Chereads / Embers of Ardor / Chapter 5 - Russian Roulette

Chapter 5 - Russian Roulette

"Can somebody dispose the body? Thank you!" Sheena picked up the revolver close from the dead man's hand and walked over his body, her boots stepping on the puddle of his blood. Her bloodied footprints marked on the pavement as she walked towards us. Kung kanina lang ay kalmado siya, ngayon ay may kakaibang aura nang lumalabas sa kanya. It reminded me of a fallen angel seeking for vengeance, as if her master created a monster within her.

"No thanks, Sheena! We hate dirty work!" She rolled her eyes at her companions. "Then get a fucking associate! Useless bulk of muscles—…piece of shits..." She muttered the last sentence and faced us. After a few minutes, pumasok na ang associate at hinila ang katawan ng lalaki. Hindi nakatakas sa paningin ko ang nakabukas na mata nito na nakatingin sa kawalan.

Kahit na wala na ito sa eksena ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang imaheng iyon. What if it was me? Imagining me in his place sent shivers down my spine as I felt my knees tremble in fear.

Is this what you want, Adora? Why are you even here?

How is this thing even helpful for me?!

"We forfeit our application!" Lancelot declared as he pulled my wrist but I was still frozen in my spot. Iginala ko ang mga mata ko sa garaheng iyon and again, siya na naman ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng init sa dibdib ko dahil sa titig ni Damon. It's as if anger ignited within me, giving me the strength and push I needed.

Naalala ko na ang pakay ko dito. I said I'm pushing myself into their world to be like them, think like them, in order to find that son of a bitch who took away my father's life! I will not die in this pathetic place at hindi matatahimik ang kaluluwa ko until I finish my mission.

Once a Montecarlos engraves her word on the stone, it is her law.

"Adora! Let's go!" Nagmamadaling sabi ni Lancelot nang tutukan siya ng baril ng isa sa mga members. Hinila ko ang palapulsuhan ko bilang pagtanggi sa alok niya. Nanlaki ang mga mata niya at naguguluhang umiling sa akin.

"What the fuck—"

"Montecarlos disagrees with your pathetic suggestion, Sevilla. I'm giving you 10 seconds to leave or you'll play Russian roulette with 6 bullets." Babala ni Sheena habang ang isang miyembro ay idiniin ang baril sa sentido ni Lance. I refused to look at him any further dahil buo na ang desisyon ko at ayaw ko na itong baguhin pa.

"Please, be safe. I'm sorry." Tanging sambit ni Lance sa akin bago siya umalis. Hindi pa rin ako kumibo hanggang sa narinig ko siyang lumabas ng pinto.

It was nice seeing you again, Lance. I promise that I'm going to live tonight. After all, I haven't met your wife and child yet.

"Make sure he stays silent about tonight." Sinamaan ko ng tingin si Sheena pero ngumisi lang ito sa akin. "Don't worry, it's just a silly message! Your ex is safe! We don't want police coming at us while we celebrate." Tinapik niya ang balikat ko at nakaramdam ako ng pagkairita sa kanya. Kumunot ang noo ni Damon at may binulong kay Donovan na kararating lang. Hawak-hawak niya pa ang kanyang helmet at bike gloves habang nakatingin sa akin. Bumulong pabalik si Donovan at umalis na rin ito pagkatapos.

"You're next, by the way. Let's see what luck's got for you tonight." Inabot na ni Sheena sa akin ang revolver pagkatapos niya paikutin ang chamber ng ilang beses na parang isang laruan. Tinitigan ko ito ng ilang sandal at huminga ng malalim.

Focus, Adora.

Unang pumasok sa isip ko ang 4th chamber at 6th chamber. I believe the bullet's in one of those chambers. Ang problema ngayon ay kung ano ang pipiliin ko. It's a fucking bet of chance, after all! A mistake is my death! My death is the end of my father's justice.

"What's your bet?"

"I… bet on the 6th." Buong tapang kong sagot at umupo na sa upuan. Narinig ko nanaman ang bulungan ng iba tungkol sa kanilang pusta and it distracted the hell out of me.

Shit, what if it's the 4th?

Fuck, now my mind is telling me it's really the 4th chamber!

"Okay, you are to shoot your bet at that wall on your 6th shot only." Aniya na parang nabasa ang iniisip ko. Humalakhak siya at tumingin sa ibang direksyon na parang may inaasar. "Work your luck, Montecarlos."

Inilapit ko na ang nguso ng revolver sa aking sentido habang bumibigat ang bawat paghinga ko. Now that I think about it, what if it's the 1st chamber? Ahh, shit! Trust in your guts, dammit! It saved you a lot of times already. Ngayon ka pa magdadalawang-isip?!

