Chereads / YEXA ROSE: THE SHE DEVIL / Chapter 1 - YOUR FIRST MISSION-1

YEXA ROSE: THE SHE DEVIL

🇵🇭DiosameiWP
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 26.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - YOUR FIRST MISSION-1

"Yexa Rose, you are hereby declared as the top warrior of the Conclave. From now on, you will sworn to fullfil your duty and help us end the darkness of earth. By accepting this sword of truth means that you are prepared to give your life to Conclave by following the rules and orders that we're given to you."

Buong pusong tinanggap ni Yexa ang espada ng katotohanan. "Yes, by the grace of the Heaven! Tinatanggap ko ng buong puso ang tungkulin ko, Honchos." Nakatungo ang ulo at puno ng paggalang na wika ni Yexa.

Nang hawakan niya ang espada ng katotohanan ay bigla itong nagliwanag. Tanda na nagsasabi siya ng totoo at walang halong kasinungalingan.

"The sword of truth has finally spoken, ikaw, Yexa Rose, the daugther of Britton Mcdamon and Nym Rose, ay isa ng ganap na Moonchaser. Taga-lupil at magpapanatili sa kaayusan ng mundo. Stand up and be proud, warrior."

Tumayo siya at pagkatapos magpugay ng pasasalamat sa Honchos ay humarap siya sa mga taong naroon at naging saksi sa pagiging ganap niyang mandirigma ng Conclave.

Hindi niya napigilan ang maluha sa sobramg tuwa. Hindi biro ang pinagdaanan niya para lang makamit ang tinatamasa niya ngayon. Pawis at dugo ang naging lakas niya para makapagpatuloy sa matinding pagsasanay na ginawa niya sa Vyllak. Maging sa kanilang tahanan ay walang sinasayang na oras ang kanyang ama at sinasanay siyang gamitin ng maayos ang kanyang kapangyarihan.

"Isuot mo ang singsing na ito, bilang iyong sandata. Sa oras na maisuot mo ito ay saka mo malalaman kung anong klaseng sandata ang nararapat para sa pakikipaglaban mo." An acolyte handed her a black metal ring.

Nang isuot niya ang singsing ay napadaing siya, parang may bumaon na punyal sa kanya ngunit saglit lang iyon. Biglang nagbago ang hugis ng singsing at parang ugat na pumulupot sa kanyang daliri hanggang sa kanyang pala-pulsuhan.

Latigo! Iyon ang unang pumasok sa kanyang isip sa nakitang anyo ng kanyang sandata. Para namang may isip ang kanyang sandata na bigla na lang humaba at sumadsad sa lupa.

Halos lahat ng naroon ay napasinghap sa nakitang pagbabagong anyo ng kanyang bagong sandata. Hindi isang ordinaryong latigo ang nakikita nilang lahat ngayon. Ito'y isang latigo na nababalutan ng bulaklak na rosas! Kay gandang tingnan! Sa umpisa ay hindi iisipin ng nakararami na iyon ay isang sandata na kayang tumapos sa kahit anumang uri ng nilalang na pupuluputan nito.

"Ang sandatang iyong hawak ay puwedeng magpalit ng anyo kapag iyong ginusto. Ang taglay mong kapangyarihan ang susukat kung gaano kalakas at kapanganib ng iyong sandata. Tandaan mo lamang na ang paggamit ng sobrang kapangyarihan ay hindi makabubuti sa iyo at sa lahat," pagpapaalala sa kanya ng Honchos.

Magalang siyang tumango at pinagmasdang mabuti ang kanyang bagong sandata. Wala pa siyang nakikitang ganitong sandatang ginagamit ng mga Moonchaser. Kung hindi pana, espada ay patalim ang karaniwang binibigay ng singsing sa mga napipiling mandirigma.

Bumalik ang orihinal na anyi ng kanyang sandata ngunit hindi na gaya kanina na itim na metal na singsing. Naging pulang rosas ito na nanatili sa gitnang daliri niya at ang tangkay naman nito ay gumapang sa kayang kamay at pumulupot.

'Ang ganda!' puno ng paghangang wika ni Yexa sa kanyang isip.

Itinaas niya ang kanyang kamay sa ere at pinagmasdan ng maigi ang singsing at bracelet na hugis rosas. Talagang kakaiba at kahanga-hanga! Tunay nga talagang mahiga at binabalot ng kakaibang kapangyarihan ang singsing na ibinibigay ng Conclave!

"Congratulations! Yexa Rose, you are now officially the head of the Moonchasers!" nakangiting anunsyo ng Honchos.

