Jessica Pangelinan is a gorgeous woman na punong-puno ng kabiliban sa sarili, isa siya sa mga tinatawag nating GGSS o Gandang Ganda Sa Sarili, hindi naman natin maitatanggi ‘yon dahil talaga namang may maipagmamalaking ganda si Jess, marami ang mga nahuhumaling sa kaniya at lihim na humahanga.
Ang problema nga lang, kung ano’ng ikinaganda ng itsura niya ay siya namang ikinapangit ng ugali niya, nag-iisa nga lang ang kaibigang me’ron siya dahil sa katarayan niya.
Pero 'wag ka, kahit demonyita ang lola niyo ay wagas naman kung magmahal ‘yan, kaya nga labis talaga siyang nasaktan nang makipaghiwalay sa kaniya ang nobyo niyang si Carl, at ipagpalit pa sa isang napaka-guwapong bakla.
At dahil sa sakit na kaniyang naramdaman, nakabuo siya ng plano, na maghiganti sa malandi niyang ex-boyfriend.