Chereads / Guessing Game / Chapter 1 - Guess Who

Guessing Game

🇵🇭MYF
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Guess Who

Tanghaling tapat na ngayon. Kasing init ng ulo ko ang sikat ng araw dahil sa magaling kong kakaklase.No,let me scratch that first. Bestfriend ko nga pala..ata.

Bakit ata? Kase masyadong malabo.Malabo para sakin.

"Sorry na kase.Eto na nga ginagawa ko na oh.Nanginginig pa." Inangat nya naman nag kamay nyang may hawak ng ballpen para ipakita ang kunwaring panginginig na kamay nya.

Ngumiti pa sya na parang tuwang tuwa pa sya.

Pasalamat ka talaga gwapo ka.

Nasabi ko na lang isip ko.Hindi ko yun masasabe sa kanya ng harapan.Mahirap na baka lumaki pa ang ulo nya.

Isa pa,hiya ko na lang sabihin yun sa bestfriend ko no? Na slash ding..mahal ko.

"Ewan ko sayo Ian.Padating na si Sir Ramirez. Wala na talaga. Bagsak na tayo sa finals dahil sa kapabayaan mo." at naghalukipkip na lamang ako. I just rolled my eyes. This is so irritating.

Napakamalilimutin nya kasi. Alam naman nya na ngayon ang deadline ng project namin at malaki ang maidadagdag na points namin dun para sa grade namin sa third quarter. By partners kase yun,nagawa ko na yung part na gagawin ko habang sya hindi eh pa natatapos. Ilang stanza pa ang isusulat nya at may drawing pa yun.

Ten minutes na lang talaga. Ten minutes nalang dadating na si Sir. Sa tingin kaya nya matatapos nya yung kulang in ten minutes? Ewan ko na lang talaga.

"Chill lang Clyte,nararamdaman kong hindi tayo babagsak." Saka nya ko kinindatan habang may matatamis na ngiti ang sumilay mula sa labi nya.

Nalaglag na naman sa sahig yung puso ko.

Agad akong nagiwas ng tingin. Nagiinit na naman yung mukha ko.Mahirap na, baka mapansin nya. Sigurado akong tutuksuhin na naman nya ko.

"Uy yung bestfriend ko oh! Kinikilig na naman sa'kin. Gwapo ko talaga!"

Ganyan naman lagi ang ibinabanat nya sa'kin. Lagi nyang dinadaan sa biro kahit ang totoo eh nararamdaman na nyang totoo yung mga sinasabi nya. Na kinikilig naman talaga ako sa kanya.

Kahit naman hindi ko sabihin o aminin sa kanya, alam kong hindi sya manhid at nararamdaman nya yun. Yun nga lang,hindi pwede 'tong nararamdaman ko. Bukod sa 'bestfriends' lang kame. May iba syang gusto.

How ironic right? Mas close naman kami. Mas kilalang kilala nya na ako. So..bakit hindi na lang ako?

"Classmates!" Lahat kami eh agad na napalingon sa may pintuan.Alam naman namin na si Class President lang ang may ganong katinis na boses."Wala si Sir Ramirez ngayon.

Wala tayong klase sa Values now."

Napuno ng sigawan at pagbubunyi ang buong section namin. Kala mo naging palengke o amusement part ang room dahil sa pagsasaya nila. Ang syempre kahit naman ako..lalo na rin itong kalapit ko ngayon.

Syempre delay nga naman at magkakaron pa sya ng extension para matapos ang project namin. Napakaswerte lang talaga lagi ng isang ito aba.

"Sabe sayo eh." baling nya sa'kin habang napakalaki ng ngiti.

Nagiwas na naman ako ng tingin. Malapit na talaga. Malapit ng tuluyang lumaglag yung puso kong matagal ko ng iniingatang mahulog. Kasi kung hahayaan kong mahulog, hindi naman nya masasalo. Kaya hanggat kaya ko pa...titiisin ko.

"Pero may activity tayo."Natahimik bigla lahat at marami ang biglang nadismaya."At sabi ni Sir ako na bahala magisip kung anong pwedeng ipagawa ko sa inyo. Wag kayong magalala,masaya 'to." Ang creepy lang ng pagkakangiti nya.

"Ano ba yan."

"Wala nga si Sir may activity naman. Sadlife."

Ilan sa mga komento ng mga kaklase kong dismayang dismaya.

"Sa akin okay lang. Ang mahalaga,nadelay ang pagpass ng mga project."Kahit hindi ko sya tignan malamang ngiting ngiti sya ng tagumpay.

"Madali lang 'to! At masasabi kong..masaya." Ang laki pa ng pagkakangiti ni President habang nakaupo na sya sa teachers desk.

"Game na! Ano ba yan?" Isa sa mga kaklase ko ang parang naiinip na at excited at the same time.

