Maya maya pa ay bumukas iyon at si Drake ang bumungad sa akin.

"Hi, TV!"

"Anong TV ka dyan?!" Tanong ko.

"TV. Flatscreen. Flat ka e." Tumatawang sagot ni Drake.

"Bwisit ka talaga! Umalis ka nga diyan. Kailangan kong makausap ng masisinsinan si Kenshin." Sabi ko habang tinataboy siya.

"Lmao."

Palagi  alang talaga 'yan ang lumalabas sa bibig niya. "Alis!"

"Bro, dito lang ako sa labas." Paalam niya kay Kenshin na seryosong nakaupo sa loob.

Pumasok ako saka ini-lock ang pinto. Gahasain ko na ba si Kensh? Omg solo ko siya dito!

"Bakit ka narito, Frey." Seryosong tanong niya. Napakalalim ng boses niya.

Naagaw ang atensyon ko ng alak sa ibabaw ng mesa. Hindi iyon basta alak lang. Mamahalin iyon at alam ko, matapang iyon. Bihira kong makita si Kenshin na hindi beer ang iniinom.

Umupo ako sa couch. "May itatanong ako. Galing ka ba sa unit ni biatch kanina? Why? Anong ginawa mo doon?"

Tumingin siya sa mga mata ko pero para akong natameme dahil napaka-intimidating. Iba ang awra niya. Hindi siya ang usual na sakto lang. As in, iba. May iba sa kaniya.

"Sinaktan ng kaibigan mo ang kaibigan ko. Tingin mo ba mapapalampas ko iyon?"

Napalunok ako. Bakit ang seryoso masyado? Wait, hindi ako sanay! Parang nakakatakot naman si Kenshin.

"Wait, what do you mean?"

"Mabait ako sa mabait, Frey. Gago ang mga kaibigan ko pero kapag sinaktan sila at ginago, putangina hindi ako basta uupo lang sa isang sulok. Mas demonyo pa ako sa demonyo."

Hindi ko alam kung bakit biglang nanindig ang mga balahibo ko. This is not the usual him. Napakalalim ng tono ng pananalita niya at kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-seryoso sa sinasabi niya.

"Ah... ano, meron lang siguro silang hindi pagkakaintindihan ni Duke." Sabi ko.

"She used him. Hindi pagkakaintindihan? Ginamit ng kaibigan mo ang kaibigan ko. And those kind of people? I hate them to death."

Napalunok na naman ako. Jusko, bakit ba talaga ganito si Kenshin? Pwede bang bumalik na siya sa pagiging inosente niya? Mas gugustuhin ko pa iyin kahit mabobo ako e kesa ganito. Hindi ako komportable.

"Kensh, siguro problema na nila 'yon? Kailangan lang siguro nilang mag-usap ng maayos."

Nabigla ako nang bigla niyang ibato ang bote ng alak sa pader. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko kumawala ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa gulat.

Sobrang kapal ng mukha ko pero aaminin ko, sa mga oras na ito, natatakot ako kay Kenshin.

"Problema ng kaibigan ko, problema ko din. Hindi ako papayag na ginaganun lang ang kaibigan ko. Putangina pala! Seryoso si Duke sa kaniya tapos lolokohin niya? I should have choke her to death."

Oh my gosh. This is not really him. He's too cruel. Ang dilim dilim ng awra niya.

"Kenshin..."

"Get out."

Awtomatiko akong napatayo. Nakakasindak siya. Na parang konting mali ko, masasaktan ako.

"Kenshin, let's stop talking about her. Hmm, ano, ah..." feeling ko nanggigilid na ang luha ko sa takot pero nilalakasan ko ang loob ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Napansin kong unti unting lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

He took a deep breath and looked at me again.

"I'm sorry. I ddin't mean to scare you."

"Kenshin..."

Uminom siya ng alak saka tumingin ulit sa akin. "Birthday ni Drake. Celebration mamaya sa unit niya. Pumunta kayo ni Cherrypink. Utos ni Duke." Sabi niya na parang walang nangyari, na normal lang ang lahat.

Muli akong umupo at ngayon, unti unting nawawala ang kaba sa dibdib ko. This is the real him. He's gentle. Hindi katulad kanina.

"Ah, ah, sige. Just tell me the address then I'll ask biatch to come."

Saglit siyang tumungo saka ginulo ng bahagya ang buhok niya. "Sorry, Frey. Nadala lang ako."

Tumango ako. "I-It's okay." Sabi ko kahit deep inside, natakot talaga ako.

Baka nadala lang talaga siya ng sobrang galit kay biatch. Sabagay, kung ako din naman ang nasa katayuan niya, magagalit din ako kapag niloko ang kaibigan ko. Tapos para pa namang kapatid ang turingan nina Kenshin at Duke. Well, silang tatlo pala. Kaya naiintindihan ko siya.

Mabuting tao si Kenshin. Alam ko 'yon.