Chereads / Cellica Phantomhive / Chapter 1 - SYNOPSIS

Cellica Phantomhive

🇵🇭LanaCross23
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - SYNOPSIS

{ Azadistan Kingdom }

*Cellica pov*

Sakto na kaya ito tiningnan ko yung dalawang maleta ko na nakalatag sa paanan ng kama ko puno ito ng mga damit ko at iba pang mga personal na gamit, pati ang mga sketch-pad ko at mga canvas ay nasa loob narin ng maleta at nakaayos nang mabuti, mukhang mas madami pa yung mga gamit ko sa painting kesa sa mga damit ko hindi ko pwedeng iwanan ang mga gamit ko sa pagpipinta mahal ko ang mga ito dahil ito lang ang nagpapakalma sa akin sa tuwing nalulungkot ako o kaya nama'y nami-miss ko sina Papa at Mama pati narin ang kuya ko na matagal ko na rin na hindi nakikita.

Magdadalawang araw na ng biglaang sabihin ni Papa na kailangan kong pumunta ako ng Pilipinas, para doon mag-aral bagay na ipinagtaka ko pero nanatili na lang akong tahimik at hindi na nagtanong pa.

Alam kong may dahilan sila pero wala silang sinabi sakin kaya bilang isang mabait at masunuring Prinsesa, hindi ako tumangi sa kagustuhan ni Papa. Minsan lang siya humiling sa akin sila ni Mama kaya hindi na ako tumangi pa bukod doon nasa lugar din na iyon si Kuya Ciel ang nakatatanda kong kapatid.

Matagal na ring panahon ng makita ko siya halos limang taon narin ganoon na katagal. Miss na miss ko na siya wala akong balita tungkol sa kanya kung ano na ang kalagayan niya sa Pilipinas. Tanging sina Papa at Mama lang ang nakakaalam ng kalagayan niya doon at ngayon nga ay malapit ko nang makitang muli ang mahal kong kuya.

"Young Lady! Nakahanda na po ba ang mga gamit n'yo?" Si Miss Marga na pumasok sa aking silid deretso niyang inayos ang ilang kalat sa carpet sa paanan ng kama ko.

"Oo ayos na lahat pwede na natin itong isara" tugon ko sa kanya may dalawa pang maid ang pumasok at sila na ang nag-ayos ng dalawa kong maleta.

"Alam mo po ba kung bakit biglaan akong ipapadala sa Pilipinas ni Papa?" Tanong ko sa kay Miss Marga tumingin siya sakin at kita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Wala ako sa katayuan para magsalita Prinsesa," ramdam ko ang lungkot sa boses niya, hindi siya makakasama sakin ayon kay Papa, dahil alam kong mas kailangan siya dito nang Reyna ng aking ina.

Pagkatapos nilang maiayos ang mga gamit ko lumabas narin sila ako na lang at si Miss Marga ang naiwan kinuha ko ang bagpack ko at isang shoulder bag sa loob nito ay ang Cellphone ko, ipod, sketch pad at iba ko pang mga gamit.

"Prinsesa mag-iingat ka doon at wag mong babaguhin ang naka-ugalian mo" mayroong konting tuwa at lungkot sa matang turan ni Miss Marga saka ako yinakap ng mahigpit, sa halos labing limang taon niyang paninilbihan bilang taga pangalaga ko ay isa na siya sa mga tinuring kong pangalawang ina ang nakakaunawa sa akin sa lahat ng bagay siya ang pumupuno sakin sa mga panahon na nasa trabaho ang aking mga magulang.

Kaya isa siya sa mga mamimis ko sa pag-alis ko.

Nang makalabas kami ay nandoon narin sina Mama at Papa na naghihintay sa akin, likod nila ay ang pribadong eroplano na siyang maghahatid sa akin patungong Pilipinas.

"Ang mahal kong Prinsesa" naluluhang yinakap ako ni Mama kaya hindi ko rin mapigilan ang umiyak ramdam kong malaki ang pagtutol niya sa sa aking pag alis, subalit wala siyang magawa dahil ito ang kagustuhan ni Papa.

"Mamimis ka ni Mama sweety, lahat ng binilin ko sayo ay susundin mo maging mabait sa lahat ng oras, at nandoon ang kuya Ciel mo babantayan ka niya doon at poprotekrahan" tumango ako kay Mama, may nagbara sa lalamunan ko kaya impit na lang humikbi lalong humigpit ang yakap ko kay Mama.

"Mama ko" maya-maya pa ay may mas mainit na bisig ang yumakap sa amin ni Mama, si Papa na nanginginig pigil din ang emosyon ngayon ko lang naunawaan na labag sa kanila ang umalis ako pero may dahilan kung bakit kailangan kong mawalay sa kanila.

Kumalas na kami sa isa't isa habang si mama ay yakap ni Papa tumingin ako sa kanila, how i love my parents at ngayon pa lang ay natatakot na ako sa pag kakawalay ko sa kanila dahil ito ang unang beses na malalayo ako sa kanila.

"Cellica tandaan mo ang mga ibinilin namin saiyo ng Mama mo, tandaan mo mahal na mahal ka namin at magdarasal ka lagi at laging mag-iingat" muli akong yinakap nina Mama at Papa.

"Opo tatandaan ko po lahat"

Pagkatapos ng pagpapaalam ko sa kanila ay iginaya na ako ng isang bodyguard paakyat sa hagdan ng eroplano muli akong humarap sa gawi nina Papa at Mama at umiiyak na kumaway nakita ko din ang mga tauhan sa palasyo na nakatingin sakin kumaway din sila kaya lalo akong naiyak dahil maiiwan ko ang palasyo ang mga magulang ko at ang mga taong naging bahagi na nang buhay mula nang isilang ako sa mundong ito.

Nang nasa himpapawid na ako ay muli kong tiningnan ang byong palasyo namin ang buong Azadistan na naging tahanan ko simula ng mamulat ako sa mundong ito ang lugar at tahanan ko kung saan nabuo ako at nakasama ko ang aking pamilya na ngayon ay pansamantala kong iiwan at ang tahanan na aking pansamantalang lilisanin.

"Babalik ako!"