Saglit na pumunta si President sa upuan nya at kumuha pa ito ng papel at ball pen. May kinuha pang chalk box sa likod ng tambakan ng mga fort polio.

"Tawagin na lang natin ang larong ito na.... GUESSING GAME." ang laki ng pagkakangisi ni President.

Napuno naman ng ibat ibang bulungan sa loob ng classroom.

"Guessing game? Parang ang boring." Bulong pa ni Ian,hindi ko na lang pinansin.

"Sows! Baka naman pang-matalino lang yan!" Sigaw ni Arthur,ang pinakamaloko sa klase namin.

"Don't worry guys,madali lang 'to. Uhm,let say na dito magkakalabasan ng sama ng loob,at libre nyong sabihin sa kahit na sinong kaklase natin ang gusto nyong sabihin sa pamamagitan ng kapirasong papel na susulatan nyo."

"Parang nakakahiya naman yun." React ni Natasha,medyo maarte naming kaklase.

"Nasan ang pag-guess dun?" Eto talagang si Arthur.

"Hindi natin ilalagay ang pangalan natin, pero ang pangalan ng susulatan natin ang dapat na nakasulat. Ang gagawin? Pag nabunot ko yung sinulat nyo,ang tatawagin ko ay ang pinatutungkulan nyo o yung sinulatan nyo."

Napaisip ako.

Kung meron man akong susulatan, malamang si Ian lang dahil sya lang naman ang madalas kong kausap at kasama kumpara sa mga kaklase ko.

Pero aano namang sasabihin ko sa kanya?

"Oy! Alam mo bang crush na crush na kita noon pa!? Ah mali pala..gusto na kita..matagal na. Kaso di mo naman napapansin edahil sabi mo nga? May iba kang gusto..kaya eto, hanggang pangangarap na lang ako sayo."

Tsk. Parang ang epic fail nun di'ba? Parang ang pathetic. Kababae kong tao, ako ang unang aamin sa lalaki.

Ar masakit mang isipin, alam kong hindi naman ako ang susulatan ni Ian. Panigurado ako, yung gusto nya lang dito sa klase ang susulatan nya.

Napakaswerte lang ng babae na yun.

Pero sabagay, hindi naman siguro nya malalaman kung ako nga ba ang nagsulat nun para sa kanya hindi ba?

Para naman lumuwag ang diddib ko.. at maamin ko na.

"Ano namang mapapala namin dyan?" Masungit na sabi pa nung isa naming kaklase.

"Just for fun okay? Isa pa-pag hindi nahulaan nung sinulatan kung sinong sumulat non para sa kanya,syempre may parusa sya. Pero kapag nahulaan nya naman kung sinong sumulat non para sa kanya, ang sumulat ang may parusa."

Wow? Mukha ngang masaya ah?

Parang bigla namang naexcite ang iba at parang minamadali na agad si President na magsimula na.

"Ano namang parusa? Make sure na mahihirapan ang paparusahan!" Grabe lang talaga itong si Arthur. How I wish now na hindi sya makahula.

"Pag hindi nahulaan ng sinulatan kung sinong nagsulat para sa kanya,one week cleaners sya. Pero kapag naman nahulaan nya,two weeks cleaner ang sumulat non."

Nice. Madali lang naman pala. Sana nga lang walang sumulat sa'kin na kinakainisan ako. Sana naman wala.

"At babasahin ko dito sa mismong harapan ang mga sulat nyo sa isat isa. Dapat din pala may name talaga ng nagsulat para malaman ko kung mali o tama kayo.Don't worry,safe ang identity nyo sakin sakali mang magkamali ang humula.Para naman malaman nating lahat kung gano na rin natin kakilala ang isat isa. Kung sino ang alam nating may galit satin,o who knows? Paghanga sa isat isa."

Sabay sabay na nag'ayie' ang mga kaklase ko. Mga nagsitilian, mga kinilig.

Mukhang pagkakataon na talaga ang nagbibigay sakin ng chance na makaamin ah?

Lahat naman naexcite na at nagsimula ng magsulat sa 1/4 sheet of paper.

Habang ako, lutang pa rin. Hindi ko sya magawang sulyapan. Baka madurog lang ang puso ko kapag nakita kung sinong sinulatan nya.

Susulatan ko ba talaga sya?

"Okay,five minutes to go. Dito nyo na ihulog sa box na hawak ko at dapat nakatupi na huh?" Paalala pa ni President.

"TssBahala na nga." Narinig ko pang bulong ng katabi ko.

Ayaw kong tignan ang pagsusulat nya, baka aksidenteng makita ko pa yung pangalan ng gusto nya.Mas mabuti na yung wala akong alam..iwas sakit kumbaga.

