Chereads / Getaway / Chapter 3 - II

Chapter 3 - II

PINAGMASDAN ni Sandro ang mga tao. Halos lahat ay nakikinig sa kaniya. Nakita niya ang kaniyang ama't inang todo ngiti sa kaniya kaya naman napangiti rin siya. Nabaling ang atensyon niya sa puwesto kung nasaan nandoon ang mga Villanovo. Agad na nakuha ang atensyon niya ng dalagang nakaputing dress. Si Liv Villanovo iyon kung hindi siya nagkakamali.

Pagkatapos niya ay si Lar Villanovo naman ang nagsalita kaya medyo tumabi siya sa gilid ngunit nanatiling nakatingin sa dalagang kanina pa niya pinagmamasdan. Nakaputi ito katulad niya kahit na asul ang kulay ng partido ng kapatid nito kaya naman bahagya siyang napangiti. Hindi ba nito alam na asul ang kulay ng partido ng kuya niya?

Napailing siya at naisip na may parte sa kaniyang naiinis nang kaunti rito sapagkat abalang-abala ito sa kausap sa telepono kaya paniguradong hindi nito pinakinggan ang sinabi niya kanina. Napalingon si Sandro sa sekretarya na kanina pa may kausap sa telepono niya. Kinuha na niya ang pagkakataon upang umalis sandali sa gitna ng entablado habang nagpapakilala ang kapwa kandidato na siyang nagsasalita ngayon.

"I already told you, Ma'am. This is Mr. Sandro Artega's-"

Hinablot ni Sandro ang telepono mula sa pagkakahawak ng sekretarya at agad na binaba ang tawag.

"You shouldn't answer my phone calls." Wika niya sa dalaga kaya naman napayuko ito.

"I-I'm sorry, Sir." Saad ng dalaga na tinanguan lang ni Sandro at naglakad na muli sa entablado.

Napatingin si Sandro sa telepono nang magvibrate muli ito at nakitang may tinatawagan na naman si Liv kaya nang siya na muli ang magsasalita ay sinagot niya ang tawag.

"This is Sandro Artega." Wika niya. Nakita niyang natigilan ang dalagang kanina lang ay abalang-abala sa kausap niya sa telepono.

"How may I help you, Miss?" Dahan-dahan itong tumingala hanggang sa magkatagpo ang kanilang mga tingin.

Natigilan si Sandro.

Ngayon lang niya nakita nang harapan ang dalaga at hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y nawala sa normal na ritmo ang pagtibok ng kaniyang puso. Pakiramdam din niya'y mas uminit ang buong paligid. Ngunit kahit na hindi siya komportable sa kakaibang nararamdaman niya ngayon habang nakatitig sa dalaga, nanatiling nakapako ang mga tingin niya rito. Tila ba hindi na niya magawa pang tapusin ang pakikipagtitigan sa maaliwalas na mga mata nito.

Ngunit dahil nga lahat ng bagay ay may katapusan, natapos din ang kanilang pagtititigan nang ibaling sa iba ng dalaga ang kaniyang tingin at dali-daling tumayo't umalis kung nasaan sila.

Bahagyang napangiti si Sandro habang pinagmamasdan ang dalagang nagmamadaling umalis dahil sa kahihiyan atsaka muling ibinaling ang tingin sa mga taong nakatingin sa kaniya ngayon.

"This is Sandro Artega." Ulit niya sa sinabi niya.

"I am Sandro Artega and I will do everything to help each and every Filipino have a better life."

"Gagawin ko po ang lahat upang mas umunlad ang ating mga pamumuhay, lalo na sa mga mahihirap. Alam ko pong hindi magiging madali, alam niyo rin po iyon ngunit kahit na mahirap at kahit paunti-unti lamang ay gagawin po natin ang ating makakaya upang magkaroon tayo ng magandang buhay at magandang kinabukasan para sa mga kabataan." Wika niya.

"HOW can I be so stupid!" Inis na pagdadabog ni Liv.

Agad siyang nag walk-out kanina nang hindi na niya makayanan ang pagtitig ni Sandro Artega sa kaniya. Hindi niya alam paano nangyaring number iyon ng binata o kung paano nalaman ng binata na siya ang tumatawag dito pero sigurado siyang naiinis siya sa kahihiyang iyon. Pagkamalan ba naman niyang batugang boyfriend ng kaibigan niya ang isa sa mga pinakahinahangaang pulitiko ngayon?