Nanunuyo na ang lalamunan ko kaya lumunok ako. I closed my eyes and immediately pulled the trigger but it just made the clicking sound, meaning that it was empty. A big sigh of relief escaped my lungs but my hand was shaking more than ever. Binaba ko muna ang revolver para ipakalma ang sarili. Tuloy pa rin ang panonood ng lahat and it was pressuring!

2nd chamber, click!

3rd chamber, click!

Next is the 4th chamber. I was really tempted to shoot it at the wall but Sheena's warning look suggested me otherwise.

4th chamber, click!

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baril dahil sa ligaya. It's really the 6th chamber! Naramdaman ko ang luhang nagbabadya sa aking mata dahil dito. Walang pag-aalinglangan kong itinutok muli sa aking sentido ang revolver nang may ngiti sa labi. I was about to pull the trigger again nang may malalim na boses na umalingawngaw sa lugar kaya napatigil ako.

"I'm getting bored of this, Sheena. Russian Roulette na lang ba lagi ang Final Rights natin?" Napatingin ako sa gawi ni Damon. Tahimik ang lahat kapag siya ang nagsalita, hindi gaya ng kanina.

"What? Don't tell me you're feeling sick of seeing dead bodies already?" Umiirap na sumagot si Sheena.

"Paulit-ulit na lang! Be creative."

"Tsk! Alright, your majesty!" She mocked and faced me. In a split second, her face lit up and she smiled evilly. "I'm changing the rules. All 4 applicants will play Russian roulette!"

W-what?! Nagkatinginan kaming apat pero hindi sila ang inaalala ko kundi ang sarili ko. Uulit na naman ba ako?!

"However, hindi sa sarili niyo ito ipuputok, kundi sa katabi niyo. Isn't that better? Ipagdasal niyo na lang na hindi kayo mapatay ng kasama niyo!" Dahil hindi kami kumibo sa kabaliwan niya, tumingin sa paligid si Sheena para humingi ng kakampi. Sumang-ayon ang karamihan kaya iyon ang ginawa namin.

Apat na lang kami kaya ang bawat isa ay may nakatutok na revolver na sa ulo ng kaharap niya. Kumbaga, we were forming a square with our arms stretched out to aim at one's head with precision. Gamit ko pa rin ang revolver mula kanina pero ipinagdadasal ko talagang hindi ako mapatay ng taong nakatutok sa akin ngayon. The person in front of me won't die though because my bullet is in the 6th chamber, I'm really sure of that!

"Once you hear the bell, pull the trigger without thinking! After this round, the survivors become our associates. Good luck, guys!"

Fuck, now I'm not sure anymore! Sana lang ay walang bala sa chamber ng taong nasa likod ko. Huminga ulit ako ng malalim habang naghihintay ng signal. Ang babaeng kaharap ko ngayon ay wala na sa sarili. Tulala lang siya habang sinusundan ang utos ni Sheena. I won't end up weak like her. Never!

Pagkatunog ng bell ay walang pag-aalinlangan kong pinaputok ang baril pero nagulat lang ako ng tumalsik na naman sa pisngi ko ang dugo at ang babaeng kaharap ko ay nakahilata na. My eyes widened at the sudden realization that shocked me.

The bullet was in the 5th chamber!

Oh, shit! I almost died back there!

Pumalakpak ang mga tao sa paligid ko and they congratulated me na parang walang nangyari. I just realized na may namatay pang isa at dalawa na lang kami ngayon. It was a short guy with glasses too. However, the rim of his glasses prevented me from assessing his face properly but I didn't care that much. Ang importante ay buhay ako ngayon. Tinuruan na kami ng handshake na exclusive para sa mga associates. Kung ano ang mga magiging trabaho ko dito ay hindi ko pa alam. Basta ang sinabi sa amin ay pag-uusapan na lang sa General Assembly.

As the two bodies were disposed, I watched Damon leave with Sheena in his car. Nang umandar na ang kotse ay sakto namang dumating si Donovan gamit ang motor niya. Habang tinatanggal ang helmet at gloves ay lumalapit siya sa akin. Malaki ang ngisi niya na para bang tuwang-tuwa pa siya sa sinapit ko!

"Congrats, rookie! Associate ka na namin sa wakas--" he beamed like an idiot pero sinapak ko siya sa mukha para iparamdam sa kanya ang gigil ko. Wala man lang moral support mula sa lalaking ito!

"you left! Our friendship is over!"

"Fuck—that hurt! Feisty, aren't we?! Napag-utusan lang ako and I knew you'd live. Your intuitions are always right. I can't wait for you to grow in our org, Adora!"

You're wrong! Kung hindi lang dahil kay Damon ay isa na ako sa nililigpit kanina! Merde!