Bahala na rin.

Maya maya lang,lahat nakapagpasa na at kasama na rin ako. Hindi talaga ako sigurado o naiisip kong baka pagsisihan ko kung anong sinabi ko dun.

Pano kung mahulaan nya? Edi pahiya ako?

"Bunot na ko huh?" Natapos ng alugin ni President yung box ay lahat kami natahimik at abang na abang sa sasabihin nya.

Medyo kinakabahan ako.

"To Natasha." Lahat kami napatingin sa kanya at parang nagulat pa sya na may sumulat para sa kanya."Sabi nila,maarte ka daw. Pero they dont know na mabaet ka naman kahit ganyan ka. Alam mo ba? Noon pa gusto na kita. Lagi lang akong tinatamaan ng hiya para kausapin ka. Sana wag kang magagalit huh? Nagmamahal.."

Kinilig naman yung iba at naghiyawan. At si Natasha, parang naguguluhan at mukhang di pa ata alam kung kaninong pangalan ang babanggitin nya.

"Uhm? Hindi ko sure pero, si Den?" Lahat kami tumingin sa dereksyon ni Den Mark. Ang pinaka-nerd sa klase namin.

Biglang namula ang mukha nya at parang di sa amin makatingin. Tumungo pa sya at ilang na inayos ang salamin nya.

"Sorry Den, two weeks ha." Awkward pa na ngiti ni President kay Den.

Lahat naghiyawan at tinukso si Den. Si Arthur inakbayan pa ito at sinabi pang "you're the man dude!"

Nakakahiya pala pag tumama yung humula.

Pano kaya nahulaan ni Natasha yun kung hindi naman daw sila nagkakausap ayon na nga sa sulat ni Den?

Kinakabahan man ako, medyo nawawala naman sa twing ibang sulat ang mababasa.

Pano kaya pag yung sulat ko na ang mabasa?

"Reminder pala,so di ko babanggitin ang name ng sumulat pag di nahulaan ng sinulatan di ba? Siguro naman maraming magkakamali na manghuhula -kaya for sure maraming cleaners ng one week at di kayo mapapaghinalaan diba?" Sabay tawa pa ni President.

So far, halos lahat nakakahula. Kaya ang dami ng cleaners ng two weeks, baka mangintab na itong buong room namin pag nagkataon.

"To Ian." Biglang kumabog yung dibdib ko pagkasabi na pagkasabi nun ni President.

Shit! Akin na yun!

"Gusto kita. Gustong gusto kita. Hindi ko naman alam kung bakit at kung anong nagustuhan ko sayo. Basta gusto kita."

Napakagat ako sa labi ko. Napapikit saglit.Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Pakiramdam ko nanghihina na ang mga tuhod ko.

Paano kung mahulaan nya?

"Hanep Tol! Haha. Patay na patay ata sayo yan ah? Nakailang gusto." Panloloko pa ni Arthur. Ang daldal nya talaga, kalalaking tao.

"Uhm.." Tumingin ako sa kanya, parang nagiisip pa sya.

Ilang beses na akong napapamura sa isip ko. Sobrang sasabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Si.." nahawakan ko ng mahigpit ang palda ko sa kaba."Shiena?"

Parang tumigil ng ilang segundo ang mundo ko. Imbis na makahinga ako ng maluwag, parang nasaktan pa ako. Ramdam na ramdam ko. Yung disappointment at yung lungkot, naghalo.

Napapikit na lang ako ng madiin.

Ang sakit pala na iba talaga ang inaasahan nyang sumulat sa kanya.

"Oy! Di ako ha!" pagrereact naman ni Shiena.

"Haha! Wala akong maisip kaya ikaw na lang!" Sigaw pa ni Ian sa kabilang row kung naasan si Shiena.

Now I get it. Tama, mukhang sya nga. Mukhang si Shiena ang nagugutushan ni Ian. Shet lang. Bakit hindi ko agad naisip na posibleng sya nga?

Madalas ko naman kase sila makitang magusap, magtawanan, magbiruan, magharutan. So bakit hindi ko man lang naisip? Bakit ngayon ko lang napagtanto? Kung kailan mas nadurog ako.

Bagay din sila.

Gwapo si Ian. Maganda si Sheina.

Perfect match ika nga.

Sana pala hindi na lang ako nagsulat para sa kanya. Para naman hindi ko naramdamang kahit anong gawin ko, eh wala talaga akong pagasa. Eh di sana hindi ako nanlulumo ngayon. Hindi ko nararamdaman ang mabigat na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.

Sa ngayon, si President lang ang may alam na ako ang sumulat nun.Alam ko namang quiet lang sya. Alam kong hindi sya madaldal para sabihin kay Ian na ako yung sumulat non.