"And how come you gave me the number of THE Sandro Artega? My God, Caden!" Lingon niya sa kaibigan.

"I didn't know!" Sagot ni Caden at kinuha ang papel na hawak-hawak ni Liv.

"I swear this is Mel's number." Pinakita ni Caden ang mga numero kay Liv.

"But you saw everything, that's Sandro Artega's number!" Sagot ng dalaga.

"Give me your phone." Caden demanded. Sinunod naman ni Liv at tinignan ni Caden ang call logs ng dalaga.

"Yes. You are indeed stupid, Liv Aveline Villanovo." Ani ng binata matapos titigan sandali ang mga numero sa papel at call logs kaya tumabi sa kaniya ang dalaga upang tignan ang tinitignan niya.

"How come you dialed 904 instead of 684?" Saad pa ni Caden habang tinitignan ni Liv ang mga numero sa papel at ang mga numerong tinawagan niya.

"Then how can this world be so little! Dalawang numbers lang and yet I called an existing number, owned by a Sandro Artega, which by the way my brother's biggest opponent this incoming election!" Liv frustratingly ranted.

Natawa nalang si Caden sa kaibigan. Paano nga nangyaring ang tanga-tanga nito pumindot sa sariling telepono?

"Calm down. I'm quite sure wala naman masyadong nakapansin. Plus, Sandro Artega wouldn't dare get himself involved in a controversial issue." Ani Caden.

"I don't care about that Sandro Artega." Sagot ni Liv.

"What I'm worried about is my family's say on this."

BUONG byahe pauwi ay tahimik ang lahat at ngayong pagkapasok na pagkapasok nila sa pinto ng kanilang bahay ay agad na humarap kay Liv ang ama at sinigawan siya nito.

"How can you so stupid, Liv?!" Sigaw ni Arthur, ama ni Liv.

"Dad, it's not her fault-"

"Stop taking her side, Lar! Kaya hindi na tumino-tino 'yang buhay ng kapatid mo dahil lagi mong kinukunsinte at isa ka pa!"

"Paano kapag natalo ka dahil sa ginawa niyang kapatid mo?" Galit na tanong ni Arthur.

"Dad! Paano magiging kasalanan ni Liv kung matalo ako? I don't really get your point!"

"Please! Stop it! All of you!" Sigaw ni Leah, ina ni Liv.

"Why can't the both of you be just like Lex?!" Saad ni Arthur bago maglakad paakyat ng hagdan.

Napaupo agad si Leah sa sofa pagkaakyat ni Arthur kaya tinabihan siya ni Liv.

"Ma-"

"Stop. I don't know what's your reason but just stop. Patahimikin naman natin ang bahay na ito." Putol ni Leah kay Liv.

"Bakit ba kasi si Kuya Lex nalang lagi ang tama sa mga mata niya." Wika ni Lar na tinatanggal ang pagkakabutones ng unang butones ng kaniyang polo.

"Because it's true. Never kaming nahirapan sa pagpapalaki sa Kuya Lex niyo." Saad ni Leah at umakyat na rin.

And there goes perfect Lexus Avendaño Villanovo again. The perfect child, the perfect person Lar and Liv will never be.

Lar is already 35 years old and Liv is 25 but still, they can't help but to get jealous to their eldest brother Lex, a 38-year-old senate president. Ito lang ang laging napapansin ng kanilang mga magulang mula pa noong mga bata sila, kahit si Liv na 13 taon ang agwat dito sapagkat bata palang siya'y lagi nang sinasabi ng kaniyang mga magulang na mabuti pa ang Kuya Lex niya, matalino at masunurin. Kahit kailan ay hindi nito binigyan ng sakit ng ulo ang kanilang mga magulang.

Napapansin lang naman sila ng mga magulang nila kapag may nagagawa silang mali at maririnig na naman nila ang pangalan ng kanilang santong kuya na kailangan daw nilang tularan. Pero para kanila Lar at Liv na natatanging magkakampi sa pamilya nila, kailanma'y hindi nila tutularan si Lex--never, not over their dead bodies. Lex is a monotonous puppet of their parents and they will never be like him.