Nagpalakpakan ang mga taong naroon at naging saksi ng seremonyas. Humarap siya sa mga ito at magalang na nagpasalamat.

KUNG ANG MGA ordinaryong tao ay nagsasaya at naghahanda kapag nakatanggap ng malaking karangalan mula sa mga tinuturing na matataas na tao sa kanilang lipunan ay hindi naman iyon nangyayari sa kanila o mas tamang sabihin sa kanya.

Pagkatapos ng seremonyas ay dinala agad siya ng kanyang ama sa Verbeck Institue para mamuno sa pagdakip sa isang bampirang lumabag sa batas ng Conclave.

"This is your first mission as the head of Moonchasers, bring that son of a bitch here alive. Huwag mo akong ipapahiya, Yexa," bilin ng kanyang ama sa kanya habang sakay sila ng elevator.

"Yes, Sir," walang emosyon niyang sagot sa kanyang ama.

Sa loob ng labing-walong taon ay sinanay siya ni Britton na makipag-usap dito ng pormal at iwasang tawagin niya itong Ama sa harap ng maraming tao. He even teach her to hide her feelings and not let her emotions ruin her.Kaya naman lumaki siyang walang kaibigan na maituturing.

"Mamatay ka kapag pinairal mo ang emosyon sa sistema mo. Magiging mahina ka at pagtatawanan ka ng lahat! Tandaan mo ang sinasabi ko, Yexa. The moment you let your emotions, that's the day of your end." Naalala ni Yexa na laging turan sa kanya ni Britton kapag nag-eensayo sila.

Tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa destinasyon nila. Pinatigas ni Yexa ang anyo niya at itinago ang lahat ng emosyo gaya ng bilin ng kanyang ama.

Tumambad sa kanila ang limang ka-tao na nagpupulong at nakatayo sa isang mahabang mesa. Lahat ay tumingin sa gawi niya at gaya niya ay wala ring emosyon ang mga mukha ng mga ito.

"Britton Mcdamon! At last you made it to finally come here, the bad thing is, you're only going to escort your precious daughter and will leave immediately," nakangising saad ng lalaking prenteng nakaupo sa dulo ng mesa.

Naramdaman ni Yexa ang galit na lumukob sa kanyang ama. Palihim niya itong sinulyapan at saglit na natigilan nang makita ang galit na rumihestro sa mukha ni Britton, ngunit agad ding nawala iyon at puno ng pagmamalaking nagsalita.

"Yes! I finally did it! I'm very proud that my daughter finally gets in and be the head of Moonchasers. Alam mo ba ang ibig sabihin niyon? Bilang na ang araw ng pananatili mo rito at puwede ka nang bumalik sa Vyllak at mag-train ng mga bagong cadets."

Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki, para bang nakahanda ang mga ito sa isang labanan na walang kasiguruhan kung sino ang unang susuko.

Sinulyapan niya ang lalaking nakaupo, higit ngang malakas ito sa kanyang ama ngunit kung ang pagbabasehan ay ang experience sa pakikipaglaban ay malinaw na malinaw na matatalo ito ng kanyang ama.

Natigilan siya at mabilis na nasalo ang maliit at manipis na punyal na ibinato sa kanyang ama. Kung hindi matalas ang kanyang pakiramdam at mabilis na pagkilos ay tumama na ang punyal sa noo ni Britton.

Naramdaman niya ang pagkahiwa ng kamay niya at ang pagpasok ng lason sa katawan niya. Mabuti na lang at immune siya sa lason kaya walang iyong epekto sa kanya pero kung tumama iyon sa kanyang ama ay tiyak niyang mamatay ito agad-agad.

Dahil sa isiping iyon ay dinurog niya ang punyal sa kanyang kamay at mafalim na tiningnan ang mga taong nasa paligid niya.

Nakabalndra sa mga mukha nito ang pagkagulat sa ginawa niya at kahit ang kanyang ama ay natigilan sa ginawa niya.

Nanatili ang tingin niya sa isang paru-paro na nakadapo sa bulaklak na nasa ibabaw ng desk sa di-kalayuan sa kanila.

"Huwag mo nang hintayin pang lapitan kita dahil kapag ginawa ko iyon, titiyakin kong ikaw ang unang makakalasap ng latigo ko," nagbabantang turan ni Yexa at matalim ang tingin sa paru-paro. Alam niyang naririnig siya nito kaya hindi na niya kailangan pang sumigaw at lapitan agad ito.

Nakarinig sila ng mahinhing halakhak at ilang sandali lang ay nagpalit ito ng anyo at naging isang diwata.