"Ikaw palang Ian ang nagkamamali huh? Sorry pero..one week." Sabay ngiti pa ng malaki ni President.

"Tss. Ayos lang, magiging worth it naman." Mahina pang sabi nya.

Bakit? Kase cleaners din ang grupo ni Shiena ngayong week na 'to?

Hindi naman kase nilinaw ni President kung sasama parin ang mga orinigal cleaners sa mga mapaparusahan eh.

"To Clyte." Mabilis kong tinigban si President at napanganga na lang ako sa gulat.

Grabe,totoo? May sumulat sakin? Sino naman yun? Hindi nga?

May inis ba sakin? May nagkakagusto din kaya ?

Magkagusto? Imposible yun.

Plain girl lang naman ako.Hindi ako nobody pero hindi rin ako popular. Hindi ako panget pero hindi rin ako maganda.

Kaya sinong magkakamaling magkagusto sakin?

"Una sa lahat...alam kong hindi mo mahuhulaan kung sino ako."

Alam mo naman pala sumulat ka pa.

"Pero gusto kong aminin sayo to dahil ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon. Salamat kay President, nagkaron ako ng lakas ng loob para sabihin sayo sa pamamagitan ng pakulo nyang activity na to."

Nag-peace sign naman sa akin si President saka nagpatuloy ng pagbabasa.

Ano yun?

"I'm just too coward to confess. I was too shy to admit. Hindi ko alam kung panong nangyareng isang araw, ikaw na yung laging bukang bibig ko sa ibang kaibigan ko. Ikaw na yung laging nasa isip ko pag gising at bago ang pagtulog ko. Hindi ko maintindihan pero kulang ang araw ko kapag hindi ko nakikita kung paano ka tumawa at pag hindi ko nakikita yang mga ngiti mo. Para sa'kin, yun ang drugs ko. Yun na ang kinakaadikan ko. Kays tanong lang, ginayuma mo na ba ako?"

"Yieee! Ang sweeeeeet!"

"Naks! Kakilig naman!"

Napuno ng tuksuhan ang buong room. Habang ako eh hindi ko alam kung paano ako magrereact. Pero deep inside, medyo natutuwa ako. Sana nga lang hindi ako trip lang ng nagsulat.

Awkward lang akongg ngumiti.

"Gusto kita Clyte...Gustong gusto kita."

Lalo pang nagsigawan ang mga malisyoso kong kaklase.

Oo medyo natuwa ako, pero mas matutuwa sana ako kung ang nagsulat nun eh ang taong gusto ko.

Ganun pa man, naa- appreciate ko naman at nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit ganito lang ako, nagustuhan nya ko.

Pero wala akong idea kung sino mang maaring magkagusto sakin.Di kaya trip lang talaga ako ng nagsulat?

"Hula na!"Sabay sabay na sigaw nila.

Mga excited. Bakit di kaya sila na lang ang humula?

"Ah eh..Hindi ko alam eh." Napakamot pa ko sa ulo ko sa hiya.

Ako lang kase ata ang sumagot ng ganito. Anong magagawa ko di'ba?

Alangang sabihin kong ang bestfriend ko ang sumulat non para lang may maisagot ako, sasabihin lang nun assuming ako.

Kahit nasa isip isip kong..sana nga sya na lang nga yun.

Kaso hindi eh, umaasa lang ako sa wala.Umaasa ako sa imposibleng mangyare.

Napatawa naman si President saka iiling iling lang na tinignan uli ang papel na binasa nya.

"Sabihin na nating kinausap ako kanina ng pinakatorpeng lalake na 'to na kung sakali mang mabasa ko n sya daw ang sinulatan mo..."

Huh? Ano daw? Hindi ko magets. Tapos nambibitin pa?

"Sabibin ko daw sayo.. na IKAW din ang sinulatan nya."

Bigla akong nanlamig sa kinakaupuan ko. Feeling ko kumakaripas sa pagtibok ang puso ko. Naghuhurumintado. Napaawang ang bibig ko sa pagkabigla.

Dahan dahan ko syang tinignan at nakita ko syang nahihiyang tumingin sakin, at unti unting matamis na ngumiti.

Napuno na ng tuksuhan sa pagitan naming dalawa.

Habang nalulunod ako sa mga titig nya, para akong pinagpawisan ng malamig.

Pero ang mukha ko parang nagaapoy na sa init...at sa kilig.

Totoo ba talaga ang narinig ko o nabibingi lang ako?

"IAN and CLYTE. Remember? One week cleaners kayo."

~

Guessing Game.

• COMPLICATED WITH A KISS STEALER

• ELITES (CWAKS #2 SERIES)

• MISS PAASA

• NONE OF THE ABOVE

Kindly read my other stories on Wattpad :) Just search @MaybeYoungForever . Thank you! :)